Ngayong Disyembre, nagdesisyon akong kunin ang alok ng isang kaibigan na gamitin ang kanyang condo unit. Balak kong magkulong ng sarili para magsulat ng papel para sa isang intergovernemental agency. At para seryosohin na ang pagsusulat ng thesis.
Hindi ako uuwi ng probinsiya. Hindi ko pa sigurado kung gusto ko makita ang mga kababata ko dito sa kalakhang Maynila. Hindi ko rin sigurado kung gusto ko makita ang mga kamag-anak ko.
Ngayon ang commencement ng buhay ermitanyo ko. Tignan natin kung gaano ito magtatagal.
Wednesday, December 23, 2015
Sunday, November 15, 2015
Kung ang pananampalataya niyo ay mag-uutos sa akin na magdiskrimina at magalit sa mga tao, sa inyo na yang pananampalatayang yan. Kung ang relihiyon na yan ay patuloy na magtotolera ng pagpatay, pananakot at pagpapahirap sa kapwa, sayo na yang relihiyon na yan.
Sa totoo lang, napapagod nako magpalawak ng pag-intindi sa paksyon at grupo-grupo. Kung mananakot at papatay lang din kayo sa ngalan ng pananampalataya, unahin niyo na lang sa sarili niyo. Kung gaano man ninyo nakikitang mabuti ang pananampalatayang iyan, sa inyo na lang.
Pagod nako sa lahat ng makikitid na daan at utak.

Monday, November 9, 2015
Friday, November 6, 2015
Saturday, October 31, 2015
Gusto sana kita tawagan
...kanina para icheck kung okay ka ba. Bukod doon, gusto ko sana sabihin sayo na kahit anong dami ng ginagawa ko sa trabaho, pumapasok ka pa rin sa utak ko. Gusto ko rin sabihin sayo na nagpaplano ako umuwi ng Pangasinan sa APEC holiday at gusto ko sana isama ka. Para makita mo yung isang side ng pamilya ko. At para mapatikim ko rin sayo ang pinakasamasarap na tupig aa balat ng Pilipinas. At para higit sa lahat, para lang makasama ka.
Kaya lang natatakot ako na baka sabihin mo na masyado akong clingy sayo. At masyado akong mabilis. O yung worst, nananawa ka nang kasama ako. Masyado akong nag-iisip. At masyado akong nag-iisip ng masama. Kaya takot ako. Kaya rin ngayon, hanggang balak lang ang pagtawag ko sayo sa cellphone.

Monday, October 19, 2015
October 18, Linggo
Nagkita tayo kahapon. Niyaya kita manood ng pelikula. Halfway ng north at south ang Shang. Parehong effort sa atin pero swabe ang pagpayag mo.
Habang nakapila sa pagbili ng ticket.
Ako: Hindi ko naintindihan ýung The Name of the Rose. Naka twenty eight pages nako.
Ikaw: Bakit mo pa kasi binasa?
Ako: Na-curious ako.
Ikaw: Di ba sinabi ko sayo, babasahin mo lang 'yan at pilit iintindihin kung nagdidissertation ka kay Umberto Eco?
Ako: Sinubukan ko lang. Malay mo makuha ko?
Ikaw: Pero hindi di ba?
Ako: Subok lang naman. Naniniwala ako sa chances. Tingnan mo tayo.
Ikaw: Anong tayo?
Ako: Kung hindi ko sinubukan lapitan ka nung nag-iiyak ka noong nakaraang buwan sa may harapan ng Bahay ng Alumni at inabot sayo ang tissue, baka hindi kita nakilala.
Ikaw: The Name of the Rose ni Umberto Eco ang pinag-uusapan natin di ba?
At tinigil ko na ang pagsubok na itulak na linawin kung ano tayo. Baka magkalabuan pa.

Saturday, October 17, 2015
October 16, Biyernes
Pwede na sa susunod na ihahatid kita sa bahay ninyo, huwag mo akong kikindatan bago ka magpaalam? Ayan kasi ang paulit-ulit kong iniisip mula pag-uwi sa bahay mula sa inyo. Ayan din ang iniisip ko habang nakahiga sa kama noong nakarating ako ng bahay, matapos ang halos dalawang oras na byahe.
Alam kong magkaibigan tayo ngayon. At sa tantya ng mga usapan natin, mukhang hanggang doon lang ang kaya mong ibigay sa kahit sinong lalaki na magsusubok manligaw sayo. At aa pag-overthink ko ngayon, mas masarap na wala muna akong ipagtatapat sayo dahil hindi ko pa rin alam kung ano talaga itong nararamdaman ko.
Sa ngayon, masaya tayo na nagkikita at nagkakakwentuhan, tayo mang dalawa lang o may kasamang ibang kaibigan. Nag-eenjoy akong ihatid ka sa bahay niyo kahit OA ang traffic at taga South ka at taga North ako.
Hayaan mo lang sana ang munti kong hiling na huwag mo akong kikindatan. Hindi kasi ako makatulog. At para akong hibang na ngiti ng ngiti.
Mukhang nahulog na naman ang puso ko. Pambihirang patis.
Wednesday, September 16, 2015
Matapos ang klase sa mga bagets, naisip ko na
Ayokong lumabas sila sa Unibersidad na magaling mag-parrot ng sabi ng prof. O ng libro. Ang gusto ko ay makita ang ideya nila sa sinabi ng prof at ng libro.
Madali lang kasi mag-cut and paste; record and play; download and print ng mga impormasyon. Pero ang magkaroon ng pakiramdam sa binasa, nadinig at nakita at ang pagkakaroon ng sariling pantayong pananaw sa mga bagay-bagay, nangangailangan iyan ng pag-iisip, pagiging malikhain at konting tapang.
Kung magkakaroon lang ako ng ilang estudyante na kakikitaan ko ng ganitong katangian sa pagtatapos ng semestre, may dahilan na naman ako para sabihin sa sarili na marahil ay nasa tamang lugar ako pagdating sa trabahong pinasukan ko.
Labels:
about me,
academic life,
teacher's narrative,
yuppie tale
Friday, September 4, 2015
How can I not extend that same love and forgiveness to others?
I, even I, am he who blots out
your transgressions, for my own sake,
and remembers your sins no more. (Isaiah 43:25)
“…And I will be kind to the unkind, for such is how God has treated me.”
–Max Lucado
Saturday, August 29, 2015
From south to north
Ito yung binabasa ko habang nasa Ifugao ako at humihigop ng highland coffee. Ang trip sa Ifugao ay treat sa sarili matapos ang mabigat na trabaho ko sa Cotabato City.
Saturday, August 15, 2015
Isang attempt sa student-centered na approach sa klase sa kolehiyo
Matagal na rin ako hindi nakapagkwento ng buhay guro ko kaya ito na.
Iniba ko ang atake sa klase sa taong ito sa mga bagets. Nung nakaraang taon kasi, bago magpasukan, binuo ko na ang silabus. Kompleto na doon kung ano ang mga paksa na tatalakayin, pati na rin ang mga requirements na ipapasa nila, pati mga deadlines. Kasama na rin sa silabus ko kung paano ikakalkula ang kanilang magiging final grade. Noong nakaraang taon, handa na lahat pati mga reading assignments nila. Pakiramdam ko, para akong may digmaan na inihanda ko na lahat ng bala. Pakiramdam ko last year, ready na ready ako bilang responsableng guro.
Pero itong taon na ito, naghanda ako ng silabus pero kasama ko ang mga bagets sa pagbuo ng kung paano tatakbo ang semestre. Binigyan ko sila ng overview ng klase, sinabi ko sa kanila yung objectives namin sa semestreng yun. Pero pinakinggan ko sila sa kung paano namin gusto patakbuhin ang klase. Nag-usap din kami kung paano ang pinakamainam na paraan para makita kung may natutunan sila sa klase namin. Sa taong ito, hindi kami nakakahon lamang sa eksam bilang batayan ng grado. May mga suwestiyon sila na di ko naisip na palagay ko mas magiging mabisa ang pagtatasa ng kanilang bagong kaalaman.
Dahil ganyan ang atake sa klase, ngayon lang din ako nag-aayos ng reading requirements namin. At kasama ko ang mga bagets maghanap ng journal articles na palagay nila ay magagamit namin sa diskusyon.
Sa taong ito, ang pangarap ko ay hindi sila maging magaling sa pagmemorya ng mga konsepto pero maging kritikal sila sa pagsipat ng mga nangyayari sa mga bata, pamilya at lipunan. Gusto ko maging uncomfortable sila sa alam nila. At makita nila na "The more they learn, the less they know." At mas magiging interesado sila mag-aral at magsaliksik. At patuloy sila magtanong at aktibong maghanap ng sagot.

Tuesday, August 11, 2015
Death of a relationship.
Alam mo naman na hindi ko kayang magsinungaling sayo. Kasama ng pagtatapat ko ng pag-ibig ang pangako na kailanman ay laging katotohanan ang sasabihin ko sayo.
Ikaw: May forever ba?
Ako: Hindi ko alam. Di ko pa nga nararanasan ang lifetime, sa forever pa kaya?
Ikaw: May chance ba tayo sa forever?
Ako: Gusto ko sana sagutin ng oo. Pero hindi ko alam.
-------------------------------
Matapos ang tatlong araw, hindi ka na nagpakita. Ikaw na ang nagtuldok sa tanong mo patungkol sa forever.

Sunday, August 2, 2015
That short instagram conversation a day ago*
Nag-upload ako ng picture ng isang basong taho nitong nakaraang araw sa Instagram. Sa kanan ay kamay ko. Sa kaliwa ay kamay mo. Sabi ko sa caption, "Kahit paborito ko ang taho, hindi ko ipagpapalit ang chance na mahawakan ang kamay mo, kesa ang araw-araw na kumain ng taho na wala ka sa piling ko."
"Uy, ang cheesy," comment mo.
Tapos sa hindi inaasahan na pagkakataon, naglike ng photo ang ex ko.
Nagsend ka ng message sa akin sa phone, "Mukhang type din nung ex mong mahilig sa gray na kulay ng kuko ang taho."
Nagreply ako, "Di ko na type ang gray fingernails. Isa lang ang tinitibok ng puso ko, ayan ay yung babaeng hindi nalalagay ng kahit anong kolorete sa kuko :P"
"Sira ka!" text back mo. Palagay ko natuwa ka dahil napansin ko ang maliit na detalye na hindi ka kailanman naglagay ng nail polish. Kahit noong college students pa tayo.
Ayan ang gusto ko sayo. Konting papansin lang pero hindi mina-magnify ang maliit na isyu. Mukhang matapos ang matagal kong paghihintay ay magkakaroon ulit ako ng pagkakataon na ma-enjoy ang isang mahabahaba at masayang relasyon.

Tuesday, July 21, 2015
Kokoi Baldo atbp.
Dahil hindi ako nanonood ng telebisyon, ngayon ko lang nakita ang jam session na ito. Ito ang mga musikero na ninanamnam lang ang kanilang sining at puso. Walang usapang pera. Walang usapang katanyagan. Naghahalo lang ang diwa, musika at sandali.
Monday, July 13, 2015
Matam-is ang kwentong ere.
"Anong first name ni Diether?"
"Ha? Hindi ba Diether yung first name nung artista?" nagtataka ka habang nakangisi ako na parang aso.

Sunday, July 12, 2015
Kung paano nagdirect ng break up ang ex kong nag-aaral ng Film
Sabi mo noon, kung may magtatapat sayo ng pag-ibig, ang pangarap mo ay gawin ito sa may kanto ng College of Engineering at sa may Yakal Dormitory. Gusto mo na gabi mangyari yun. At umuulan. Naniniwala ka kasi sabi mo na kapag namatay na tayo, papanoorin natin sa big screen sa langit ang buong buhay natin. Uulitin ang lahat. Sa big screen. Sabi mo, may ilang parte ka ng buhay na gusto mo maganda ang sinematograpiya. Kasama na doon ang pagtatapat ng pag-ibig sayo.
Friday, July 3, 2015
Sa may Central
Nabuo ang post na ito dahil uminit ang ulo ko kahapon sa opisina. May request ako na halos isang buwan ng nagbabalik-balikan sa higher office para i-grant. Tumagal dahil sa masalimuot na burukrasya at paiba-ibang proseso, depende kung sino ang babagsakan ng request.
Dahil napuno na ako, hindi na yung staff ang pinafollow up ko. Ako na mismo ang sumugod. Apat na linggo para lang sa isang request. Pwede kasing approved or not approved. Pero ang matengga ang request ng halos isang buwan na walang tiyak na sagot, horrible.
Tumaas ang boses ko sa opisina ng boss ko. At tinanong ano pa bang dapat namin gawin para lang magkaroon ng sagot ang request. Matapos ang ilang balik-balik na paggawa ng mga pinapagawa nila, panis na ang request ng opisina namin.
Ayun naman pala, nawawala ang request namin. Nasa opisina lang daw pero di makita kung nasaan. E di mas lalong nagpantig ang tenga ko.
Sa lahat ng bagay, ayoko na nagtataas ng boses. Ayoko ng sumisigaw para lang maayos ang mga bagay. Di ko lang napigilan dahil sa frustration.
Pagkatapos madinig ang paghingi ng tawad ng staff sa opisina ng boss, umalis na ako. At habang naglalakad pabalik sa opisina ko, may pakiramdam ako nang pagkahiya. Kasi hindi ko talaga tipo ang naninigaw. At nahihiya ako sa inasal ko, kahit gaano pa ka-justifiable ang ginawa ko.
Ayon ang dahilan kung bakit ko niyaya ang dalawang kaibigan mag-inom. Gusto ko lang ng maayos na ending ng araw. Isa pumayag. Isa, mas maarte pa sa natural na maarteng tao. Ang daming sinabi pero hindi naman sinabi kung oo pupunta o hindi pupunta. Ang arte ng walang hiya.
Nagsimula ang kitaan ng alas otso y medya. At isang kaibigan lang ang kasama. Palibhasa walang trabaho kaya maluwag ang iskedyul niya. Sinabi ko na ako na ang taya sa gabing yun.

Thursday, July 2, 2015
Mas malinaw sa amin na maganda ang umagang ito
May proyekto na sinimulan ang kapwa ko guro na mabigyan ng antipara ang lahat ng kawani sa departamento. Hindi siya ang donor pero dahil sa kanya, nasimulan ang proyekto.
Tuwang tuwa ang mga manong at manang na pumila sa optometrist at nagpasukat ng salamin noong makalawa.
Kanina, sinalubong kami ng mga kawani na nakasalamin. Ngiting ngiti.
"Good morning Boss Pogi," hirit ng isa.
Ayan naman ang gusto ko. Malinaw na nilang nakikita ang kagwapuhan ko.

happy prompt,
ridiculous actions,
yuppie tale
Monday, June 29, 2015
Graduation day kahapon ng UP Diliman.
Naalala ko nung grumadweyt ako noon, hindi ko kasama ang mga batchmates at blockmates ko. Nadelay kasi ako ng isang semestre. Kaya sa sumunod na taon ako nag-martsa. Kung tutuusin, ayoko na noon umatend ng university rites. Kaya langako kasi ang una sa pamilya namin na nag-aral at nakatapos sa UP. Kaya para sa mga magulang ko talaga yung seremonya.
Noong natapos ako, sabi ko magagawa ko na yung gusto kong gawin --ang fulltime na maglingkod sa bayan. Tangay ang idealismo at nasyonalistang edukasyon, sabi ko tutulong ako na baguhin ang mundo.

Saturday, June 27, 2015
Friday, June 26, 2015
Bagong taon
Nasa may dulong parte na ng kalendaryo ang edad ko. Twenty seven. Twenty eight. Twenty nine. Limang taon matapos ang quarter life crisis ko, mukhang masama nga akong damo na mahirap mapatay.
Kung tutuusin, isang surpresa na umabot ako sa ganyan edad. Araw-araw ko din dina-drag yung buhay ko paabante. Minsan mas magaan ang pasanin kahit hinihila ang buhay.Mahirap pero swabe. Minsan para akong humihila ng apat na kaing ng mangga. Kung nakakaluslos ang buhay, hindi na pantay ang balls ko. isa sa kanila, two kilometers below the ground na.
Bagamat mukhang gloomy ang unang dalawang talata ng post na ito, may pusong nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon sa dagdag na buhay. Kahit na minsan mabigat ang pagbangon, naandoon naman ang mga bagong pagkakataon na maranasan mahalin ng mga kaibigan at kapamilya.
May mga ilang akong nilistang life-giving activities na gusto ko sana gawin sa taong ito:
Maligayang bagong taon sa akin!

- Magbyahe ulit sa labas ng bansa kasama ang ilang malapit na kaibigan.
- Matapos na ang thesis sa masteral. At makapag-publish ng tatlong journal articles.
- Lumipat ng bahay na titirhan.
- Magbawas ng labin limang kilo. At maghalf marathon. Preferably sa ulanan.
- Magpatattoo.
- Umatend ng concert na naka-commando. Pumikit at sumabay sa pagkanta at pagsayaw.
- Magsubmit ulit ng entry sa Palanca.
- Matuto mag taichi.
Maligayang bagong taon sa akin!
Tuesday, April 28, 2015
Monday, April 20, 2015
Skype tambay
Sila ang dahilan na bahagya akong nakabalik sa mas maayos na na pakiramdam nitong mga nakaraan na linggo. Sila ang mga kaibigan ko noong kolehiyo na naging kasama kong manggagawa sa unibersidad. Ayun e bago nila ako iwanan at nagdesisyon na mag Europa para mag-aral.
Alam nila karamihan ng tawa, pawis, iyak, high blood, low blood, UTI at mga tagihawat na naipon ko sa tatlong taon ko sa pagtuturo sa mga bagets. Di nakakahiya na mag-share sa kanila ng mga kahihiyan na nagawa ko sa loob at labas ng klasrum kasi naranasan din nila yung mga yun. Nauna silang maging fakulti sa unibersidad. Kaya sa usapin ng proseso at transaksyon, sa kanila ako nagtatanong.

Sunday, April 12, 2015
Alternative playlist for summer road trip
Para sa karamihan, siguradong may kanya-kanya na kayong plano ng bakasyon ngayong tag-init. May mga pupunta ng beach, may mga aakyat ng bundok. Kasama syempre sa ganyang plano ang road trip, mapa-pribadong sasakyan man yan o mahaba-habang pag-commute gamit ang provincial bus.
Dahil hindi uso sa trabaho ko ang summer vacation, naghanda na lang ako ng roadtrip playlist. Nasa cellphone ko lang ito at handa kung sakali man magkahimala na bigyan ako ng chance magsulit ng mainit na panahon at lumabas ng Metro Manila.

Saturday, April 11, 2015
Thursday, April 9, 2015
Semana Santa 2015
Hi friends,
Just some quick notes. First, I hope you had some life-celebrating activities this Semana Santa. It's a holiday in the Philippines that I always look forward.Always. It gives an ample of time off from work to do activities that I can't do on regular working days.
When I was in college, I always go out of town to do community-related activities with a sectarian organization. I've been to Davao, Ilocos Norte, Romblon because I had time off from studies in the University. I had the privilege to go around the Philippines and get to know people and their history and their daily ways.

life is a highway,
yuppie tale
Sunday, March 8, 2015
Lazy sunday afternoon
Hindi lahat ng bagay dapat
binabalikan.
Pero sigurado ako
na ang magpahinga sa kwarto na
nakasaksi ng pagbibinata ko
ay exception doon.
Masarap maging tamad
sa kwartong ito.
Masarap mawalan ng
obligasyon at agam-agam
sa espasyong ito.
Ayan ako at ang aking poging paa. Welcome sa Palaboy's nook.

Sunday, February 22, 2015
A happy note
Hi blogger friends,
I have been sick the past few days, which forced me to bed rest. And for the past days, I have been either reading books or browsing some sites. And instrospecting in between those two things.
And I have realized how much this space has helped me overcome my depression, series of moving on from failed relationship(s). It has helped me cope with the ever demanding work/ capitalist-output oriented system.
The process of writing thoughts and afterthoughts allowed me to maintain a little insanity from my problematic psyche and fast and noisy metro I'm living in. You're sympathetic comments gives me the illusion that somehow, just maybe somehow, my thoughts matter. Or that you understand.
For that, thank you very much.
There is so much to be grateful of. And one of them is this blog and the people I interact with using this platform. With my mangosteen green tea on my right hand, let me propose a toast. To more of life's narrative and to life living it fully!

Monday, February 16, 2015
Pebrero 8, sa may Ayala Fairview Terraces
May mga maseselang salita. Huwag nang ituloy kung labag sa kalooban ang makabasa ng mga ganitong shiz.
Tangna, pare. Umiyak ka rin sa Tadhana? Akala ko ako lang. Patago ko pang pinunasan yung gilid ng mata ko, ikaw din pala.
Wednesday, February 11, 2015
Tula ng pagtangis sa liham ng minamahal
Nakita ko kanina si Jen na nagsusunog
Ng mga pangakong habang buhay na pagmamahal
At mga litanya ng paghanga na nakaukit sa papel.
Tinanong ko siya kung bakit kailangan
Niyang ipakain sa apoy ang tamis ng nakaraan.
Ng liham at larawan ng kanyang irog.
Tinitigan niya ako ng ilang sandali at sinabing
Naging totoo ang mga pangako at paghanga
Kami lang ang hindi nagpatuloy maniwala.

Wednesday, February 4, 2015
Post op.
Naka-pain management ako ngayon. Ilang oras nang natapos ang operasyon. At nawawala na ang bisa ng anestisya.
"You're brave. You had three deliveries. But you managed," sabi ni dok pagkatapos ng operasyon.
Ngumisi lang ako at nanghihina. Alam kong namamaga ako sa operasyon. At basang basa ng pawis.
"You'll continue bleeding ha. Idiretso mo lang ang hemostan," dagdag ni dok.
"Palagay na lang po sa reseta, baka makalimutan ko."
Bukod sa hemostan, may ilang tabletas pa akong iniinom para hindi maimpeksyon at para gumaan ang sakit ng mga tahi.
Ito ang bungad sa akin ng Pebrero.

Thursday, January 29, 2015
Subscribe to:
Posts (Atom)