Sunday, May 15, 2016

Graduation message

Taon-taon, hinihingan ako ng mensahe para sa yearbook ng mga magsisipagtapos na mga bagets. Sa taong ito, ito ang binigay ko sa komite na abala sa yearbook:

Isang pagpupugay sa lahat ng magsisipagtapos!

Pabaon naming mga fakulti at kawani sa inyo ang mga kaalaman, kasanayan at pagpapahalaga na himulma sa apat (o higit pa!) na taon na inyong paglagi sa Kolehiyo. Sa wakas, sa habag ng Diyos, di na namin kayo kailangang bigyan ng grado. Ang buhay at lipunan na ang susunod na magtatasa sa inyo.

Mga ilang huling habilin mga kaibigan:
1.     Huwag kalimutan na importanteng pagtuunan ng pansin ang pamilya. Pamilya na pinanggalingan ninyo, sariling pamilya na bubuuin ninyo o mga pamilyang makakasalamuha ninyo.
2.     Hindi na sa lahat ng pagkakataon ay tatanggapin na naka-shorts at tsinelas kayo. Mag-upgrade din ng kasuotan depende sa tawag ng pangangailangan.
3.     Katulad ng undergrad class, kapag nagtrabaho kayo, may mga deadlines. Maging respectful sa napagkasunduan na oras ng pagsusumite ng deliverables.
4.     Hindi ka magkakamali sa pagiging magalang. Kahit sino pa yan, ang pagrespeto ay hindi nawawala sa uso.
5.     Balik sa basics. Maligo. Magtoothbrush. Kumain ng tama. Matulog kapag inaantok. Tumulong sa iba. Maging mapagpasalamat. At kung kinakailangan, magdeodorant.

Maging dangal ng Kolehiyo! Maging dangal ng bayan!


Overthinker Palaboy
Tagapangulo
Departamento ng XXXXXXXXXXXX
Kolehiyo ng XXXXXXXXXXXXXX
Unibersidad ng XXXXXXXXXXXXXXXXXX

4 comments:

  1. Congrats na mga nagsipagtapos. Wag kalimutan kung para saan nyo inalay ang pagaaral.

    ReplyDelete
  2. Inspiring naman Sir. Congrats sa mga kiddies mo na magtatapos!

    ReplyDelete
  3. Gusto ko yung pagbibigay respeto at yung mag deodorant : )

    ReplyDelete