Monday, October 1, 2012

Rebyu tungkol sa...

...mga estudyante na  naghahanap ng rebyu tungkol sa pelikulang Ang Nawawala.

(Kung isa ka sa mga estudyante na gomogoogle ng film review nito, eto ang listahan ng mga online reference mo. O kaya ito. Nakakahiya naman sa iyo. Para di ka na mahirapan.)

Ilan kaya sa mga faculti ng unibersidad ang nagpagawa ng rebyu sa pelikulang yan?

Habang patapos ang semestre, dumadami ang hits ko sa espasyo ko sa blogospero dahil sa paggoogle ng pelikulang yan. Alam ko naman na hindi maso-Sotto ang sinulat ko dahil malayo ito sa pagiging komprehensibo. Hindi din naman ako film critique. Sa katunayan, mangmang ako pagdating sa film theories. Bobong-bobo.

Natatawa lang ako na kelangan pang maghanap sa internet ng film rebyu ng mga estudyante bago sila gumawa ng sarili nilang pananaw patungkol sa pelikula.

Napaisip tuloy ako. Hindi na ba marunong gumawa ng pantayong pananaw ang mga bagets ngayon? O hindi sapat ang karanasan nila sa panonood ng pelikula at kelangan pa ng supplemental na pagbabasa?

Kung tama ang hinala ko na nagsusulat at nag-aanalisa na ang mga bagets hindi para subukan na kritikal na suriin ang pelikula kundi upang magpaimpress sa mga faculti at kumuha ng mataas na marka, patay na. Malaking puwang na ito sa paglinang ng karunungan sa akademya.

Kapag nagkataon, nakakatakot na ang mga produkto na nilalabas at pinapagradweyt sa mga unibersidad ay hindi marunong magteorya at mag-analisa kundi magaling magparrot ng sinasabi ng mga nasa hegemonya. Mga professor pleaser. O kaya ay conventional thinker. Dili kaya, ass kisser.

Bilang faculti, nakaka- depress. Naway overthinking lang ito.

20 comments:

  1. hindi yan overthinking ser. medyo totoo e. pero di ko sinasabing ganyan ako dati :)

    ReplyDelete
  2. ser olivr, looking at how you review your stuff sa blog entries mo, may sarili kang pagbasa at pananaw. nabuo mo na sarili mong estilo at pagtingin.

    ReplyDelete
  3. iba na talaga ang panahon ngayon, nakakgraduate dahil sa google at wikipedia lol

    ReplyDelete
  4. Ano yung hegomonya? slow lang. hehe. Ayoko nang mga film theory na yan nung nag-aaral ako... :P iba na ang mga studyante ngaun isang click lang sa internet makikita mo na ang hinahanap mo :)

    ReplyDelete
  5. hindi pwede na ref ang wikipedia sa papers ser bino.

    ReplyDelete
  6. ser archieviner, hegemony siya sa english :)

    ReplyDelete
  7. Hindi ko parin alam ang hegemony. haha. igoogle ko na nga :P

    ReplyDelete
  8. hehehe. sige ser. tingnan mo na lang :)

    ReplyDelete
  9. Desensitized at muted kaya ang tawag sa kanila? Sir, baka naman nasanay lang sila sa mga torrent vids na may subtitles at synopsis.

    ReplyDelete
  10. ser chee, speaking of torrent vids, bawal na ang torrent sites sa pinas sa pag-implement ng batas sa cyber crime bukas.

    ReplyDelete
  11. Ay kung puro paimpress lang eh di just for show lang ang gawa, dapat just for show rin lang ang grade LOL. Pero gawain ko rin yan dati LOL.

    ReplyDelete
  12. totoo ser glenn.kaya minsan, naiisip ko mag on the spot na lang ng essay. ganun. para walang kopya-kopya.

    ReplyDelete
  13. yesser. di bale, di naman nila matatalo ang piracy. the little freedoms.. anyhow, dami kasing info ang available today. tsk tsk tsk

    ReplyDelete
  14. Adik din mga estudyante ngayon. Yan mga ang masayang gawin e: movie review. Alang tama o mali. Pwera nalang kung "Ang Nawawala" ang dapat i-review pero tungkol sa "Highschool Musical" ang isinulat mo.

    *Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  15. ser chee, oo nga. dilemma na ngayon kung pano gagamitin ang impormasyon na available at kung pano ito gagamitin ethically :)

    ReplyDelete
  16. pareng jay, totoo. Although kapag ako nagbibigay ng reaction paper, in line sya sa mga topics na nadiscuss namin sa klase. may mga concepts ako na hinahanap sa mga papel nila.

    ReplyDelete
  17. Nasasanay kasi ata ang mga students ngayon sa spoon-feeding.. tinatamad mag-isip kaya gumagaling sa paraphrasing, hehe..

    Anyways, ano ba yang movie na Ang Nawawala? I haven't watched that (english?).

    ReplyDelete
  18. Indie film miss joanne yung Ang Nawawala :)

    ReplyDelete
  19. Masyado siguro silang na-inspire kay Sotto kaya ganun, hehe. Ako naman, baligtad. Kapag gumagawa ako ng rebyu ng isang pelikula, umiiwas ako sa pagbasa ng ibang rebyu tungkol dito. Ayoko kasing ma-influence. Nagbabasa lang ako ng ibang rebyu pag natapos na ko sa rebyu ko.

    ReplyDelete
  20. Hay, isyung isyu na talaga si Sotto ngayon.

    ReplyDelete