Labing walong taon simula ng mamuhay ako mag-isa sa Kamaynilaan, nakita ko ulit ang sarili ko na nakatira kasama ng mga maguang at kapatid. Sa isang bahay. May sarili naman akong kwarto. Pero dahil isang bed room lang ang may aircon, kapag gabi sama-sama kami.
After two weeks ko lang narealize na malaki talaga yung adjustment ko. Nakikigamit lang ako ng espasyo. Hindi ako pwede kumain ng agahan ng nakabrip lang, at matulog ng nakabrip lang. Hindi ko hawak ang schedule ng aircon. Hindi ko sarili ang fridge.
Kung baga, parang balik ako sa buhay ko noong high school. Yung huling panahon na kasama ko ng matagal ang pamilya ko.
Showing posts with label questions. Show all posts
Showing posts with label questions. Show all posts
Tuesday, May 12, 2020
Wednesday, August 28, 2019
Everyone aspires to a good life. But what does a “good” (or better) life mean?
Nitong nakaraang linggo, pinag-usapan namin ng mga bagets 'yung tungkol sa well-being. Medyo challenging kasi idefine yung well-being dahil nagbabago o nagkakasalungat kada tao at kultura kung ano ang pakahulugan nito.
Yung isang bagets na nagpresenta ng definition, binanggit niya na at the minimum daw kailangan na kasama ang pag-satisfy ng basic needs, as well as the ability to pursue one’s goals, to thrive and feel satisfied with their life.
So ang tanong ko sa mga bagets, paano mo malalaman na satisfied ka na sa buhay mo?
Ayun, nganga ang mga bagets.
Madami pa ako sana gusto ikwento. Pero isa sa pinaka-tampok ng aming diskusyon ang pagkakaiba natin sa ibang bansa sa idea ng well-being. Sa pag-aaral kasi nina Sycip, Asis, at Luna (2000), noong gumawa sila ng pag-aaral sa buong bansa, ito yung mga nakita nilang components ng Filipino well-being:

- respect from family
- faith in God
- being Filipino
- prayer and reflection
- love of parents and siblings
- regular food
- house ownership
- security from crime
- unity of Filipinos
- love of children
- long life
- peace of mind
- doing good to others
- good marital relations
- being with children
- nutritious food
- love of spouse
- regular water
- clean surrounding
- share in decision-making.
Labels:
academic life,
questions,
teacher's narrative
Monday, June 17, 2019
Para kay R (habang nangongolekta ako ng katahimikan)
Matapos kitang mapaginipan, ilang oras ko inisip kung ano kaya ang gagawin natin kung buhay ka pa?
Noon, habang umuulan sa Palma Hall, tinanong mo ako kung kelan ba nagdedecide ang mga ulan na babagsak na parang gupit gupit na linya o kaya malalaki at maliliit na bilog na patak? Sabi mo minsan kasi, nagbabago ang hugis nila. May kinalaman ba siya sa humidity ng lugar? O may kinalaman sa buwan ng taon? O baka sabi mo, depende sa degree ng kalungkutan ng mga taong gustong basain ng ulan.
Yung ganyang talk shit mo 'yung namimiss ko. Walang kwenta. Walang mareresolve na problema. Pero ayos lang sa akin.

Monday, August 13, 2018
Medyo malulungkot si Carl Rogers sa medyo palpak ko pang implementation ng unconditional positive regard
Alam ng mga kaibigan ko na advocate ako ng restorative justice. Kaya nga nagtrabaho ako sa kulungan.
Minsan sa isang binyag ng anak ng isang kaibigan, ako ang pinag-initan. May kaibigan kasi dun sa grupo na yun na pro-tokhang at pro pagpatay 'pag dating sa mga "users".
Nakwento ko ang tungkol sa karanasan ko sa rehabilation ng mga sinasabi niyang "users" na kung saan, may mga ilan sa mga iyon ang di talaga gumagamit.
Nakwento ko rin ang tungkol sa kung nasaan na sila ngayon, ano ang trabaho nila after nila "makulong". Binida ko syempre ang mga kliyente ko. Although sinabi ko rin sa kanila ang kinahinatnan ng mga bigong matulungan. Para hindi bloated o romanticized development work.
Friday, November 24, 2017
Pagpepetsa ng pag-ibig
Tinanong ni Mark ang kanyang ama kung kailan siya sinimulang mahalin.
Napaisip ang ama. Natatandaan niya kung kailan sila unang nagkita sa ampunan. Pero hindi niya maalala kung kailan niya sinimulang mahalin ang musmos na ngayon ay bente dos anyos na.
Boluntir ang ama sa ampunan. Alam niyang nandoon si Mark pero mas nabigyang pansin niya ang ibang mga bata.
"Gusto ko sana sagutin ang tanong mo, pero hindi talaga mabigyan ng tiyak na petsa."
Nalungkot si Mark. "Hindi niyo maalala?"
"Hindi."
---------------------------
UNA:
Ito yung entry ko dun sa hamon ng propesor sa klase ko noong highschool na gumawa ng istoryang maikli at bitin.
IKALAWA:
Minsan, para tayong si Mark. Naghahanap ng sagot sa mababaw na tanong. Hehe.

narrative of a fictional life,
questions
Thursday, October 26, 2017
Ode to Eve
Imagine a mother
giving birth
to a child
who doesn't know
she's giving birth
to a child
She thinks she's dying
but she's bringing life
to a world
and prolonging life in that world.
Labels:
art,
existential angst,
life is a highway,
poem,
questions,
self evaluation
Wednesday, April 5, 2017
Bo's Coffee sa Il Terrazo, April 5
Snippet sa reunion namin ng mga kaibigan ko:
B: Uy, alam mo bang nag-grad studies na si A (*ex ko)?
Ako: Di ko alam. Nag-unfollow na ako sa kanya sa FB siguro a year after namin magbreak.
R: Si S (*ex ko rin) naman, mukhang nag-eenjoy sa kanyang mga arki gig.
Ako: Nag-unfollow ako kay S siguro 5 years ago.
B: Bakit ka nag-a-unfollow lang. Ako nung binata, nag-unfriend ako ng ex ko.
R: Haha. Ako naman, bina-block ako ng mga ex ko.
B: Bakit contact mo pa rin sa FB yang mga ex mo?
Ako: Bakit nga natin sila pinag-uusapan?
Labels:
life is a highway,
questions,
roundtable topic
Friday, March 4, 2016
Kaya ko bang mapa-inlove ang taong gusto ko? (updated)
Meron akong klase ngayon sa kolehiyo na pinag-aaralan namin ang mga sistematikong pag-aaral ng pag-ibig. Noong isang araw ko pa ito gustong isulat kaya lang walang pagkakataon.
May isa akong bagets na nagpost ng tanong sa klase -maaari bang i-manifacture ang falling in love? O sa mas madaling tanong, kaya ko bang mapa-inlove ang taong gusto ko.
Maganda ang tanong na yan. Kasi may konsepto tayo na wala tayong kontrol kung kanino titibok ang puso natin.
Ayan ang dahilan kung bakit kami napahanap ng mga pag-aaral na posibleng sumagot niyan.
May isang pag-aaral na hindi direktang patungkol sa pag-ibig pero patungkol sa pagpapaigting ng interpersonal closeness. Ginawa ang pag-aaral nato nina Arthur Aron at iba pang mananaliksik.
Friday, August 22, 2014
Ang pagkawala ng aking lola
Eto ang bersyon ko ng istorya:
Gabi na ng tumawag si ermats na nasa ospital ang nanay (lola). Mahina na daw, nilalagnat at hindi na makapagsalita. Sinabihan ako ng ermats na isama ang paggaling ng nanay sa dasal. Pagkababa ng telepono, bumulong ako ng konting panalangin. General na panalangin sa paggaling. Hindi dahil ayaw kong gumaling si nanay. Pero dahil hindi ko kayang pilitin sa utak ko na mahina at nasa ospital ang nanay.
Ang unang alaala ko sa aking lola ay ang paghawak niya ng remote ng telebisyon at paglipat ng channel sa may wrestling. Hindi yung propesyonal at legit na isports. Pero yung may mga karakter tulad ni Owen Heart at Undertaker. Kasabay ng paghigop ng kanyang Tanduay Rhum, nakikisigaw siya habang nagsasalpukan sa wrestling stage ang dalawa o higit pang mga tao. Ang programa ng wrestling ay alas nuebe ng umaga. Ganyan ang nanay. Hindi kape ang pangpainit sa umaga. Tanduay rhum.
Mahilig niya rin kami hawakan sa pototoy namin. Ako at ang aking nakababatang kapatid. Sabay bendisyon na,"Lalaki at bibigat din yan. At bibigyan ako ng maraming apo." Hindi ko alam kung ikakategorya ko ang pangyayaring ito sa sexual harrasment o early sex education. Pero ganyan talaga ang nanay. Hanggang sa pagbibinata namin ay kinakapa ang pototoy namin.
Labels:
about me,
beer,
existential angst,
questions,
random thoughts,
ridiculous actions
Tuesday, July 1, 2014
Sa may kahabaan ng Anonas, alas siyete y medya ng gabi
Kung alam mo
na mahal mo
ako at alam ko
sa sarili ko
na mahal kita
Bakit
hindi tayo?
na mahal mo
ako at alam ko
sa sarili ko
na mahal kita
Bakit
hindi tayo?
Labels:
existential angst,
poem,
questions,
that unwanted feeling
Monday, August 12, 2013
Saturday, July 20, 2013
Subscribe to:
Posts (Atom)