Friday, June 12, 2020

Dorm 11 (M4ñ4nit4 Party)

Naalala kita ngayon habang naglalakad ako papuntang Quezon Hall dala ang plakard na "Please don't call me terorista. Mas preferred ko na tawagin akong Mahal ko or Bebe ko."

Sigurado ako na sa muli nating pagkikita, pagdidiskursuhan natin na ang witty line na yan ay walang masyadong social relevance. Pero idedepensa ko na hindi kailangan na sell out or hardcore ang linya para maging relevant sa panahon ngayon. Etcetera, etcetera.

Pero kahit himay-himayin natin ang plakard ko, sa huli, magiging proud ka sa akin. Dahil humanay ako sa mga walang boses, mga kaibigan ng pinaslang, inapi at walang kapangyarihan.

Sa huli nating kitaan sa Sarah's, pinagdasal ko na sana ingatan at proteksyonan ka ng Diyos. Kanina, naisip ko na maging sagot ako sa panalangin ko sa pamamagitan ng pagiging kinatawan mo dito sa Kalakhang Maynila.

Isisigaw ko muna kaibigan ang gusto mo isigaw. Ako muna ang bahala sa dapat na attendance mo sa Diliman.





6 comments:

  1. Maraming salamat sa pagsigaw! Ngayon natin kailangan ang mas malakas na panawagan. Kita kits tayo sa lansangan! :)

    ReplyDelete
  2. Kamusta ka na, OP? I guess backread na lang ako Tagal ko na di nakabisita sa blog mo at wow active ka pa rin.

    Ingat lagi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi FSOQ! Kumusta? Masyadong madami nangyayari sa labas ng blogosphere. Kailangan ko i-maintain ang espasyo nato na naging safe space ko kahit noon pa man.

      Delete
    2. Oo nga e. I am thinking nga of getting active again. Namiss ko na rin magkaroon outlet.

      Also, kinakalawang na rin sa pagsusulat (not that I consider myself good at it)


      Or maybe just start a new blog. Bagong ako. Chere.t

      Delete
    3. Dont start a new blog. Continue the old one.

      Delete