Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmamahal
Nang makita ng lahat ang mukha ng pag-ibig
Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan
Sa mga malabo ang paningin.
Mangyari lamang na tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi
Nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani
Ipadama ang pait ng kabiguan
Habang ipinagbubunyi ang walang katulad
Na kagitingan ng isang nagtaya.
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal
Nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata
Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubli
Ng pusong lumaki sa mga engkanto’t diwata.
Mangyari lamang na tumayo ang nagmahal, minahal at iniwan
Ngunit handa pa ring magmahal
Nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
Ipamalas ang katotohanang nasaksihan
Nang maging makahulugan ang mga paghahagulhol sa dilim.
At sa mga nanatiling nakaupo
Mangyari lamang ay dahan-dahang tumalilis
Palabas sa nakangangang pinto
Umuwi na kayo!
At sumbatan ang mga magulang
Na nagpalaki ng isang halimaw.
At sa lahat ng mga nakaiwang nakatayo
Mangyari lamang na hagkan ang isa’t isa
At yakapin ang mga sugatan
Mabuhay tayong lahat
Na nagsisikap makabalik sa ating pinagmulan
Manatiling masaya at higit sa lahat
Magpatuloy sa pagmamahal.
Showing posts with label encounters with female specie. Show all posts

Thursday, May 14, 2020
Thursday, June 20, 2019
Panaginip noong June 20 ng madaling araw
May panaginip ulit ako. This time, kasama si Heart Evangelista. Siya daw yung driver ko sa tricycle.
Siya daw pumilit sa akin na magtricycle na lang kesa maghabalhabal. So yes, probinsiya ang setting.

Sunday, November 26, 2017
Monday, October 2, 2017
Patuloy
Hinawakan ko
ang
iyong
kamay
ng mahigpit.
At binitiwan
ang
mga
salita
na "Huwag
mo
sana
ulit
akong
iiwan."
Baka kasi sa
pang-anim
na
pagkakataon,
di ko na
kayanin.
#
Sunday, September 11, 2016
Para kay M
Binili ko na yung singsing na gusto mo noong isang taon. Sabi ko sayo na pag-iipunan ko. Hintayin mo lang. Nagkaroon ng biglaang mga gastos sa pamilya kaya mas natagalan. Yung dapat na anim na buwan na paghihintay mo, naging isang taon at dalawang buwan.
Nagkataon na nung may pera na ako, wala ka na. Sayang hindi mo nahintay. Binili ko na lang para sa nanay ko. At least siya, hindi ako iniwan.

Tuesday, August 11, 2015
Death of a relationship.
Alam mo naman na hindi ko kayang magsinungaling sayo. Kasama ng pagtatapat ko ng pag-ibig ang pangako na kailanman ay laging katotohanan ang sasabihin ko sayo.
Ikaw: May forever ba?
Ako: Hindi ko alam. Di ko pa nga nararanasan ang lifetime, sa forever pa kaya?
Ikaw: May chance ba tayo sa forever?
Ako: Gusto ko sana sagutin ng oo. Pero hindi ko alam.
-------------------------------
Matapos ang tatlong araw, hindi ka na nagpakita. Ikaw na ang nagtuldok sa tanong mo patungkol sa forever.

Sunday, August 2, 2015
That short instagram conversation a day ago*
Nag-upload ako ng picture ng isang basong taho nitong nakaraang araw sa Instagram. Sa kanan ay kamay ko. Sa kaliwa ay kamay mo. Sabi ko sa caption, "Kahit paborito ko ang taho, hindi ko ipagpapalit ang chance na mahawakan ang kamay mo, kesa ang araw-araw na kumain ng taho na wala ka sa piling ko."
"Uy, ang cheesy," comment mo.
Tapos sa hindi inaasahan na pagkakataon, naglike ng photo ang ex ko.
Nagsend ka ng message sa akin sa phone, "Mukhang type din nung ex mong mahilig sa gray na kulay ng kuko ang taho."
Nagreply ako, "Di ko na type ang gray fingernails. Isa lang ang tinitibok ng puso ko, ayan ay yung babaeng hindi nalalagay ng kahit anong kolorete sa kuko :P"
"Sira ka!" text back mo. Palagay ko natuwa ka dahil napansin ko ang maliit na detalye na hindi ka kailanman naglagay ng nail polish. Kahit noong college students pa tayo.
Ayan ang gusto ko sayo. Konting papansin lang pero hindi mina-magnify ang maliit na isyu. Mukhang matapos ang matagal kong paghihintay ay magkakaroon ulit ako ng pagkakataon na ma-enjoy ang isang mahabahaba at masayang relasyon.

Monday, July 13, 2015
Matam-is ang kwentong ere.
"Anong first name ni Diether?"
"Ha? Hindi ba Diether yung first name nung artista?" nagtataka ka habang nakangisi ako na parang aso.

Sunday, July 12, 2015
Kung paano nagdirect ng break up ang ex kong nag-aaral ng Film
Sabi mo noon, kung may magtatapat sayo ng pag-ibig, ang pangarap mo ay gawin ito sa may kanto ng College of Engineering at sa may Yakal Dormitory. Gusto mo na gabi mangyari yun. At umuulan. Naniniwala ka kasi sabi mo na kapag namatay na tayo, papanoorin natin sa big screen sa langit ang buong buhay natin. Uulitin ang lahat. Sa big screen. Sabi mo, may ilang parte ka ng buhay na gusto mo maganda ang sinematograpiya. Kasama na doon ang pagtatapat ng pag-ibig sayo.
Friday, July 3, 2015
Sa may Central
Nabuo ang post na ito dahil uminit ang ulo ko kahapon sa opisina. May request ako na halos isang buwan ng nagbabalik-balikan sa higher office para i-grant. Tumagal dahil sa masalimuot na burukrasya at paiba-ibang proseso, depende kung sino ang babagsakan ng request.
Dahil napuno na ako, hindi na yung staff ang pinafollow up ko. Ako na mismo ang sumugod. Apat na linggo para lang sa isang request. Pwede kasing approved or not approved. Pero ang matengga ang request ng halos isang buwan na walang tiyak na sagot, horrible.
Tumaas ang boses ko sa opisina ng boss ko. At tinanong ano pa bang dapat namin gawin para lang magkaroon ng sagot ang request. Matapos ang ilang balik-balik na paggawa ng mga pinapagawa nila, panis na ang request ng opisina namin.
Ayun naman pala, nawawala ang request namin. Nasa opisina lang daw pero di makita kung nasaan. E di mas lalong nagpantig ang tenga ko.
Sa lahat ng bagay, ayoko na nagtataas ng boses. Ayoko ng sumisigaw para lang maayos ang mga bagay. Di ko lang napigilan dahil sa frustration.
Pagkatapos madinig ang paghingi ng tawad ng staff sa opisina ng boss, umalis na ako. At habang naglalakad pabalik sa opisina ko, may pakiramdam ako nang pagkahiya. Kasi hindi ko talaga tipo ang naninigaw. At nahihiya ako sa inasal ko, kahit gaano pa ka-justifiable ang ginawa ko.
Ayon ang dahilan kung bakit ko niyaya ang dalawang kaibigan mag-inom. Gusto ko lang ng maayos na ending ng araw. Isa pumayag. Isa, mas maarte pa sa natural na maarteng tao. Ang daming sinabi pero hindi naman sinabi kung oo pupunta o hindi pupunta. Ang arte ng walang hiya.
Nagsimula ang kitaan ng alas otso y medya. At isang kaibigan lang ang kasama. Palibhasa walang trabaho kaya maluwag ang iskedyul niya. Sinabi ko na ako na ang taya sa gabing yun.

Monday, February 16, 2015
Pebrero 8, sa may Ayala Fairview Terraces
May mga maseselang salita. Huwag nang ituloy kung labag sa kalooban ang makabasa ng mga ganitong shiz.
Tangna, pare. Umiyak ka rin sa Tadhana? Akala ko ako lang. Patago ko pang pinunasan yung gilid ng mata ko, ikaw din pala.
Thursday, January 29, 2015
Friday, July 11, 2014
Para kay Gema
Hindi niya kayang
tumbasan ang ngiti na binibigay ko
sayo.
Hindi niya kayang
makipagsabayan sa akin.
Pero may kaya siya sa buhay.
Gwapo at matalino.
Kaya niya ibigay sayo ang magandang bukas
at magagandang mga anak.
Totoo.
Pero dahil malakas ang
tama mo sa akin.
Alam kong mas pipiliin
mo ako kaysa sa kanya.
Sigurado ako doon.

Monday, July 7, 2014
City Hall, ika-6 ng Abril 2012
May kagat ka na naman ng lamok sa may braso mo?
Oo nga. Problema yan sa opisina ko ngayon.
Pinalinis mo na yung kwarto mo kina manong?
Oo. Pero hindi nga namin makita kung saan nanggagaling yang mga lamok.
Mangingitim na naman yan sa balat mo. Naubos na ba yung off lotion na binili ko sayo noon?
Maikli ang usapan natin noong Biyernes, noong nagkasalubong tayo sa may hagdanan. Ako paakyat ng opisina. Ikaw na may meeting sa mga maralitang tagalungsod sa may Pajo at palabas papunta sa parking lot.

Thursday, June 26, 2014
Tuesday, May 13, 2014
Kawikaan ngayong umaga
There are three things that amaze me—
no, four things that I don’t understand:

how an eagle glides through the sky,
how a snake slithers on a rock,
how a ship navigates the ocean,
how a man loves a woman
how a snake slithers on a rock,
how a ship navigates the ocean,
how a man loves a woman
Friday, April 4, 2014
Saktong tatlong taon matapos magkahiwalay
Gene,
Gusto ko lang balikan ang mga pangako ko na wala nang saysay ngayon. Pati na rin ang mga panunuyo ko sayong lumipas at hindi napahalagahan. Pati na rin ang mga matatamis kong salita sayo at pangako na walang hinihiling na kapalit na pag-ibig. Natutunan kong mahirap magmahal ng walang kapalit.
Salamat sa pagpaparanas sa akin ng buhay na ganap. Sa pagpapakilala sa akin kung sino ako. Sa pagpapahaba ng pasensiya at pagpapalawak ng pag-intindi. Salamat sa alaala. At sa tunay na buhay na karanasan. Kaya ko palang umibig. At kaya ko rin palang mabuhay pagkatapos mabigo.
Magmamahal ulit ako. Salamat sa mga paalala.
Darbs
Monday, December 30, 2013
Symbolic interaction
Hindi ko alam kung ano ang tawag sa relasyon natin. Kumbinsi ang mga housemates ko na girlfriend kita. Madalas ka sa bahay. At sanay na sila na dumadating ka ng biglaan, umaga man o gabi. Sabi ko hindi yan totoo. Sa totoo lang, kahit ako hindi ko alam kung ano tayo.
Hindi puti, hindi rin itim. Hindi pwedeng grey. Ang grey ay may depinisyon. Tayo walang saktong kategorya. Hindi rin pwedeng magkaibigan lang. Ang mga kaibigan ko, hindi ko pinapagamit ng laptop ko. Ikaw, alam mo ang password ng laptop. At ginagamit mo para tapusin ang mga papers mo sa masters. Hindi mo na pinagpapaalam. Diretso gamit na.
Nilalagay mo ang lahat ng files mo sa isang folder sa My Document. Minsan, iniisip ko kung nag-iiwan ka ng senyales kung ano ba tayo sa mga files mo. Karamihan word documents. Halimbawa ang alyas.doc tungkol sa isang makasaysayang pagtingin sa mga alyas na ginamit ng mga namuno sa bansa at ang pagbibigay ng konteksto base sa kanilang karanasan noong kabataan, isang mahusay na papel mo sa antropolohiya. Isang direktang titulo ng dokumento. O kaya yung punyetangmangga.doc na isang report tungkol sa pagpatent ng isang kompanya sa uri ng prutas sa Pilipinas para daw hindi nakawin ng ibang dayuhan ang matamis na mangga ng Pilipinas. Pero sa report mo, base sa sulat mo, isa itong taktika ng lokal na kompanya, hindi lang para hindi nakawin ng dayuhan ang taguring sweet mango pero para hindi rin magamit ng mga maliliit na negosyanteng lokal ang katagang sweet mango sa kanilang mga produkto. Direktang pagsuma ng paksa sa titulo. Ibang iba kung ihahambing kung ano tayo.
Kung bibigyan kaya ng titulo ang relasyon natin at ise-save mo bilang document file, ano kaya ang pamagat?
Laging iyan ang iniisip ko nitong mga nakaraang araw. Lalo pa ngayong nakabakasyon ako at walang ginagawa. Pambihirang patis, nag-ooverthink na naman ako.
Nito lang huli, nagulat ako na sa file folder mo, ay may bagong folder na nakita ko lang ngayon. Kelan mo kaya ginawa to? Hindi ko matandaang hiniram mo ang laptop ko. Marahil ginamit mo noong nasa Tacloban ako.
Mga kanta. Isa na naman kaya itong clue sa kung ano tayo? Pinamagatan mong Undo Goodbye ang file folder na mga mp3 files.

- Awake ni Josh Groban
- Be yourself ni Graham Nash
- Brighter than sunshine ng Aqualung
- Chocolate ng Snow Patrol
- (I can't seem to) Make you mine ng Clientele
- The Freshmen ng Verve Pipe
Saturday, June 8, 2013
Kaarawan sa singapore
Sabay pag-inom ng serbesang Kirin sa aking kaarawan, pinakakilala mo sa akin ang boyfriend mo sa Singapore. Malaki ang ngiti mo. Kaya nagbigay din ako ng malaking ngiti para sayo.
Nakipagkamay sa akin ang lalaki. Hindi siya makatingin ng diretso sa mata. Baka naikwento mo ang kabuuan ng pagkakaibigan natin. Pati na rin ang panliligaw ko sa iyo noon. At ang pambabasted mo. At ang pagiging matalik nating magkaibigan matapos. Kaya naiilang siyang tumingin sa akin ng direkta.
Masaya na rin ako na kasama siya sa hapunan. At nakita siya ng personal. Mas gwapo at mas matangkad sa akin. Pero di hamak na mas buo ang loob ko. Sa pakikipagkwentuhan sa kanya, alam kong mas matalino din ako. Yun nga lang, alam ko na isang daang porsyento na siya ang mas mahal mo.

Saturday, February 9, 2013
Kung paano pinagsabay ang pagtuturo sa preschool at pagtuturo sa kolehiyo ng konsepto ng break up
Pansinin niyo yung larawan. Nakatapak sa masarap at makulay na icing ng cupcake ang baboy pero banlag siya.
Parang ganyan ang pakiramdam ko ngayon. Ginagawa ang pangarap na trabaho pero wasak na wasak ang katawan at sabaw na sabaw ang utak.
Buti na nga lang mataba ang puso ko dahil yung trabaho na ginagawa ko --yung pagtuturo ng mga chikiting at mga bagets ay naeenjoy ko ng husto.
Sa mga chikiting, isang linggo kami na hindi nagkita bilang klase dahil naka-eskedyul sila na pumunta sa classroom ng paisa-isa para suriin kung ano na ba ang nakamit namin matapos ang lampas kalahating taon na pagsasama sa klase. Hindi kami ang tradisyunal na paaralan na nagbibigay ng pagsusulit sa mga bata sa pamamagitan ng pagsagot gamit ang papel at lapis. Mayroon kaming mga checklist na sumusuri sa kung ano ang dapat makita sa isang bata na nasa partikular na taon. Komplikado ang shiz na yan kaya sa susunod ko na ipapaliwanag. Basta sa assessment nato, halimbawa, hindi lang namin tinitingnan kung kaya na ba ng bata na bumilang ng malakas (rote counting) mula isa hanggang dalawampu't lima. Susuriin din namin kung naiintindihan ba ng bata na ang bilang na isa ay sumisimbulo sa isang bagay at ang sampu ay representasyon ng sampung bagay (counting with understanding). Hindi lang memorya, may pag-intindi. Ganyang shiz.
Sa kolehiyo naman, natapos na namin ng mga bagets ang mga teorya sa mate selection. Pinag usapan din namin na hindi naman talaga tayo "malayang" namimili ng iibigin at pakikisamahan sa habang buhay pero may pattern tayo na sinusunod. Parang Matrix na storyline shiz. Pinag-usapan din namin ang mga pag-aaral na ginawa sa Pinas tungkol sa kung paano umiibig ang mga tao noon at ngayon. Maganda ang talakayan kasi sa mga teorya na pine-present ko sa kanila, nagsisimula silang kwestyunin ang mga assumption at konsepto ng mga ito, hindi lamang nilalapat sa personal na karanasan pero may paghahambing sa ibang teorya na sumasalungat sa teoryang binabanggit. Ayos, nagsisimula na ang kritikal nilang pag-analisa sa mga bagay-bagay at hindi na lamang nakaikot sa kanilang sariling karanasan at paniniwala.

Subscribe to:
Posts (Atom)