Wednesday, October 31, 2012

Hindi naman lokal na selebrasyon ang haluwin.



Bukas Nobyembre na at ehem, wala pa ring sweldo galing sa gobyernowz. Kapag sa pasukan ng ikalawang semestre, wala pa rin akong sahod, aba, tuluyan na akong magiging j3j3mOn Pho3WhhZz. Peksman.

Uuwi ako ngayon at baka hindi makapag-online ng ilang araw. Baka ha, baka. Probinsya kasi kami na pinaghalong pangingisda at pagtatanim ng tubo ang pangunahing pinagkakakitaan. AT hindi lifetsyle ang pagkakaron ng wifi sa bahay. Para lang yun sa mga may kayang taga-lungsod at ginagawang bakasyunan ang bayan namin. Parang ikaw na nagbabasa nito. Lols.


Anyways, ako ay masayang magbabyahe pauwi. Apat na oras na nakaupo. O nakatayo sa bus. Depende sa dami ng sabik umuwi o magbakasyon sa aming bayan na napaliligiran ng dagat na siksik sa isdang galungong at tanige. Pero yakang-yaka yan. Apat na oras nga ako umakyat ng bundok nun na walang paghahanda eto pang pagtayo sa bus na halo-halo ang amoy na airfreshener ang di kakayanin. Lalaban si Palaboy.

Dadalhin ko ang Perfume ni Patrick Suskind. Akma ang istorya sa panahon ng mga yumao. Sa tahimik na mga panahon katulad nito, gusto ko magbasa ng istorya ng pagpatay. Hihi.

Dalangin ko na makabakasyon kayo ng husto. Magamit ang oras para komonekta sa mga pamilya at kaibigan. At makapagpahinga talaga. Malayo sa stress ng pang-araw araw natin buhay.

Kung kayo ay katulad kong sa probinsya naghigh school, malamang na ang November 1 ay reunion ng mga magkakaibigan, kabatch at mga ex na kinalimutan na. Pag-uusapan ulit yung mga nakaraang relasyon at makikita kung paano nagbago ang lahat pero hindi pa rin naka-move on ang mga tao sa alaala noong panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.

Buti na lamang at nawala ang friendster na saksi sa mga kakornihan namin noon. Yang mga testimonials na yan, hadlang ang mga yan sa aking pagtakbong senador sa susunod na eleksyon. Masyadong madaming pangblackmail dun. Haha. Sandali ang random na ng mga sinusulat ko.

Basta isa sa gagawin ko ay maghanap ng puntod na mas matanda sa 1930. Taon-taon ko yang ginagawa. At two years ago pa yung 1930. Hindi ko alam kung may mas matanda pa sa puntod na yun sa semesteryo malapit sa amin.

Pag di ako nakatiis, hahanap ako ng paraan mag-online. See you all when I see you!

36 comments:

  1. Musta? Dama kong magugustuhan mo yang Perfume na yan. Ang galing. Nakakatakot, nakakakiliti ng imahinasyon.

    Nga pala, isa yata ako sa sampung tao sa Pinas na hindi nagka-Friendster. Pero ngayon naman, parang binabawi ko ang lahat sa Facebook. Hehehehe.

    ReplyDelete
  2. see you when i see you sir! sakto ang post mo dahil kakauwi ko lang. natawa ako sa friendster testimonial. naka-relate!

    ReplyDelete
  3. Ser Peter, excited nako mabasa tong Perfume na isa sa mga na- hord ko sa MIBF this year.

    Baliktad tayo. Ako naman ang walang FB. O nagtanggal ng FB, dalawang buwan na. Mas matiwasay at tahimik ang buhay. Haha.

    ReplyDelete
  4. Daddy Chee, uy masaya ako na nakauwi ka na sa inyo :) I'm sure, namiss ka rin ng anak mo :)

    Happy bakasyon sayo :)

    ReplyDelete
  5. Talagang kelangan may "Ser"? Hehehehe. Yang librong yan, sobrang sarap pag-usapan. Nagpunta lang ako sa MIBF nung last day na, kasi galing akong business trip. Buti nga umabot pa ako sa last day. Hirap ma-break ang tradition! Mga 18 years na akong pumupunta ng MIBF.

    Parang gusto kong ulit basahin yang Perfume na yan ah.

    ReplyDelete
  6. syempre ser. may paggalang dapat. grabe, esteemed blogger ang kausap ko sa espasyo ko.

    first time ko sa MIBF bilang isang mahirap na probinsyanong nahilig sa libro simula bata. at nito lamang ng tumuntong sa unibersidad naengganyo na bumili at mangolekta ng mga nobela at nonfiction.

    medyo disappointed ako kasi may hinahanap akong libro na wala. pero nung nakita ko nga na nandun yung perfume, okay na rin.

    ReplyDelete
  7. Gusto kong mabasa yung mga opinions mo about Perfume. Sana magustuhan mo talaga. Ilang taon na rin nung una kong nabasa yan. At medyo na-disappoint ako talaga sa movie. Well, pwede na rin siguro yung movie, pero nakulangan talaga ako.

    Esteemed? San galing yun?

    ReplyDelete
  8. Nice happy bakasyon ser palaboy. Nice trip nga yang maghanap ng puntod ng nadeds nung 1930. Sa north yung sementeryo namin e try ko din yan hehe.

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  9. ser peter, naku deds tayo diyan. hindi ako buk kritik. mababaw ang pagkakaalam ko sa mga teorya ng literatura at pagkwenkwento.

    may paghanga lang ako sa mga manunulat. at ibang karanasan lang ang dulot kapag nagbabasa ako ng mga kwento at naratibo. minsan naglalaway ako, minsan napapatanga. ganun lang.

    karanasan sa pagbasa lang ang pwede ko ibahagi. hehe.

    kaya nagsubscribe ako sayong blog. malawak at malalim kasi ang karanasan mo sa literatura. minsan nose bleed ako sayo pero magandang karanasan ang mabasa ang rebyu mo sa mga libro, kontemporaryo man o klasiko.

    ReplyDelete
  10. bakasyon grande ha ... ingat sa bakasyon .... pag mga ganitong time kelangn ntin mkipagconnect muna sa mga mhal nating yumao na ...

    ReplyDelete
  11. pareng jay, o di ba may pwede tayong pwedeng pagkalibangan sa araw ng mga patay.

    nakita ko ang overwhelming positive response ng mga tao sa sinulat mo. hindi ako mahilig sa hayop na nagsasalita pero sige, rakista ka talaga!

    ReplyDelete


  12. nawa'y hindi kayo magmukang siksikang sardinas sa isang lata sa pag-uwi nyo ser. madaming sabik ngayon umuwi.

    ReplyDelete
  13. naalala ko tuloy ang bakasyon namin tuwing undas... masaya talaga...

    ReplyDelete
  14. ser kulapitot, hindi ako nakikipagkonek sa mga yumao na. ang priority ko ay yung mga humihinga at buhay.

    ReplyDelete
  15. ser cyron, oo nga e. madaming uuwi. tinatamad pako. hahaha XD

    ReplyDelete
  16. ser jondmur, oo nga. masaya nga magbakasyon. at mas naappreciate ko lang siya nung naging manggagawa ako. haha XD

    ReplyDelete
  17. ganda nung kanata at nung boses nung singer nice kaiingit

    ReplyDelete
  18. Good luck sa paghahanap mo ser. Teka bago ka mangibam probinsya... ipadala mo muna ang address mo sakin ser :P

    ReplyDelete
  19. ser archieviner, sige ibibigay ko yung permanent address ko. sina erpats makakatanggap nun. para may dahilan ako na umuwi sa amin pag natanggap ko. uy salamat in advance ha :)

    ReplyDelete
  20. haha
    masaya ngang offline, eh
    simple buhay ba
    hehe

    teka
    taga san kaba?

    ReplyDelete
  21. sino ba yung name sa perfume? sorry asthmatic ako. bakit naman pampatay ba yun? at heler kahit naman me wifi ako sa bahay, di naman ako me kaya. kinakaya parin ako ng boss kong magtrabaho kahit holiday ;-(

    at pasalubong naman jan palaboy pag balik mo. hehehe

    ReplyDelete
  22. miss phioxee, si patrick suskind yung author ng nobelang perfume: the story of a murderer. walang pasalubong. wala pa akong sweldo. :)

    ReplyDelete
  23. Gudluck sa paghahanap ng puntod. maganda ngang libangan yan pag undas. haha.

    Base sa mga nagcomment dito maganda pala yung novel ng perfume. napanuod ko lang kasi. So mas brutal sa libro?

    Happy Vacation Ser este Halloween pala! XD

    ReplyDelete
  24. ser gord, iba naman talaga ang detalye kapag libro mismo. pero hindi ko pa sinisimulan. iniisip ko kasi tapusin muna yung murakami ko.. haha XD konti na lang, mabubuksan ko na yung Perfume :)

    at okay lang na happy vacation. i'm not keen in celebrating haluwin e :)

    ReplyDelete
  25. Kainggit naman ang mga naka-bakasyon, pano naman ang mga walang long weekend tulad ko?

    So kikitain mo ba Sir ang mga naging ex mo? Ang mga sinaktan at pinaluha mo noon, chos!

    Hindi ako maka-relate sa Perfume..

    At talagang may paghahanap ng puntod? Good luck, sana may makita ka!

    ReplyDelete
  26. miss joanne, hindi natuloy ang mini reunion sa puntod. haha XD

    ReplyDelete
  27. Sir Palaboy, sensya na mejo late tong reply ko. Anyways, happy November and hope you had a happy long weekend!

    ReplyDelete
  28. 1930? Mukhang matagal na taon na talaga.. Anyway, ganyan talaga kapag undas, parang reunion na din.. Kumustahan, kwentuhan lalo na kapag malayo ang inuuwian...Siguro'y nakabalik ka na sa ngayon..Wish ko lang na sana'y..... makasweldo na kayo..mahirap talaga ang walang sweldo : )

    ReplyDelete
  29. ser fiel, maraming salamat! okay naman ang long weekend. :)

    ReplyDelete
  30. ser ric! salamat! nakabalik nako. work mode na ulit. wala pa rin ang sweldo na finallow up ko kanina.

    ReplyDelete
  31. Nakakatuwa no, ang November 1 parang National Picnic Day in the Cemetery. Isn't that the darkest comedy ever? Hahahaha!

    I've read Perfume ni Patrick Suskind. Minsan talaga no kapag may mabangong babae (oo sige, kahit lalaki)ang sarap langhapin, sabay papatayin tapos kunin mo yung essence nila. Wag lang yung mga kinaiinisan ko kasi parang mabantoto talaga sila kapag nakikita ko pa lang. Hahaha!

    Taga saan ka ba sir? ngayon lang ulit ako nakatambay dito para bahaain ang comment box mo.

    Speaking of airfreshners, nako kung apat na oras na biyahe tapos ganyan pa ang amoy, hindi siguro ako tatagal. Ok na sakin ang jeep. Pero kung mabaho pa rin dahil sa smog at kung anu-ano pa eh magbibit-bit na rin ako ng sarili kong oxygen tank.

    Talagang apostate ka na pagdating sa Friendster ha. Ngayong nagsara na yun eh puede ka na maging senator. Dun mo i-refund ang late na sweldo PLUS interests! hahahaha! Besides, malapit nang dumating ang mga Chinese. Who knows, things might change under new masters. Hehehehe...

    ReplyDelete
  32. maging senador, pwede. dumating man chinese, okay lang, descendants ko galing sa mainland. :P

    ReplyDelete