Today is May 29, three in the morning.
Today, I met Kuya P, the manong who saw my formative years in college. He saw how I struggled as I try to shape who I am in the midst of cultural diversity in the university.
I grabbed the chance to see his new condo. And his wife and his mini-me. He called his son, Ninja. Just because Kuya P likes Naruto. The fuq. When I came to their house yesterday, I brought my ten bottles of flavored San Mig. His wifey was preparing home-made takoyaki. And pasta. And pizza. Manong P calls her Love. I call her goddess. Only a goddess can pull to produce those awesome food in less than two hours.
Over beer and the flood of food, I told Manong P about my work in the university. Of the delayed salary and lump sum amount when finally I got my pay. How it easily slipped my hand because I need to pay the credits I have. He asked me about the students in the university and concluded that most are sheltered brats.
I asked him about his new work, his overseas business travels, the cost of his condo, how it is to be father and other shiz. On my third bottle of beer which now seems to taste like C2, he toured me around his unit. I saw the room-turned-walking closet for his wifey, the other small room for in-law when she visits and the master bedroom with a ridiculously big veranda on the side.
"The veranda seems misplaced, " I commented. "I got the unit in its pre-selling price of 4M," he explained. "The veranda is so big you can convert it to another room," I said now on my fourth bottle. "That cannot be a room. You need to pass by our bedroom before you can go there. You don't create a room that passes our room," he explained.
Thursday, May 30, 2013
Tuesday, May 28, 2013
Selfie
- Nagpapahaba ako ngayon ng balbas. Nagpapahaba din ako ngayon ng buhok. Kumukulot na yung buhok ko sa bumbunan. Pero tuwid pa rin ang sa balbas. Bukas makalawa, makakatanggap na ako ng memo mula sa mga boss na mag-ayos ng sarili. Bukas makalawa, isheshred ko lang yung memo na matatanggap ko.
- May palihan ngayon sa unibersidad tungkol sa teaching effectiveness. Matatalino ang mga guro sa unibersidad. Ayan ang unang dahilan kung bakit sila naha-hire. Pero gusto ng unibersidad na hindi lang matatalino ang mga guro nila, dapat magagaling at epektibo din. Dahil sa mga units ko ng Eduk noong una pang panahon, para lang ako nagrerebyu. Ang naeenjoy ko ay makipagkwentuhan sa ibang guro mula sa ibang kurso.
- Malapit na akong magbakasyon sa Singapore. Sabado na alis ko. Apat na araw na bakasyon. Bago sumabak ulit sa trabaho. Any tip?
- Nag-iisip na ako lumipat ng bahay. Nangangati na ulit ang paa ko na maghanap ng ibang lugar na lilipatan. Sa karanasan ko, dalawang taon lang pinakamatagal ko bago ako magsawa ng lugar na titirhan. Pangatlong taon ko na sa apartment.
- Napahoard na naman ako ng apat na libro. The perks of being a wallflower (Stephen Chbosky), Hocus pocus (Kurt Vonnegut), God bless you, Mr. .Rosewater (Kurt Vonnegut) at The double (Jose Saramago). Holer to Going Guderian!
- Katatapos ko lang basahin ang Kafka on the shore ni Haruki Murakami. May pusa na nagsasalita. May mga taong kausap ang bato. Umuulan ng leeches mula sa kalangitan. At may binatang nainlove sa kanyang ina. Ang sick di ba? Opisyal na akong deboto ni Murakami.
- Pinabaunan ako ng kapatid ko ng Pilao cafe mula sa Brasil. Alam niya kung paano ako pasasayahin.
- Nagkitakita kami ni B1 at B3. Sumama ako sa reunion ng pamilya ni B1, family lunch ni B3. Diretso bisita kami sa bahay ko sa Batangas. Nalaman ng ermats ko na mahilig si B3 sa lecheflan. Ayon, bago umuwi, pinadalhan ng ermats ko si B3 ng sampong yanera ng leche plan. Spoiled brat.
- May pasundot-sundot na depresyon ako ngayon. At bumabalik ang insomia ko. Hindi na naman ako ganoon kasaya sa buhay.
- Nanonood pala ako ngayon ng Grimm. Patapos nako sa season 1. Hindi ko masyado tipo. Kaya lang wala akong ibang ginagawa.
Thursday, May 23, 2013
This Is Water!
"The hardest and most important realities, are the ones
most hardest to see, and are usually the ones staring us right in the
face."
Most of the blog entries I see contains routinary self-centered post about life. Ehem, this includes mine. For a change, let me share with you a video containing a speech, delivered by David Foster Wallace at Kenyon College way back in 2005. This gives an alternative idea about what education means in relation to awareness to make conscious decisions.

Labels:
academic life,
faith,
life is a highway,
yuppie tale
Wednesday, May 15, 2013
Election afterthoughts
May dalawang bagay ka na hindi mo pa nahahanap. Una yung poster mo ni Dao Ming Si na pinilihan pa natin sa Ximending, Taipei para mapirmahan niya. Nawala noong February 21, 2003. Umiyak ka sa akin nun kasi pinag-ipunan natin ang trip sa concert ng F4, yung malapit sa stage at pwedeng magbackstage pass.
Yung pangalawa ay ang una mong kopya ng Si Nemo,ang Batang Papel. Binili mo yun noong Grade 3 ka. Barbie book ang pinapabili ng nanay mo pero yung libro na yun ang pinili mo nung dumating ang trak ng Adarna sa elementary school natin. Kapag binabasa mo yung kwento, sabay natin sinasabi ang, "Bituin, bituin, tuparin ngayon din. Ako'y gawing batang masayahin!" Yang linyang yan ang paulit-ulit sa kwento.
Hindi ko pa kilala si Rene Villanueva noon bilang magaling na manunulat. Di ko pa rin nadidinig ang tungkol sa prestihiyosong Palanca kung saan nanalo yung kwento na yun. Pero gusto mo yung librong yun. At natutuwa akong masaya tayong nagbabasa ng makulay na paper back na children's book na yun.

Wednesday, May 8, 2013
Para sayo H*
Dadalawin sana kita sa Dubai last month. Kaya lang hindi naman ako pinayagan mag-leave sa trabaho. Pero masaya ako nung nag-skype tayo nung isang araw na nakangiti ka na. Humirit ka pa nga nga ng juvenile joke tungkol sa paligsahan ng Hapon, Amerikano, Pranses, Aleman at Pinoy. Natawa na lang ako dahil benta pa rin sa akin ang korni mo na mga jokes.
Okey ka na nga. Siyam na buwan ka rin na hindi naka-move on sa break up niyo ng syota mong may pamilyang matapobre. Pabackground check ka ba naman at hiningan ka pa ng NBI clearance ng erpats niya nung nalaman niyang kayo na ng syota mo. Ex-syota pala. Syempre sayo, okey lang yun. Mahal mo e. Pero ako na-offend para sayo. Kelangan talaga NBI clearance. Hayop na mga burgis yan.
Nakatulong nga yang pagdu-Dubai mo. Hindi nga kinaya ng araw-araw kong pagdadala ng limang bote ng yakult yang pag-eemo shiz mo. Okey na nga na binago mo lahat, tinapon ang ayos mong trabaho dito sa Pinas para makapagsimula ulit .Hindi ko alam kung disyerto ba o yung mga camel diyan sa Dubai ang may healing power para sayong basag ang puso.

Monday, May 6, 2013
Hindi pag-ibig ang prayoridad sa tag-init
Bumili ako ng isang malaking electric fan na 70 watts. At sa init ng panahon ngayon, himala na epektibong nakatulog ako sa aking kwarto ng halos buong araw. Ganyang kaswabe ang hangin niya. Sabi ng kasama ko sa bahay, itago ko raw ang warranty. Sabi ko, halos lahat naman ng mga nabibiling appliances parang disposable matapos ang dalawang taon, give or take. Hindi na siya nakipagdiskusyon.
Sa trabaho ko ngayon sa unibersidad, kinaya kong bumili ora mismo ng bagong pampalamig. Hindi malaki ang sweldo ko, pero kumpara sa mga dati kong pinagtatrabahuhan, masasabi kong mas maalwan ang buhay ko ngayon. Mas may seguridad nga magtrabaho sa gobyerno kesa sa pribadong sektor.
Kaya ko na rin tugunan ang gabi gabing malamig na serbesa lalo na kung tinatawag ng pagkakataon. O kaya ang pagbibigay ng maluwag kay ermats ng pera kapag biglang naglambing.

random thoughts,
self evaluation,
yuppie tale
Subscribe to:
Posts (Atom)