1.
Tumawag ako sa kapatid mo. At bigla akong napauwi sa bayan kung saan tayo lumaki.
Pagbaba ko sa bayan, sumakay ako ng tricycle diretso sa sementeryo.
Nandoon ang kapatid mo, nakatayo kung saan ka nakahimlay.
Ngumiti siya. Ngumiti din ako.
Wednesday, October 8, 2014
Thursday, October 2, 2014
PS
Ngayon ko lang nalaman na walong buwan ka na palang wala sa mundong ito. Dahil hindi ako nakakauwi sa atin. At noong mga panahong iyon ay pinutol ko lahat ng contact sa lahat ng tao. Ngayon lang dumating sa akin ang balita.
Pasensiya na bro, at hindi man lang ako nakapagpaalam sayo. Alam kong kung nababasa mo ito, sasabihan mo ako ng gago. Gusto ko lang sabihin na gago ka rin. Kaya pala wala kang text o tawag. Mamimiss kita, tsong.
Paalam, Pareng Mico.
Labels:
goodbye,
life is a highway,
uncertainty of things
Subscribe to:
Posts (Atom)
