Kagabi, kinindatan ko na lamang ang gabi. Hindi ako nakakain ng anuman para sa hapunan.Pero bumawi ngayon. Rakstar ang dinner ko.
Yung isa ko kasing co-faculty, binigyan ako ng tatlong balot ng kesong puti. Linggwahe ng pag-ibig ko pa naman ang pagkain. Pakiramdam ko, mahal na mahal ako ng mga taong nagbibigay sa akin ng mga pagkain na gustong gusto ko.
Ayan tuloy, sa kabila ng buhay below the poverty line level na na-set ng gobyerno, sosyal ang dinner ko ngayon. Kesong puti, toasted bread at beer. Oo, dapat beer yan. Kaya lang naubusan sa tindahan na malapit sa amin kaya Tanduay Ice na lang.
Iba talaga ang Panginoon kung magromansa. Thank you God! Medyo pagod nako sa buhay ko ngayon. Nakakapagod na rin kasi magfollow up sa sweldo ko sa unibersidad tapos ang isasagot ay wala pa. Bibo naman ako sa trabaho ko bilang kawani ng gobyerno. Sakto na may magandang treat mula sa Maykapal.
Napansin ko na sa kabila ng penitensiya ng kawalan ng sahod bunga ng inefficiency ng sistema, nagbubuhay burgis ako ngayon sa hapunan. Syempre, ilusyon lang ito. Pero nakikita ko siya bilang isang magandang panaginip.
*Malaking ngiti*

Now this is shameful! Wala pa rin sweldo?
ReplyDeletePero buti na lang no may mga taong may puso pa rin sa paligid natin. Sabi nga nila, people don't receive because they simply don't accept what's being offered to them. Masyado pa kasi choosy.
Pero tingnan mo, rockstar dating mo! Di ako nagkamali sa una kong comment. You can do things with style even if you're under the poverty line. Hahaha!
I like that. Di ba, parang nothing will bring me down. Itong trip ko, at ang trip ko ay trip ko! Walang kayang bumasag!
I say this because I've been there. Actually I'm still there. But life must go on. We must MOVE ON.
Kung dati sagana ako sa corporate life ko, eh ngayon I barely save my bank account from becoming red.
But the thing is, I'm having, in some ways, more fun now kaysa noong nagtatrabaho pa ako sa bangko. Sometimes it's not just the money. It's how you live your life.
Anyway, enjoy your meal!
Huwaw masarap yan. Ok yan ser. papayat ka nyan. gusto kong ishare sayo ang mga pagkain namin dito :)
ReplyDeletesmile lang .. dadating din si sweldo .. im sure malaki na yan .. kaya treat mo ko .. lalo na ng kesong puti!
ReplyDeleteoi gusto ko mameet kita in person
sarap naman ng kesong puti! anyway, ang laki talaga ng problema ng pasahod sa mga guro.
ReplyDeleteDapat nag-tosta ka ng bacon o ham o kung anong meron ka sa ref, tapos nagpakulo ka ng pasta. I-gisa mo yung ham/bacon sa bawang, puting sibuyas at kamatis tsaka mo ilagay yung kesong puti. Sobrang sarap! Lagyan mo ng salt and pepper to taste, of course.
ReplyDeleteser tripster, syempre nakakapikon na rin yung wala pang sweldo. pero ayun, di naman talaga ako nagugutom. laging may provision :)
ReplyDeleteser archieviner, sige nga. pashare naman ng pagkain :)
ReplyDeletemas masaya sana kung malaki na ang sweldo at maliit ang utang. habang tumatagal kasi na walang sweldo mas lumolobo ang utang :)
ReplyDeleteser bino, meron pa akong isang keso dito. gusto mo? for breakfast ngayon.
ReplyDeletesige.. kumakain kaba ng rabbit, duck, turkey at tupa. Gusto mo pala raw and alive diba? :P
ReplyDeleteser kevin, masarap ka siguro magluto. mukhang okay yung recipe kaya lang hindi ako mahilig sa karne. :) so walang bacon :)
ReplyDeleteser archieviner, si lolo ko madaming alaga na turkey nun na hinahanda niya tuwing may birthday ako.
ReplyDeletenatry ko nun yung sheep. pero subok lang. sinabihan kasi ako nun na kelangan ko kumain kasi sobrang lamig sa bansang pinuntahan ko. pampainit daw.
yung rabbit ang hindi ko pa nasusubukan. pero hindi talaga ako mahilig sa karne. may mga aftertaste kasi. yuch.
Natuloy kaba sa ibang bansa ser? ok naman ang turkey sakin ayoko lang ng luto dito. rabbit at sheep. ayaw ko talaga malakas ang after taste.. yuch din :P
ReplyDeleteayus yan parekoy! need din talaga natin ipamper ang ating mga sarili kahit paminsan minsan lang. masyadong stressful ang puro work ng buong isang linggo.
ReplyDeleteser archieviner, hindi maganda sa pakiramdam yung may lansa ng karne.
ReplyDeleteser fiel, mas masarap magpamper ng sarili kapag may sweldo :P
ReplyDeletethat's sad. kailangan mo pa mag-follow up ng sweldo? anyway, masarap naman ang kesong puti eh.
ReplyDeletetotoo. ganyan ka inefficient ang sistema namin. ang lungkot no. ako pa magfollow up.
ReplyDeleteI love your attitude.. Kahit wala pa din sweldo e positive ka pa rin.. hindi ko keri yun ganyan lalo na't breadwinner ako sa bahay..
ReplyDeleteAt yes, always give thanks to the Lord..
Ano pala lasa ng kesong puti? never ko pa siya na-try.. penge?!
:D
Masarap miss Joanne. Sa mga supermarket, meron akong nakikitang mga kesong puti. Kelangan mo siya masubukan. :)
ReplyDeleteAy, ikaw na ang may masarap na hapunan, hehe. Masarap nga yang kesong white. Swabe ang dating.
ReplyDeleteat ehem, ayan ay sariling atin :)
ReplyDelete