Thursday, December 13, 2018

Deconstructing evangelical church rituals

Hindi sa simbahan ko ngayon nakukuha ang comfort ng mabuhay ng malaya at may saysay. Kundi sa Sarah's. Isang inuman sa may gilid ng unibersidad kung saan nakakafellowship ko ang serbesa at mga usok ng sigarilyo.

Huni ng himig sa akin ngayon ang mga kaibigang nagkwenwentuhan, mga brad na nagbubulungan o kaya nagsisigawan ng kanilang mga ginawa at prized experience, mga aktibistang may diskusyon tungkol sa kabuluhan ni Freire sa pang araw-araw na buhay. Pati na ang mangilan-ngilan  na mga iyak ng mga kabataang nakaranas ng sarap at sakit ng pag-ibig. Pati na ng ilang myembro ng Babaylan na kung di magsasayahan ay nagdadamayan sa represyon ng hegemonya.