Sunday, July 29, 2012

Magiging maganda ang linggo ito.

Usapang asal mula sa libro na mga bata mismo ang nagbigay kahulugan.
Mas maaga ang labas ng notice ngayon na walang pasok sa preschool at grade school sa Quezon City. malakas ang hangin at bihira lang tumigil ang ulan. Kaya lang hindi ako apektado. Ang laboratory preschool na hawak ko sa umaga, wala talagang pasok kapag Lunes.

At kapag Lunes, may klase ako sa Kolehiyo na tatlong oras dirediretso. Oo, ganun yun. Walang gustong kumuha ng klaseng ganyan, ako ang junior faculty kaya sa akin natoka. Pero okay lang, alam nila na may panlasang gawaing panlipunan (social work) ang kurso kaya binigay talaga sa akin.

Ayon, balik tayo, walang pasok ang mga bata sa preschool pero hindi kasama ang klase ko. Sa Martes kaya, masama pa rin ang panahon? Namiss ko na ang mga bata batuta, pati ang ingay nila, saka yung mag yakap at tawa nila.


Bilang preschool teacher, syempre dapat masaya at makanta at makwento ka. Mga bagay na hindi ko gagawin kung hindi ako kumuha ng kursong BS Family Life and Child Development. Ayan, dahil isa na rin ako sa mga junior faculty na naghahawak ng preschool, mas lalo na ang bibo ko ngayon sa pagkanta, pagkwento at pagsayaw. Sakto lang, hindi pako nalalait ng mga bata na sintunado o nakakatawa sumayaw. Mababait sila kumpara sa mga matatanda.

Basta excited ako para sa Martes.. Preschool sa umaga at klase sa kolehiyo sa hapon. Umaga, pag-uusapan namin ang mga nangyayari sa paligid nila --malamang magkwekwento yung isang bata ko ng tungkol sa Olympics. Nasa London kasi ang tatay niya kasi kasama sa trabaho ang pag-cover ng Olympics. So malamang na ang takbo ng diskusyon namin sa Values Ed, math, social studies at science at ikokonekta sa Olympics. Nakaka-excite. Haha.
Bibong bulletin board namin sa klase. Gawa ng bata ang ilan diyan.

Sa tanghali ng Martes, sa talakayan sa klaseng pangkolehiyo, pag-uusapan naman natin ang isang diskurso tungkol sa lingwahe ng pag-ibig at kung paanong sinasabi nito na ang hindi pagkakaunawaan ng magkapareha ay dahil sa hindi pareho ang linggwahe na gamit. Kung nadinig niyo na si Dr. Gary Chapman, siya ang proponent ng diskursong ito. Bukod dito syempre, pag-uusapan namin ang isang tesis sa Unibersidad na pinamagatang "Manifestations and Perceptions of Love Among Filipino College Students". O di ba exciting. Tinatapos ko pang basahin ang buong tesis. Medyo mahaba. Pero masaya syempre ito i-discuss sa klase. Ayos.

Hindi ako ganun kasaya pero gagawa talaga ako ng paraan para maging maganda at kasiyasiya ang linggong ito. Masaya ang buhay, masaya ang buhay!

3 comments:

  1. i envy you for being with kids 4 days a week... nung isang isang linggo ko pa naiisip na sobrang namimiss ko ang pagtuturo ng mga bata.. as in. i am happy that at least you get to enjoy the company (yes including all the hugs and kisses ad stories) of preschoolers :) and your 135 class sounds exciting! :) have fun, teach! :)

    ReplyDelete
  2. May zHithiz3n$hiP class pako, aside from 135. enjoy din yon pHoe3WhZzZ.

    ReplyDelete
  3. hahaha. in fairness, nahirapan akong idecipher ang 2nd word :))) hindi kasi ako jejemon :))))

    dapat nga magsit in ako sayo today kasi pupunta ako ng UP, kaso hindi ko naman alam kung anong oras ang cwts mo. at di ko rin pala alam kung papayag ka for sit in :)))

    ReplyDelete