Nabuo ang post na ito dahil uminit ang ulo ko kahapon sa opisina. May request ako na halos isang buwan ng nagbabalik-balikan sa higher office para i-grant. Tumagal dahil sa masalimuot na burukrasya at paiba-ibang proseso, depende kung sino ang babagsakan ng request.
Dahil napuno na ako, hindi na yung staff ang pinafollow up ko. Ako na mismo ang sumugod. Apat na linggo para lang sa isang request. Pwede kasing approved or not approved. Pero ang matengga ang request ng halos isang buwan na walang tiyak na sagot, horrible.
Tumaas ang boses ko sa opisina ng boss ko. At tinanong ano pa bang dapat namin gawin para lang magkaroon ng sagot ang request. Matapos ang ilang balik-balik na paggawa ng mga pinapagawa nila, panis na ang request ng opisina namin.
Ayun naman pala, nawawala ang request namin. Nasa opisina lang daw pero di makita kung nasaan. E di mas lalong nagpantig ang tenga ko.
Sa lahat ng bagay, ayoko na nagtataas ng boses. Ayoko ng sumisigaw para lang maayos ang mga bagay. Di ko lang napigilan dahil sa frustration.
Pagkatapos madinig ang paghingi ng tawad ng staff sa opisina ng boss, umalis na ako. At habang naglalakad pabalik sa opisina ko, may pakiramdam ako nang pagkahiya. Kasi hindi ko talaga tipo ang naninigaw. At nahihiya ako sa inasal ko, kahit gaano pa ka-justifiable ang ginawa ko.
Ayon ang dahilan kung bakit ko niyaya ang dalawang kaibigan mag-inom. Gusto ko lang ng maayos na ending ng araw. Isa pumayag. Isa, mas maarte pa sa natural na maarteng tao. Ang daming sinabi pero hindi naman sinabi kung oo pupunta o hindi pupunta. Ang arte ng walang hiya.
Nagsimula ang kitaan ng alas otso y medya. At isang kaibigan lang ang kasama. Palibhasa walang trabaho kaya maluwag ang iskedyul niya. Sinabi ko na ako na ang taya sa gabing yun.
Kwentuhan lang talaga. Mababaw at mabagal na kwentuhan. Kasabay ng mabagal na pag-inom ng serbesa. Nagkwento ang kaibigan ko ng papalapit niyang pag-alis papunta sa Japan. Naipunto ko sa kanya na nagbitaw siya noon ng pangako na di lalabas ng bansa. Sabi ko sa kanya noon, nasyonalistang hilaw siya. Pero sinabi ko rin na hindi ako frustrated sa pagbabago ng isip niya. Madami kasing bagay ang mga nangyari sa kaibigan kong iyon at alam kong ang paglabas ng bansa ay makakabuti sa kanya.
Tuloy-tuloy ang kwento niya patungkol sa worry ng isang soon-to-be OFW. Ang pag-iwan sa pamilya. Ang banta ng pagiging home sick. Ang worry na baka hindi niya makayanan ang tatlong taong bond sa kompanya. At marami pang iba.
Dito umikot ang unang kalahati ng gabi. Nang mag-aala-una na ng umaga, umikot naman sa ex niya ang usapan. Pati na rin sa kung kani-kaninong babae. Sa mga babae na nagbabasa nito, oo, pinag-uusapan naming mga lalaki ang mga babae kapag nagkakainuman. Staple siyang topic namin ng kaibigan ko pag may reunion kami over redhorse.
Alas tres ng madaling araw, nagdesisyon kami umuwi. Sigurado nang hindi dadating yung isa pa naming kaibigan. Yung maarte.
Tig apat lang kami ng bote ng serbesa. Nagma-mature na kami at hindi kami umiinom para magbasag. Umiinom kami pangpaswabe lang ng usapan. Mas marunong na kami ag-alaga ng mga atay namin. *I love you, Liver!* Kanya-kanya kaming taxi pauwi.
Nang masigurado na namin na hindi naholdap ang isa't isa ng taxi driver at maalwan na nakauwi sa kanya-kanyang bahay, natulog ako na mas magaan ang dibdib.
Pumasok ako kinabukasan na ready na ulit sa trabaho, Greatful na ulit ako sa buhay.
Conversations over two bottles of beer, pero senyo times two! Hahaha..
ReplyDeletePulutan madalas ang hindi sumipot. Lols.
Bakit nga ba masarap ang kwentuhan over beer? Pero totoo ngang masarap :)
Hindi naman maiiwasan ang makapagtaas ng boses, naintindihan naman siguro nila yun. At napaka inefficient nung staff para makawala ng isang papel. Tsk. Sana sinabi nya na lang nung una pa lang na nawala nya para nagawan ng paraan.
Iniisip ko na socially learned behavior at preference ang pag inom ng beer habang nakikipagkwentuhan.
DeletePwede din na ang pag inom ng beer ay pampabawas ng awkward moment kapag walang masabi sa kakwentuhan. Haha
Ito na ba ang detalyadong kwento ng iyong 'ten-word story 2'? :)
ReplyDeleteSalamat sa kaibigang hindi maarte ayain hahaha.
Hi ser Jep! Oo. Ito na yung detalye nung post na yun. Naisip ko na kelangan ng detalye. Iba ang hilig ng interpretasyon ngbkwento kapag sampung salita lang. Haha.
DeleteNkklk. Na-konsensya tuloy ako :)
ReplyDeleteHaha. San ka nakonsensiya, Space?
Deleteiyan din ang ayaw ko ang may masigawan ako dahil sa napuno na ako at nadismaya, alam kong walang magagawa ang pag taas ng boses ko sa kung ano nangyayari kaya nakakafustrate talaga ang mabuti lang sayo ay may kaibigan na mayayaka mag inom. kailangan ko na rin mag invest ng time na maghanap ng barkadang legit sa pakikinig at pagkukuwento.
ReplyDeletekung inuman yan at nandito ka lang sa tabi-tabi, game ako :)
Delete