Thursday, December 13, 2012

Sa Cubao Expo makakakita ng vinyl records, rakstar na mga libro at overpriced na cookie

May exchange gift ang mga faculti sa departamento namin. Mamaya ang Christmas Party. Kahapon ng gabi lang ako nakabili ng regalo sa nabunot kong pangalan na bibigyan ng regalo. Ang sitwasyon ko ay ganito, humiling ang faculti na ito ng vinyl records. Oo ayun yung plaka na itim na pinapatugtog nung mga tao sa una.

Kaya naman halos kinabahan ako sa paghahanap ng ganoong mga plaka. Nakakita ako sa Cubao Expo, doon sa malapit sa Alimall. Sa Cubao Expo makikita ang mga thrift stores, bentahan ng mga sapatos na gawang Marikina, pati na ang mga mahusay na pinagpilian na mga nobela at nonfiction na mga aklat.

Kumuha ako ng tatlong vinyl records. Una ay yung Ruby, ruby (kay Gato Barbieri). Pangalawa ay A.M. (ng The Plunketts). Yung huli ay Caliente! (ni Gato Barbieri ulit). Masaya ako sa mga jazz album na napili ko. Ang alam ko kasi ay mahilig sa jazz music yung co-faculti ko na yun.

Nagustuhan ko yung karanasan hanapin ang vinyl records. Mahirap. At lalagyan talaga ng effort. Pero okay ang karanasan sa paghahanap. Pati na rin ang proseso ng pagpili ng records. 

Nagkaroon lang ng konting paghiling na sana may kasama ako na mag-eenjoy din sa proseso ng paghahanap ng lumang mga albums. Iyong tipong may kasabayan ako na nakikinig ng mga lumang musika na nililok sa mga itim na plaka.

Nung nag-emo shiz nako, bumili ako ng overpriced na cookie sa isa sa mga tindahan sa Cubao Expo. Singkwenta pesos isang cookie. Laspag ang pera pero wala na ang hayop na pagnanasa ng pag-ibig. Sulit.

Napabili rin ako ng dalawang libro na dalangin kong mabasa ngayong malapit na ang bakasyon sa unibersidad. Alam kong madami pa ang nakatengga ko na basahin sa tukador ko pero hindi ko mapigilan ang sarili nung nakita ko ang dalawang ito.

Yung una ay Timequake ni Kurt Vonnegot. Yung pangalawa ay Labyrinths ni Jorge Luis Borges. May pakiramdam ako na hindi siya madaling basahin kaya isasabay ko ang pagbabasa nito sa Plain Truth ni Jodi Picoult. Tingnan natin ang kakalabasan ng pagbabasa kong ito. Medyo matagal pa bago matapos ang trabaho ko sa unibersidad pero alam kong sabik nako na magbasa lang at hindi magtrabaho. Kumpara sa akala ng iba, maikli lang ang bakasyon namin. Pero nagpapasalamat pa rin ako at may ganitong bakasyon kumpara sa ibang career na walang bakasyon sa Kapaskuhan.

Basta alam ko, pag magbabasa ako ng libro, maglalagay akong mainit na tubig sa batyang malaki kung saan ako magbababad, magsisindi ng mabangong kandila, magpapatugtog ng bossa nova, at hihigop ng earl grey tea.

Ayan ang perpektong bakasyon para kay Palaboy.

24 comments:

  1. Enjoy your vacation! Sarap lang talaga magbasa ng libro sa mga araw na walang trabaho.

    Ang ganda ng bago mong books! Nakuha mo ba yan sa 2nd hand bookstore na malapit sa may entrance? Medyo namamahalan nga ako sa mga books nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser peter, hindi ko alam ang pangalang ng bookstore. pero oo, eto yung malapit sa entrance. yung okay naman sa akin dun ay medyo pili na yung mga pagpipilian ko so hindi na ako magtatagal maghanap. so okay na rin ang presyo. hahaha.

      Delete
  2. wuy ready na sa bakasyon ser! lupit ng perpektong bakasyon ser. kasya ka ba ser sa malaking batya? hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. miss jessica. kasyang kasya. malaking batya naman e :)

      Delete
  3. "Nagkaroon lang ng konting paghiling na sana may kasama ako na mag-eenjoy din sa proseso ng paghahanap ng lumang mga albums. Iyong tipong may kasabayan ako na nakikinig ng mga lumang musika na nililok sa mga itim na plaka."----emo nga. marahil ay epekto ng malamig na simoy ng pasko ;)

    masaya dyan sa cubao expo. maraming cool art stuff dyan lalo na ang accesories for ladies ;) makadaan nga ulit doon minsan.

    ReplyDelete
  4. ang sosyal mo naman magbasa ng libro! may set the mood moments! ako kahit jumejebs sa banyo keri na magbasa ng libro. haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. miss nyabachoi, bihira lang naman eto. bakasyon naman so pwede gawin :)

      Delete
  5. may babasahin na din akog libro pinadakan ako ni parng lj ng file ng power of six haha excited much

    ReplyDelete
  6. Ilang taon na kayo ser? Sa timpla ng mga musika at librong trip mo ay nahihiwagaan ako sa edad mo. Haha. Peace pre!

    Gusto ko ring maranasan magplay ng mga vinyl records, meron bang player dyan sa Cubao expo? mahal ba yung mga ganyan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser gord, may player sa mga shops na pagbibilhan ng records. pwede mo pakinggan :)

      old soul daw ako. pero palagay ko magkalapit edad natin :)

      Delete
    2. nice! pero magkano yung player mismo? :D

      Delete
  7. im back mr. palaboy! hahahahaha :) mangugulo ulet ako sayo hahaha ..

    i wonder magkano bili mo sa gift na yan eh ang tipid mo pa namang tao hahahaha!
    -gift ko? jajajaa

    namisss kita! pahug nga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. *side hug*

      ser kulapitot, medyo ginastusan ko yung co-faculti na yun. overworked at underpaid siya last sem kaya masarap siyang bigyan ng treat :)

      Delete
  8. gusto ko din maexperience makapagpatugtog ng vinyl records..kaya lang wala naman ako player..:(

    super chillax ka ngayong bakasyon ser..:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. miss cheenee, pwede ka pumunta ng mga stores tapos magpatugtog lang. tapos sabihin mo wala ka nagustuhan. ayun, hindi mo kelangan bilhin :)

      Delete
  9. Ang saya naman ng perpektong bakasyon mo Ser Palaboy! Relax and unwind talaga :)


    Makapunta nga din sa Cubao Expo, gusto ko tumingin ng vinyl records..di ko man mapatugtog, i-collect ko na lang.


    At ang mahal ng cookie ha! Halos isang balot na ng Rebisco ang presyo lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku ser zai, kung mangongolekta ka rin naman, bumili ka na ng player :)

      Delete
  10. Hulaan ko kung magkano yung Labyrinths: 500 Pesos!?

    Nakakamiss ang Cubao X. Matagal na rin akong hindi nakakapunta.

    ReplyDelete
    Replies
    1. a little more than half ng hula mong presyo ginoong kevin :)

      Delete