| Pasintabi kay Oble sa paggaya ng kanyang postura. |
Yung larawan sa itaas yung isa sa mga araw na pumunta ako sa bukirin para magtanong tanong ng aking mapagkakakitaan. Naisip ko kasi na kung aasa lang ako sa sweldo sa pamahalaan, mukhang hindi ko matutupad ang naisin kong bumili ng kotse at mag-hire ng drayber.
Mukhang wala naman akong magiging problema sa mga plano ko kaya sisimulan ko nang buuin ang aking rancho. Kung matutuloy ang lahat, bibili na ako ng tatlong baka. Tingnan natin kung paano sila dadami o kung paano ako yayaman pero magsisimula ako sa tatlo.
May nakita na akong katiwala. Matagal na silang kaibigan ng ermats ko. Nakakaligalig lang kung paanong ang negosyo na yun ay posibleng magbigay ng trabaho sa ilang kaibigan ng pamilya. Pag nagkataon, may pwede pa akong pag-aralan kapag naging maganda ang takbo nito.
Pero syempre, umpisa pa lang. Hindi pa rin naman tiyak. Masarap lang mangarap para sa sarili at para sa ibang mga tao.
Maligayang bagong taon sa lahat!
wishing you all the luck in this new venture of yours. may the new year brings you prosperity....nah who are we kidding, i say more monies :)
ReplyDeletehappy holiday and have a wonderful new year.
ser mike, maraming salamat!tama, more money talaga! :)
Deletemaligayang bagong taon din! kelan ka ba babalik dito sa atin para mailibre ka ng puto bungbong? :)
dagdagan mo nalang din ng baboy kasi mas mabenta hahahaha happy new year!!
ReplyDeletemas mataas miss lala ang puhunan. haha :) so hindi muna :)
DeletePwede ba akong mag-apply bilang driver? LOL
ReplyDeleteser gasoline dude, uy! matagal kitang hindi naramdaman. pambera! maligayang pasko ser!
Deletemasyadong mataas ang kalibre mo para maging drayber. hayaan mo kapag may taniman na ako ng marijuana, kaya na kitang paswelduhin.
sir mabuti po at ayos na ang pakiramdam niyo. at ang lahat naman po ng tagumpay ay nagsisimula sa wala, buhusan ng sikap at dasal ay wala pong imposible. sana po ay makapag-bakasyon kami sa iyong rancho. :)
ReplyDeletewala pang rancho. damuhan pa lang at tiwangwang na lupa. hahaha XD
Deletenaku sir, magandang panimula yan. tama na mag-invest sa isang mapagkakakitaan for your future :)
ReplyDeletepatayuan nyo na rin ng poultry at piggery :)
Happy New Year!
ser fiel, pakonti-konti muna :) maligayang bagong taon sayo Ginoo :)
Deleteikaw na ang haciendero!hehe..goodluck sanay matupad ang mga adhikain mo sa buhay..basta wag mo kaming kakalimutan kapag yumaman ka na ah ;)
ReplyDeleteGusto ko na nga matawag na don palaboy. Haha.
Deletehaha basta invite mo kami sa racho mo ha
ReplyDeletewhile nakakabayo ka
wag mo lang kami isalampak sa putikan ha
katulad nung mga nasa teleserye haha
happy newyear parekoy
walang putik dito. hindi umuulan.
DeleteGood luck on your future endeavors sir!...merry christmas and happy new year too...:)
ReplyDeletexx!
hindi ko kelangan ng luck. ang kelangan ko ay tunay na pag ibig. ayiiii!
Deleteang mahalaga, nangangarap! Hahaha. Para sa mas madaming baka at mas malawak na rancho!
ReplyDeleteapir ser LJ
Deleteeverything starts with a dream then planning...tapos into actions na pala.... libre ang mangarap at ang hinuha ko ay hindi imposible na magkatotoo ang sa iyo... payak na pangarap kumpara sa ilang abot langit ang nais abutin...
ReplyDeletesuportahan kita jan... follow your dream...
senyor iskwater, supotahan moko. bigyan moko ng isang baka.
DeleteSa mga ideya nabubuo ang mga pangarap kaya pagpatuloy mo lang ser ang pagpaplano! Malay mo next next year May rancho na si palaboy [mukang di ata magandang pakinggan haha]!
ReplyDeletedon palaboy in the making.
DeleteAyos yan, Goodluck sa buhay haciendero! Sana matupad at lumago yang pinapangarap mong rancho ser!
ReplyDeleteMaligayang Bagong Taon sayo, naway maging maayos ang pagpasok ng taon sa iyo at sa lahat!
ser inong, salamat :)
DeleteGaling naman. Happy new year! Godspeed sa mga plano mo, Overthinker Palaboy.
ReplyDeletesalamat miss wendy :)
Deletepede bang ako nalang ang katiwala sa rancho. masunruin po ako at matapat. talo ko pa po sa Facundo sa sipag. hehe :D
ReplyDeleteser hustin, hindi na bakante ang posisyon ng katiwala ni don palaboy :)
DeleteMagandang business yan sir! :)) Pramis! :)) Lalo na't may katiwala pala kayo jan. Di mo malalaman bigla nalang ang kita. (kung magiging smooth ang lahat) :) God will provide sir. Happy new year!
ReplyDeletesalamat ser pao sa panalangin mo :)
Deletei love it! gusto ko rin ng probinsya mode. hehe. goodluck sa itatahak mo. sana karir yan!
ReplyDeletemiss nyabachoi, salamat. naway maging okay nga to :)
DeleteAng gandang pangarap yan Mr. O. P. Ang pangarap mabagal man ang pag usad basta tuloy tuloy lang ang action at concrete ang plan plus may sense of purpose mare-realize yan. Kagaya mo ako din may binubuong plano sa darating na 2013. Good luck sa iyo. May the force be with you always.
ReplyDeleteforce talaga? parang starwars lang :)
DeleteGood luck sa negosyo! perfect sa pag pasok ng new year ang new venture na yan :) Happy New Year overthinker! :)
ReplyDeletenaku ser zai, naway maging mayaman na nga ang palaboy. haha :)
Deletemag-aapply ako bilang tagapag alaga ng mga hayop mo parekoy. in few days pansin mo kaagad ang resulta ng aking pagsisikap. ngingitian ka pa nila with matching pakindat kindat pa.
ReplyDeletenaku ser, sa pakindat kindat mo, baka marami kang mahatak na mga dalaga sa bukid. hahaha XD
DeleteMaganda yang racket mo. Ganyan din sana ang balak ko. Good luck sayo ser.
ReplyDeleteHappy New Year!
ser archieviner, payamanan na lang pagdating ng araw. haha!
Deleteoi oi kita nmn tayo in person hahahaha
ReplyDeleteser kulapitot, malabo ako sa mga EB :)
Deletetatlong baka lang? kunti!!! dapat mala farmville.. rest house lang gusto ko pero atleats may linolook forward tayoi..
ReplyDeleteser june, may rest house nako :))))
DeleteNakaka-relate ako sa hirap ng buhay kung minsan... Kahit anong trabaho ang gawin natin, minsan unfair talaga.... Pero ganyan talaga pala.. Magpatuloy na lamang at manatili sa paggawa ng mabuti. Time will come, makakabili din tayo ng eroplano at helicopter (joke lang) pero seriously, we just have to keep on going...
ReplyDeletetotoo ser ric, laban lang :)
Deleteako din gusto ko mag alaga ng manok sa bukid namin. Papakinin ko sila ng mumu ng kanin. Hanggang sa dumami sila at mapuno ang mother earth ng chicken ni Jepoy.
ReplyDeletesabi nga ng Milo great things start from small beginning. Gawaan ng paraan para mag materialize ang iyong pangarap na bakahan. Gowww!
Idol jepoy! Sa tagal kong sinusubaybayan ang blog mo, nakanganga lang ako ngayon na may komento ka. Hihi.
DeleteNatatawa ako sa ideya na puno ang mundo ng manok ni jepoy. Naisip ko tuloy magkaeon ng cellphone game na manok ni jepoy versus baka ni palaboy. Haha.