Showing posts with label beer. Show all posts
Showing posts with label beer. Show all posts

Tuesday, June 18, 2019

Kwentong amaretto sour

Ikaw: Inom tayo. Subukan natin ang cocktails nila.

Ako: Ha? Di ako maalam diyan. Wala naman ganyan sa amin.

Bagong salta lang ako sa Quezon City mula sa probinsiya.

Nung highschool ako, pomelo gin lang ang binabarik. Dito kung ano-ano 'yung pagpipilian. May long island iced tea, may black russian, may mojito, wengweng at kung ano-ano pa.

Ikaw: Wag mong gagamitin yung salitang "maalam". Sabihin mo lang, "Di ko alam."

Medyo tumahimik ako.

Monday, October 22, 2018

Dorm 10 (Sarah's)

Matapos ang limang bote ng pale pilsen at isang tuna sisig sa Sarah's, dumating ka. Tinanong mo kung kanina pa ako. Sabi ko, hindi naman.

Ngayon ko lang napansin na sunog na sunog na 'yung balat mo. Hindi na makita ang senyales ng mestiso mong genes na pamana ng tatay ng lolo mong may malawak na lupain sa Pangasinan. 



Nalaman kong namundok ka. Napansin ko na pinatanda ka na nang karanasan at ng bagong buhay mo. Biniro pa kita na sayang ang Likas Papaya soap na gamit mo noon. Tumawa ka lang at sinagawan ako ng Gago!

Umorder ako ng redhorse, tig-isa tayo. Naubos mo kagad sa loob ng dalawang minuto. Kinuhanan ulit kita. Alam kong namiss mo. Hindi kita inistorbo sa pakikipagtalik mo sa ikalawang serbesa. Kita ang pananabik at uhaw mo.

Monday, August 13, 2018

Medyo malulungkot si Carl Rogers sa medyo palpak ko pang implementation ng unconditional positive regard

Alam ng mga kaibigan ko na advocate ako ng restorative justice. Kaya nga nagtrabaho ako sa kulungan.

Minsan sa isang binyag ng anak ng isang kaibigan, ako ang pinag-initan. May kaibigan kasi dun sa grupo na yun na pro-tokhang at pro pagpatay 'pag dating sa mga "users". 

Nakwento ko ang tungkol sa karanasan ko sa rehabilation ng mga sinasabi niyang "users" na kung saan, may mga ilan sa mga iyon ang di talaga gumagamit. 

Nakwento ko rin ang tungkol sa kung nasaan na sila ngayon, ano ang trabaho nila after nila "makulong". Binida ko syempre ang mga kliyente ko. Although sinabi ko rin sa kanila ang kinahinatnan ng mga bigong matulungan. Para hindi bloated o romanticized development work.

Monday, October 2, 2017

Patuloy

Hinawakan ko ang iyong kamay 
ng mahigpit

At binitiwan ang mga salita 
na "Huwag mo sana ulit akong iiwan." 

Baka kasi sa pang-anim na pagkakataon
di ko na kayanin



#

Monday, September 5, 2016

Seks at serbesa

Sa tig-isang bote ng serbesa, nag-usap tayo tungkol sa kanya-kanya nating nakaraan. Ikaw na hanggang ngayon ay hindi pinapayagan kitain ang unang taong inalayan mo ng puri, at ako na hindi na pinapansin ng huli kong naikama.

Sabi ko, may hang-ups tayo sa seks. Natigil tayo sa mundo ng huling intimacy samantalang ang mga nakasama natin sa kama ay naka-move on na sa buhay.

Hindi ko kaya 'yung ginagawa niya, sabi ko habang nasa ispirito na ng ikatlong bote. Hindi ko kaya na isaisang tabi yung valid na pakiramdam ng nagmahal.

Sira ka. Hindi mo nga sigurado kung pag-ibig yun. Nakasama mo lang sa kama, sabi mo.

E bakit ikaw, naghihintay pa rin ng pagkakataon na hindi na kayo pagbawalan na magkita at mag-usap? hamon ko habang tiningnan ka ng diretso sa mata.

E ayun, mahal ko yun. Kaya nga sa kanya ko lang binigay e.

Seks pa rin yun.

Tahimik na natin inubos ang ikalawang bote mo, habang ako nasa ikaapat ko na ng red horse.

Malaking tama sa akin ang usapang iyon. Hindi natin naresolba ang malinaw na linya na naghahati sa pag-ibig na walang seks o seks na may pag-ibig.

Friday, July 3, 2015

Sa may Central

Nabuo ang post na ito dahil uminit ang ulo ko kahapon sa opisina. May request ako na halos isang buwan ng nagbabalik-balikan sa higher office para i-grant. Tumagal dahil sa masalimuot na burukrasya at paiba-ibang proseso, depende kung sino ang babagsakan ng request.

Dahil napuno na ako, hindi na yung staff ang pinafollow up ko. Ako na mismo ang sumugod. Apat na linggo para lang sa isang request. Pwede kasing approved or not approved. Pero ang matengga ang request ng halos isang buwan na walang tiyak na sagot, horrible.

Tumaas ang boses ko sa opisina ng boss ko. At tinanong ano pa bang dapat namin gawin para lang magkaroon ng sagot ang request. Matapos ang ilang balik-balik na paggawa ng mga pinapagawa nila, panis na ang request ng opisina namin.

Ayun naman pala, nawawala ang request namin. Nasa opisina lang daw pero di makita kung nasaan. E di mas lalong nagpantig ang tenga ko.

Sa lahat ng bagay, ayoko na nagtataas ng boses. Ayoko ng sumisigaw para lang maayos ang mga bagay. Di ko lang napigilan dahil sa frustration.

Pagkatapos madinig ang paghingi ng tawad ng staff sa opisina ng boss, umalis na ako. At habang naglalakad pabalik sa opisina ko, may pakiramdam ako nang pagkahiya. Kasi hindi ko talaga tipo ang naninigaw. At nahihiya ako sa inasal ko, kahit gaano pa ka-justifiable ang ginawa ko.

Ayon ang dahilan kung bakit ko niyaya ang dalawang kaibigan mag-inom. Gusto ko lang ng maayos na ending ng araw. Isa pumayag. Isa, mas maarte pa sa natural na maarteng tao. Ang daming sinabi pero hindi naman sinabi kung oo pupunta o hindi pupunta. Ang arte ng walang hiya.

Nagsimula ang kitaan ng alas otso y medya. At isang kaibigan lang ang kasama. Palibhasa walang trabaho kaya maluwag ang iskedyul niya. Sinabi ko na ako na ang taya sa gabing yun.

Wednesday, October 8, 2014

Pagdalaw sa kaibigan

1.
Tumawag ako sa kapatid mo. At bigla akong napauwi sa bayan kung saan tayo lumaki.

Pagbaba ko sa bayan, sumakay ako ng tricycle diretso sa sementeryo.

Nandoon ang kapatid mo, nakatayo kung saan ka nakahimlay.

Ngumiti siya. Ngumiti din ako.

Wednesday, September 3, 2014

May mga ilang nagpapabangon sa akin sa umaga:
  1. Manual na paggigiling ko ng kapeng Benguet para ilagay sa dripper. 
  2. Paglalagay ng balikutsa sa kape.
May mga ilang bagay naman ako na nilu-look forward kapag gabi.
  1. Pag-inom ng isa hanggang dalawang baso ng Vodka currant na may yelo. 
  2. Pagtunganga mag-isa hanggang makatulog.
Iyang apat na yan lamang sa ngayon ang dahilan kung bakit nais ko magising at matulog. At magising at matulog.

Sa kalagitnaan ng araw, madaming trabaho. At palagay ko nagagawa ko naman ang mga dapat gawin ng parang normal na tao. Magaling pa rin ako. At mayabang. At masipag.

Pero iba pa ring usapan ang pagsisimula ng araw at pagtatapos nito.

Ang dalangin ko kagabi, bigyan pa ako ng ibang dahilan para bumangon sa umaga. At ilook forward ang gabi. 

Friday, August 22, 2014

Ang pagkawala ng aking lola

Eto ang bersyon ko ng istorya:

Gabi na ng tumawag si ermats na nasa ospital ang nanay (lola). Mahina na daw, nilalagnat at hindi na makapagsalita. Sinabihan ako ng ermats na isama ang paggaling ng nanay sa dasal. Pagkababa ng telepono, bumulong ako ng konting panalangin. General na panalangin sa paggaling. Hindi dahil ayaw kong gumaling si nanay. Pero dahil hindi ko kayang pilitin sa utak ko na mahina at nasa ospital ang nanay.

Ang unang alaala ko sa aking lola ay ang paghawak niya ng remote ng telebisyon at paglipat ng channel sa may wrestling. Hindi yung propesyonal at legit na isports. Pero yung may mga karakter tulad ni Owen Heart at Undertaker. Kasabay ng paghigop ng kanyang Tanduay Rhum, nakikisigaw siya habang nagsasalpukan sa wrestling stage ang dalawa o higit pang mga tao. Ang programa ng wrestling ay alas nuebe ng umaga. Ganyan ang nanay. Hindi kape ang pangpainit sa umaga. Tanduay rhum.

Mahilig niya rin kami hawakan sa pototoy namin. Ako at ang aking nakababatang kapatid. Sabay bendisyon na,"Lalaki at bibigat din yan. At bibigyan ako ng maraming apo." Hindi ko alam kung ikakategorya ko ang pangyayaring ito sa sexual harrasment o early sex education. Pero ganyan talaga ang nanay. Hanggang sa pagbibinata namin ay kinakapa ang pototoy namin.

Sunday, August 25, 2013

This.

Dalawang araw na akong hindi nasisinagan ng araw. Bukod sa pangit na panahon, hindi ko gusto makakita ng tao.

Ganito ako kahapon. Nagkulong lang ako sa maliit kong espasyo, may bahagyang usap sa mga roommate. Natulog. Nagblog hop. Kumain. At natulog ulit.

Lumabas ng bahay ng alas siete ng gabi. Nagpagupit ng buhok. Nagbayad sa kahera. Papalabas na ako ng paggupitan ng biglang bumuhos ng malakas ang ulan. Naghintay sandali pero hindi humina ang ulan. Nagdesisyon na suungin ang pangit na panahon. Naaksidente. Nagkaron ng malaking hiwa sa may kaliwang binti. Nakauwi ng bahay na basa at duguan. Nilinis ang sugat. Nagkulong ulit sa kwarto.

Madami akong gagawin sa trabaho. Pero hindi ko ginawa. Gusto ko makipagkwentuhan sa ilang kaibigan. Pero ang nagpaparamdam sa akin yung mga ayaw ko makausap o makita. Gusto kong magtapon ng mga gamit. Gusto kong maglasing. Gusto kong sumigaw.

Sunday, July 14, 2013

Unang date natin na wala akong pagtatangi

Naglasing ako kahapon. Kasama ka. Kung paanong sinusubukan kong itulak lalo ang kakayahan ng kalamnan ko sa circuit training, ganoon naman na sinubukan kong tingnan ang dulo ng tolerance ko sa alak.

Apat na tequila sprite. Ayan ang dulo ng pagkatao ko at simula ng debolusyon ko para maging isang tipak ng putik na humihinga. Sa ikaapat na inom ko ng tequila mix, isa na lamang akong katawan sa bar na pinagpapawisan at nahihilo.

Alam kong malaki ang kaba mo kung paano ako sasaluhin matapos kong mag-inom. Kauna-unahang pagkakataon mo akong nakita na ganoon. Maswerte ka kasi ayan ang una kong paglalasing na may conscious na pagdedesisyon. Madami ka kasing mga tanong. At alam kong kailangan mo ng sagot. Hindi ko kayang gawin ito na hindi nagiging ilang. Kaya dinaan ko sa alak.

Saturday, June 8, 2013

Kaarawan sa singapore

Sabay pag-inom ng serbesang Kirin sa aking kaarawan, pinakakilala mo sa akin ang boyfriend mo sa Singapore. Malaki ang ngiti mo. Kaya nagbigay din ako ng malaking ngiti para sayo.

Nakipagkamay sa akin ang lalaki. Hindi siya makatingin ng diretso sa mata. Baka naikwento mo ang kabuuan ng pagkakaibigan natin. Pati na rin ang panliligaw ko sa iyo noon. At ang pambabasted mo. At ang pagiging matalik nating magkaibigan matapos. Kaya naiilang siyang tumingin sa akin ng direkta.

Masaya na rin ako na kasama siya sa hapunan. At nakita siya ng personal. Mas gwapo at mas matangkad sa akin. Pero di hamak na mas buo ang loob ko. Sa pakikipagkwentuhan sa kanya, alam kong mas matalino din ako. Yun nga lang, alam ko na isang daang porsyento na siya ang mas mahal mo.


Sunday, February 3, 2013

Alkohol at tsaang malamig

Wala ako masyadong interaksyon sa mga kaibigang blogero kaya mas mahaba ang oras ko magsaliksik ng buhay sa labas ng cyberspace.

Limitado ang oras ko kaya hindi naman ako pwede mag immersion sa mga komunidad na pinupuntahan ko noon.

Walang kakwentuhang blogero at walang kakwentuhan sa komunidad. Kapag pinagsama ang dalawang yan, napansin ko na mas tumitindi ang pagnanasa ng panlasa ko na sumubok ng kung ano mang pwedeng tikman sa kapitalistang mundo.

Nung isang gabi, habang pagod sa trabaho sa unibersidad, naisipan kong sumakay ng kung anu-anong jeep hanggang napadpad ako sa may GMA-Kamuning.

Maalinsangan ang hangin kaya naghanap ang katawan ko ng aircon na lugar. Nag-aalala ako na burgis na ang katawan kong lupa at ginugusto na ang mga lugar na may artipisyal na lamig ng hangin.

Natuwa naman ako na ang isang tindahan na nagbebenta ng overpriced na tsaang malamig ay nag-aalok ng alternatibong timpla. Nilalagyan nila ng alcohol ang mga milk tea nila. May agam-agam lang ako dahil sa aking hinuha, hindi pwedeng pagsamahin ang gatas at alcohol. Pero nung tinanong ko sa barista, ayos naman daw ang halo nila at wala naman daw na-food poison.

Wednesday, January 9, 2013

Ang makainuman ka

kasama ang isang malamig na pale pilsen
ay mas maaliwalas sa pakiramdam kesa sa amoy ng hinog na palay sa bukirin
o kaya naman ng amoy ng mga bagong buka na bulaklak ng mangga sa umaga
Mas kapanapanabik kesa sa paghihintay na lumubog ang araw sa dalampasigan
o pagpili ng mga pinakamaniningning na mga bituin sa hatinggabi.

Ang kwentuhan kasama ka  at ng isang boteng serbesa
ay mas masarap kaysa sa pinakamalasang embutidong manok sa pyestahan sa aming bayan
o kaya mas nakakapatid uhaw kesa sa tubig mula sa pinakabatang niyog sa may kapatagan.

Mas nanaisin ko na kasama ka ngayon
Kesa manalo ako sa Palanca
O kaya mabigyan ng pagkakataon na humigop ng espresso ng Italya.
Hindi ko ipagpapalit ang pagkakataon na ito
Sa alin mang ganda ng pagkakataon na libutin ang mundo,
pati na ang pagsilip sa mga sinaunang gusali sa Gresya.

Saturday, November 24, 2012

Wishing that the us never existed.

I asked a housemate if he can accompany me outside to buy some grilled street food. He declined and reasoned he has work to do. He didn't know I asked him to accompany me so I wouldn't stay out to drink TI from the sari-sari store nearby. He dislikes me drinking. His "faith" tells him so, or so he thought.

So I went out, bought ten sticks of grilled tofu and hanged out in the sari-sari store, with no one but TI to talk to. It's been like this since three years ago. I've been drinking to cool down and let my mind loose a bit, getting a temporary rest from thinking of how you left me.

It's like petting a serious wound. I've been removing the scab covering the open flesh. I can't help but remember you from time to time and think of what used to be us. It's been unhealthy sometimes. I have songs from Silent Sanctuary and Gavin deGraw and Graham Nash that fully describes how it feels like to be a junkie to you.

Saturday, November 17, 2012

Kirin beer

Kirin Ichiban. Yan ang kompletong pangalan. Natikman ko nung kumain ako sa Kimono Ken sa Morato nung gabi na nakipagsapalaran ako sa warehouse sale ng National Bookstore sa may Quezon Avenue.

Ayan ang beer na swabe ang lasa, mas magaan pa sa malabnaw na San Miguel Light. Di katulad ng Red Horse natin, ang Kirin Ichiban ay walang sipa. Kung tutuusin, ito ang beer na mala-tubig. Hustong kapareha kung marami ang nakain na sushi na nasawsaw sa sauce na maraming wasabi.

Hindi ko siya irerekomenda sa mga naghahanap ng malalim na karansan ng serbesa. Ito yung tipong gagamitin mong pangbanlaw kapag masyado nang nagkakasiyahan ang mga tao at ayaw mong may mga lasing na nagwawala sa selebrasyon.

Tuesday, October 16, 2012

Meeting B1 at B3

Sojo bottle and puso (rice wrapped in weaved banana leaves).
Delayed ang flight ko ng isang oras. Syempre pa, Cebu Pacific. Kaya ayon gawa na lang ako ng mga narrative report na kelangan sa trabaho.

May nakasabay pala ako na hot chick. Katabi ko sa eroplano. Tapos nginitian ako. Hehe. kilig lang. Parang yung pagnatatapos umihi.

Tapos pag dating ko, nandun sina B1 at B3. Yung mag-asawang kaibigan na hosts ko dito sa Cebu. Isasabay dapat namin yung hot chick. Kaya lang mukhang mataray daw.

Ayun, dinala ako sa kainan na ihaw-ihaw. Ang kanin nila ay nakabalot sa saging. Ang tawag nila ay puso. (Binibigkas na walang impit sa dulo.) At dahil madaming koreano pala dito, may available na sojo. Ayun, ako lang ang lumuglog. Masaya ang unang gabi.

Wednesday, October 3, 2012

Sosyal na hapunan

Kagabi, kinindatan ko na lamang ang gabi. Hindi ako nakakain ng anuman para sa hapunan.Pero bumawi ngayon. Rakstar ang dinner ko.

Yung isa ko kasing co-faculty, binigyan ako ng tatlong balot ng kesong puti. Linggwahe ng pag-ibig ko pa naman ang pagkain. Pakiramdam ko, mahal na mahal ako ng mga taong nagbibigay sa akin ng mga pagkain na gustong gusto ko.

Ayan tuloy, sa kabila ng buhay below the poverty line level na na-set ng gobyerno, sosyal ang dinner ko ngayon. Kesong puti, toasted bread at beer. Oo, dapat beer yan. Kaya lang naubusan sa tindahan na malapit sa amin kaya Tanduay Ice na lang.

Friday, September 7, 2012

Tama ng alkohol sa isang college instructor

Hindi ko pa kaya ang TGIF gimmick dahil wala pa akong sweldo bilang fakulti ng unibersidad. Kaya nagdesisyon akong bumili na lamang ng dalawang bote ng tanduay ice, umuwi diretso at magbasa.

May tatlong non-fiction na mga bagong libro akong nakita sa library kanina. At nito lamang, habang binuksan ang unang bote ng alkohol ay sinimulang basahin ang isa sa tatlong aklat. Background music ko ang album ni Dave Matthew na Crash. Ang seksi lang ng album.

Napapaisip ako na pinaggagawa ko sa buhay ngayon. At sa dahilan kung bakit ako nagtuturo. O kung ano nga ba talaga ang papel ko bilang instraktor sa kolehiyo.

Friday, August 17, 2012

Cheers!

Masaya naman ang aking PTC (Parent Teacher Conference). Unang pagkakataon ko na naenjoy lang makipagkwentuhan sa mga magulang at idiscuss ang results ng assessments ng mga anak nila.

Cool sila kausap. May executive producer, may make up artist, may PhD holder, may detalyadong tatay sa fathering niya sa anak, may nanay na model, may fulltime nanay. Iba-iba.

Nakakapagod syempre ang mga one-on-one sessions with parents. Pati na ang pagdiscuss ng technical terms sa developmental checklist, pati na rin ang mga child development at early childhood education theories at ano ang praktikal na aplikasyon nito.

Ayan. Maganda ang simula. Sana tuloy tuloy.

Sobrang pagod ako pero naenjoy ko ang araw nato. Wala pa rin akong sweldo. Kumusta naman? Pero eto nakangiting naghihintay.