Bigla ka na lang nawala sa dormitoryo.
Maya't maya ka sa akin hinanap ng landlord dahil '0'yung gamit mo, nasa kwarto pa rin natin. Sinabi ng landlord na ikakalakal niya na yung mga gamit mo. Pero nakiusap ako na ako na lang ang magliligpit baka sakaling bumalik ka.
Iba na ang roommate ko. Kelangan ng paupahan 'yung bakanteng kama dahil nagmahal daw ang asukal at kape ni landlord.
Maulan nitong mga nakaraang araw. Sana ayos ka lang.
Dumating ang kapatid mo noong nakaraang buwan dito sa dormitoryo at hinahanap ka sa akin. Kelangan ng nanay mo ng pambili ng gamot. Sabi ko, di ka nagpapakita matagal na. Pero nag-abot ako ng pera. Sabi ko, may patago ka sa akin noon.
Paramdam ka lang pag gusto mo na magpakita. Dadalhin kita sa Kanin Club at oorder tayo ng paborito mong crispy dinuguan. Ako ang taya.
Thursday, August 23, 2018
Friday, August 17, 2018
Bago kong mahal sa buhay
Ito ngayon ang bago kong alaga. Cobra fern.
Ilalagay ko yan sa kwarto ko. Di naman daw kelangan ng direct sunlight at kelangan humid ang lugar. Palagay ko magugustuhan niya ang kwarto ko.
Gusto ko sana yung mas malaki na cobra fern. Kaya lang nasa libo ang presyo. So dito muna ako sa infant.
Subukan ko kung kakayanin ko buhayin. Bago ako pumasok sa relasyon sa tao. Hahaha.
Walang masyadong kwenta 'tong post nato. Gusto ko lang magkwento. Dahil ilang araw nako nakakulong sa kwarto dahil may mga project ako na tinatapos.

Monday, August 13, 2018
Medyo malulungkot si Carl Rogers sa medyo palpak ko pang implementation ng unconditional positive regard
Alam ng mga kaibigan ko na advocate ako ng restorative justice. Kaya nga nagtrabaho ako sa kulungan.
Minsan sa isang binyag ng anak ng isang kaibigan, ako ang pinag-initan. May kaibigan kasi dun sa grupo na yun na pro-tokhang at pro pagpatay 'pag dating sa mga "users".
Nakwento ko ang tungkol sa karanasan ko sa rehabilation ng mga sinasabi niyang "users" na kung saan, may mga ilan sa mga iyon ang di talaga gumagamit.
Nakwento ko rin ang tungkol sa kung nasaan na sila ngayon, ano ang trabaho nila after nila "makulong". Binida ko syempre ang mga kliyente ko. Although sinabi ko rin sa kanila ang kinahinatnan ng mga bigong matulungan. Para hindi bloated o romanticized development work.
Subscribe to:
Posts (Atom)