Monday, December 28, 2020

Heineken sponsored love tips

Sponsor ang post nato ng anim na Heineken.

Sinubukan ko alalahanin ang mga bigo kong relasyon (h@bang lasing) para mashare ko yung mga pagkakamali ko na di na dapat ulitin.

1. Magmahal ng lubos pero magtiwala din ng lubos. Huwag possessive, seloso at paranoid. Ngayong matanda na ako, kung sakali man na magkakajowa ulit ako, imamantra ko na ang "I am an open, accepting, and trusting person." Yes sa oxford comma. Haha.
2. Dun tayo sa legal sa magulang at pamilya. Kasing gulo ng bulbol ang human relationship. Ngayong matanda nako, dun ako sa simpleng relasyon na di kailangan itago.
3. Hindi ako nagsisi na bigay todo sa pag-ibig nung dumating ito. So itutuloy ko lang ito. Ngayong matanda nako, masaya ako na wala akong pinagsisihan sa mga nakakalunod na pagmamahal na ginawa ko. Haha. Magmamahal lang ako ng lubos.

Pang February post yata dapat ito pero dahil tipsy ako, haha. Ito na ito.

Naka 60km bike ride ako ngayon kaya reward ko ang heineken. Keep safe sa inyong lahat.