Friday, August 31, 2012

Pwede bang magmura?

Ano ang pwede mong gawin kapag nakita mo ang ex mo sa sinehan? Sabay kayo sa papasukin na pelikula. At isang upuan lang ang pagitan niyo sa isa't isa.

At noon naalala mo na sinabi niya ang pinakamalungkot na senaryo ay ang manood ng pelikula mag-isa.

At napansin mo ngayon lang na ikaw ay nanonood  sa sinehan na mag-isa simula ng makipagbreak siya sayo at binitawan kang parang mainit na nilagang mais.

At wala kang pakialam kung nahahabag siya sa mga nanonood ng sine mag-isa.

Tapos nung nagkita kayo sa sinehan, nginitian ka niya na para bang walang nangyari tatlong taon na ang nakakaraan. Nag-hi sya tapos malaking ngisi.

Wednesday, August 29, 2012

2007 was a good year

Nakita ko habang nagsosort ng mga basura files ko sa kung saan-saan na meron pala akong listahan ng mga paborito kong libro noong 2007. Eto ang listahan:

  1. Happy Endings (LJ Katigbak)
  2. Dream Jungle (Jessica Hagedorn)
  3. Love in the Time of Cholera (Gabriel Garcia Marquez)
  4. Catcher in the Rye (JD Salinger)
  5. The Great Gatsby (F Scott Fritgerald)
  6. To Kill a Mocking Bird (Harper Lee)
  7. The Color Purple (Alice Walker)
  8. Purpose Driven Life (Rick Warren)
  9. the Book of Job
  10. Shogun (James Clavell)
  11. My Sister's Keeper (Jodi Picoult)
  12. Da Vinci Code (Dan Brown)
  13. Breathing Lessons (Anne Tyler)

Tuesday, August 28, 2012

Blessed are those who study for they shall pass

Tapos na yung unang eksam ng mga estudyante sa kolehiyo. Nakakatawa lang at ako pa talaga ang kinabahan para sa kanila. Unang paeksam ko sa unang taon ng pagtuturo ko sa unibersidad. Ilan kaya ang unang papasa? At unang babagsak? Hihi.

Monday, August 27, 2012

Awkward moment

Yung excited kang i-share ang nadiskobre mong bagong kanta sa kanya tapos nung nadinig niya sinabi niya na nagustuhan niya.

Tapos sasabihin mo sana sa kanya na siya ang iniisip mo sa love song na yun pero inunahan ka niya at sinabi niya yung pangalan ng ibang lalaki na naiisip niya sa kantang yun.


One hundred book drive ng preschool

Ang mga librong ito ay binabasa at  naluluma ng mga bata at hindi lang display.
Ang isa sa mga pangarap ko talaga ay makita na mas madaming mga Pinoy ang mahilig sa pagbabasa. Naalala ko na nung bata ako, ang ginawa ng nanay ko ay bumili ng sang katerbang libro, oo, sako-sako ng mga libro at binabasahan kami ng mga kapatid ko tanghali at gabi.

Ayun. Ganung exposures lang. Walang pilit na matutong magbasa. Nandun lang. Parang inception.

Kaya ngayong nagtuturo ako ng preschoool, alam kong crucial ang panahon nato para ilagay sa bata ang pagmamahal sa pagbasa.

May proyekto kami sa school na 100 book drive. Ang gusto namin kasi namin ng co-teacher ko ay kapartner ang mga magulang sa pag-incept sa mga bata na mahilig at matutong magbasa.

Sunday, August 26, 2012

Wala akong non-negotiables.

Yan ang napagtanto ko matapos ang dalawang araw na pag-iisip. Imperness, kahit naliligo ako o bago matulog naaalala ko pag-isipan kung may non-negotiables ba ako. Tapos nga nung nakasakay ako sa jeep papunta ng unibersidad, naisip ko na wala talaga akong fixed na dapat swak dun si future lovey-dovey mahal.

Sa punto ng buhay relasyon ko na sa ngayon ay zero, maghahanap pa ba ako ng dyosa? lols.

Pero naisip ko gumawa ng listahan ng mga gusto ko na lang, o yung initially nakakapag-attract sa akin.
  1. Malinis ang kuko at malinis tingnan ang paa.

Saturday, August 25, 2012

Five non-negotiables

Nitong Huwebes, binigyan ko ng assignment ang mga estudyante sa kolehiyo.Kailangan nilang isipin ang five non-negotiable characteristics that they are looking for in a partner. Ayan. Sabi ko pag-isipan talaga nila ng husto. Sana seryosohin nila.

Sinabihan ko rin sila na magsurbey sa mga kapwa nila college student, isang lalaki at isang babae ng kanilang top five non-negotiables. Tingnan natin kung ano ang common ng mga estudyante ngayon na hinahanap na ideyal na makakapareha nila.

Mate selection theories kasi ang pag-uusapan namin.

Thursday, August 23, 2012

Malungkot ang mundo kapag

Mahal mo siya.
Hindi ka niya mahal.
May mahal siyang iba.

Wednesday, August 22, 2012

Tea is drunk to forget the din of the world

While waiting for a friend in Megamall, I bought myself a cup of hot Japanese Macha Milk Tea from Bubble Tea. I would have wanted it to have a stronger green tea taste. Medyo may lasang red bean. Bukod doon, okay na siya. Papasa na for P80.00.

Nagdala ako ng critical essay ng mga college student na tsetsekan. Nakapagbasa pa ako ng isa bago dumating ang kaibigan na matagal na di nakita.

Mabuti na rin na lumabas ako para hindi panay malungkot at masama ang naiisip at nararamdaman. 

Tuesday, August 21, 2012

Mga panahon ng Ako

Kapag sinasabi ng mga tao na namimiss nila ako
naisip ko rin kung gaano ko namimiss ang sarili ko.
Yung ako na makwento at maingay
at bangka ng usapan.
Yung ako na kayang magmahal ng lima o anim
nang sabay-sabay.
Yung malapot at matamis magsalita para patabain ang puso
ng mga kaibigang pagod sa buhay.
Yung pakawala at mas iniisip ang sariling kaligayahan
kesa iniisip ang iba at sasabihin nila.
Yung responsable pero tamad.
Yung mahilig uminom ng kape
at magaling magtimpla ng kape para sa iba.
Yung tatanga-tanga sa paglalaro ng basketball
at mamalag-malag sa pagkumpuni ng kung anong
electrical appliances na sira
at lalong masisira.
Yung sinungaling na ako na nagtatakip ng pagkakamali ko
at ng iba.
Yung pumupunta sa gitna ng Ortigas para tumingala
at masdan ang mga gusaling dambuhala.
Yung bulgar magsalita, yung jejemon, yung jologs,
yung walang paki basta aamin na nung bata ay
pinanood ang Marimar at Luz Clarita.
Yung nangolekta ng libro at kwento at tula.
Yung nagtatyaga isulat ang lyrics ng kanta
para makabisado.
Yung ako noon na mas bobo, mas walang alam,
mas walang alam na asal.
Yung ako na mas ako.
Yung nawawala.

Monday, August 20, 2012

What is grand about having eternal life?

This journey of Christian faith, I have been struggling with it the past few weeks. Not that I have totally rejected the idea of God, or even the deity of Christ. I have some questions from time to time.

And so far, I think that these are healthy questions. Because I know that I am constantly in question of something important and foundational about life. And I question because it matters. And this inquiry-kind of faith experience allows me to sometimes let go of logical thinking and embrace while admittedly eyes close this whole thing about the personal relationship with someone bigger than who and  what I am.

This way of walking (by and) in faith gives me the momentary push to move on and continue my Christian walk. However, it does not satisfy fully the questions I have about my faith. It just leads to some finer and more important questions about the God I believe in.

I have friends surrounding me who deeply loves God and who are very religious about their beliefs. You see them having their regular quiet times, attend Sunday services and earnestly seek the Bible for direction and encouragement, as well as lead others in having and growing the faith.

I'm telling about them because just this afternoon, I told two of these Christian friends that I am having a difficulty grasping the notion of eternal life -the very basic concept of God's gift when one has a personal relationship with Christ. And I really am.

Namiss


Naaalala pa rin ako ng mga aso kahit isang taon ko silang hindi nabisita sa bahay mo. Mahigit isang taon na rin tayong hindi napagkwentuhan, ayung huli nga ay noong hinatid ko ang mga aso. Para ibigay sayo sapagkat sa lugar na bago kong titirhan, hindi pwede ang mga hayop.

Agad mong sinabi na sa iyo na yung mga aso, sapagkat sabay naman natin silang nakitang naglakihan, sabay natin silang nakitang natutong dumumi sa tamang lugar pati na rin ang sabay na pagkakaroon ng konsumisyon noong kinagat nila ang mga papeles na trinabaho natin ng isang linggo para lamang ulitin ang kalahati ng mga iyon sa loob ng isang oras para lamang kumita pambayad ng renta ng bahay.

Nakakatawa na mahigit isang taon na tayong hindi nakapag-usap. Ikaw na sa palagay mo ay mga aso na iniwan ko ang nagdudugtong sa atin na alam mong sa hinaharap ay bibisitahin at kukumustahin kita at ang mga aso. Ako na nasa telepono ko ang numero mo, ngunit hindi man lamang matawagan sapagkat abala sa bagong buhay na niyakap ko simula nang magdesisyon tayong iwanan na ang bahay na nirerentahan nating dalawa sapagkat hindi praktikal ang presyo.

Gaano na nga ba katagal? Makailang lipat na rin ako ng bahay simula noon, at palagay ko ikaw din. Matagal-tagal na rin yun. Alam mo na isang araw ay kukumustahin kita kaya sinikap mong hindi magpalit ng numero ng telepono. At ayun nga, nakikita ko ang ngiti mula sa boses mo noong tumawag ako sa iyo para mangamusta. Sinabi mo na dalawin ka sa bahay mo sa Paranaque, at pati na ang mga aso. Nagtaka ako kung bakit bahay ang tinutuluyan mo. Sinabi mo na di ka makahanap ng condo unit na pwede ang mga aso kaya kahit sa Paranaque ay naghanap ka para lamang makasama mo pa rin ang mga aso natin. Malaking sakripisyo yun lalo na nasa Makati ka nagtatrabaho. Sabi mo ayos lang, mahalaga ang mga aso.

Perfect day to do something we ought to do

With the perfect weather like now in the Metro --a bit cloudy and a bit sunny, with cool winds blowing occasionally-- we ought to make the best out of this awesome day. Di ba? Di ba? At holiday pa ngayon!

All university instructors, join me in saying,

Let us...





















check the papers and exams.
 

 Bakit nga ba ulit ako nasa larangan ng edukasyon at pagtuturo? Haha.

In the eve of the 25th of January


The tongueless nightingale
died of suffocation
because it had so much songs
but it could not get it out.



------
I had this poem written last January 26, 2011. Retrieved it from my multiply blog. Dedicated to a friend who was forced not to talk when she should have explained herself. 

Sunday, August 19, 2012

Sweet pill

Forget my existential farce yesterday. It has been momentarily wiped out by this video. Prolly you have seen this. It's been a late reblog already. However, I wanted this to be pinned down on my online wall. So here it goes. Presenting to you, the Call Me Maybe Chatroulette Version.


You love it don't you?

Saturday, August 18, 2012

空洞的

For the last couple of days, things seems routinary and life becomes drab and dull.

I suddenly remember the movie I saw the other day, Before Sunset. And I badly wanted to be trapped in that movie. To be in one of the scenes, and join the conversation -that long talk about nothing and anything.

Those lines in the movie, crafted spontaneously and free from rules and preconceived notions, made me realize of some talks I had with several important people I had. Some of them are gone. Some are missing. Others, dead.

Funny how I badly wanted to converse but hate it when friends call up and ask how I'm doing. I dread it when people visit me and check if I'm alright. Because I really don't want to answer those questions. Because it's depressing. And I don't wanna give a BS. And I know that people don't wanna give a BS too.

Not that I don't appreciate the acts or the people themselves. I really value relationships. It's just that even if I tell them that I don't really feel like living, I don't want to hear their diagnosis or sympathy even. I don't want them to know. That's it.

Social networks don't help either. Fb states that I got more than a thousand friends across the globe. But I don't see what that means right now. It's this sudden coldness that drove me to deactivate my Fb account.

I tried cooking food, running, drinking beer and organizing my table. Tried praying as well. It didn't do much. The world is still thin, shallow and empty.

This, whatever it is. is really nonsense. 

Friday, August 17, 2012

Cheers!

Masaya naman ang aking PTC (Parent Teacher Conference). Unang pagkakataon ko na naenjoy lang makipagkwentuhan sa mga magulang at idiscuss ang results ng assessments ng mga anak nila.

Cool sila kausap. May executive producer, may make up artist, may PhD holder, may detalyadong tatay sa fathering niya sa anak, may nanay na model, may fulltime nanay. Iba-iba.

Nakakapagod syempre ang mga one-on-one sessions with parents. Pati na ang pagdiscuss ng technical terms sa developmental checklist, pati na rin ang mga child development at early childhood education theories at ano ang praktikal na aplikasyon nito.

Ayan. Maganda ang simula. Sana tuloy tuloy.

Sobrang pagod ako pero naenjoy ko ang araw nato. Wala pa rin akong sweldo. Kumusta naman? Pero eto nakangiting naghihintay.

Wednesday, August 15, 2012

Nobela na may direksyon sa pagkapon ng manok

Hindi ko lang mataim na ang magandang libro na maganda ang istorya ay ibebenta ng mura. Kaya pagkakita ko kaagad nito sa garage sale sa may Balanga, Bataan nung weekend, binili ko agad. Syempre, tiningnan ko kung meron pa silang iba pang kopya nito. May bigla akong pagnanasa na kunin lahat ng kopya para hindi siya iblandra at ibenta ng mura.

Nasa Bataan ako para magbigay ng psychosocial session sa mga dalaga. Binubuo namin ang grupo ng mga future peer counselors ng isang center-based na programa.

Balik sa libro, nabasa ko na siya noon pang kolehiyo ako. Hindi malalim ang kwento katulad ng Love in the Time of Cholera ni Gabriel Garcia Marquez pero kahilera ng House of Spirits ni Isabel Allende sa galing ng paggamit ng mga salita sa hanay ng magical realism.

Para sa mga nagsisimula o gustong magsimula ng bisyo sa pagbabasa ng mga nobela, maganda itong starting point. Hindi malalim pero hindi mababaw. Mahusay ang habi ng salita. At may kirot sa puso at kalawang sa utak ang tama ng pagbabasa nito.

Sunday, August 12, 2012

Purposeless update.

Random lang. Para maki-bandwagon. Madami ang nag-rarandom update sa blog hopping ko kanina. Hihi. Sasali lang.

1. Yang larawan na yan ang unang nobela ni Sylvia Plath na nabasa ko. Ayan ang unang akda na naencounter ko sa kanya. Grabe ang pagiging twisted niya. Habang binabasa ko yung libro, may pakiramdam ako na may kakaiba sa pag-uutak tong writer nato. Ayan, salamat kay google, nalaman kong nagpakamatay siya. At hindi siya kagulat-gulat dahil may foreshadowing siya sa kanyang pagpapatiwakal sa akda niya. Nga pala, siya ay mas kilala bilang manunula kesa nobelista.

2. Naligo ako sa ulan kagabi. At naglunoy sa baha. Hahaha. Masaya lang. Buhay bata ulit.

3. Nakipagmeet ako sa kaibigang doktora at sa isang bagong kaibigan na instraktor din sa unibersidad. Masaya lang na may nakausap na mga mas matanda sa akin na alam ang konteksto ko sa unibersidad. In-assure lang ako na normal pa ako. At normal pa ang karanasan ko.

4. Pakiramdam ko lang may tampo sa akin ang nanay ko. Hindi pa siya kompirma pero parang ganun ang pakiramdam ko. Plano ko siyang tawagan bukas.

5. May binigyan ako ng 96% sa critical essay na requirement ng mga estudyante ko sa kolehiyo. Nung una nangangamba ako na parang hindi realistiko ang pamantayan ko sa paggragrado pero voila, may mga estudyante na mahusay na nagbigal ng krtikal na pag-analisa sa napili nilang journal article tungkol sa pamilya. Kung tutuusin, bibo naman ang batang ito sa recitation, pero iba lang ang lebel niya ng critical thinking base sa output niya sa papel. Yey! Akala ko masyado lang ako idealistic.

Saturday, August 11, 2012

Akala niyo estudyante lang marunong mag-rant

Ganyan kakapal ang babasahin ko lahat-lahat. Tulong!
Parang moral dilemma lang ang peg. 

Dalawang araw nako bumabangon ng alas tres ng madaling araw para magcheck ng critical essay on journal articles ng mga estudyante ko sa kolehiyo.

At nakakafrustrate lang na matapos silang bigyan ng napakadetalyadong balangkas sa kung ano ang hahanapin ko sa mga sinulat nila, WALA, as in wala akong makita na kritikal na pag-analisa sa mga pag-aaral na ginawa tungkol sa pamilya.

Meron naman ang iba, marahil hindi ko pa lang nache-checkan.

Pero haggard magbasa. Ang sistema kasi ay ganito. Syempre, babasahin ko muna ang journal article na napili nila. Pagnaintindihan at natapos ko na basahin, saka ko pa lang babasahin yung critical essay na ginawa nila.

Friday, August 10, 2012

Exactly my thought

Long separation inevitably leads to reunion, and vice versa.

At namimiss ko na sila

Karir na bulletin board namin sa school. Gawa ni co-teacher. Ayos di ba?
Nakakapagod talaga magturo ng preschool. Sa totoo lang, iba ang energy ng mga bata. At bilang teacher, dapat kasabayan mo sila sa kasiglahan.

Hindi ako naniniwala na dapat tahimik lamang sila. Hello, kiriring-kiriring, nagturo ka pa ng mga bata kung ayaw mo ng maingay. Sana nagsilent retreat ka na lang sa kombento.

Dahil sa patuloy na pag-ulan at sa naidulot nito sa Quezon City, halos isang linggo na kaming walang pasok sa laboratory preschool namin. At halos isang linggo ko na silang hindi nakikita. At namimiss ko na sila.

Iba syempre ang yakap na dulot ng mga batang ito kapag umaga. Pati na yung mga kwento nila. Saka yung mga usap matanda nila. Iba lang.

Daig pa nila ang redbull na pampasigla


Sila ang kuhanan ko
ng mga morning yakap.

Sila ang iniispreyan ko
ng mosquito repellant sa bawat araw
na ginawa ng Diyos para di sila ma-dengue.

Sila ang ka-jamming ko at ka-parteee parteee gamit ang mga simple
at kakaibang dance moves.

Sila ang dahilan
kung bakit masayang masayang masaya at ehem, nakakapagod ang aking mga umaga.

Wednesday, August 8, 2012

Rebyu ng pelikulang Ang Nawawala





Pasintabi kay Rolando Tinio pero naniniwala ako na ang indie film na Ang Nawawala ni Marie Jamora (2012) ay hindi lamang basta-basta na superpisyal na naratibo ng buhay mayaman. Marahil masyadong linyente si Ginoong Tinio sa pagtinging marxismo sa paggawa ng rebyu sa pelikula. At kung sa ganitong pagtrato sa pelikula, totoong madaling sabihin na oo, walang replexibong pagtanaw ang pelikula.

Gayunpaman, idinudulog ko na tingnan ang buhay ng napiping bida sa ibang balangkas. Ang paniniwala ko ay ganire: kung ang bawat tao ay may kanya-kanyang pangangailangan (kapangyarihan, kalusugan, pag-ibig, atbp), ito ay maaaring iba-iba ang larawan. Ang kapangyarihan halimbawa, bilang pangangailangan ay maaaring patungkol sa paghawak ng sariling oras para sa isa at iyong pagkamit ng pera pambili ng materyal at sosyal na kontrol naman para sa iba. Sa ganitong pagtingin, iikot sa kasaysayan ng isang indibidwal, pati sa ang kanyang mga pagpapahalaga ang paghubog sa larawan ng pangangailangan. Your experiences and values will shape how you view your needs.

Tuesday, August 7, 2012

Pasintabi kay Kgg. Manny Pacquiao

Jinky: Manny, pagmagkaka-anak uli tayo,
ano magandang name?
Manny: e di, combine na lang natin.. 'manky'.
Aling Dionesia: aba, kailangan kasali din pangalan ko!
Manny:talaga Nay?anu?
Aling Dionesia: Diomanji!

Larawan mula dito.

--------

Masyado lang malungkot ang nangyari sa kalakhang Maynila ngayon. Wala pang bagyo pero dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan, lubog ang maraming parte ng sentro ng Pinas.

Ito ay para sabihin na muli akong nagpapaalam sa iyo.


Muli akong nagpapaalam sa mga alaala nating dalawa.
Muli akong kumakaway at lumalayo sa ideya ng ikaw at ako.

Sapagkat sa mga oras na ito ay naiisip kita.
Bagamat magkalayo na tayo.

Sapagkat ang mga pangako mo at mga salitang binitiwan ko
ay patuloy na sumasayaw sa aking pandinig.

Na kahit magkahiwalay na tayo
Ay malapit ka pa rin sa puso ko.

At ito ay mahapdi sa puso
At nakakawalang dangal ng kaluluwa. 

Ito ay pamamaalam. Ulit.

Monday, August 6, 2012

Buti pa ang dugo, nadodonate, bakit ang taba hindi?

Kung ang hinihigop na lang sana ng lamok ay taba at hindi dugo, mas masaya sana lahat ng tao.

Joke dyukan lang ang title. Pero medyo seryoso ang blog entry nato. Eto na. May estudyante akong nagka-dengue nung nakaraang buwan. Hindi naman siya nakuha sa premise ng preschool. Sa bahay nila nakuha kasi matagal siyang nagkabakasyon sa bahay nila bago siya nagkasakit. Pero nakakatakot pa rin na isipin na sa Quezon City, may mga lamok na may kargadang dengue. Ang mahirap pa nito kahit anong linis ng bahay mo, kung ang isa sa mga kapitbahay mo ay hindi alerto sa pagtanggal ng mga imbak na tubig bunga ng maulan na panahon, may malaking tsansa na may naglalamyerda na Aedes aegypti.

Sunday, August 5, 2012

Rejected UPCAT Essay Questions

Natutuwa ako ngayon. Espesyal kasi ang araw nato para sa UP. Ngayong Sabado at Linggo lang kasi ang tanging dalawang araw sa buong taon na traffic sa Katipunan Avenue, hindi dahil maraming kotse ang mga taga-Arneo pero dahil maraming sasakyan ang pilit pumapasok sa UP para sa UPCAT.

At dahil diyan, narito ang mga ilang tanong na ‘di nakalusot para sa “essay” na parte ng UPCAT 2012. Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng UPCAT, nagkaroon ng mga essay questions na kelangan sagutin ng mga examinees.
  1. Ano ang boiling point ni Agua ng Agua Bendita?
  2. Ano ang circumference ng mukha ni Charice?
  3. Kung bukas luluhod ang mga tala, bakit hindi pa ngayon?
  4. Why are the birds angry? Explain your answer briefly.
  5. Using a vernier caliper to a meter stick, gaano kakapal ang mukha mo?
  6. Bakit sa kahit anong angle, ang gwapo mo? Use the SAS ASA SSS Postulates in Geometry to answer this question.
  7. Bakit pababa nang pababa ang ispaghetti? Explicate using Newton’s Law of Gravitation.
  8. Explain the attraction between two PBB teens housemates using Newton’s Law of Gravitation.
  9. Magkano ang binayad ni Adam Levine para makatawag sa payphone? Cite statistics.
  10. Using the Mohs Scale of Hardness, gaano katigas si Bash?
  11. Ano ang meron kay Brand X at galit na galit ang ibang brand sakanya? Defend your answer.
  12. Kung totoong may alien, bakit palaging galing sa Earth ang nananalo sa Miss Universe?
  13. Anong meron sa eggs ng Angry Birds at ninakaw ito ng mga baboy?

Saturday, August 4, 2012

Kapag itlog pugo ang hinain mo

Natawa lang ako kanina sa preschool class ko. Ang snack ng mga bata ay itlog pugo. Ayan ang pinakain ng school sa mga older kids. Practice daw para magbalat, pang-enhance ng fine motor skills ng mga bata.

Kung sabagay, may tuldok (translation: point. haha) ang aming faculty-in-charge. Dapat nga naman na nae-enhance ang fine motor skills kahit snack time. Talino talaga ng FIC namin.

Maganda din na naiiba ang exposure ng mga bata ko sa pagkain nila. Para hindi lang Jobi at hotdog ang alam nila.

Ang larawan na yan ang hindi pa namumiurder ne bersyon ng itlog. Matatawa kayo kung paano nilapirot ng mga bata ko yung itlog pugo para lang makakain. Ganyan ang karamihan ng mga bata ko, egg masher. Haha.

Meron din ako na mga segregation specialist. Sila yung mga batang ang kinakain lang ay yung egg white. Ang egg yolk ng maliit na itlog na inihain sa kanila ay nasa plato lang nila. Di tinikman. Kundi pinandirihan.
 Haha.

Meron din naman na mga normal. Yung mga tahimik lang na kumain. At walang sinabi. Gusto lang nila maubos ang snacks nila. Ganun. pero sila yung pinaka-konti sa populasyon. Dalawa lang sa dalawampu't dalawa.

Mabuhay ang itlog pugo! At masayang Byernes sa lahat!

Friday, August 3, 2012

Weather alert!

If Gener can do much flooding, how about this one? Just be ready and pray na di tumama sa atin.

Wednesday, August 1, 2012

Next session, sisipatin namin ang relasyon ni Tita Anabelle Rama at Tito Eddie Guttierez gamit ang tatsulok

Matapos ang lektyur ko kanina sa kolehiyo, balik kagad ako sa lungga ni Batman para magpahinga ng konti.

Nakatulog ako at nagising after 36 hours. Dyok lang.  Matapos ang limang minuto na pamamahinga, nagbukas kaagad ako ng laftaf para kanain ang powerpoint para sa susunod kong lektyur two days from now.

Ayan, habang ginagawa ko ang visual aid ko, natawa lang ako dahil ang buong powerpoint ko ay binubuo ng mga tatsulok. pakiramdam ko tuloy na kahit ginapang ko ang mga klase sa Sipnayan (oo yan ang Filipino sa Mathematics), instraktor ako ng geometry sa kolehiyo. Wish ko lang. Hihi.