Bawal ako tumigil sa bahay. Kapag nandun ako, nahihiga lang ako, nakakatulog at babangon lang kapag nagugutom.Kung magiging ganito ang buhay ko sa mga susunod na araw, hindi na magkakasya ang mga slim fit na collared shirts na binili ko.Binili ko nga pala ang mga shirts dahil dalawang senior faculty na ang pumansin ng pagdadamit ko. Wala sana akong pakialam kaya lang hindi ko pwede dalhin sa trabaho ko sa unibersidad ang kultura ko nung nasa development work pa ako.
Balik sa bawal ako sa bahay.
Kaya kahit hindi na required kaming mga faculti sa unibersidad pumasok, pumasok ako. Dala ang laptop, ilang tatapusin na babasahin, pati na rin ang lecture notes na para sana sa susunod na taon, dala-dala ko. Hindi ako hayok magtrabaho. Lalo na ngayon na masama ang pakiramdam ko. Kaya lang hindi naman pwede na kain, tulog lang ako sa susunod na dalawang linggo.
May mga ilan akong natapos na trabaho. May mga ilan na hindi ko na balak tapusin ngayon. Baka bukas na lang. Okay na rin itong nasa unibersidad ako kesa nasa bahay. May ginagawa akong kapakipakinabang. Alam ko naman na magiging wagas ang pagpapahinga ko kapag umuwi na ako sa probinsiya namin.
Kung tutuusin, pwede nako umuwi sa bahay nina erpats. Kaya lang, may mga NGO na nagpaparamdam na baka daw kailanganin nila ako na pumunta sa Mindanao para tumulong sa mga nasalanta doon. Kung tutuusin, marami namang taga-Timog ang may kakayahang magbigay ng psychosocial intervention sa mga bata at pamilya na nasalanta ng bagyo. Hindi ko alam kung bakit kelangan pang mag-angkat ng mga propesyonal dito sa Luzon.
Basta sige, ako ay naka-istambay lang kung sakaling hingan ng tulong. Mas maluwag naman ang iskedyul ko kaya kayang-kaya lumipad ng Timog ano mang oras.
Okay lang sa akin na hindi magPasko kasama ang pamilya kung sakaling matuloy angt pagpunta sa Timog. Alam naman nina erpats na parang marijuana sa akin ang Gawaing Panlipunan.
Basta habang nandito ako sa Kamaynilaan, hindi ako tatambay sa bahay. Mahirap matulog lang buong araw. At mahirap bigyan ng pagkakataon ang sarili na mag-emo shiz. Nakita ko na sa sarili ko na may awtomatiko akong pagdidildil ng malulungkot na pangyayari kapag walang ginagawa.
Malamig pa naman ang Disyembre.
yeah. wag ka nang tumambay jan. punta ka na dito sa south. e to-tour kita. had my reply bout your comment @ my site. and yes, marami ang may capability dito sa south na tumulong dun sa nasalanta. but we all have the same thinking, or most of the people here have the same thinking--malayo kasi yung place sa center/city. it'll take us 6 hours to travel by land. unlike jan sa inyo, derecho kayo sakay ng plane. sosyal yung byahe, kami by land. so di mo kami masisisi, meron kasing iilan na tamad lang, isa na ako dun. but mind you, i volunteered. so yes, after Christmas, I'll go to the nasalanta places and personally deliver our repacked goods :)) hope di ka rin tamarin. think of the brighter side nalang, sasakay ka ng plane, and it'll be adventurous enough :)
ReplyDeletemiss ester yaje, kung ako nandiyan, baka dun nako nagcamp out sa areas. Tulong kung tulong. haha. Nakita ko na nga reply mo. Pangarap kong ituro yung course na hawak mo :)
DeletePareho tayo ayoko rin tumambay sa bahay. Makakagawa ako ng di rin kanais nais. hehe
ReplyDeleteanong di kanais nais yan ser archieviner?
Deletetungkol kay junior ba yang di kanais nais na yan? hahaha... XD LOL!
Deletetalagang may junior talk sa convo nato? ser cyron talaga. :P
DeleteHindi rin ako napipirmi sa bahay lalo't alam kong may pera akong pang-gala at pang-kain. Parang sinisilaban ang pwetan ko kapag nakaupo sa bahay.
ReplyDeletenaku ser anthony. hindi ako mahilig gumastos. haha XD
Deletenahiya naman ako kasi all this time ganyan gawain ko
ReplyDeletehehe tamad kang mag grocery pweo sipag mo mag trabaho
nice nice
maganda ung sa NGO kaso dang layo talaga at masakit sa bulsa
ser mecoy, malayo naman ang mararating ng sakit sa bulsa na yan. sulit din. :) masarap magbigay lalo na kapag masakit sa bulsa o sa puso :)
DeleteLakas talaga makahatak ng katamaran pag nasa bahay. Hahay. Buti ka pa, marami kang magagawa ngayong bakasyon.
ReplyDeleteser gord, pwede kitang bigyan ng mga trabaho :)
DeleteAlam ko yung feeling ng guilt pagkagising mo tapos pagkacheck mo ng oras, oversleeping ka na pala for the last whatever hours. Ang sakit sa dibdib na nasayang yung oras na unconscious ka. Kaso ang sarap lang talagang matulog...
ReplyDeleteser glen, tunay! alam mo ang nararamdaman ko.
Deletewala rin akong natatapos sa bahay. iba talaga pag ang kama na ang tumawag.
ReplyDeletegood luck sa endeavor sa timog.
ser hustin, hindi pa naman sigurado kung ako ay bababa sa Timog. Tingnan natin. Pero salamat :)
Deletei usually bring some work at home on a weekly basis. but as soon as i walk in and change, the laziness just kicks in. i know i have to finish a bunch of stuff but guess what, it's not a priority all of a sudden. :)
ReplyDeleteI hear you ser Mike. Haha. Mukhang parepareho tayong ganyan ang problema :)
Deletebasta sir, kung ano ang nasa puso mo sundin mo. get get aww! :D
ReplyDeletebaka naman need lang nila ng mga ririlyebo sa mga pagod nang mga social workers sa Mindanao kaya kailangan pa nilang humingi sa inyo ng tulong.
baka nga naman :) naisip ko lang hindi kasi cost efficient mag angkat ng mga propesyonal mula sa Luzon :)
DeleteAng hirap nga ng tambay tambay ka lang. Lalo na kung nakakainis yung kasama sa bahay. Siguro maglalakad lakad muna ako. Estudyante pa lang kasi ako e. O kaya uumpisahan ko na yung 12 thousand letters dissertation ko :'( Pero sana nandyan ako para makatulong din.
ReplyDeletePhD ka na miss maria olivia?
DeleteHindi. Bachelor pa lang. Ang gara no? Tsaka wala akong balak mag PhD, kahit nga master ayoko e.
Deletedissertation kasi mam. akala ko PhD ka na :)
Deletebuti kapa me chance to help the people in mindanao. don sa province namin wala pang kurente. minsa nga lang nagtextext mama ko kasi nga di nakaka charg. sa office lang me generator.
ReplyDeleteYung kaibigan ko miss phioxee, bumili ng generator dito sa QC tapos dadalhin down south. ibibigay niya sa isang local church dun.
Deletepara di ka bakante gumawa tayo ng mett up with the bloggers..diba..sana may ganun
ReplyDeletemagandang ideya yan ser june. although medyo puno na yung mga nalalabing araw ko bago ako umuwi kina erpats.
DeleteHAHAH! nakakatuwa. Hindi naman masasabing workaholic ka ser (kasi sabi mo nga). Sadyang ayaw mo lang na may nababakante o nasasayang na oras. :)) Galing! And, napakagenerous mo pala ser!
ReplyDeleteSer pao kun, time once lost can never be found again.
DeleteVery good yan, walang nasa sayang na oras :) Idol kita sa kasipagan sir Overthinker :)
ReplyDeleteNaku ser zai, hindi yan sa lahat ng pagkakataon. Crammer at procrastinator din ako.
Deletedati ganyan ang feln ko...parang ayaw kung nasasayang ang oras ko kahit rest day ko pero lately i realized that I deserve a good rest every now and then..so pag rest day more stay lang ako ng house at tulog I no longer go to the mall or eat out so less gastos din:) hahahah:)
ReplyDeleteSunnytoast, magandang disiplina ang pagpapahinga kapag oras ng pahinga. Salamat sa reminder.
DeleteAkala ko ako lang ang OA mag-astang batugan, walang disiplina at sobrang mag-emote kapag nasa bahay. Meron namang palang katulad ko. Salamat at normal pala ko. Hehehe.
ReplyDeletenaku miss wendy. hindi porke nakakita ng katulad ay normal na. haha XD
Delete