Matapos ang lektyur ko kanina sa kolehiyo, balik kagad ako sa lungga ni Batman para magpahinga ng konti.
Nakatulog ako at nagising after 36 hours. Dyok lang. Matapos ang limang minuto na pamamahinga, nagbukas kaagad ako ng laftaf para kanain ang powerpoint para sa susunod kong lektyur two days from now.
Ayan, habang ginagawa ko ang visual aid ko, natawa lang ako dahil ang buong powerpoint ko ay binubuo ng mga tatsulok. pakiramdam ko tuloy na kahit ginapang ko ang mga klase sa Sipnayan (oo yan ang Filipino sa Mathematics), instraktor ako ng geometry sa kolehiyo. Wish ko lang. Hihi.
Pag-uusapan kasi namin ang Triangular View of Love ni Sternberg. Naway magbasa sila para wala nang kung anu-ano pang lecture shiz at magkaron na lamang kami ng diskusyon.
Gusto ko sana mapag-usapan yung implikasyon ng teorya at hindi na isa-isahin pa ang detalye ng assumptions ni Sternberg. Bakit nagkakaron ng hiwalayan? Bakit tumatagal ang relasyon? Bakit si Edddie Gutierrez ay labs pa rin si Anabelle Rama kahit reyna siya ng gyera? Ayan sana. Analisis na kagad ng sitwasyon. Higher learning na kung ba ga.
Malapit na rin pala ang exam ng mga estudyante. Hirap ako gawin ang exam nila. Ginagapang ko sa lusak. Kasi dumadantay sa teoritikal ang klase. Kaya di pwedeng identification lang. Di alam ng mga estudyante pero hanggang ngayon di pa tapos ang exam nila. Pangatlong linggo ko na siyang iniisip.
Dahil long exam week na sa unibersidad, ang dami nang mukhang zombie na mga estudyante. At mukha silang mga wala sa sarili. Hihi.
Iba lang ang pala ang pagtingin kapag nakatayo sa academic ground pero hindi na estudyante na lente ang gamit pero antipara ng isang instraktor. O ha.
Naway mahirapan sila sa pagsagot ng aking eksam. Katulad ng paghihirap ko mag-isip gumawa nito. At naway pumasa ang mga tunay na nag-aral. At nakaintindi.

Hate ko dati ang teacher namahirap magpa-exam. ngaun medyo naiintindihan ko na kung bakit kelangan paminsan minsan paduguin ang isip ng mga mag-aaral.
ReplyDeleteOff topic. Ngaun ko lang nabasa unglast comment mo.
ReplyDeleteMasarap magka-baby, masaraaaaap din gumawa. Yun lang! :p
@ser kuri: ako naman ser, ayoko na magpahirap sa exam just for the sake of pagpapahirap. syempre, if students fail, part of it would make me ask whether im an effective instructor or not. ayun, gusto ko maggauge di lamang kung memorize nila yung concept pero kung magagamit ba nila ang mga konsepto para sa kritikal na pag-analisa ng mga sitwasyon.
ReplyDeleteat ehem, talagang mas mahaba ang salitang masarap sa "gumawa"? ramdam ko sa salita mo ang pagkakaiba ng sarap sa magkababy sa paggawa ng baby. haha! Apir!
to ze couples: salamat sa pagbisita. Apir!
ReplyDelete