Saturday, February 6, 2021
Breathing lessons*
Tuesday, October 13, 2020
Kwentong ROTC
Ganito kita nakilala. ROTC class noon. Freshmen tayo. Pareho tayong nasa Infantry Battalion.
Exempted ako sa CAT noong high school pero interesado ako sa pag assemble ng riffle. Kaya pagdating ko ng Kolehiyo, habang malayo sa pamilya, nag-enlist ako ng ROTC.
Pareho tayo ng dorm kaya nagkakasabay din tayo maglakad ng madaling araw papuntang training. Sabay din umuuwi na pawisan at amoy araw.
Lagi mo ako tinatawanan dahil ilang beses ako nasisigawan sa session. Palibhasa, naging kapitan ka noong CAT mo noong high school kaya basic na sayo ang mga military drills.
Gusto ko lang naman mag-shooting at mag disassemble ng riffle, sabi ko sayo. Hindi ko trip yung mga martsa at pag-ikot ikot ng kahoy na baril.
Package deal yan, gago. Libre ako ng Martes ng hapon, turuan kita, yaya mo.
After one year ng ROTC natin, at nag-iba na tayo ng dormitoryo, hindi na kita nakita. Nag-drop ka na rin pala ng University. Bumalik ng probinsiya. At tumulong sa pamilya sa negosyo niyo sa palengke.
Di ka na sumagi sa isipan ko hanggang nito lamang ng in-add mo ako sa isang social media platform. Nagmessage ka, Kumusta?
Sumagot ako. Gago, ikaw pala yan. Kumusta?
Mahabang kwentuhan tungkol sa buhay mo at buhay ko. At kung paano naging walang kabuluhan ang mga military drills natin sa ROTC. Binato ko sayo na natalo kita sa pabilisan mag assemble ng riffle sa military science class natin. At hindi mo pa nababayaran ang pustahan nating trenta pesos na fishball, sampung piso na kwekwek, saka isang bote ng mountain dew.
Kapag mas ligtas na ang panahon, bisitahin kita, sabi mo. Covid pa e.
Thursday, May 14, 2020
Mangyari Lamang (Rico Abelardo)
Nang makita ng lahat ang mukha ng pag-ibig
Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan
Sa mga malabo ang paningin.
Mangyari lamang na tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi
Nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani
Ipadama ang pait ng kabiguan
Habang ipinagbubunyi ang walang katulad
Na kagitingan ng isang nagtaya.
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal
Nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata
Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubli
Ng pusong lumaki sa mga engkanto’t diwata.
Mangyari lamang na tumayo ang nagmahal, minahal at iniwan
Ngunit handa pa ring magmahal
Nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
Ipamalas ang katotohanang nasaksihan
Nang maging makahulugan ang mga paghahagulhol sa dilim.
At sa mga nanatiling nakaupo
Mangyari lamang ay dahan-dahang tumalilis
Palabas sa nakangangang pinto
Umuwi na kayo!
At sumbatan ang mga magulang
Na nagpalaki ng isang halimaw.
At sa lahat ng mga nakaiwang nakatayo
Mangyari lamang na hagkan ang isa’t isa
At yakapin ang mga sugatan
Mabuhay tayong lahat
Na nagsisikap makabalik sa ating pinagmulan
Manatiling masaya at higit sa lahat
Magpatuloy sa pagmamahal.
Friday, May 8, 2020
Better than old school porn
So habang deadline, bigla na lang nagmessage si Jo sa akin. Bigyan mo nga ako ng old school porn movie.
Wednesday, August 28, 2019
Everyone aspires to a good life. But what does a “good” (or better) life mean?
Yung isang bagets na nagpresenta ng definition, binanggit niya na at the minimum daw kailangan na kasama ang pag-satisfy ng basic needs, as well as the ability to pursue one’s goals, to thrive and feel satisfied with their life.
So ang tanong ko sa mga bagets, paano mo malalaman na satisfied ka na sa buhay mo?
Ayun, nganga ang mga bagets.
Madami pa ako sana gusto ikwento. Pero isa sa pinaka-tampok ng aming diskusyon ang pagkakaiba natin sa ibang bansa sa idea ng well-being. Sa pag-aaral kasi nina Sycip, Asis, at Luna (2000), noong gumawa sila ng pag-aaral sa buong bansa, ito yung mga nakita nilang components ng Filipino well-being:
- respect from family
- faith in God
- being Filipino
- prayer and reflection
- love of parents and siblings
- regular food
- house ownership
- security from crime
- unity of Filipinos
- love of children
- long life
- peace of mind
- doing good to others
- good marital relations
- being with children
- nutritious food
- love of spouse
- regular water
- clean surrounding
- share in decision-making.
Tuesday, June 18, 2019
Kwentong amaretto sour
Ako: Ha? Di ako maalam diyan. Wala naman ganyan sa amin.
Bagong salta lang ako sa Quezon City mula sa probinsiya.
Nung highschool ako, pomelo gin lang ang binabarik. Dito kung ano-ano 'yung pagpipilian. May long island iced tea, may black russian, may mojito, wengweng at kung ano-ano pa.
Ikaw: Wag mong gagamitin yung salitang "maalam". Sabihin mo lang, "Di ko alam."
Medyo tumahimik ako.
Monday, June 17, 2019
Para kay R (habang nangongolekta ako ng katahimikan)
Noon, habang umuulan sa Palma Hall, tinanong mo ako kung kelan ba nagdedecide ang mga ulan na babagsak na parang gupit gupit na linya o kaya malalaki at maliliit na bilog na patak? Sabi mo minsan kasi, nagbabago ang hugis nila. May kinalaman ba siya sa humidity ng lugar? O may kinalaman sa buwan ng taon? O baka sabi mo, depende sa degree ng kalungkutan ng mga taong gustong basain ng ulan.
Yung ganyang talk shit mo 'yung namimiss ko. Walang kwenta. Walang mareresolve na problema. Pero ayos lang sa akin.
Saturday, June 15, 2019
Dorm 11 (Yung ahas na pinatay ng tatay ko at yung ahas na lumilingkis sa akin)
Lahat kami, hindi na umuuwi sa bahay sa Nasugbu na kinalakihan naming lahat. Ang isa kong kapatid, nasa Cambodia. Dun niya na-meet ang fiance niya. At mukhang dun na siya magse-settle. Yung isa kong kapatid, nasa Los Baños. Nandun na siya nakatira kasama ng asawa at anak niya. Yung mga magulang ko, madalas nasa Los Baños para alagaan ang nag-iisang apo. Ako naman, bagamat hinahanap ang simoy ng malansang dalampasigan ay nakontento at tumigil na sa matrapik na lungsod sa Quezon City.
Dahil multi-sited na ang pamilya namin, laging malaking ganap kapag ang isa sa amin ay uuwi ng Nasugbu.
Noong isang araw, nagmessage sa family group chat ang erpats ko. Sinabi niya na naglinis siya ng bahay namin sa Nasugbu at nakakita ng dalawang metro na sa sawa. Sabi niya, noong nakaraang gabi, tahol ng tahol ang aso ng kapitbahay. Tapos kagabi, mga aso naman namin ang taho ng tahol. Nang sinilip ng erpats ko, ayan na ang ahas. Mukhang nagtrespassing. Mula sa bahay ng kapitbahay namin, sa amin na.
Siyempre, ang erpats ko, sanay pumatay ng mga sawa. True Brown Style OG yata siya. Syempre joke lang, Pero sanay talaga mang murder ang tatay ko ng mga trespassing na ahas.
So ayun ang laman ng maingay na mga Ping! sa group chat namin sa pamilya.
TWO.
Matatapos ko na ang thesis ko tungkol sa mga batang nakagawa ng pagkakamali at nakalabag ng batas. Eight years in the making, tsong. Daig pa ang dissertation na multi-sited ethnographic study.
Sa trabaho ko, maya't maya sila nangangamusta at nagchi-cheer. Pero sa totoo lang, ikaw sana ang gusto ko kakwentuhan at pasalamatan noon pa sa pagtatapos nito.
Kita mo noong nasa dorm tayo kung paano ako ka-eager beaver na tulungan ang mga children in conflict with the law. Tapos noong bigla kang nawala, syempre halos wala na akong kakwentuhan tungkol sa ginagawa kong data gathering.
Nitong bumalik ka na pero syempre nasa ibang apartment at malayo sa dati nating lugar, at tinanong mo ako kung gusto kita maging roommate. Bigla akong nagpaalam sa landlady at landlord natin. At agad na sinamahan ka sa isang apartment sa Cubao.
Nagsusubok ka magrecover. Mula sa matagal mong pagkawala sa kalakaran ng naghaharing sistema. Madalas mainit ang ulo mo. Pero iniintindi ko. Ang importante buhay ka. At gracefully na bumaba mula sa serbisyo mo upang bumalik sa iniwanan mong mundo.
Unti-unti na rin natin mini-meet ang mga barkada natin at pamilya mo. Habang unti-unti kong tinatapos ang thesis ko. Hindi pa natin napapag-usapan ang pagdedesisyon mo na bumalik sa Quezon City. Pero hindi pa yun ang mahalaga sa akin. Ang importante sa akin ay maalalayan ka sa tengeneng kurap at bulok na sistema na meron tayo sa lipunan.
Monday, August 13, 2018
Medyo malulungkot si Carl Rogers sa medyo palpak ko pang implementation ng unconditional positive regard
Sunday, February 4, 2018
‘Be Yourself’ was released as a single on this day in 2005.
Iba rin yung memory ng kantang ito. Third year college ako noon at gusto ko na mag-quit mag-aral. Bukod sa kanta ni Bamboo, ito yung nagpapakalma sa akin. Malakas na malakas ko tong pinatutugtog. Hanggang magkaroon ng sense kung bakit pa ako nag-aaral.
Di ko talaga nakita yung connection ng kanta sa hinahanap kong tanong sa existential question na yun. Pero dahil angsty ako noon na bagets, parang may sense talaga siya sa akin.
Sharing with you portion of its lyrics
Saturday, December 16, 2017
Online submission ng requirements
Medyo nakakabaliw na wala akong hawak na papel. Mas hinahanap ng sistema ko ang longhand writing sa kanilang mga papel at hindi nagta-type at iinsert ng comment.
Napansin ko rin na dahil nagta-type ako, mas humahaba ang mga komento ko.
Saturday, November 4, 2017
Scoring ng exam ng mga bagets
Natawa lang ako na yung isa ay sinulat na lang ang mga pangalan ng santo sa item na pinapakumpara ko ang dalawang teorya na tinalakay sa klase. Naglagay na lang ako ng komento. "Sayang. Kulang ng apat na Hail Mary para sana makakuha ka ng 0.5 point sa item nato."
Monday, October 16, 2017
I am a loser to consumerism
Again.I told myself that I will only buy this MT if my application to a new credit card will be approved. I don't need a new credit card but because there is a bank very near to my residence, I convinced my rationally irrational self that it will be more convenient to settle bills from that bank. So I applied.
And while in the process of waiting for the credit card approval, I asked my roommate to purchase the MT for myself. And roommate did without even asking why.
I am now waiting for the credit card application approval and the delivery of MT.
Saturday, December 17, 2016
Dorm 5
Hindi pa. Kelangan ko pa ng 2500 words.
Lagyan mo na lang ng lyrics ng kanta. Di na yan babasahin ng prof mo, dami niyang papel na checheckan.
Gago ka. Kahit requirement lang to, practice to sa pagsulat (ng journal article).
Nadidinig ko nitong mga nakaraang linggo, pinapatugtog mo ang Better by You, Better than Me ng Judas Priest.
Eh ano?
Di alam yun ng prof mo. Ipasok mo na lang sa sinusulat mo.
Gago.
May kaso nun sa States na nagpakamatay daw 'yung dalawang kabataan dahil sa paulit-ulit na pakikinig sa Better by You na yan.
Nadismiss naman. Teka, alam mo 'yung kanta?
Nag-google lang ako. Never ko nadidinig 'yang mga trip mong kanta. May suicidal thoughts ka ba?
Wala. Noon, meron. Wala na ngayon. Wag mo na ako kausapin. Tatapusin ko na 'tong sinusulat ko.
Timbrehan mo na lang ako kung ano man. Kakain tayo ng ensaymada.
'Ge.
Tuesday, November 29, 2016
Seks post
- · Study participants indicated that in the case of pregnancy, the consequences are more severe for a woman and her family. A young woman will often stop her studies and cease working once she discovers she is pregnant, when the pregnancy becomes evident or when she is physically unable.
- · For women, the decision to get married was dependent on her parents, but was even more dependent on her partner. Given that most partnerships were precipitated by a pregnancy, women and their families were portrayed as essentially powerless, left to the whims of the male partner to decide whether or not to accept responsibility for the woman and the pregnancy.
- · There is significant discordance between the predominant norms regarding young people’s lives and the reality. Despite persistent disapproval of premarital sex, even among younger generations, the majority of respondents (64% of males and 44% of females) in our sample reported that they had sex before entering in to a formal partnership, either cohabitation or marriage.
- · Religiosity and educational attainment appeared to influence women’s life event patterns, yet this was not the case for young men.
- · Urban men and men from wealthier households were more likely to engage in sex before a partnership. This effect remained after controlling for education, indicating that there may be factors associated with living in these environments that may make sex more attainable for these young men.
- · For both young men and young women, there were strong effects of risk behaviors on partnership patterns.
- · For young men, urban residence and engaging in risk behaviors had a synergistic, interactive effect, indicating that these two factors placed young men at an even greater risk of sex before partnership.
- · Formal courtship and the emphasis on meeting one another’s parents have shifted to more informal and casual encounters and through outings with friends. Although these practices are not risky in and of themselves, parents’ lack of knowledge or acceptance of these changing norms may create a situation in which young people surreptitiously frequent these locales to fit in with peers or may rebel against parents who are perceived to be too strict.
- · Alcohol was mentioned in several contexts, among both married and unmarried respondents, and often precipitated sudden and unprotected sexual encounters, exposing young people to unintended pregnancy and sexually transmitted infections.
- · Among young people who had sex before the 2005 survey, the majority (52%) said that their first sexual experience was something they either ‘did not want to happen’ (12%) or ‘did not plan to happen’ (40%), another 3% reported that their first sexual experience happened ‘against their will’. Similarly large proportions of coerced first sex have been reported in national data from the Philippines, with the highest rates among younger women (Natividad and Marquez 2004).
*Because this seems to be a long post compared to the usual length of my blog entries, I highlighted in bold letters the findings that I wanted to emphasize. Para sa katulad kong tamad magbasa. **You may download the full article here.
Thursday, September 22, 2016
Hindi ito post na pulitikal.
Kabatian ko ang ilang mga manlalaro ng UPMBT. Maikling kumustahan at kwentuhan tungkol sa buhay estudyante. Ganyan lang. Kaswal at hindi personal o malalim. Pero dahil kakilala, para akong may investment na volatile tuwing may laro sila sa UAAP.
Masaya din ako na kasama ako sa nowhere to go but up na grupo. Ito yung ilang mga indibidwal na gusto tulungan ang mga atleta sa kahit anong paraan. Maliit kasi ang pondo ng Alma Mater ko pagdating sa Palakasan (Sports). Yung mga ka-batch ko noon na atleta sa fencing, sila ang nagtatahi ng uniform nila dahil wala kasing pondo. Ganyan kaliit ang pondo. Yung mga kaibigan kong pep squad, sila-sila nag-aambag para sa purified water na iniinom nila tuwing may rehearsal. Di sila neglected ng school admin. Sadyang konti lang ang pondo. Kaya nga tuwang tuwa ako sa nowhere to go but up na grupo. Mga alumni ang nag-aambag-ambag para sa kasalukuyang atleta.
Palagay ko panahon na para ang UP ay hindi lang humuhusay sa larangang akademiko. Pero ganun din sa palakasan at pati sa kalusugan.
Lumalayo nako sa una kong paksa. Masaya lang talaga ako sa pagkapanalo ng UPMBT. Marami pang ibang palakasan pero ewan ko ba, masyadong celebrated sa Pinoy ang basketball. Hindi naman built ang katawan natin sa basketball. Pero ayon.
Maligayang pagbati ulit sa UP community! Padayon UP! Taas kamao!
Wednesday, September 14, 2016
Preferences in the Early Stages of Mate Choice
E biglang may exponential random graph modeling. Naalala ko na bigla si Alma Moreno, "Dasal lang. Dasal lang talaga."
Sunday, May 15, 2016
Graduation message
Friday, March 4, 2016
Kaya ko bang mapa-inlove ang taong gusto ko? (updated)
Meron akong klase ngayon sa kolehiyo na pinag-aaralan namin ang mga sistematikong pag-aaral ng pag-ibig. Noong isang araw ko pa ito gustong isulat kaya lang walang pagkakataon.
May isa akong bagets na nagpost ng tanong sa klase -maaari bang i-manifacture ang falling in love? O sa mas madaling tanong, kaya ko bang mapa-inlove ang taong gusto ko.
Maganda ang tanong na yan. Kasi may konsepto tayo na wala tayong kontrol kung kanino titibok ang puso natin.
Ayan ang dahilan kung bakit kami napahanap ng mga pag-aaral na posibleng sumagot niyan.
May isang pag-aaral na hindi direktang patungkol sa pag-ibig pero patungkol sa pagpapaigting ng interpersonal closeness. Ginawa ang pag-aaral nato nina Arthur Aron at iba pang mananaliksik.
Wednesday, December 23, 2015
Mula sa Magnolia Place
Hindi ako uuwi ng probinsiya. Hindi ko pa sigurado kung gusto ko makita ang mga kababata ko dito sa kalakhang Maynila. Hindi ko rin sigurado kung gusto ko makita ang mga kamag-anak ko.
Ngayon ang commencement ng buhay ermitanyo ko. Tignan natin kung gaano ito magtatagal.




