Showing posts with label self evaluation. Show all posts
Showing posts with label self evaluation. Show all posts

Wednesday, March 3, 2021

March 1 return to work

This March, a lot of us has been called back to physically report to work. Despite the slow rollout of vaccine and the continuous threat of being infected by Covid-19 virus, the government has started encouraging the return to usual mode of work because our economy has suffered a lot. It is as if, economy is a vital, living, precious being that outweighs the value of human lives. 

For more than nine months, I have struggled adjusting to the online mode of office and administrative work, heavily depending on my own effort to look for ways to get a stable internet connection in a very rural and agricultural area where I was stocked since the first lockdown. I was tagged as a locally stranded individual (LSI) in a barangay in Laguna, away from my friends and workmates, displaced from my home in Quezon City. 

Like any responsible employee, I developed a system to ensure that the company where I am employed is able to still get the deliverables it expects of me. My mental wellbeing suffered as well as my physical health. Being restricted of any movements outside my residence, I stay in my work space from 7AM to almost 12 midnight. Workload has tripled as everyone is trying to migrate to distant mode of transaction. 

I have a better grasp of my work by February 2021 only to find out that I need to go back to the old way of work starting March. I have wished for so long for the day that I will go back to the pre-pandemic working system. But now that this wish was granted, I am surprised that I am very hesitant and doubtful if I can survive another wave of adjustments. 

I have been regularly seeing my doctor and the meds given to me has helped me rest my mind and not overthink and worry. And I don't want to go to another downward spiral because of another abrupt adjustment. 

Oh Lord. Have mercy. 

Friday, June 12, 2020

Dorm 11 (M4ñ4nit4 Party)

Naalala kita ngayon habang naglalakad ako papuntang Quezon Hall dala ang plakard na "Please don't call me terorista. Mas preferred ko na tawagin akong Mahal ko or Bebe ko."

Sigurado ako na sa muli nating pagkikita, pagdidiskursuhan natin na ang witty line na yan ay walang masyadong social relevance. Pero idedepensa ko na hindi kailangan na sell out or hardcore ang linya para maging relevant sa panahon ngayon. Etcetera, etcetera.

Pero kahit himay-himayin natin ang plakard ko, sa huli, magiging proud ka sa akin. Dahil humanay ako sa mga walang boses, mga kaibigan ng pinaslang, inapi at walang kapangyarihan.

Sa huli nating kitaan sa Sarah's, pinagdasal ko na sana ingatan at proteksyonan ka ng Diyos. Kanina, naisip ko na maging sagot ako sa panalangin ko sa pamamagitan ng pagiging kinatawan mo dito sa Kalakhang Maynila.

Isisigaw ko muna kaibigan ang gusto mo isigaw. Ako muna ang bahala sa dapat na attendance mo sa Diliman.

Tuesday, May 12, 2020

ECQ diary #2

Labing walong taon simula ng mamuhay ako mag-isa sa Kamaynilaan, nakita ko ulit ang sarili ko na nakatira kasama ng mga maguang at kapatid. Sa isang bahay. May sarili naman akong kwarto. Pero dahil isang bed room lang ang may aircon, kapag gabi sama-sama kami.

After two weeks ko lang narealize na malaki talaga yung adjustment ko. Nakikigamit lang ako ng espasyo. Hindi ako pwede kumain ng agahan ng nakabrip lang, at matulog ng nakabrip lang. Hindi ko hawak ang schedule ng aircon. Hindi ko sarili ang fridge.

Kung baga, parang balik ako sa buhay ko noong high school. Yung huling panahon na kasama ko ng matagal ang pamilya ko.

Monday, June 17, 2019

Para kay R (habang nangongolekta ako ng katahimikan)

Matapos kitang mapaginipan, ilang oras ko inisip kung ano kaya ang gagawin natin kung buhay ka pa?

Noon, habang umuulan sa Palma Hall, tinanong mo ako kung kelan ba nagdedecide ang mga ulan na babagsak na parang gupit gupit na linya o kaya malalaki at maliliit na bilog na patak? Sabi mo minsan kasi, nagbabago ang hugis nila.  May kinalaman ba siya sa humidity ng lugar? O may kinalaman sa buwan ng taon? O baka sabi mo, depende sa degree ng kalungkutan ng mga taong gustong basain ng ulan.

Yung ganyang talk shit mo 'yung namimiss ko. Walang kwenta. Walang mareresolve na problema. Pero ayos lang sa akin.

Monday, August 13, 2018

Medyo malulungkot si Carl Rogers sa medyo palpak ko pang implementation ng unconditional positive regard

Alam ng mga kaibigan ko na advocate ako ng restorative justice. Kaya nga nagtrabaho ako sa kulungan.

Minsan sa isang binyag ng anak ng isang kaibigan, ako ang pinag-initan. May kaibigan kasi dun sa grupo na yun na pro-tokhang at pro pagpatay 'pag dating sa mga "users". 

Nakwento ko ang tungkol sa karanasan ko sa rehabilation ng mga sinasabi niyang "users" na kung saan, may mga ilan sa mga iyon ang di talaga gumagamit. 

Nakwento ko rin ang tungkol sa kung nasaan na sila ngayon, ano ang trabaho nila after nila "makulong". Binida ko syempre ang mga kliyente ko. Although sinabi ko rin sa kanila ang kinahinatnan ng mga bigong matulungan. Para hindi bloated o romanticized development work.

Tuesday, December 12, 2017

Holiday reading list

I went to Fully Booked Katipunan for a 30-minute break. Buong araw ako nagbabasa ng mga papel ng mga bagets sa undergrad. Yung pagpunta kasi sa bookstore ang isa sa mga naidentify ko na life-giving activities.

Dahil sa Fully booked, ito yung mga nasa pangarap kong basahin this holiday break at siguro mag spillover hanggang February: 
  1. Grit by Angela Duckworth 
  2. Crazy rich asians by Kevin Kwan 
  3. A man called ove by Fredrik Backman 
  4. They both die at the end by Adam Silvera 
  5. Look who's back by Timur Vermes 
  6. The shining by Stephen King 
  7. Colorless tsukuru tazaki and his years of pilgrimage by Haruki Murakami 
Madamidami din yan. Parte din kasi ng ito ng action point ko after ng walong session ko sa mindful mood balance. Sabi ko sa sarili ko na Sabado ng umaga ay ilalaan para magbasa at umibig sa libro. Sacred ang Saturday morning  kaya nakalaan lamang siya sa pagbabasa. Sisimulan ko ito sa holiday break at gagawing mandate sa buhay sa taong 2018. Hanggang posible, hindi ako magpapasok ng ibang schedule sa Sabado ng umaga.

Monday, November 13, 2017

Letting go of another person's throat

This is an excerpt from my currently liked author, William Paul Young of the awesomely written novel, The Shack.
Forgiveness is not about forgetting. It is about letting go of another person's throat... Forgiveness does not create a relationship. Unless people speak the truth about what they have done and change their mind and behavior, a relationship of trust is not possible. When you forgive someone you certainly release them from judgment, but without true change, no real relationship can be established... Forgiveness in no way requires that you trust the one you forgive. But should they finally confess and repent, you will discover a miracle in your own heart that allows you to reach out and begin to build between you a bridge of reconciliation... Forgiveness does not excuse anything... You may have to declare your forgiveness a hundred times the first day and the second day, but the third day will be less and each day after, until one day you will realize that you have forgiven completely. And then one day you will pray for his wholeness...

Thursday, October 26, 2017

Ode to Eve















Imagine a mother
giving birth
to a child
who doesn't know
she's giving birth
to a child
She thinks she's dying
but she's bringing life
to a world
and prolonging life in that world.

Monday, October 2, 2017

Patuloy

Hinawakan ko ang iyong kamay 
ng mahigpit

At binitiwan ang mga salita 
na "Huwag mo sana ulit akong iiwan." 

Baka kasi sa pang-anim na pagkakataon
di ko na kayanin



#

Tuesday, May 3, 2016

Tell me again/ What's it like on the other side/ Are you still living in fear?



May I share with you the song written ang sang by my friends. The title of the song is Prodigals. Its from Aphrodite EP, released March 23, 2016. The name of the band is The Ridleys.

Tell me what you think of the song:


Friday, September 4, 2015

How can I not extend that same love and forgiveness to others?


I, even I, am he who blots out
your transgressions, for my own sake,
and remembers your sins no more. (Isaiah 43:25)


“…And I will be kind to the unkind, for such is how God has treated me.” 
–Max Lucado

Saturday, August 15, 2015

Isang attempt sa student-centered na approach sa klase sa kolehiyo

Matagal na rin ako hindi nakapagkwento ng buhay guro ko kaya ito na.

Iniba ko ang atake sa klase sa taong ito sa mga bagets. Nung nakaraang taon kasi, bago magpasukan, binuo ko na ang silabus. Kompleto na doon kung ano ang mga paksa na tatalakayin, pati na rin ang mga requirements na ipapasa nila, pati mga deadlines. Kasama na rin sa silabus ko kung paano ikakalkula ang kanilang magiging final grade. Noong nakaraang taon, handa na lahat pati mga reading assignments nila. Pakiramdam ko, para akong may digmaan na inihanda ko na lahat ng bala. Pakiramdam ko last year, ready na ready ako bilang responsableng guro.

Pero itong taon na ito, naghanda ako ng silabus pero kasama ko ang mga bagets sa pagbuo ng kung paano tatakbo ang semestre. Binigyan ko sila ng overview ng klase, sinabi ko sa kanila yung objectives namin sa semestreng yun. Pero pinakinggan ko sila sa kung paano namin gusto patakbuhin ang klase. Nag-usap din kami kung paano ang pinakamainam na paraan para makita kung may natutunan sila sa klase namin. Sa taong ito, hindi kami nakakahon lamang sa eksam bilang batayan ng grado. May mga suwestiyon sila na di ko naisip na palagay ko mas magiging mabisa ang pagtatasa ng kanilang bagong kaalaman.

Dahil ganyan ang atake sa klase, ngayon lang din ako nag-aayos ng reading requirements namin. At kasama ko ang mga bagets maghanap ng journal articles na palagay nila ay magagamit namin sa diskusyon.

Sa taong ito, ang pangarap ko ay hindi sila maging magaling sa pagmemorya ng mga konsepto pero maging kritikal sila sa pagsipat ng mga nangyayari sa mga bata, pamilya at lipunan. Gusto ko maging uncomfortable sila sa alam nila. At makita nila na "The more they learn, the less they know." At mas magiging interesado sila mag-aral at magsaliksik. At patuloy sila magtanong at aktibong maghanap ng sagot.

Monday, June 29, 2015

Graduation day kahapon ng UP Diliman.

Naalala ko nung grumadweyt ako noon, hindi ko kasama ang mga batchmates at blockmates ko. Nadelay kasi ako ng isang semestre. Kaya sa sumunod na taon ako nag-martsa. Kung tutuusin, ayoko na noon umatend ng university rites. Kaya langako kasi ang una sa pamilya namin na nag-aral at nakatapos sa UP. Kaya para sa mga magulang ko talaga yung seremonya.

Noong natapos ako, sabi ko magagawa ko na yung gusto kong gawin --ang fulltime na maglingkod sa bayan. Tangay ang idealismo  at nasyonalistang edukasyon, sabi ko tutulong ako na baguhin ang mundo.

Friday, June 26, 2015

Bagong taon

Nasa may dulong parte na ng kalendaryo ang edad ko. Twenty seven. Twenty eight. Twenty nine. Limang taon matapos ang quarter life crisis ko, mukhang masama nga akong damo na mahirap mapatay.

Kung tutuusin, isang surpresa na umabot ako sa ganyan edad. Araw-araw ko din dina-drag yung buhay ko paabante. Minsan mas magaan ang pasanin kahit hinihila ang buhay.Mahirap pero swabe. Minsan para akong humihila ng apat na kaing ng mangga. Kung nakakaluslos ang buhay, hindi na pantay ang balls ko. isa sa kanila, two kilometers below the ground na.

Bagamat mukhang gloomy ang unang dalawang talata ng post na ito, may pusong nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon sa dagdag na buhay. Kahit na minsan mabigat ang pagbangon, naandoon naman ang mga bagong pagkakataon na maranasan mahalin ng mga kaibigan at kapamilya.

May mga ilang akong nilistang life-giving activities na gusto ko sana gawin sa taong ito:
  • Magbyahe ulit sa labas ng bansa kasama ang ilang malapit na kaibigan. 
  • Matapos na ang thesis sa masteral. At makapag-publish ng tatlong journal articles. 
  • Lumipat ng bahay na titirhan. 
  • Magbawas ng labin limang kilo. At maghalf marathon. Preferably sa ulanan.
  • Magpatattoo. 
  • Umatend ng concert na naka-commando. Pumikit at sumabay sa pagkanta at pagsayaw.
  • Magsubmit ulit ng entry sa Palanca.
  • Matuto mag taichi.
Noong una, natatakot akong ipublish yung listahan ko kasi alam kong babalikan ako nito. Pero kanina, naisip ko fuck those fears. Masyadong maikli ang buhay para sa mga unnecessary agam-agam.

Maligayang bagong taon sa akin!

Monday, February 16, 2015

Pebrero 8, sa may Ayala Fairview Terraces

May mga maseselang salita. Huwag nang ituloy kung labag sa kalooban ang makabasa ng mga ganitong shiz. 


Tangna, pare. Umiyak ka rin sa Tadhana? Akala ko ako lang. Patago ko pang pinunasan yung gilid ng mata ko, ikaw din pala.

Wednesday, September 10, 2014

Hubad sa malisya na diskusyon patungkol sa regla at tamod

Kahapon sa klase ko sa kolehiyo, pinag-usapan namin ang bayolohikal na pananaw ng puberty (pagdadalaginding, pagbibinatilyo). Para kaming nagrebyu ulit ng endocrine glands at mga hormones na pinag-aralan namin noong Grade 5 at Grade 6. Mas pinalalim lang ng kaunti dahil nagkaroon ng maikling diskusyon sa relasyon ng mga hormones sa mga pagbabagong pisikal na nararanasan sa edad ng puberty.

Naging interesting lalo ang usapan noong napasadahan namin ang dalawang termino: menarche (unang buwanang daloy sa mga babae) at spermache (unang paglabas ng tamod sa mga lalaki). Naikwento ko ang una kong karanasan ng wet dream at pati na rin ang una kong nakakatakot na karanasan sa pagsasalsal.

Thursday, June 26, 2014

Thursday, June 19, 2014

Pagbabasag ng tainga

Noon, kapag may mga pinagdadaanan akong mabigat, ipapasak ko lang sa tenga ko ang earphone at ilalagay sa pinakamalakas na antas ang tunog ng ipod ko. Papantayan ko ng ingay ng musika ang gulo ng sitwasyon ko. Magpapatay malisya sa mga nangyayari, at sisinupin ang bawat titik ng musika.

Wednesday, May 7, 2014

Sa gitna ng Kanto ng pagtitiwala at pag-aalinlangan

Ito yung sinabi natin sa isa't isa
na hindi ang nakaraan mo
at nakaraan ko
ang magbibigay depenisyon sa atin.

Pero pareho pa rin natin
iniisip kung ang mga nagawa natin
noon na mga tama at mali
ay mauulit bukas o
sa makalawa.