1.
Tumawag ako sa kapatid mo. At bigla akong napauwi sa bayan kung saan tayo lumaki.
Pagbaba ko sa bayan, sumakay ako ng tricycle diretso sa sementeryo.
Nandoon ang kapatid mo, nakatayo kung saan ka nakahimlay.
Ngumiti siya. Ngumiti din ako.
2.
Pasensiya ka na. Nito ko lang nabalitaan.
Kuya, pasensiya na rin. Hindi ko alam na hindi mo pala alam.
Tahimik.
Hinawakan ko ang lapida.
Ilang beses ko nang namura si Mico noong buhay siya. Mas madaming beses ko siyang namura nito lang, noong nalaman ko na wala na siya. Bilang galang sa kanyang kapatid, hindi ko minura si Mico sa harap ng kapatid niya.
3.
Nagbukas ako ng coke rhum. Mico,ito 'yung para sa naudlot natin na kwentuhan noon. Nilapag ko sa lapida.
Kumusta ka? lingon ko sa kapatid, habang binibuksan ang isa pang lata ng coke rhum. At inabot sa kanya.
Salamat kuya. Okay naman. Namimiss ko ang Kuya. Siya nagpapaaral sa akin. Saka nagpepep talk. Namimiss.
Tahimik.
Nagbukas ako ng isa pang coke rhum para sa akin.
Kuya, mukhang madami kang dala.
Madami yan. Inom tayo. Iinggitin ko lang ang kuya mo dahil hindi na niya ako mahihiritan mag-inom. Inunahan ako sa kabilang buhay e.
4.
Matagal kami nagkwentuhan ng kapatid mo. Sinabi ko ang mga pangarap mo. Pati na rin 'yung mga cheesy mong planong date ng girlfriend mo na di mo na magagawa. Na gagawin daw ng kapatid mo sa girlfriend niya. Pati 'yung mga sekreto mo na ako lang ang may alam.
Palubog na ang araw noong nagkayayaan kami umuwi.
Ito ang paggalang ko sa alaala mo. At pagdiriwang ng maikli mong buhay. At malalim natin na pagkakaibigan

Naalala ko tuloy yung kaibigan namin. mag de-death anniversary sya sa 23 :(
ReplyDeleteCheers to happy memories of wonderful friendships!
ReplyDeleteKapag nawala ako, gusto ko din maalala ka dahil sa mga masasayang bagay at malalim na pinagsamahan.
Kampay hanggang sa kabilang buhay!
Natouch nmn ako dito...
ReplyDeleteMy condolences, OP. He seemed like a good man.
ReplyDelete