Para sa isang ginoong siyam na taon nang naninirahan sa lungsod at hindi nakakauwi ng madalas sa probinsiya, malaking adyasment ang matagal na paninirahan sa bukid. Walang wifi. Walang cabled television. Walang tambayan na malamig. Sariwa ang hangin. Magagalang ang mga tao. Walang mabigat na trapiko. Mura ang bilihin.
Nakakapanibago din na tagpuin muli ang mga kaibigan nung kabataan at panimulang pagbibinata. Marami ang tumanda na ang mukha na halos hindi ko na makilala. Yung iba naman ay hiyang sa buhay may asawa at namamaga na ang mga katawan at bundat ang mga tiyan. Ang ilan naman ay natagtag na ang kalokohan at lumalim na ang mga pananaw sa buhay simula ng nagkaanak.
Mabilis na nagbago ang probinsiya simula ng nawala ako dito. Bagamat hindi ko nalimutan, hindi ko rin naman minahal ng husto ang mga alaala nito. Hindi ko rin naalagaan ang mga nabuong pagkakaibigan at relasyong noong panahon ng aking pagtitigahawat. Ngayo'y ako na ang naiwang naghahabol sa mga kaibigan nakaabante na sa buhay na hindi ako kasama.
Monday, December 31, 2012
Friday, December 28, 2012
Maliit na raket na naiisip
| Pasintabi kay Oble sa paggaya ng kanyang postura. |
Yung larawan sa itaas yung isa sa mga araw na pumunta ako sa bukirin para magtanong tanong ng aking mapagkakakitaan. Naisip ko kasi na kung aasa lang ako sa sweldo sa pamahalaan, mukhang hindi ko matutupad ang naisin kong bumili ng kotse at mag-hire ng drayber.
Mukhang wala naman akong magiging problema sa mga plano ko kaya sisimulan ko nang buuin ang aking rancho. Kung matutuloy ang lahat, bibili na ako ng tatlong baka. Tingnan natin kung paano sila dadami o kung paano ako yayaman pero magsisimula ako sa tatlo.
Sunday, December 23, 2012
Posibleng lokal na pag-aaral
Panel ako ng dalawang undergradwadong tesis. Dalhin ang tinuturo ko sa kolehiyo ay patungkol sa relasyon, pamilya at sekswalidad, malapit dito ang mga paksa ng mga pag-aaral.
Yang larawan na iyan ang una. Isang pag-aaral sa panliligaw ng mga lesbian na nag-aaral sa kolehiyo. Wala pa kasing dokumento patungkol dito. Hindi malinaw sa proposal nila kung eksploratoryo ang pag-aaral pero mukhang ganun ang kakalabasan.
Yung pangalawang tesis ay patungkol sa pananaw, pagtingin at karanasan ng mga kabataang lalaki sa pornograpiya. Medyo maliit ang sakop ng pag-aaral na ito kasi mga kolehiyong mag aaral lamang sa Metro Manila. Gayunpaman, iba yung ligalig kung sakali mang maaprubahan ang proposal nila.

Labels:
about me,
academic life,
Nasugbu,
teacher's narrative,
yuppie tale
Monday, December 17, 2012
Nagtatrabaho kahit walang pasok
Bawal ako tumigil sa bahay. Kapag nandun ako, nahihiga lang ako, nakakatulog at babangon lang kapag nagugutom.Kung magiging ganito ang buhay ko sa mga susunod na araw, hindi na magkakasya ang mga slim fit na collared shirts na binili ko.Binili ko nga pala ang mga shirts dahil dalawang senior faculty na ang pumansin ng pagdadamit ko. Wala sana akong pakialam kaya lang hindi ko pwede dalhin sa trabaho ko sa unibersidad ang kultura ko nung nasa development work pa ako.
Sunday, December 16, 2012
Madami akong utang (UPDATED)
Sa mga kaibigang blogger. Kaya pagsasama-samahin ko na lang sa isang entry yung mga chain-blog kind of tasks.
Para sa pag-tag sa akin ni ser Fiel, eto yung mga naisip kong gusto ko na regalo.
Para sa pag-tag sa akin ni ser Fiel, eto yung mga naisip kong gusto ko na regalo.
- Bagel - oo, mahilig ako sa tinapay. Tapos lalagyan ko na lang ng cream cheese at binating itlog. Tapos may black coffee, okay na ang simula ng araw ko.
- Unan -May dalawa na akong unan sa kama ko. At palagay ko, mas magiging mainam kung may pangatlo silang kasama. Ang pangarap kong weekend ay nagbabasa lang ng libro habang nakahiga sa kama, kaya rakstar kung may bagong unan ngayong Disyembre.
- Foot powder -ayan. Dahil tamad akong maggrocery ng toiletries, praktikal at magandang regalo yan sa akin sa Pasko.
- Kitchen paper towel at kitchen paper towel holder -Yang dalawa na yang ang kasama sa top na pinakahinahangaan kong imbensiyon ng tao. Mas madali ang buhay at mas maayos ang pagkain at pagluluto kapag may mga ganyan.
- Scented candle. Para yan sa mga araw na stressful. Na madalas mangyari. Pero eto, may partikular akong brand na hihingin. Ines de la Fressange. O kaya ay diptyque.
- Tooth brush. Dahil tamad talaga akong mag-grocery ng toiletries.
Friday, December 14, 2012
Source of comfort and joy
Kadalasan, isang abala ang bumili ng mga toiletries sa akin. Parang sayang ang oras sa pagbili ng shampoo o kaya sabon o kaya foot powder. Hindi rin ako mahilig sa mataong lugar. At tamad akong pumila. Ganyan.
Kaya sa faculti room, nilagay kong numero uno na wishlist ang foot powder. May pang anim na buwan pa akong supply ng sabon, limang buwan na supply ng toothpaste at tatlong buwan na supply ng shampoo. Ang alam kong mawawala na sa "stock room" ko ay foot powder at toothbrush.

happy prompt,
ridiculous actions,
yuppie tale
Thursday, December 13, 2012
Sa Cubao Expo makakakita ng vinyl records, rakstar na mga libro at overpriced na cookie
May exchange gift ang mga faculti sa departamento namin. Mamaya ang Christmas Party. Kahapon ng gabi lang ako nakabili ng regalo sa nabunot kong pangalan na bibigyan ng regalo. Ang sitwasyon ko ay ganito, humiling ang faculti na ito ng vinyl records. Oo ayun yung plaka na itim na pinapatugtog nung mga tao sa una.
Kaya naman halos kinabahan ako sa paghahanap ng ganoong mga plaka. Nakakita ako sa Cubao Expo, doon sa malapit sa Alimall. Sa Cubao Expo makikita ang mga thrift stores, bentahan ng mga sapatos na gawang Marikina, pati na ang mga mahusay na pinagpilian na mga nobela at nonfiction na mga aklat.
Kumuha ako ng tatlong vinyl records. Una ay yung Ruby, ruby (kay Gato Barbieri). Pangalawa ay A.M. (ng The Plunketts). Yung huli ay Caliente! (ni Gato Barbieri ulit). Masaya ako sa mga jazz album na napili ko. Ang alam ko kasi ay mahilig sa jazz music yung co-faculti ko na yun.
Nagustuhan ko yung karanasan hanapin ang vinyl records. Mahirap. At lalagyan talaga ng effort. Pero okay ang karanasan sa paghahanap. Pati na rin ang proseso ng pagpili ng records.

book,
food,
life is a highway,
ridiculous actions,
tea,
traveling
Monday, December 10, 2012
Bumuburgis ulit ako.
Nitong nakaraang araw, pumunta ako sa Splendido (Tagaytay) kasama ang ilang barkada. Member doon ang isang kaibigan kaya kasama ako (na isang mapagpanggap na mayaman) sa pag-enjoy ng mga amenities.
May basketball court, tennis court at badminton court sila. May swimming pool din na 4feet lang ang lalim kaya hindi ako lumangoy. Saka sa Tagaytay yun so malamig talaga. Yung mga barkada ko lang na sabik sa tubig ang naligo. Ang inenjoy ko e yung bowling. Kumpara sa Kamaynilaan, P100 per game lang dito kaya inenjoy ko talaga. Mababait yung mga nag-aassist. Palagay ko bihira lang kasi magkabisita sila. Kaya sobrang asikaso nung may nagbowling.
Pasintabi. Wala munang social relevance ang post nato.
Saturday, December 8, 2012
Happy Parents Day
Ayan si ermats at si erpats. Nahihilig sila mag-date sa Mang Inasal. Hindi ko alam kung bakit. Basta yan ang trip nila. Hindi ko na lang babasagin.
Nag-empty nest na ang pamilya namin, ibig sabihin lahat kaming mga anak ay hindi na nakatira sa bahay ng mga magulang namin. Kanya-kanya nang bahay at trabaho. Naiwan na lang sa bahay ang mag-asawa.
Nag-empty nest na ang pamilya namin, ibig sabihin lahat kaming mga anak ay hindi na nakatira sa bahay ng mga magulang namin. Kanya-kanya nang bahay at trabaho. Naiwan na lang sa bahay ang mag-asawa.
Friday, December 7, 2012
That *insert appropriate adjective* coffee
The laboratory preschool where I am working is promoting entrepreneurship to the parents we have. So for the entire week, there are parents who set up booths where they can sell items. One of the parents of my preschool class is affiliated with Gawad Kalinga and Human Nature.
Her coffee got my attention. It's called Cafe de Sug. It has a statement in the label that says, "This attempt to change the way we look at Sulu, one cup at a time."
The package also contains this:
one spoon = alert
two spoons = heart palpitation
three spoons = MULAT MAGDAMAG
If you are displeased with the taste, don't bother changing the water to coffee ratio, using different creams, or any of that sort. It's simple: THERE'S CLEARLY SOMETHING WRONG WITH YOU.
Di ba ang witty?

Thursday, December 6, 2012
Karne ni Barney
Kasama ko ang barkada kong si Baral nung nag-ikot kami sa probinsiya namin sa Batangas. Parehas kasi kaming dayuhan na doon simula ng maging manggagawa kami sa Kamaynilaan. Siya, nakakauwi ng isang beses sa isang buwan pero sa bahay lang siya tumitigil. Ako naman, maswerte na kung makauwi ng isang beses sa tatlong buwan.
Habang naglilibot kami sa bayan, kain kami ng kung anu-ano. Pinatulan namin ang mumurahing pizza na siyang paborito namin nung ihugin pa kami. Tapos yung ihaw na mumurahing hotdog na puro harina, kinana din namin. Pinatos din namin yung masebong buchi-buchi na kulay kahel.

Tuesday, December 4, 2012
Palaboy sa radyo
Ayan ako sa pinakagilid, bumu-broadcast media na. Hihi.
Dapat talaga, gagawa lang ako ng iskrip para sa isang kapwa faculti. Ang usapan namin, akin ang iskrip, siya ang magsasalita.
Ang sitwasyon kasi ay naatasan kami na maging panauhin sa isang programa sa radyo ng unibersidad. Dahil ayoko ng nagsasalita sa radyo, sabi ko ako na magresearch tungkol sa paksa na tatalakayin, at ako na gagawa ng iskrip.
Bilang moral na suporta sa araw ng interbyu, sumama ako sa istasyon ng radyo sa unibersidad. Nilinaw ko sa host ng programa na imbisibol ako. Yung kasama kong faculti lang ang sasagot sa lahat ng tanong. Pero na-bully ako at literal na pinagsalita sa mic. Nakakahiya naman na magka-dead air kaya napilitan ako magsalita. Buti na lang, marami akong alam tungkol sa paksa: mga pamantayan sa pagpili ng regalong laruan ng mga bata ngayong kapaskuhan.

Monday, December 3, 2012
Boodle fight
Boodle fight is a style of eating where long tables are
prepared and food are on top of the banana leaves. Viands and rice ready
to eat using your bare hands, jugs of water are prepared on the side to
wash hands before the "eating combat". With the signal to start the
boodle fight, everyone aims for his/her position.
Eto yung isang therapeautic activity na ginawa namin sa isang youth detention center para solusyonan ang nakikitang espasyo sa pagitan ng mga kawani ng detention center pati na rin ng mga kabataan na pinagsisilbihan ng mga kawani.
Epektibo talaga ang pagkain bilang midyum ng pagsasama-sama at pagkakaintindihan. Instant bonding activity. Mas nakapag-usap ang mga kawani at mga kabataan. Sa maikling panahon, nakita nila na pwede silang may pagkaintindihan.

Subscribe to:
Posts (Atom)

.jpg)