Sunday, March 20, 2016

Hi from Lanang

Quick note. Nasa Davao City ako ngayon para sa final engagement sa mga stakeholders sa pananaliksik na kabahagi ako. Hi sa mga bloggers na nandito sa area.

Friday, March 4, 2016

Kaya ko bang mapa-inlove ang taong gusto ko? (updated)






Meron akong klase ngayon sa kolehiyo na pinag-aaralan namin ang mga sistematikong pag-aaral ng pag-ibig. Noong isang araw ko pa ito gustong isulat kaya lang walang pagkakataon.

May isa akong bagets na nagpost ng tanong sa klase -maaari bang i-manifacture ang falling in love? O sa mas madaling tanong, kaya ko bang mapa-inlove ang taong gusto ko.

Maganda ang tanong na yan. Kasi may konsepto tayo na wala tayong kontrol kung kanino titibok ang puso natin.

Ayan ang dahilan kung bakit kami napahanap ng mga pag-aaral na posibleng sumagot niyan.

May isang pag-aaral na hindi direktang patungkol sa pag-ibig pero patungkol sa pagpapaigting ng interpersonal closeness. Ginawa ang pag-aaral nato nina Arthur Aron at iba pang mananaliksik.

Tuesday, March 1, 2016

Nood kayo. Nood tayo.

Hi friends! Ito ang schedule sa UP Film Center sa UP Diliman. Timbrehan niyo ako kung nasa area ako. Di ko sure kung nandun din ako pero kung sakali, malay niyo, magkita tayo. Haha. Here's the schedule: