Nag-upload ako ng picture ng isang basong taho nitong nakaraang araw sa Instagram. Sa kanan ay kamay ko. Sa kaliwa ay kamay mo. Sabi ko sa caption, "Kahit paborito ko ang taho, hindi ko ipagpapalit ang chance na mahawakan ang kamay mo, kesa ang araw-araw na kumain ng taho na wala ka sa piling ko."
"Uy, ang cheesy," comment mo.
Tapos sa hindi inaasahan na pagkakataon, naglike ng photo ang ex ko.
Nagsend ka ng message sa akin sa phone, "Mukhang type din nung ex mong mahilig sa gray na kulay ng kuko ang taho."
Nagreply ako, "Di ko na type ang gray fingernails. Isa lang ang tinitibok ng puso ko, ayan ay yung babaeng hindi nalalagay ng kahit anong kolorete sa kuko :P"
"Sira ka!" text back mo. Palagay ko natuwa ka dahil napansin ko ang maliit na detalye na hindi ka kailanman naglagay ng nail polish. Kahit noong college students pa tayo.
Ayan ang gusto ko sayo. Konting papansin lang pero hindi mina-magnify ang maliit na isyu. Mukhang matapos ang matagal kong paghihintay ay magkakaroon ulit ako ng pagkakataon na ma-enjoy ang isang mahabahaba at masayang relasyon.
------------------------
*Para kay CG na hanggang ngayon ay hindi masukat ang katotohanan sa guniguni kapag nagsusulat ako.
in all fairness, ang cheesy nga ng caption mo.
ReplyDeleteHi nIyabachoi! Parang ang dami mong oras ngayon a! Hahaha. Nakita mo na ba sa boracay ang tunay mong pag-ibig?
Delete#KiligMuch naman ako dun :)
ReplyDeleteGanyan din ang gusto ko sa isang babae.
Yung simple lang. Wala masyadong arte sa katawan.
Huwag mo akong aagawan, Fielkun :)
DeleteNaks naman. Salamat sa taho. Lol. Namimiss ko na din ang taho at ang mavka-lovelife.. Pero ayun nga, antay-antay kang kay forever... Natraffic eh. Lol.
ReplyDeleteHuwag ka kasing oorder ng pag-ibig kapag araw ng Quiapo.
DeleteMahabahabang relasyon na baka maging forever... ;-)
ReplyDeleteTitingnan natin yan! :)
Deletehehe.. yan ang hugot! ^_^
ReplyDeletepara sa akin.. mas prefer ko din yung babae na walang arte sa katawan ^_^
Hello! first time ko bumisita rito hehe
added you in my blog roll
bluedreamer27.com
salamat ^_^
HI Bluedreamer! Welcome sa espasyo ko :)
DeleteI read your posts backwards, nauna kong nabasa yung tungkol sa honesty and forever, nalungkot ako kanina pero mas nalungkot ako ngayon. Napapa-buntong-hininga na lang ako ng malalim.
ReplyDeleteHi D. Minsan ako din, nalulungkot sa mga nasusulat ko dito. I hope you're well.
Delete