Monday, July 30, 2012

I support the anti-epal campaign

Hindi ito hate blog. Public service muna.

Government officials (elected and non-elected), also known as PUBLIC SERVANTS, should not be allowed to use public money to display their name or image in public places in furtherance of their careers. This page  (yung iki-click, hindi ang blog nato. hehe) is a venue for the public to share photos of this (mal)practice, that will eventually lead to the public shaming of officials to the end that this practice will stop.

When posting pictures, please indicate date and place.

It's time we the people reclaimed our cities back from the clutches of abusive public servants.

Join Anti-Epal campaign. Organize one in your area. Like us on facebook. Click here.

Sunday, July 29, 2012

Magiging maganda ang linggo ito.

Usapang asal mula sa libro na mga bata mismo ang nagbigay kahulugan.
Mas maaga ang labas ng notice ngayon na walang pasok sa preschool at grade school sa Quezon City. malakas ang hangin at bihira lang tumigil ang ulan. Kaya lang hindi ako apektado. Ang laboratory preschool na hawak ko sa umaga, wala talagang pasok kapag Lunes.

At kapag Lunes, may klase ako sa Kolehiyo na tatlong oras dirediretso. Oo, ganun yun. Walang gustong kumuha ng klaseng ganyan, ako ang junior faculty kaya sa akin natoka. Pero okay lang, alam nila na may panlasang gawaing panlipunan (social work) ang kurso kaya binigay talaga sa akin.

Ayon, balik tayo, walang pasok ang mga bata sa preschool pero hindi kasama ang klase ko. Sa Martes kaya, masama pa rin ang panahon? Namiss ko na ang mga bata batuta, pati ang ingay nila, saka yung mag yakap at tawa nila.

Nabasag ang bintana sa kwarto ko

Iba syempre ang ligalig ng panahon ngayon. Biglang bubuhos ang ulan hanggang mabasa ka tapos kapag alam na niyang nabasa na niya ang mga tao at nakapagbunga na siya ng traffic sa EDSA, Quezon City Circle at sa Anonas, titigil na siya. Mang-aasar lang. Parang yung mga backread post na nabasa ko kay Coldman. Kung makapang-asar lang, wagas. Si Coldman (yung mga posts niya dati) at ang panahon ngayon ay pareho lang na ganyan.

Napapost ako tungkol sa panahon kasi habang ako ay nakikipagharutan kanina sa chat, biglang nahulog ang salamin ng bintana ng kwarto ko. At dahil malakas ang ulan, pumapasok ang tubig. Naudlot tuloy ang harutan sa chat. Ganun. Lungkot. Haha. Joke lang.

Dahil nasa second floor ang kwarto ko, buti walang naglalakad sa baba. Kung nagkataon sa kanya bumagsak ang salamin, at magkakalamat ang kanyang bumbunan. Nakakatakot pa naman ang madaming dugo. *Graphic images flowing*

So ayan, ang ginawa kong first aid sa bintana ay paglalagay ng plastic na makapal. Sywempre temporary lang. Pano na lang pag bagyo na talaga at malakas ang hangin? Di na yan pwede. Peste. Ay sorry. Nabigla lang. Hassle lang kasi. Malapit pa naman ang butas na bintana sa kama ko. So baka mamayang gabi water bed na ang tinutulugan ko.

Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa landlord ko. Kasi walang kontrata sa dalawang taon ko na pagtira dito. Di alam kung kelan na siya ang magpapagawa at kelan ako. Malabo lang, parang mata kong (Oo, misfit ang pangungusap nato. Wala lang).

Hassle lang talaga ang ulan. Pero syempre dapat good vibes pa rin. Pogi at magaganda tayong lahat. Yihi! Kahit maulan, dapat ngiti pa rin. Ingat kayo lahat!

Di sigurado.

Oo.
Oo?
Oo.

Hindi tapos

Ang tula sanang ito
ay tutulong para maghilom
ang mga sinugatang puso ng pag-ibig

at magbibigay pag-asa
para sa mga kapwa ko
naghihirap sa sistema ng lipunan.

Kaya lang
may umabala sa akin.

Saturday, July 28, 2012

Yey sa livestreaming ng Olympics opening

It was really nice seeing the parade of the nations, as well as the cauldron lighting! Thank you Engr Moks for the livestream.  Danny Boyle, you wow me and the world with your surreal London Summer Olympics opening. Hay Jude, seriously! And having the Queen open the program! Ikaw na. Haha.

Pero syempre, iba yung tama sa akin ng pagtakbo at pagpasa ng torch sa mga young, possible next athletes from Great Britain. Grabeng mensahe. Paninigurado na may pagpapasahan tayo ng torch, at hindi lamang pagiging abala para sa buhay ngayon pero para sa mga susunod na mabubuhay..

I remember Erik Erikson's Generativity stage sa senaryong iyon kanina sa opening ng Olympics. Sabi ni Erikson:  "A person does best at this time to put aside thoughts of death and balance its certainty with the only happiness that is lasting: to increase, by whatever is yours to give, the goodwill and higher order in your sector of the world." (Erikson, 1974).

Wednesday, July 25, 2012

Kumu-quotable quote ako last lecture session


 It is possible to love someone without being committed. It is also possible to be committed without loving the person. Yet, when all is said and done, most of us long for a love that includes commitment and a commitment that encompasses love.

Ang Shiz na yan ay kasama sa lecture ko last meeting sa klase ko. Kasama yan ng nagpa-charade ako sa mga estudyante ng kanta ni April Boy Regino, LA Lopez, Aiza Seguerra at Ara Mina.

Bukas may lecture class na naman ako. At syempre hindi ko pa siya natatapos gawin. Naku naman kasi. Napansin ko na masyadong madami nang theses na nagawa patungkol sa pamilya at relasyon sa aming Kolehiyo. Sayang naman kung ang gagawin kong example e yung mga shiz sa mga banyagang libro. Kaya eto, nagno-note ako sa mga examples ng paggamit ng teorya sa Pinas. Yehes, cultural relevance ang peg ng walangjo!

Monday, July 23, 2012

Bigla ko natanong, nasan na kaya si April Boy Regino


Hindi yan listahan ng mga utang. Listahan yan ng mga mga kanta na may kinalaman sa pag-ibig, unrequited love man yan, pagtatapat ng pag-ibig, pagbibigay ng mga pangako, pambabasted, at kung anu-ano pang shiz.

Kaya makulay ang papel, nakita ko kasi na madaming ganyan na itatapon  na sa basurahan. Hiningi ko na lang para magamit at masulatan. May ilusyon kasi ako na nakakapagligtas ako ng puno at maligno kung ginagamit ng maayos ang mga papel hanggang sa huli nitong piraso.

Anyway highway, boquet, croquet, nakasulat diyan yung mga love songs para sa charade bukas sa lecture class ko sa kolehiyo. Pinagbasa ko kasi ng mga teorya sa pag-ibig ang mga estudyante. Sana nga nagbasa sila. Kasi ayoko na magpagraded recitation at magsurprise quiz sa kanila. Hindi maganda ang resulta kapag natatakot sila sa klase. Mas gusto ko ang malayang diskusyon. Asus!

Saka sayang naman ang mahal na binabayad nila kada semestre na library fee. Mas mainam gamitin ang libro mga totoy at ineng kesa magwikipedia. Seryoso.

Ayun, ang mga kanta ay kanilang i-a-act out. Pero team effort ang act out. Dalawang tao ang magcha-charades. Haha. Ayan lang ang twist. Isipin mo na lang kung pano nila iaarte ang Halik na kanta ng Aegis. Hihi.

Kasama sa list ang mga sumusunod na kanta na ginawa namin at nang iba pang kasamang instraktor:
  • Paper Roses (Vilma Santos. Oo, hindi si Jolina ang original)
  • Nanghihinayang (Jeremiah)
  • Honey, my love, so sweet (April Boyz at hindi si April Boy Regino lang ang kumanta niyan)

Overinformation kayo ngayon.

Matutulog pa sana ulit ako kaya lang di na ako dalawin ng antok. Masyadong malamig dahil sa panahon. Parang libreng aircon. Haha.

Mga bagay na gusto ko ibahagi tungkol sa sarili ko! (Yeheees, parang may interesado na mga tao! Hihi!) Wala kasing blogger na nagtatag sa akin ng kung anu-anong shiz kaya ayan, ako na lang mag-initiate. Bibong palaboy lang!

  1. Mahilig ako sa earl grey tea. Kaya ihi ko amoy earl grey na rin.
  2. Kahit gaano pa kainit ang panahon sa Pinas, o kahit saan mang lugar sa south east asia ako napapadpad, mainit na tubig pa rin ang pampaligo ko. Including summer. Parang malag lang. Hihi.
  3. Isa sa mga naenjoy ko na trabaho ay tumulong sa mga kabataan na nasa kulungan.
  4. Isa sa mga naeenjoy ko iexplore ngayon ay ang sorganisadong pagtulong sa mga dalagang naabuso at nakaranas ng masasakit na karanasan.
  5. Karamihan sa mga pantalon ko (recently) ay nangangailangan ng pagsulsi sa may bandang pundilyo.
  6. Lumaki ako sa lugar malapit sa dalampasigan. Buong kabataan ko, buhangin ang kalaro ko.
  7. Kalimitan naka-underwear lang ako pag nasa bahay. Kaya kumakaripas ng takbo papunta sa kwarto kapag may biglaang bisita.

Sunday, July 22, 2012

Usapang trabahohoho

Ganitong komunidad ako nakatambay noon para sa trabaho
Ngayon lang ulit ako natali sa isang fulltime na trabaho. Ang huli ko ay 2009 pa. Mas stable (minsan mas maliit) ang kita kumpara sa mga part time jobssss ko.

Nagkasundo kami ng mga part time ko na trabaho kasi mas hawak ko ang oras, at karamihan sa raket ay consultancy at training-type. Kadalasan, nakukuha ko pa yung mga trabaho na gusto ko gawin, yung mga psychosocial session with certain kinds of clients, or yung life skills trainings sa iba't ibang uri ng kabataan.

Mas personal din kasi ang karaniwang kong kainteract ay mga tao at pamilya. Mga bata at ang mga di magagandang karanasan na sinapit nila. Mga magulang at kanilang pangangapa sa pagiging magulang. Mga bata na hindi alam kung ano ba talaga ang pagiging bata. Ganun. Mas personal kasi puso sa puso ang usapan. Minsan mata sa mata kung kelangan pandilatan para sumunod.

Sa ganitong raket ng trabaho, kalimitan pagtulong ang habol. Kaya ang ginagawa ko, kumukuha ng madaming raket para yung iba pagtulong, yung iba hakot ng pera.

Shelter is not a movie on family life.


Question on truth and reality:
Is it possible that what you are looking at, is actually what you are seeing?


They must have been in water for weeks. All that music, all that life, o God.
I think some of them can be saved actually.
There is always hope. Who are you?

Saturday, July 21, 2012

Meet the parents and guardians of the kids


The traffic
early morning
was horrible
and the weather
was
very ugly
 but it was worth the trip..

for the parents and for me.

Good music,
great interaction
with parents and kids.
And. ehem,
overflowing food!
This is 5's acquaintance party!

Si Anke, ang Nasugbu at ang homesick palaboy

Mabilis magbihis ang bayan na kinalakihan ko sa Nasugbu. Nawala na yung mga small time grocery store at napalitan ng kung anek-anek na  hindi naman taga-samen ang namumuhunan.

Yung mga tao sa amin, masaya at sabik naman sa mga taga-labas na negosyong ipapasok sa amin. Jobe, Andoks, Chowking, Mercury. Kapag bagong bukas, pinipilahan. Nung nagbukas ang Mercury, kahit walang sakit bumili ng gamot ang mga tao. "Isang piraso ng Imodium po." Labo.

Naalala ko nung Grade 6 ako. Kaunaunahang tagalabas na negosyong ipinasok sa amin yung Dunkin Donut. Haha. Hindi kinaya ng aircon nila ang siksikan ng mga tao. At grabe ang pila, umabot sa isang kanto. At ehem, posturang postura ang mga tao. Halimbawa, sa bayan namin, hindi naman uso ang magsapatos. Walangjo, lahat nakasapatos noon para bumili lang ng donut. Ano kaya yun. O sige na nga, kasama ako dun sa mga nagsapatos. Hihi.

Dahil sa bilis ng pagbibihis ng bayan, ako yung tipong naliligaw sa sariling lugar na kinalakhan ko. Bihira lang ako umuwi e. Ayun. Nung nakauwi ako, nagtext kagad ako kay Anke. Sya yung hayskul tropapips ko. Sa larawan na yan, chunky na siya. Nung hayskul payat na payat yan. Haha.

Friday, July 20, 2012

Makarneng hapunan at tsaa


Sa lungsod kung saan mas mataas ang kinikita ng mga may kakayahang manggagawa (skilled laborers), nagsusulputan ang kung anek-anek na mga pagkakagastusan bunga ng konsumerismo.

Kung kapitalista ka, iisip ka ng mga pagkakakitaan. Gagawa ka ng mekanismo para bumili ang mga may datung ng mga bagay na di nila kelangan.

Sa pusod ng buhay yuppie, isang halimbawa nito ang pagtambay ng mga manggagawa sa mga overpriced na tsaahan at kapihan. Aircon na kwarto, maaliwalas at mailaw na lugar, upuan na komportable, may background music. Ayan. Mga elemento na gagawa ng swak na ambiance para lapitan ng mga manggagawa. O mga estudyanteng anak ng mga manggagawa na gustong magwaldas ng pera ng kanilang mga magulang.

Kagabi, nag-usap-usap ako, si Paeng at Reinol na magkitakita dahil ang kaibigan namin, Bry, na sumi-Singapoh la ay nasa kaMaynilaan. Natext at na-FB si Bry at nagconfirm. Sa gabing iyon, wala siya. Nakalimutan niya daw. Wagas.

Tuesday, July 17, 2012

Nganga. Ganyan.


Pag walang masagot sa quiz, magplanking na lamang.
Kanina, nagbigay ako ng surprise quiz sa mga estudyante. Achuli, hindi siya surpresa kasi sinabi ko sa huli naming pagkikita na magbasa sila kasi posible na magbigay ako ng quiz. Palagay ko, ilan lamang ang nagseryoso sa sinabi ko. Ayon, wala sila nasagot. May bonus question naman ako. Ang tanong ko para sa bonus question ay: Nagbasa ba kayo ng reading assignment?

Buti na lamang at may bonus question. Marami kasing mga estudyante na ang ginawa lang kanina ay ngumanga. Ganyan Nganga. Akala nila kapag nakabuka ang bibig nila, papasok ang mga kaalaman na ligaw mula sa unibersidad patungo sa utak nila. Naku, sinubukan ko na rin yan noon.Wala naman nangyari. Ayan, sa quiz nila, wala din nangyari. May dalawa na ang score nila ay 1 dahil ang nasagot lang nila ay syempre, yung bonus question. Mabait talaga ako. Hihi.

Pero may mga ilan na nagbasa. Ayon, naka 125% sa quiz. Perfect na, may sagot pa sa bonus question. O well, towel. Buhay estudyante ang role nila. Buhay instructor naman ang ganap ko.


Mahal ko,

Eto ay para sabihin sayo na pumapalo ang linggong ito. At ayoko ang mga nagyari kahapon. Maari bang kumuha ka ng maliliit na bato? At marahan mong pukulin ang bintana ng kwarto ko? Oo, baliktad tayo ngayon. Ikaw ang nasa labas ng bahay na pumupukol ng bato sa bintana. Hihi. At hayaan mong sa aking pagbukas ay dudungawin kita. Sabihin mo sa akin ang mga kataga na mas matamis pa sa tatlong sakong asukal. Sabihin mo mahal ko na handa mo akong itanan ngayon. At sasama ako. 

Buntis ang malandi namin na aso


Ayan! Kitang kita naman kung paano magharutan maglandian ang mga aso ko. Mukha lang nakakatakot pero masaya sila niyan. Tumatawa pa nga sila habang nagkakagatan.

Ayun, kalalandi nila sa isa't isa, nabuntis yung babae. Yung lalaki pala diyan yung mabalahibo (Taks ang pangalan) at yung babae yung makinis (Honky Ponky ang pangalan).

Maliit pa lang ang tiyan diyan ni Honky Ponky. Nagulat ako na pag-uwi ko ng bahay, aba, booooondat na siya. Hindi niya ako masyado pinapansin. Siguro conscious kasi alam na babatiin ko ang kalakihan ng tiyan niya. Hihi. Iniiwasan niya ang mapang-asar niyang amo. Asar talo ang walangjo. Hihi.

Si Honky Ponky ay pangit na aso. Pangit talaga siya, pwera lait. Para siyang yung villain na si Scarface. May ganun siya sa mukha. Napulot siya ng erpats ko sa kalye. Mamamatay na yata. Ayun. May pusong NGO ang tatay ko, inampon niya (without proper documents, DSWD naku magagalit sila dahil walang due process ang adoption.Hehe)

Monday, July 16, 2012

Yaya's day off topic to.

Maaga nagsimula ang araw ko. Alas tres pa lang nasa bus terminal nako pabalik ng Maynila mula sa Nasugbu. Kung tutuusin, bad mood dapat ako.

Kaya lang habang nakikinig sa radyo, nadinig ko ang tungkol sa usapang Annabelle Rama at ang gulo na nangyari sa lamay ni idol na Pidol. Basahin dito ang balita kung katulad kitang di nanonood ng telebisyon.

Oo, usapang showbis ang nagpagaan ng umaga ko ngayon. Hindi tula ni Neruda. At hindi ang mga theoretical framework sa organisadong pag-aaral ng pamilya. Showbis. Artista. Hihi.

Fascinated lang talaga ako sa usapang Rama. Naisip ko lang ngayon, kumusta na kaya si Ara Mina. At si Vina Morales. Sina Stefano Mori. Naku google, kelangan mo sila hanapin. Hihi.

Jologs mode ako ngayon. At alam kong mas mabuti ito kesa zombie mode o galit sa mundo mode ako ngayon.

Hindi ko to natutunan sa undergrad ko at masteral. Sadyang masa lang talaga ang utak ko. Haha.

Saturday, July 14, 2012

Torete. Toreteeeee. Torete ako. *kanta na parang lasing lang*

Buong linggo akong lango sa alak.

Kung kilala niyo ako, at alam niyo ang trabaho ko, malamang sasabihin niyo hindi ito posible. Sa totoo lang, nag-iisip lang ako ng good beginning sentence sa blog nato. Hihi. Pagagalitan ako ng grade 3 teacher ko na si Binibining Botones dahil misfit sa entry nato ang good beginning sentence ko. Yaan mo na. Graduate naman na ako ng kolehiyo. At matatapos na rin sa gradwadong kurso. Kaya pwede na idekonstrak ang mga batas sa wika at pagsusulat. Ganun.

Masyado lang madaming iniluluwal na pag-iisip ang utak ko ngayon kaya kelangan ipitik sa elektronik na makinilyang ito.

Masyado kasing demanding ang trabaho. Peksman, hindi ako nagbasa at nag-aral ng ganito nung kolehiyo, kahit sa graduate classes ko. Sa walangjo lang na mga lecture classes ko. Preparation shiz. At tyedeeeeen, hindi pa nagbabasa ang mga estudyante. So lecture talaga siya. Mababaw ang mga diskusyon. Sayang naman. Magaganda pa naman ang mga topic sa semestreng ito.
Inuman ko ng tsaa kapag trabaho mode sa bahay

At nalaman ko kahapon na baka hindi ko na ituro ulit ang kursong hinahawakan ko ngayong semestreng. Seyeng nemen ang mga powerpoint ko at mga case study. Oh well, bowel, towel, ganoon talaga kapag baguhan. Hindi ako pwede mag-let's morph in power rangers para magkaroon ng kapangyarihan na impluwensiyahan ang gumagawa ng desisyon.

Sa totoo lang, nag-eenjoy naman ako sa mga ginagawa ko ngayon. Masaya ang nasa akademya. Nakakapagod. Nakakataranta. Nakaka- overwhelm ang mga standard pero masaya. Worth it ang buong araw. Yung nga lang, daig ko pa ang pakikipaghabulan sa mga giraffe at kabayo, at ang pakikilangoy sa mga butanding sa sobrang pagod. Buti na lamang may mga energy drink, galon galon na kape at syempre ang paborito kong earl grey tea.

Gusto ko lang may labasan kaya ako nag-aanek-anek sa blog na ito. Wala pa kasi akong mangingibig. Hahaha. Meron pala ako ngayong super gustong chick. Pero sa ibang blog entry na lang. Hihi.

Friday, July 13, 2012

Sorry sa sarili ko

Ayan. Bigla ko nang kakainin ang mga sinabi ko. Magdadala ako ng mga trabaho sa bahay. Hindi kakayanin na walang trabaho. Kasi naman, mukhang walang katapusan ang dami ng kelangan tapusin at gawin. Hindi nawawala ang mga patong patong na gawain.

At ang kakaiba pa dito, kahit alam ko naman na hindi talaga matatapos ang mga trabaho, natatakot ako sa pag-iisip na magpapatong patong siya hanggang sa tuluyan na siyang mahirap talaga na gawin.

Ito ay para sabihin ko sa sarili ko na sorry sa pagbitaw ko ng pangako na kelangan ipako. Sorry dahil sa weekend nato, magdadala ako ng tatlong daan na kilong pag-iisip at pagmamakinilya.

May filter paper ang blog entry nato

Madami sana ako ikwekwento sa inyo. Mga pitong sako na kwento. Ganyan. Kaya lang syempre hindi ko alam kung talagang dapat ko ba siya sabihin. Kasi naman parte nako ng ilang institusyon. Maaring hindi kasi representasyon ng mga institusyon na kinabibilangan ko ang mga nagyari at pananaw ko sa mga pangyayari dito.

Nakakaewan nga ang mga ganitong restriksyon. Wala naman talaga masama. Napaisip lang ako na baka mabigyan ng maling kabuluhan ang mga anek-anek. Yaan na natin ang mga kwentong yan.

Pero kung tutuusin, parang may built in na MTRCB ang utak ko ngayon. Madami lang siyang gustong iluwal na mga pangungusap. Pero nag-iingat lang dahil baka maging presidente ako ng Pilipinas sa susunod na linggo, ma-impeach pako sa madaldal kong bibig, mga kamay na nagta-type.


Thursday, July 12, 2012

. Ang naiisip ko lang dito ay trabaho, pera

Kapag gabi nagiging dilaw ang syudad.
Natatawa lang akong tingnan ang mga blog entry ko. Ang bababaw. Hahaha. Lintek. Walang social relevance shiz. Egocentric lahat. Walangjo.

Ganun talaga. Kaya nagshift na rin ako ng linggwahe na ginamit. Nung una, pa-ingles ingles ako. Pero parang hindi ko boses yung mga nasulat ko. Di naman talaga ako ma-ingles. Kapag kelangan lang. (Asus! Kelangan daw o.) Hahaha. Masyadong may distansiya ang Ingles sa akin. Iba talaga ang tagalog. Sana sa susunod, mas makita niyo ang puntong Batangueno ko. Yung hindi lang nahahalata sa ala eh. Yung tipong natural na kahit walang ala e ay randam na may kapeng barako at asukal mula sa pinaggapasan ng tubo ang punto ko. Hihi.

At bigla kong naisip na namimiss ko na talaga ang bayan ng Nasugbu kung saan ako lumaki. Hindi ko makita ang kapahingahan sa Maynila. Ang naiisip ko lang dito ay trabaho, pera at trabaho, pera at syempre trabaho, pera.

Tuesday, July 10, 2012

No more tutorial by August

Role strain. It's when you have too many roles to perform and you just don't know what to prioritize because it seems that all are important.

Symbolic interaction says that when performing a role, one needs to have a full idea of the socially agreed rules and functions of a given role in order for a performance to be "well and right".

The past week, I just feel like an unhealthy, working-my-ass off  kind of employee slave. I have three works --one fulltime and two part time jobs. And I'm always tired and unhappy.

So yeah, I'm dropping one work by the end of July. The one that pays well but the most stressful. That one part time work. So good bye unwanted and unnecessary stress from other people. More time (and less money) for me.

Sometimes, life is not about money making.

Thursday, July 5, 2012

Yowgert!

Madaming gamit ang krudo. Nagpapandar ng transportasyon, pabrika at kung anu ano pa. Sa madaling salita, importante siya sa ekonomiya. Mahalaga ang krudo. Pero sa Pilipinas, mas mahal ang yoghurt kesa sa krudo.

Yoghurt talaga ang gusto ko pag-usapan. Sumo-social relevance lang ako. Pero hayop talaga sa mahal ang yoghurt sa Pinas. Kaya nung nakita ko na P105 lang ang yoghurt (500 grams), binili ko na kahit wala na akong pera. Haha. Ang bobo ko lang. At waldas sa pera. Kasi naman, a week from now, mag-expire na ang yoghurt nato. Haha. Buti nga sa kanila. Sa sobrang mahal, walang bumibili.

Napaisip tuloy ako. Wag nating bilhin ang mga pagkaing mahal. Hayaan nating magbagsak presyo. E ano kung ise-sale lang nila pag malapit ng masira, makakain pa rin yan. Hindi naman natin kelangan imbakin. Ang mga grocery stores na ang pantry at imbakan natin. Sa kanila nakatago hanggang sa mas maging mura ang presyo. Hihi.




Tuesday, July 3, 2012

Basta lang may masulat ngayon.

Sabi ng nanay ko, lubog na daw ang mga mata ko. At mukhang hindi daw ako kumakain. Naku naman. Pumayat at lumalim na ang mga paligid ng mata ko, ang hita ko hindi pa. Kung makikita niyo lang ang hita ko, parang walang kahirapan na nangyayari sa Pinas. Na parang mura lahat ng pagkain at inilagay ko na lamang lahat sa dalawang hita ko.

O siya tama na ang panlalait ng katawan ko. Haha. Masyado na siyang napansin sa blog na ito. Baka akalain ng Lord, hindi ako nagpapasalamat sa likha Niya. God, salamat po sa mala-hacienda kong mga hita. Ekta-ektarya man siyang tingnan, kaya ko pa naman siyang pamahalaan. Haha. Pero seryoso Panginoon, thank you. Labs ko tong mga to. Built in deadly weapon. Mahampas lang ng hita ko, durog ang mga buto buto niyo.

Balik tayo sa sabi ng nanay ko. Lubog at maiitim daw mga mata ko. Dahil daw sa pagod at sa di tamang pagkain. Hindi ko alam kung paano siya nakarating sa ganung pagtingin pero sige, tumango tango lang ako sa kanya. Kumakain naman ako, hindi tama kasi hindi laging masarap at malusog at sa tamang dami pero kumakain pa naman ako. At hindi naman ako nagpapagutom. Kung sa pagod naman, oo naman. Nakakapagod talagang maging ako. Pero ganito naman na noon pa buhay ko. Konting kembot pa, mga ilang taon pa, baka makaraos na rin. At aalwan na ang pamumuhay.

Kanina, medyo napagod ako sa aking pangalawang trabaho, kasi naman sapilitan akong pinag overtime ng walang bayad. Kumusta naman. Magrereklamo sana ako sa unyon, kaya lang ako lang ang empleyado ni second work amo ko. Alangan naman magtayo pa ako ng unyon, ako ang presidente, ako ang myembro, mas nakakapagod yun. At pang sira ulo lang. Ayon, balik ulit ako. Nakakapagod kanina.

So naglakad-lakad ako. At di ko kinaya ang pangwasak ng stereotype ko. Nakita ko si manong na malaking lalaki, nakadredlaks na buhok, medyo gusgusin tingnan ang pananamit, yung hindi kaswal pero hindi naman din pang pobre. Yung tipong tamang pangkanto lang. Mukhang kamag anak ni Bob Marley. Nakasabay ko sa jeep si Manong. Hehe. Natawa lang ako na sa ganung estilo ng pamumuhay at pananamit, ayun naamoy ko siya na naka Johnson's baby cologne (yung regular scent) ang walangjo. Haha. Basag ang stereotype ko. At ayan. Handa na akong matulog ng nakangiti. Thank you God sa nakakatawang ewan. Apir.