Tuesday, February 9, 2016

Buhay researcher

Nakasama sa draft ang pangalan ko para sa isang research patungkol sa HIV-AIDS. Di ko pa alam ang buong detalye. Pero mukhang kakain ulit ito ng oras sa pagbyahe at pangangalap ng mga datos.

Thursday, February 4, 2016

Gusto ko lang bigyan ng update ang pag-eermitanyo ko sa Magnolia.

Una sa lahat, nagawa ko ang parte ko sa isang research na pinondohan ng isang intergovernmental agency. Kaya lang may ilang rebisyon na kailan gawin mula sa huli kong presentasyon. Ngayon linggo na ito ko gusto tapusin.