Masarap kaibigan ang mga byahero. Kapag nahuli ka sa takdang kitaan ninyo, alam ng mga byahero na ang pagkaligaw ay natural na pangyayari. Mas mahaba ang pang-unawa at pasensiya nila sapagkat alam nila na ang proseso ng paglalakbay ay mas mahalaga kaysa sa destinasyon.
Masarap kaibigan ang mga manlalakbay. Hindi nila kelangan ng mga mamahaling regalo. Hindi importante ang mga kikay na gamit o mamahaling bag. Tanggap nila ang mga mumurahing byahe o kaya mga praktikal na bagay katulad ng alkohol, mosquito lotions, flashlight o abre lata. Hindi sila maarte.













