Huni ng himig sa akin ngayon ang mga kaibigang nagkwenwentuhan, mga brad na nagbubulungan o kaya nagsisigawan ng kanilang mga ginawa at prized experience, mga aktibistang may diskusyon tungkol sa kabuluhan ni Freire sa pang araw-araw na buhay. Pati na ang mangilan-ngilan na mga iyak ng mga kabataang nakaranas ng sarap at sakit ng pag-ibig. Pati na ng ilang myembro ng Babaylan na kung di magsasayahan ay nagdadamayan sa represyon ng hegemonya.
Sa Sarah's ako nagbabasa ng Bible. Naka-earphone ng instrumental na Papuri, doon ko sinusubukan kilalanin ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob. Doon ko binabasa ang mga "I am" statement ni Hesus.
Hirap ako magsimba ngayon dahil paulit-ulit ang ritwal na nakikita ko sa simbahan. Sa sobrang paulit-ulit, di ko na makita ang saysay.
Di naman ako tumalikod sa aking *pananampalataya*. Sa ngayon, gusto ko lang hanapin ang Diyos sa labas ng mga pasa-pasang interpretasyon ng mga bible school, mga ritwal mula sa Kanluran, mga tugtog ng Hillsong atbp na pinipilit gayahin ng mga Pinoy na ingleserong worship leader.
Naniniwala ako na buhay ang Diyos. At kaya Niyang mangusap sa akin sa labas ng usual na kinagisnan ng isang kristiyanong pananampalataya.
Ang Diyos ay mabuti at mapagmahal. At tapat at totoo. Labas sa ritwal, kaya niyang kausapin ako at yakapin ako, kahit dito sa Sarah's Christian Fellowship.
Eto ba yung Sarah's sa may KnL? Makapag-fellowship nga rin jan kapag nagawi ako jan minsan.
ReplyDeleteDi ba nasa bansang Hapon ka? Hahaha.
Deletesumasakit talaga yung mata ko kapag nagbabasa na puti ang kulay ng text at itim ang background, pero interesting kasi basahin eh, kaya hina-highlight ko na para maging blue man lang:)
ReplyDeleteisang buong taon ata ako na hindi nakapagsimba ngayon sir OP; at parehas din sa iyo ang ilan sa mga dahilan ko...
Ayun lang, we are still responsible to our spirituality and spiritual growth. Pwede tayo umatras paminsanminsan. Pero kelangan natin laging umabante.
DeleteI changed the text color from white to gray. I hope this eases your reading Sir Jep :)
Deletehi OP miss you
ReplyDelete-KULAPITOT
Long time, no hear. Kumusta ka?
Delete