Showing posts with label tea. Show all posts
Showing posts with label tea. Show all posts

Thursday, December 13, 2012

Sa Cubao Expo makakakita ng vinyl records, rakstar na mga libro at overpriced na cookie

May exchange gift ang mga faculti sa departamento namin. Mamaya ang Christmas Party. Kahapon ng gabi lang ako nakabili ng regalo sa nabunot kong pangalan na bibigyan ng regalo. Ang sitwasyon ko ay ganito, humiling ang faculti na ito ng vinyl records. Oo ayun yung plaka na itim na pinapatugtog nung mga tao sa una.

Kaya naman halos kinabahan ako sa paghahanap ng ganoong mga plaka. Nakakita ako sa Cubao Expo, doon sa malapit sa Alimall. Sa Cubao Expo makikita ang mga thrift stores, bentahan ng mga sapatos na gawang Marikina, pati na ang mga mahusay na pinagpilian na mga nobela at nonfiction na mga aklat.

Kumuha ako ng tatlong vinyl records. Una ay yung Ruby, ruby (kay Gato Barbieri). Pangalawa ay A.M. (ng The Plunketts). Yung huli ay Caliente! (ni Gato Barbieri ulit). Masaya ako sa mga jazz album na napili ko. Ang alam ko kasi ay mahilig sa jazz music yung co-faculti ko na yun.

Nagustuhan ko yung karanasan hanapin ang vinyl records. Mahirap. At lalagyan talaga ng effort. Pero okay ang karanasan sa paghahanap. Pati na rin ang proseso ng pagpili ng records. 

Wednesday, August 22, 2012

Tea is drunk to forget the din of the world

While waiting for a friend in Megamall, I bought myself a cup of hot Japanese Macha Milk Tea from Bubble Tea. I would have wanted it to have a stronger green tea taste. Medyo may lasang red bean. Bukod doon, okay na siya. Papasa na for P80.00.

Nagdala ako ng critical essay ng mga college student na tsetsekan. Nakapagbasa pa ako ng isa bago dumating ang kaibigan na matagal na di nakita.

Mabuti na rin na lumabas ako para hindi panay malungkot at masama ang naiisip at nararamdaman. 

Friday, July 20, 2012

Makarneng hapunan at tsaa


Sa lungsod kung saan mas mataas ang kinikita ng mga may kakayahang manggagawa (skilled laborers), nagsusulputan ang kung anek-anek na mga pagkakagastusan bunga ng konsumerismo.

Kung kapitalista ka, iisip ka ng mga pagkakakitaan. Gagawa ka ng mekanismo para bumili ang mga may datung ng mga bagay na di nila kelangan.

Sa pusod ng buhay yuppie, isang halimbawa nito ang pagtambay ng mga manggagawa sa mga overpriced na tsaahan at kapihan. Aircon na kwarto, maaliwalas at mailaw na lugar, upuan na komportable, may background music. Ayan. Mga elemento na gagawa ng swak na ambiance para lapitan ng mga manggagawa. O mga estudyanteng anak ng mga manggagawa na gustong magwaldas ng pera ng kanilang mga magulang.

Kagabi, nag-usap-usap ako, si Paeng at Reinol na magkitakita dahil ang kaibigan namin, Bry, na sumi-Singapoh la ay nasa kaMaynilaan. Natext at na-FB si Bry at nagconfirm. Sa gabing iyon, wala siya. Nakalimutan niya daw. Wagas.

Saturday, July 14, 2012

Torete. Toreteeeee. Torete ako. *kanta na parang lasing lang*

Buong linggo akong lango sa alak.

Kung kilala niyo ako, at alam niyo ang trabaho ko, malamang sasabihin niyo hindi ito posible. Sa totoo lang, nag-iisip lang ako ng good beginning sentence sa blog nato. Hihi. Pagagalitan ako ng grade 3 teacher ko na si Binibining Botones dahil misfit sa entry nato ang good beginning sentence ko. Yaan mo na. Graduate naman na ako ng kolehiyo. At matatapos na rin sa gradwadong kurso. Kaya pwede na idekonstrak ang mga batas sa wika at pagsusulat. Ganun.

Masyado lang madaming iniluluwal na pag-iisip ang utak ko ngayon kaya kelangan ipitik sa elektronik na makinilyang ito.

Masyado kasing demanding ang trabaho. Peksman, hindi ako nagbasa at nag-aral ng ganito nung kolehiyo, kahit sa graduate classes ko. Sa walangjo lang na mga lecture classes ko. Preparation shiz. At tyedeeeeen, hindi pa nagbabasa ang mga estudyante. So lecture talaga siya. Mababaw ang mga diskusyon. Sayang naman. Magaganda pa naman ang mga topic sa semestreng ito.
Inuman ko ng tsaa kapag trabaho mode sa bahay

At nalaman ko kahapon na baka hindi ko na ituro ulit ang kursong hinahawakan ko ngayong semestreng. Seyeng nemen ang mga powerpoint ko at mga case study. Oh well, bowel, towel, ganoon talaga kapag baguhan. Hindi ako pwede mag-let's morph in power rangers para magkaroon ng kapangyarihan na impluwensiyahan ang gumagawa ng desisyon.

Sa totoo lang, nag-eenjoy naman ako sa mga ginagawa ko ngayon. Masaya ang nasa akademya. Nakakapagod. Nakakataranta. Nakaka- overwhelm ang mga standard pero masaya. Worth it ang buong araw. Yung nga lang, daig ko pa ang pakikipaghabulan sa mga giraffe at kabayo, at ang pakikilangoy sa mga butanding sa sobrang pagod. Buti na lamang may mga energy drink, galon galon na kape at syempre ang paborito kong earl grey tea.

Gusto ko lang may labasan kaya ako nag-aanek-anek sa blog na ito. Wala pa kasi akong mangingibig. Hahaha. Meron pala ako ngayong super gustong chick. Pero sa ibang blog entry na lang. Hihi.