Friday, July 20, 2012

Makarneng hapunan at tsaa


Sa lungsod kung saan mas mataas ang kinikita ng mga may kakayahang manggagawa (skilled laborers), nagsusulputan ang kung anek-anek na mga pagkakagastusan bunga ng konsumerismo.

Kung kapitalista ka, iisip ka ng mga pagkakakitaan. Gagawa ka ng mekanismo para bumili ang mga may datung ng mga bagay na di nila kelangan.

Sa pusod ng buhay yuppie, isang halimbawa nito ang pagtambay ng mga manggagawa sa mga overpriced na tsaahan at kapihan. Aircon na kwarto, maaliwalas at mailaw na lugar, upuan na komportable, may background music. Ayan. Mga elemento na gagawa ng swak na ambiance para lapitan ng mga manggagawa. O mga estudyanteng anak ng mga manggagawa na gustong magwaldas ng pera ng kanilang mga magulang.

Kagabi, nag-usap-usap ako, si Paeng at Reinol na magkitakita dahil ang kaibigan namin, Bry, na sumi-Singapoh la ay nasa kaMaynilaan. Natext at na-FB si Bry at nagconfirm. Sa gabing iyon, wala siya. Nakalimutan niya daw. Wagas.


Bilang paghihiganti, bumili ng SOBRANG mahal na spare ribs sina Paeng at Jopi at nag-usap na share na lang sa bayad. Kasama ako sa kahati. Nakalimutan nila na di ako nagkakarne. Ang gusto lang nila ay inggitin si Bry na nag spare ribs kami. Masaya si Paeng at si Jopi, tagumpay na nainggit si Bry (thru text), at bulsa ko ang nasaktan sa di ko makain na ulam.

Matapos ang makarneng hapunan, nagkayayaan sa overpriced na tsaahan, ChaTime. Hindi ko gusto ang design ng ga walls. Gumamit sila kasi ng tiles na pang CR. Iba't ibang kulay lang. Pero hindi mapipigilan ang pagsusunog ng pera ni Reinol at Paeng. Ayun. Naka de-yelong tsaa sila. Ako naman dahil ginawin (malamig na ang aircon na tsaahan at malakas ang buhos ng ulan sa labas), nagdesisyon na mag mainit na macha green tea with buckwheat.

Nagulat lang ako na ang mainit kong inumin na inorder ay nakaserve na gagamitan ng plastic straw. Naewan ako. Mainit na tsaa at straw?! Nagdisequlibrium ako.

Habang nag-uusap sina Paeng at Reinol sa ekonomiyang kalagayan ng bansa, nandun ako nag-iisip pa rin at pinapanatag ang sarili sa pagkonsumo ng tsaa ko gamit ang straw. Ewan talaga. Ewan.

No comments:

Post a Comment