Showing posts with label teacher's narrative. Show all posts
Showing posts with label teacher's narrative. Show all posts

Wednesday, August 28, 2019

Everyone aspires to a good life. But what does a “good” (or better) life mean?

Nitong nakaraang linggo, pinag-usapan namin ng mga bagets 'yung tungkol sa well-being. Medyo challenging kasi idefine yung well-being dahil nagbabago o nagkakasalungat kada tao at kultura kung ano ang pakahulugan nito.

Yung isang bagets na nagpresenta ng definition, binanggit niya na at the minimum daw kailangan na kasama ang pag-satisfy ng basic needs, as well as the ability to pursue one’s goals, to thrive and feel satisfied with their life.

So ang tanong ko sa mga bagets, paano mo malalaman na satisfied ka na sa buhay mo?

Ayun, nganga ang mga bagets.

Madami pa ako sana gusto ikwento. Pero isa sa pinaka-tampok ng aming diskusyon ang pagkakaiba natin sa ibang bansa sa idea ng well-being. Sa pag-aaral kasi nina Sycip, Asis, at Luna (2000), noong gumawa sila ng pag-aaral sa buong bansa, ito yung mga nakita nilang components ng Filipino well-being:

  1. respect from family
  2. faith in God
  3. being Filipino
  4. prayer and reflection
  5. love of parents and siblings
  6. regular food
  7. house ownership
  8. security from crime
  9. unity of Filipinos
  10. love of children
  11. long life
  12. peace of mind
  13. doing good to others
  14. good marital relations
  15. being with children
  16. nutritious food
  17. love of spouse
  18. regular water
  19. clean surrounding
  20. share in decision-making.

Saturday, December 16, 2017

Online submission ng requirements

First time ko subukan na paperless ang submission ng memo at reflection sa undergrad class ngayon semestre.

Medyo nakakabaliw na wala akong hawak na papel. Mas hinahanap ng sistema ko ang longhand writing sa kanilang mga papel at hindi nagta-type at iinsert ng comment.

Napansin ko rin na dahil nagta-type ako, mas humahaba ang mga komento ko.

Saturday, November 4, 2017

Scoring ng exam ng mga bagets

Fourth day na ng pagchecheck ko ng exam ng mga bagets. Meron talagang naiintindihan ang mga konsepto at teorya. Meron ding mga walang wala.

Natawa lang ako na yung isa ay sinulat na lang ang mga pangalan ng santo sa item na pinapakumpara ko ang dalawang teorya na tinalakay sa klase. Naglagay na lang ako ng komento. "Sayang. Kulang ng apat na Hail Mary para sana makakuha ka ng 0.5 point sa item nato."


Saturday, July 9, 2016

Huling sulat

Natapos na ulit ang isang taong pang-akademiko. Hiningang ulit ako ng mensahe para sa magsisipagtapos. Para sa kanilang yearbook.

Ishare ko lang ulit dito:

-----------------------------------

Sunday, May 15, 2016

Graduation message

Taon-taon, hinihingan ako ng mensahe para sa yearbook ng mga magsisipagtapos na mga bagets. Sa taong ito, ito ang binigay ko sa komite na abala sa yearbook:

Friday, March 4, 2016

Kaya ko bang mapa-inlove ang taong gusto ko? (updated)






Meron akong klase ngayon sa kolehiyo na pinag-aaralan namin ang mga sistematikong pag-aaral ng pag-ibig. Noong isang araw ko pa ito gustong isulat kaya lang walang pagkakataon.

May isa akong bagets na nagpost ng tanong sa klase -maaari bang i-manifacture ang falling in love? O sa mas madaling tanong, kaya ko bang mapa-inlove ang taong gusto ko.

Maganda ang tanong na yan. Kasi may konsepto tayo na wala tayong kontrol kung kanino titibok ang puso natin.

Ayan ang dahilan kung bakit kami napahanap ng mga pag-aaral na posibleng sumagot niyan.

May isang pag-aaral na hindi direktang patungkol sa pag-ibig pero patungkol sa pagpapaigting ng interpersonal closeness. Ginawa ang pag-aaral nato nina Arthur Aron at iba pang mananaliksik.

Wednesday, September 16, 2015

Matapos ang klase sa mga bagets, naisip ko na


Ayokong lumabas sila sa Unibersidad na magaling mag-parrot ng sabi ng prof. O ng libro. Ang gusto ko ay makita ang ideya nila sa sinabi ng prof at ng libro.

Madali lang kasi mag-cut and paste; record and play; download and print ng mga impormasyon. Pero ang magkaroon ng pakiramdam sa binasa, nadinig at nakita at ang pagkakaroon ng sariling pantayong pananaw sa mga bagay-bagay, nangangailangan iyan ng pag-iisip, pagiging malikhain at konting tapang.

Kung magkakaroon lang ako ng ilang estudyante na kakikitaan ko ng ganitong katangian sa pagtatapos ng semestre, may dahilan na naman ako para sabihin sa sarili na marahil ay nasa tamang lugar ako pagdating sa trabahong pinasukan ko.



Saturday, August 15, 2015

Isang attempt sa student-centered na approach sa klase sa kolehiyo

Matagal na rin ako hindi nakapagkwento ng buhay guro ko kaya ito na.

Iniba ko ang atake sa klase sa taong ito sa mga bagets. Nung nakaraang taon kasi, bago magpasukan, binuo ko na ang silabus. Kompleto na doon kung ano ang mga paksa na tatalakayin, pati na rin ang mga requirements na ipapasa nila, pati mga deadlines. Kasama na rin sa silabus ko kung paano ikakalkula ang kanilang magiging final grade. Noong nakaraang taon, handa na lahat pati mga reading assignments nila. Pakiramdam ko, para akong may digmaan na inihanda ko na lahat ng bala. Pakiramdam ko last year, ready na ready ako bilang responsableng guro.

Pero itong taon na ito, naghanda ako ng silabus pero kasama ko ang mga bagets sa pagbuo ng kung paano tatakbo ang semestre. Binigyan ko sila ng overview ng klase, sinabi ko sa kanila yung objectives namin sa semestreng yun. Pero pinakinggan ko sila sa kung paano namin gusto patakbuhin ang klase. Nag-usap din kami kung paano ang pinakamainam na paraan para makita kung may natutunan sila sa klase namin. Sa taong ito, hindi kami nakakahon lamang sa eksam bilang batayan ng grado. May mga suwestiyon sila na di ko naisip na palagay ko mas magiging mabisa ang pagtatasa ng kanilang bagong kaalaman.

Dahil ganyan ang atake sa klase, ngayon lang din ako nag-aayos ng reading requirements namin. At kasama ko ang mga bagets maghanap ng journal articles na palagay nila ay magagamit namin sa diskusyon.

Sa taong ito, ang pangarap ko ay hindi sila maging magaling sa pagmemorya ng mga konsepto pero maging kritikal sila sa pagsipat ng mga nangyayari sa mga bata, pamilya at lipunan. Gusto ko maging uncomfortable sila sa alam nila. At makita nila na "The more they learn, the less they know." At mas magiging interesado sila mag-aral at magsaliksik. At patuloy sila magtanong at aktibong maghanap ng sagot.

Monday, April 20, 2015

Skype tambay

Sila ang dahilan na bahagya akong nakabalik sa mas maayos na na pakiramdam nitong mga nakaraan na linggo. Sila ang mga kaibigan ko noong kolehiyo na naging kasama kong manggagawa sa unibersidad. Ayun e bago nila ako iwanan at nagdesisyon na mag Europa para mag-aral.

Alam nila karamihan ng tawa, pawis, iyak, high blood, low blood, UTI at mga tagihawat na naipon ko sa tatlong taon ko sa pagtuturo sa mga bagets. Di nakakahiya na mag-share sa kanila ng mga kahihiyan na nagawa ko sa loob at labas ng klasrum kasi naranasan din nila yung mga yun. Nauna silang maging fakulti sa unibersidad. Kaya sa usapin ng proseso at transaksyon, sa kanila ako nagtatanong.

Wednesday, September 10, 2014

Hubad sa malisya na diskusyon patungkol sa regla at tamod

Kahapon sa klase ko sa kolehiyo, pinag-usapan namin ang bayolohikal na pananaw ng puberty (pagdadalaginding, pagbibinatilyo). Para kaming nagrebyu ulit ng endocrine glands at mga hormones na pinag-aralan namin noong Grade 5 at Grade 6. Mas pinalalim lang ng kaunti dahil nagkaroon ng maikling diskusyon sa relasyon ng mga hormones sa mga pagbabagong pisikal na nararanasan sa edad ng puberty.

Naging interesting lalo ang usapan noong napasadahan namin ang dalawang termino: menarche (unang buwanang daloy sa mga babae) at spermache (unang paglabas ng tamod sa mga lalaki). Naikwento ko ang una kong karanasan ng wet dream at pati na rin ang una kong nakakatakot na karanasan sa pagsasalsal.

Friday, June 27, 2014

Para sa unang semestre ngayong taon

Kung matutuloy ang lahat ng plano ko patungkol sa aking propesyonal na buhay, may bago akong ituturong mga sabjek sa kolehiyo:

Tuesday, April 29, 2014

Silang mga nasa isipan ko ngayon

Sa kolehiyo, ang klase ay halos sa loob lamang ng isang semestre or trimestre, depende sa unibersidad kung saan ka nag-aaral (o nagtuturo). Bihira ang klase na katulad ng sa akin kung saan buong taon (dalawang semestre) ko hawak ang mga bagets na ito.


Mula sa iba't ibang programa nanggaling ang mga estudyante ko. Ang ilan ay mula sa sining at literatura, yung ilan mula sa pag-iinhinyero. May mga mula sa musika, may mga manunulat, may nasa pagpapaunlad ng pamilya, meron din mula sa nutrisyon at pangmadlang komunikasyon.

Ibig sabihin nito, iba-iba din ang interes ng mga bagets na kitang kita kapag gumagawa sila ng mga proyektong pang-indibidwal. Ang pinakabata sa kanila ay labing anim na taon, samantalang ang pinakamatanda sa kanilang magkaklase ay tatlump't limang taon.

Sunday, December 1, 2013

Buhay guro

Nagsimula na ang ikalawang semestre. Pinakamalaking hamon ngayon yung pagtuturo ng bagong sabjek. Sa unang pagkakataon ay ituturo ko sa buong semestre ang Ugnayan ng Magulang at Bata. Oo, pinag aaralan ito. At oo, isang larangan lang ang sabjek ko sa napakalawak na organisadong pag-aaral ng pamilya. Oo, may siyensiya ng pamilya. Mga tatlong linggo ko pinaghandaan ang silabus dito. Kasama na ang isang linggo na kinilala ko lang ang mga estudyante para ma-tailor fit ang mga paksa, requirements at readings sa grupo ng mga estudyante ko sa semestreng ito. Inalam ang konteksto nila --karanasan at interes, upang mas maging makabuluhan ang talakayan sa klase. Eto kasi ang kagandahan sa unibersidad na pinagtatrabahuhan ko. May kalayaan kaming mga guro na ayusin ang silabus upang makamit ang layunin ng sabjek.

Susubukan kong magsulat ng ilang mga talakayan namin, pati na rin ng mga reflections ko habang tinuturo ang Ugnayan ng Magulang at Bata. Hindi nangangako. Tingnan na lang natin sa mga susunod na araw.

Friday, August 9, 2013

Warning sign ng Coldplay sa dulo ng shiz na ito

Sinubukan kong gamitin ang mga teorya ng pamamahala ng espasyo at kulay para may maibigay na praktikal na halimbawa para sa klase.

Kumuha ako ng kurtinang makapal na kulay kahel upang hindi ako maistorbo ng sikat ng araw tuwing Sabado kapag mas nais kong matulog ng mas mahabang oras. Kahel ang kulay dahil kapag tinamaan ng araw, may epekto ito ng yellow light na mas nakakapagbigay sa akin ng mas maayos na ambyans sa pagbabasa at paggawa.Hindi ganoon kaliwanag para sumakit ang mata ko.

Puti at asul na may konting kahel ang kobre kama ko. Gusto ko lang ng malinis at mabangong tulugan pag dating galing trabaho. De linya ang disenyo dahil puti ang kulay ng kwarto ko sa kabuuan.

Nilagay ko ang lamesa kung saan ako nagbabasa, nagsusulat at nag-aaral sa tabi ng kama ko, sa tapat ng bintana. Hindi ko alam kung gaano ito kaepektibo para mas maging produktibo ang paggawa ko. Pero mabilis akong nakakaupo para magbasa sa tuwing gigising sa umaga.

Thursday, June 20, 2013

Ang daming pagbabago.

  1. Hindi na binigay sa akin ngayong taon ang pagtuturo ng siyentipikong pag-aaral ng pag-ibig, relasyon at kasal. Gustoong gusto ko pa naman ang subjek na yun. At mukhang sa ebalwasyon ng mga mga estudyante noong nakaraang semestre, epektibo naman ako sa pagtuturo. Nagkataon lang na may mas mabigat na subjek na bakante at walang magtuturo kaya ibinigay sa akin itong bago.
  2. Sa semestreng ito, may isa akong subjek na walong oras kada linggo ang klase. Dahil kabibigay lang nitong nakaraang linggo, medyo tinatapos ko pa ang syllabus. Patungkol ang klase sa maayos na pamamahala ng mga tahanan partikular na sa wastong paggamit ng mga resources. Sa ngayon, ang alam ko, may inobasyon sa teknolohiya silang gagawin bilang final output. At magkakaexhibit sila sa pagtatapos ng semestre.
  3. Nag-enrol na rin ako sa crossfit training program. At nagbabayad para sa sariling trainer. Hindi ko na kasi kayang makitang nasasayang yung mga damit na binili ko matapos ang isang buwan dahil hindi na maganda ang fitting sa akin. May nareblog na article si Going Guderian. At siguro, anim o pitong beses ko na siyang binabalikan. Masyadong nag-eko sa akin yung "Keep fit."  Eto yung huling kompirmasyon na kelangan ko na talaga magtunaw ng taba sa katawan. May kamahalan ang tunaw taba sa Metro Manila. 
  4. Lilipat na rin ako ng faculty room. Doon na muna ako sa mas tahimik na cubicle kasama ang mas matatandang propesor dahil kailangan ko nang upuan ang akin thesis na isang taon ko na ring hindi ginalaw. Nararamdaman ko na kasi ang katamaran. At kapag hindi ko pa sinimulan ang pagsusulat, baka hindi ko na lang tapusin ang masteral ko sa unibersidad.
  5. Naipasa na ang Kasambahay Law. Masaya akong naipasa na ang batas na mas magbibigay proteksyon sa kanila. Sa binibigay nila na serbisyo sa bawat pamilya, nararapat lang talaga na mabigyan sila ng basic benefits katulad ng Philhealth at SSS.
  6. Huminto muna ako sa pag-inom ng serbesa.  

Friday, April 26, 2013

Tatlong hakbang paabante at pagyuko

Kanina yung huling pagkakataon na kausap ko yung mga magulang ng mga chikiting ko ngayong taon. Bigay ng card, bigay ng dalawang pahina ng naratibo kung paano umunlad ang kanilang anak sa iba't ibang aspeto. Bigay din ng mga gamit nila sa paaralan na hindi nagamit at hindi naubos.

Kanina yung huling pagkakataon na ikwento ko sa mga magulang kung paano ako natuwa, natawa, nahirapan at lumago bilang guro ng mga anak nila.

Dahil lilipat na ng big school ang mga chikiting, natanong ko na rin ang plano ng mga ermats at erpats kung saan nila ipapasok ang mga bata. Syempre, bigay din ako ng suwestyon ko kung saan swak pumasok ang anak nila base sa personalidad at kakayahan.  May mga bata kasing mas swak sa tradisyonal na paaralan. Meron din naman mas uunlad sa mga progresibong paaralan. Meron ding mangilan-ngilan na bata na pwede mapakahit saang paaralan.

Ang pinagpapasalamat ko sa Diyos ngayon ay napakatutok ng mga magulang sa mga bata at sa mga gawain sa paaralan. At nakuha nila ang pilosopiya ng paaralan na pinagtatratrabahuhan ko. Alam nilang hindi kami purong akademik --yung basa, sulat at bilang ang tanging pinagkakaabalahan, bukod sa pag-aaral ng Ingles. Pokus namin ang pagbibigay ng solusyon sa mga problema, pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip, pagkakaroon ng mabuting asal, pagpapahalaga sa pagbabasa at pag-aaral at pagiging malikhain.

Tuesday, April 23, 2013

Resulta ng ebalwasyon ng mga bagets sa akin

Reader, this is to warn you that this post is narcissistic.

Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang resulta ng mga online na ebalwasyon sa akin bilang guro sa kolehiyo ng mga bagets. Bukod sa quantitative na basehan, eto ang qualitative na resulta.

Friday, April 12, 2013

Done checking all the papers and exams

Finally! After two weeks of reading case studies, autobiographical papers and checking final exams, I'm done computing their grades! Thank you CBTL Tomas Morato for the not-so-cold AC room. Thank you for reserving Palaboy's Corner for me.

Thursday, March 28, 2013

Ex-teacher post

Iba yung bigat ng pagtuturo ng mga chikiting kumpara sa trabaho ko noon na mag-therapy ng mga kabataan sa kulungan. Big shift ng career pero nasa field pa rin naman ng child development. Tapos na ang isang school year. At lahat ng mga chikiting ko ay lilipat na ng big school. Graduating class kasi ang binigay sa akin na trabahuhin sa preschool ngayong taon nato.

At syempre, masayang masaya ako sa mga pinagdaanan namin kahit sobrang katakot-takot na bigat ng trabaho.
Mamimiss ko yang mga kwento nila tungkol sa pamilya nila, mapamasaya man o malungkot, saktong totoo, o kaya naman exagerrated. Border line nga ng pagbabalita at pagtsitsimis nila sa mga karanasang pampamilya.

 Mamimiss ko din na makita silang nagshe-share ng toys at books sa iba na nung una ay pahirapan kami kung paano ituturo ang konsepto ng pagbabahagi at pagbibigay sa panahon na napaka-egocentric nila.

Sunday, March 10, 2013

Pagpapahalaga sa condominium ng mga lamang dagat

Nitong mga nakaraang araw, masyadong naging mabilis ang pangyayari sa (laboratory) preschool kung saan ako nagtuturo. Naging maganda kasi ang talakayan sa klase. May isa akong limang taong gulang na bata na nagbigay ng balita patungkol sa "ship na lumubog". Kinabukasan, nilinaw ng isa niyang kaklase na hindi iyon lumubog pero "hindi makaalis kasi na-stakkk". Tapos, pinangalanan na ng isa yung lugar, "Tubbataha reef yun". Sa ganitong usapan at balitaan sa preschool, napag-usapan na kung bakit naging balita siya na kelangan ibalita sa telebisyon.