Saturday, May 2, 2020

ECQ diary

Kumusta kayo since Luzon lockdown?

Ako during the first two weeks, hyper-productive. Nagtry mag-function sa trabaho na parang normal lamang. After two weeks, napagod ako. At nagalit sa trabaho. Kasi kaka-promote ko lang ng January at hindi ako pwedeng tigil trabaho pero sumesweldo katulad ng iba. Kailangan ko magtrabaho na parang nakasalalay sa akin ang function ng ibang opisina.

Third at fourth week since lockdown, dina-drag ko na lamang ang sarili ko. Hyper-productive pero may resentment. Kaya mas lalong mabigat ang trabaho. Di ko pinapakita sa mga katrabaho ko, Di ko rin pinapakita sa pamilya ko. Kasi parte ng work ko ang public relation. At kailangan na maging masipag para sa opisina na nili-lead ko.


Sa ikalimang linggo, hindi na ako masyado nakakatulog. Hindi na rin ako makakain. Kasi parang hindi ako natutunawan. Pero tuloy ang trabaho.

Two days bago ang Mayo Uno, doon ko lang tinanggap na nagfi-fail ako sa mga expectations ko sa work. Forgiving ang mga boss ko. Na lalo na nagtaas ng self pity ko. Dalawang araw bago mag Mayo Uno, doon lang ako umiyak sa loob ng water closet. Kasi hirap na hirap na ako. Walang kasiguraduhan ang trabaho. Walang kasiguraduhan na yung ginagawa ko e nakakatulong para sa ibang opisina, sa mga empleyado na nasa pangunguna ko, at sa mga boss na pinagrereportan ko.

Malaking tulong yung nakaiyak ako. Kasi mas magaan na sa loob ko. Simula Mayo Uno, hanggang sa ngayon na Sabado at bukas, binigyan ko ang sarili ko ng pagkakataon na maging tamad at magpahinga. Alam kong sa darating na Lunes, madami ulit gagawin.

Kayo, kumusta kayo? Mas uso na yung ibang micro-blogging platform. At mukhang sooner or later, magiging katulad na rin ang blogspot ng Friendster at Multiply na obselete at hindi na relevant sa mga tao dahil sa mabilis na lundag ng teknolohiya. Nagsusulat pa rin ako dito paminsanminsan dahil siguro sa nostalya. Ang blosgpot din kasi ang nakatulong sa akin noon na magtransition sa mas stable na ako after ng quarter life crisis ko. Kaya talagang from time to time, bumabalik ako dito.

6 comments:

  1. Okay lang naman, Sir OP.

    Mabuti ka pa hyper-productive. Ako, habang lumilipas ang mga araw noong buwan ng April, eh bumababa ang productivity. Pero ngayong buwan ng Mayo, sa dami ng gagawin, kailangan na ulit maging productive... at sana sa hyper din na level tulad mo.

    Nagtuturo ka pa rin ba sir OP?

    Sana wag naman mawala ang blogspot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Sir Jep. Nagtuturo pa rin. Pero parang on the side na lamang siya. Medyo nagkaroon ako ng inggit sa "unproductive time". Although niresolve ko na siya last week sa sarili ko. Magkaiba ng istoryang ECQ ang ibang tao at ako. Kaya i-embrace ko na lang itong kasalukuyang daloy ng buhay ko.

      Delete
  2. "Magkaiba ng istoryang ECQ ang ibang tao at ako. Kaya i-embrace ko na lang itong kasalukuyang daloy ng buhay ko."

    - sang-ayon ako rito, sir OP.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talagang acceptance ang susi sa mga bagay na walang kontrol.

      Delete
  3. Akala ko ako lang ang may ganitong pakiramdam. Nagbago ang job title ko na medyo sort of promotion na (internal lang walang gaanong dama sa lahat ng bagay, as in title lang talaga) nahirapan ako dahil nag sisimula pa lang ang karera ko nag lockdown na, ang hirap mangapa sa trabaho na di mo gamay na wala kang pagtatanongan. Para kang sumasabak sa digmaan na sarili mo lang ang dala mo at walang armas. Hindi ko na gusto na nakikita ang laptop na issue ng kompanya, kapag na silayan ko napapagod at naddrain agad ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I feel you, Rix. Ako naman, same sweldo, new title lang. Hahahahaha. AT totoo na mahirap mangapa. Minsan, clueless ako sa mga bagay-bagay at kailangan kong gumawa ng desisyon. Kaya naghuhukay talaga ako ng mga policies. Buti na lang, lahat ng staff under sakin matagal na sa trabaho. Kaya mas madali hanapin ang mga policies na nakalatag na.

      Delete