Kain lang sana sa labas. Ako, si Jops, si Andrew. Kaya lang, nagsabi si Jops na gusto manood ng sine. Ayaw ni Andrew kasi pumunta sila ng asawa niya nung isang araw sa sinehan at walang nakitang magandang palabas. Okay lang sana sa akin manood ng sine basta Tiktik ang panonoorin. Si Jops, buo na pala ang utak na manonood kami ng Looper.
Kaya ang kainan na dapat ay gagawin sa Morato Area ay nauwi sa Trinoma. Dadalhin ni Andrew ang asawa niya, na okay lang dahil hindi naman boys-night out. Saka swabe kasama ang asawa niya, parang one of the boys, kaya ayos lang sa amin. Hindi pwede sa ganitong lakaran yung mga nag-i-insist na babae sila at kelangan ng espesyal na atensyon. Atensyon our kilikili. Lols.
Dahil may common friend ako, si Jops at si Andrew na nagtuturo din sa unibersidad na hindi namin masyado nakakahang-out sinama na rin namin si Miss Jay. Babae pero Jay ang pangalan. Tatlong lalaki at dalawang babae, sakto na para ituloy ang spontaneous na labas.
Tiktik pa rin ang gusto ko sana manoorin kaya lang masyadong pihikan tong si Jops. Hindi nanonood ng lokal na pelikula. Si Andrew, hindi mahilig sa horror. Si Jay lang kakampi ko. E dahil si Jops ang pinakamaselan sa mga lakaran, pinagpaubaya ko na sa kanya ang desisyon na panonoorin.
Orihinal ang konsepto ng Looper. Looper ang tawag sa mga pumapatay ng tao mula sa hinaharap kapalit ang mga bareta ng pilak. May kasabwat na sindikato shiz. Puno ng testosterone ang pelikula --pasabog, baril, away na bayolente, frontal nudity, bebot, french words, dugo at telekinesis. Kaya R16 ang rating ng MTRCB.
Sulit ang gastos ng big screen at surround audio, na tanging pagkakaiba kung ito-torrent mo ang pelikula. May mga scenes na kung gagawin mong still shots ay parang hinugot sa mga horror movie. Kaya kahit Tiktik ang gusto ko, mala-Tiktik ang pambabraso ng ilang parte ng Looper. Ayos na rin.
Ito ang ilan sa mga na-digs namin sa pelikula:
- Sa hinaharap, digs ng mga chicks ang mga lalaking may telekinesis.
- Frog toys as sex toys? Ayon yata ang ini-spouse ng pelikula.
- Kung paulit-ulit at cyclical na ang mga awayan sa pamilya at opisina, pwedeng ishot gun ang sarili.
- Kung trip ngayon ng mga emo ay paglalaslas, sa hinaharap sinusugatan nila ang sarili para makapagtext sa sarili nila.
- Kapag nag-aral ka ng French, pupunta ka ng China.
wow ha at nakakapagpost ka na din na lumabas ka ng bahay .. at nanood ka pa ng sine ..
ReplyDeleteyung partner ko nga gusto manuod ng this guys pero ako pa din na sunod at nanuod kamio ng tiktik ..
magnda yung movie infairmness download mo na lng online ..
- yan magnda yang lumalabas ka naman habang sembreak pa ...
ser kulapitot, isang linggong patis ang ulam para lang makasama sa nood ng sine. haha XD
ReplyDeletesana pala, ikaw niyaya ko manood ng tiktik :)
ang dami ko ng nalampasang post hahaha.. nakakatamad mag-back-read..
ReplyDeleteanyway, yung tanong mo, merry-go-round po ang tsubibo. Ruweda po ang ferris wheel. Nabasa ko ito sa isang literature book na tagalog nung high school ako.. di ko lang maalala title..
hmmm.. may aaminin ako.. habang binabasa ko ang post mo, akala ko ang tiktik na tinutukoy mo ay yung dyaryo.. hahahaha.. ewan ko ba, late ko na napagtanto na iba pala yung tinutukoy mo..
Ser AJ, hahaha XD tabloid na Tiktik ang iniisip mo? Hahaha.
ReplyDeleteIkaw e, masyado kang abala.Masyadong madaming nangyari nung nagpapakaalipin ka ng kapitalistang industriya :P
Di ko pa naeenkwentro ang salitang RUWEDA.
Subukan ko yang number 1 na na-digs niyo ser. Magpa-praktis nako ng telekinesis. Haha. Baka eto na pagkakataon kong sumikat sa mga chicks.
ReplyDelete* Pareng Jay was here
Namiss ko mga barkada ko... Katuwa naman ser yung mga nadigs mo.
ReplyDeletebtw yung address mo ser?
Pareng jay, haha. Kagabi nagsusubok na rin ako magpractice. Hahahaha XD
ReplyDeleteSer Archieviner, iniisip ko kung address sa unibersidad o sa current address o sa permanent address ko ang ibibigay. hahahaha XD
ReplyDeleteMaghahanap pa lang ako ng magandang pelikulang papanuorin, buti na lang napadaan ako sa blog mo. Tinanong ko kagad yung looper kay pareng Google.
ReplyDeleteSa mga nadigs mo na 1 and 2. Mukang papanuorin ko talaga 'to. XD
nakaka miss naman ung ganyang lakad....
ReplyDeletemukhang maganda yang movie na yan... sana mapanood ko..
kung ako kasi... tiktik din panoorin ko hehehe mahilig kasi ako sa local horror hehehe
ser gord, sulit ang overpriced na P200 fee sa trinoma para sa pelikulang ito. syempre okay din yung may kabulungan na barkada para sa mga komento habang nanonood nito :)
ReplyDeleteser jondmur, nood ka. payamanin natin ang mga producer ng pelikula. hohoho XD
ReplyDeletegusto ko ring panuorin ang looper kaso sa mga sinehan dito, puro this guy's in love with you mare, saka tiktik ang pinapalabas. atleast full support ang mga sinehan dito sa mga pinoy films.
ReplyDeleteSusyal ka na, pa sine sine na lang. Haha. At maarte Talaga yang jops na yan. Haha!
ReplyDeletetrip ko tong looper. baka panoorin ko din bago umuwi samin.
ReplyDeleteser nightcrawler, naku nakakahiya ang this guy. Kung ano yung napanood mo sa trailer, ayun na yung maganda. The rest is crap.
ReplyDeletemiss jen, kaya nga nabigla din ang bulsa ko sa ganyang sine-sine. Patis mode ang ulam ko buong week. Haha. Wala pang sweldo e.
ReplyDeleteser olivr, sulit sa big screen ang looper. May action, comedy at horror. Hehe.
ReplyDeletemukhang maganda ang Looper a - thanks sa review!:)
ReplyDeletenalinaw nyo ba kung ano ang tsubibo? :)
ser zai, sabi ng google ang tsubibo sa english ay revolving carousel. pero mas reliable ang diksyonaryo ng up. sa pasukan ko ikokompirma. haha
ReplyDeleteNaks! May movie date! E bakit naman tiktik ang bet mo panuorin? Ang gulo ng Looper, hindi ko na-gets mga sinabi mo! Haha..
ReplyDeleteAng tsubibo ay ferris wheel.. yun ang sabi ng nanay ko nun bata pa ako! Wala ako pakialam sa sabi ng wikipedia o ng google, naniniwala ako sa nanay ko, haha!
iniisip ko tuloy kung ano b tlga ang tsubibo ... hahaha
ReplyDeletemukang ayos yung movie. swak sa panlasa ko. lolz
miss joanne, oo nga e. nakakamovie date kahit wala pang sweldo. :)
ReplyDeleteser bagotilyo, welcome sa espasyo ko. :)
ReplyDeletenaku frontal nudity eeh mapaka common sa foreign films
ReplyDeletepeo di ko ata alam tong movie na to
ser mecoy, frontal nudity talaga tumatak sa isipan mo? haha.
ReplyDeletehaha
ReplyDeletesana tiktik nalang
happy halloween!!!
ser denoy, wala na ako pera pang sine. unless, ehem, libre moko :)
ReplyDelete