After two weeks ko lang narealize na malaki talaga yung adjustment ko. Nakikigamit lang ako ng espasyo. Hindi ako pwede kumain ng agahan ng nakabrip lang, at matulog ng nakabrip lang. Hindi ko hawak ang schedule ng aircon. Hindi ko sarili ang fridge.
Kung baga, parang balik ako sa buhay ko noong high school. Yung huling panahon na kasama ko ng matagal ang pamilya ko.
Dahil forced bonding time din ito, at kung tutuusin ay very prolonged na, may ilan akong observation at mga realisasyon:
- Masaya ang kapatid ko sa buhay may pamilya. Masaya siya na may anak. At mabait at maalaga sa kanya ang brother in law ko.
- Ang laki ng tinanda ng mga magulang ko. Kung paanong ang bilis ng 18 taon simula ng umalis ako sa poder nila at humarurot sa aking career, siya namang humabol din ang kanilang edad. Ang buhok ng parents ko ay salt and pepper na talaga. Nagdesisyon sila na hindi na magkukulay ng buhok. Hindi na rin ganun kaalisto ang erpats ko. At ang nanay ko ay medyo mahina na ang tuhod.
- Ang pagkakakilala sa akin ng pamilya ko ay kung paano nila ako natatandaan noong high school. Bagat bukas ako sa kanila sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, ako pa rin yung karakter noong high school sa mata ng pamilya ko --strong willed, maselan sa pagkain at mga gamit, hindi kumakain ng karne. Bukod doon, yung ibang mga development, parang hindi masyadong tumatak sa kanila.
- Hindi ko masyado namiss maki-hangout sa mga kaibigan. Okay lang pala ako talaga na hi and hello from time to time. Pero hindi ako mahilig lumabas at gumala kasama nila.
- Yung buhay ko talaga ay nasa Kamaynilaan. Nandun yung ilang mga bagay na namiss ko --sariling washroom, yung mga linen na bedsheet ko, yung mga fountain pen at inks ko, pati mga libro ko.
- Tama na hindi ko dapat tinipid ang sarili ko sa mga brip ko. Buti dala ko ang ilang airism ko na brip. Importante siya dahil sobrang init.
- Convenient sa Kamaynilaan ang credit card. Pero ngayong nandito ako sa bukid, dapat pala inaral ko noon pa ang online banking. Old school kasi ako na COD or swipe sa card. Di ako nagbabayad ng bill through bank transfer. Mano-mano ang pagpunta ko sa bangko. Ngayon, hirap ako dahil walang bangko dito.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ang lockdown. May parte pa rin sa akin na gustong panghawakan ang pananaw na babalik din sa dati ang lahat.
Pero alam ko na sooner or later, kailangan ko tanggapin na magkakaroon na ng new normal. Ang hirap minsan ng walang katiyakan ano?
nakaka-relate ako sa no. 3, sa case naman ng mga ate ko.
ReplyDeletenasa high school kasi ako noong halos di na rin sila nakakauwi / nakakapunta sa bahay namin kasi nga may asawa na sila, may sariling pamilya. kaya kahit naka-graduate na ako sa college at working na, sa tuwing magkakaroon ng chance na magsama-sama kami sa isang okasyon sa bahay, ramdam ko sa kanila na ako pa rin yung high school version ko na huli nilang nakasama, tapus nagtataka sila na malaki na ako etc. hahaha. at kahit sa pagbibigay ng regalo tuwing bday, ang reference nila ay ang high skul pa rin na ako, lol.
#skl hahaha.
Di ba. Parang umusad ang buhay. Pero ang construct nila sa atin ay hindi.
Delete