Showing posts with label uncertainty of things. Show all posts
Showing posts with label uncertainty of things. Show all posts

Friday, April 16, 2021

MECQ note to self

I used to mentor a very athletic college student who did not like the undergraduate course he's taking. I told him to shift out of that course and take B Sports Science as a premed. 

He was able to enter and finish the BSS program, joined the wrestling and weight training club in the University and breezed through his college classes. 

He's now a doctor. Yesterday, we reconnected via messenger. Despite not hearing his voice, his messages exhibits exhaustion. 

Two of his messages yesterday were these: 

Totoo. Meron nga po ako isang patient buong family nila na admit. Di inakala ng mag asawa na last time na nila magkikita sa ER. namatay yung husband.

Wednesday, March 3, 2021

March 1 return to work

This March, a lot of us has been called back to physically report to work. Despite the slow rollout of vaccine and the continuous threat of being infected by Covid-19 virus, the government has started encouraging the return to usual mode of work because our economy has suffered a lot. It is as if, economy is a vital, living, precious being that outweighs the value of human lives. 

For more than nine months, I have struggled adjusting to the online mode of office and administrative work, heavily depending on my own effort to look for ways to get a stable internet connection in a very rural and agricultural area where I was stocked since the first lockdown. I was tagged as a locally stranded individual (LSI) in a barangay in Laguna, away from my friends and workmates, displaced from my home in Quezon City. 

Like any responsible employee, I developed a system to ensure that the company where I am employed is able to still get the deliverables it expects of me. My mental wellbeing suffered as well as my physical health. Being restricted of any movements outside my residence, I stay in my work space from 7AM to almost 12 midnight. Workload has tripled as everyone is trying to migrate to distant mode of transaction. 

I have a better grasp of my work by February 2021 only to find out that I need to go back to the old way of work starting March. I have wished for so long for the day that I will go back to the pre-pandemic working system. But now that this wish was granted, I am surprised that I am very hesitant and doubtful if I can survive another wave of adjustments. 

I have been regularly seeing my doctor and the meds given to me has helped me rest my mind and not overthink and worry. And I don't want to go to another downward spiral because of another abrupt adjustment. 

Oh Lord. Have mercy. 

Monday, November 9, 2020

Toots

Hindi pa rin kita nadalaw, parekoi. Pinagbawal ng gobyerno bumisita ng sementeryo. Pero noong November 1, sayo ko inalay ang mahabahabang padyak ko noon. Inisip ko yung mga overnight natin noong high school, mga early morning jog at ligo sa aplaya. Nabalitaan ko na nagbibiskileta ka na rin kaya palagay ko appropriate na bigay pugay ko sayo ang pagbisikleta ko noong November 1.

Bigla din ang pagkawala mo. Parang lindol na yumanig sa amin ang balita. Guho lahat ng plano nating reunion sa Disyembre pre. Hindi mo kasi pinasabi kahit kanino na may sakit ka. Asawa mo lang kasama mo sa ilang beses mong sugod sa opsital. Nalaman na lang namin na nag-comatose ka na. Parekoi, mabilis kami rumesponde. At nagbigay ng kaya naming tulong at suporta sa asawa at mga anak mo. Kaya lang hanggang doon lang ang kaya namin dahil bawal pa magbyahe. 

Sa pagbagsak ng masamang balita, nalaman ko na dalawang araw lang ang binigay na pahintulot para sa  lamay. Di pa rin ako makapunta dahil sa lockdown. Damnit! Kahit ang pagluluksa ko, ninakaw ng pandemya. Hindi pa ako nakakapagpaalam sayo. 

Sana hindi ka nagtatampo. Tali ang kamay ko dahil sa covid. Dalaw ka minsan sa panaginip ko. Pero easy-han mo lang ha. Wag horror. Kwentuhan lang. Saka tsismisan ng buhay ng mga gusto at di natin gusto na tao. Saka bisikleta din tayo. Habilinan moko sa mga anak mo. Tapos ako naman, may mga ipapatanong ako sayong mga tanong sa Diyos. Baka lang pwede pabulong sa kanya. 

Tuesday, October 13, 2020

Kwentong ROTC

Ganito kita nakilala. ROTC class noon. Freshmen tayo. Pareho tayong nasa Infantry Battalion. 

Exempted ako sa CAT noong high school pero interesado ako sa pag assemble ng riffle. Kaya pagdating ko ng Kolehiyo, habang malayo sa pamilya, nag-enlist ako ng ROTC. 

Pareho tayo ng dorm kaya nagkakasabay din tayo maglakad ng madaling araw papuntang training. Sabay din umuuwi na pawisan at amoy araw. 

Lagi mo ako tinatawanan dahil ilang beses ako nasisigawan sa session. Palibhasa, naging kapitan ka noong CAT mo noong high school kaya basic na sayo ang mga military drills. 

Gusto ko lang naman mag-shooting at mag disassemble ng riffle, sabi ko sayo. Hindi ko trip yung mga martsa at pag-ikot ikot ng kahoy na baril. 

Package deal yan, gago. Libre ako ng Martes ng hapon, turuan kita, yaya mo. 

After one year ng ROTC natin, at nag-iba na tayo ng dormitoryo, hindi na kita nakita. Nag-drop ka na rin pala ng University. Bumalik ng probinsiya. At tumulong sa pamilya sa negosyo niyo sa palengke. 

Di ka na sumagi sa isipan ko hanggang nito lamang ng in-add mo ako sa isang social media platform. Nagmessage ka, Kumusta?

Sumagot ako. Gago, ikaw pala yan. Kumusta?

Mahabang kwentuhan tungkol sa buhay mo at buhay ko. At kung paano naging walang kabuluhan ang mga military drills natin sa ROTC. Binato ko sayo na natalo kita sa pabilisan mag assemble ng riffle sa military science class natin. At hindi mo pa nababayaran ang pustahan nating trenta pesos na fishball, sampung piso na kwekwek, saka isang bote ng mountain dew. 

Kapag mas ligtas na ang panahon, bisitahin kita, sabi mo. Covid pa e.

Sunday, October 4, 2020

Proof of life

Been on medication for quite a while now. The capsule allows me to sleep eight hours or more at night and walk and think slow during the day. 

Hope you, my friends, are better.

Friday, June 12, 2020

Dorm 11 (M4ñ4nit4 Party)

Naalala kita ngayon habang naglalakad ako papuntang Quezon Hall dala ang plakard na "Please don't call me terorista. Mas preferred ko na tawagin akong Mahal ko or Bebe ko."

Sigurado ako na sa muli nating pagkikita, pagdidiskursuhan natin na ang witty line na yan ay walang masyadong social relevance. Pero idedepensa ko na hindi kailangan na sell out or hardcore ang linya para maging relevant sa panahon ngayon. Etcetera, etcetera.

Pero kahit himay-himayin natin ang plakard ko, sa huli, magiging proud ka sa akin. Dahil humanay ako sa mga walang boses, mga kaibigan ng pinaslang, inapi at walang kapangyarihan.

Sa huli nating kitaan sa Sarah's, pinagdasal ko na sana ingatan at proteksyonan ka ng Diyos. Kanina, naisip ko na maging sagot ako sa panalangin ko sa pamamagitan ng pagiging kinatawan mo dito sa Kalakhang Maynila.

Isisigaw ko muna kaibigan ang gusto mo isigaw. Ako muna ang bahala sa dapat na attendance mo sa Diliman.

Saturday, May 16, 2020

ECQ playlist

Isa sa mga naenjoy kong basahin na blog ay The Beat Box ni Olivr.  Obvious na siguro na mga dati ng nagbabasa dito na mahilig ako sa musika. Kaya sa blog ni Olivr ako kumukuha noon ng mga papakinggan na musika. Gusto ko kasi yung panlasa niya. Saktong linamnam ng mga musika na trip ko.

Nagkataon lang na mas trip na ni Olivr ngayon mag-travel blog. Mahilig din kasi yan umakyat ng bundok. Kaya ang dati niyang espasyo na The Beat Box ay Olvr's Trvls na ngayon.

Ilang beses ko na yan pinakiusapan na magpost ulit tungkol sa musika. Binigyan ko pa nga yan ng suhol na fountain pen. Pero hindi epektibo.

Nabanggit ko ang The Beat Box dahil nitong nakaraang lockdown ng dalawang buwan dahil sa Covid crisis, isa sa mga nagpapakalma sa akin kapag matatapos na ang gabi ay ang makinig sa Spotify at maghanap ng ilang musika na nagpapakalma sa overthinker kong kaluluwa. Ibahagi ko lang sa inyo, baka matripan niyo rin:


  1. Find Yourself by Great Good Fne ok, Before You Exit
  2. Lucid Dreams by Juice WRLD
  3. Sweet Dreams by Eurhythmics
  4. Someone to You by BANNERS
  5. Dancing Around by flor 
  6. Beautiful Scars by Maximillian 
  7. Where the Sky Hangs by Passion Pit 
  8. Passenger Side by Smallpools
  9. I believe by Jonas Borthers
  10. Girls Just Wanna Have Some by Chromatics 
  11. Ride or Die by The Knocks, Foster the People
Ayan yung ECQ playlist ni Overthinker Palaboy. Hope maenjoy at makalma din kayo niyang mga musikang yan.

--------------------------------------
EDIT: 
On some weird shit, nakita ko na sinalba ni Olivr ang The Beat Box niya. Hayop kang Olivr ka. Di mo sinabi na active yung music blog mo. 

So mga kaibigan, tuloy ang pagbibigay ng public service ni Olivr. Bisitahin niyo espasyo niya.

Saturday, May 2, 2020

ECQ diary

Kumusta kayo since Luzon lockdown?

Ako during the first two weeks, hyper-productive. Nagtry mag-function sa trabaho na parang normal lamang. After two weeks, napagod ako. At nagalit sa trabaho. Kasi kaka-promote ko lang ng January at hindi ako pwedeng tigil trabaho pero sumesweldo katulad ng iba. Kailangan ko magtrabaho na parang nakasalalay sa akin ang function ng ibang opisina.

Third at fourth week since lockdown, dina-drag ko na lamang ang sarili ko. Hyper-productive pero may resentment. Kaya mas lalong mabigat ang trabaho. Di ko pinapakita sa mga katrabaho ko, Di ko rin pinapakita sa pamilya ko. Kasi parte ng work ko ang public relation. At kailangan na maging masipag para sa opisina na nili-lead ko.

Friday, February 21, 2020

Mabilisang pag-alaala

Sinimulan ko yung blog na ito nung nagtatransition ako sa trabaho. Ito din yung panahon na nag-undergo ako ng therapy. Mas magulo pa sa bulbol ang buhay ko noon.

Monday, June 17, 2019

Para kay R (habang nangongolekta ako ng katahimikan)

Matapos kitang mapaginipan, ilang oras ko inisip kung ano kaya ang gagawin natin kung buhay ka pa?

Noon, habang umuulan sa Palma Hall, tinanong mo ako kung kelan ba nagdedecide ang mga ulan na babagsak na parang gupit gupit na linya o kaya malalaki at maliliit na bilog na patak? Sabi mo minsan kasi, nagbabago ang hugis nila.  May kinalaman ba siya sa humidity ng lugar? O may kinalaman sa buwan ng taon? O baka sabi mo, depende sa degree ng kalungkutan ng mga taong gustong basain ng ulan.

Yung ganyang talk shit mo 'yung namimiss ko. Walang kwenta. Walang mareresolve na problema. Pero ayos lang sa akin.

Monday, October 22, 2018

Dorm 10 (Sarah's)

Matapos ang limang bote ng pale pilsen at isang tuna sisig sa Sarah's, dumating ka. Tinanong mo kung kanina pa ako. Sabi ko, hindi naman.

Ngayon ko lang napansin na sunog na sunog na 'yung balat mo. Hindi na makita ang senyales ng mestiso mong genes na pamana ng tatay ng lolo mong may malawak na lupain sa Pangasinan. 



Nalaman kong namundok ka. Napansin ko na pinatanda ka na nang karanasan at ng bagong buhay mo. Biniro pa kita na sayang ang Likas Papaya soap na gamit mo noon. Tumawa ka lang at sinagawan ako ng Gago!

Umorder ako ng redhorse, tig-isa tayo. Naubos mo kagad sa loob ng dalawang minuto. Kinuhanan ulit kita. Alam kong namiss mo. Hindi kita inistorbo sa pakikipagtalik mo sa ikalawang serbesa. Kita ang pananabik at uhaw mo.

Thursday, August 23, 2018

Dorm 9

Bigla ka na lang nawala sa dormitoryo.

Maya't maya ka sa akin hinanap ng landlord dahil '0'yung gamit mo, nasa kwarto pa rin natin. Sinabi ng landlord na ikakalakal niya na yung mga gamit mo. Pero nakiusap ako na ako na lang ang magliligpit baka sakaling bumalik ka.

Iba na ang roommate ko. Kelangan ng paupahan 'yung bakanteng kama dahil nagmahal daw ang asukal at kape ni landlord.

Maulan nitong mga nakaraang araw. Sana ayos ka lang.

Dumating ang kapatid mo noong nakaraang buwan dito sa dormitoryo at hinahanap ka sa akin. Kelangan ng nanay mo ng pambili ng gamot. Sabi ko, di ka nagpapakita matagal na. Pero nag-abot ako ng pera. Sabi ko, may patago ka sa akin noon.

Paramdam ka lang pag gusto mo na magpakita. Dadalhin kita sa Kanin Club at oorder tayo ng paborito mong crispy dinuguan. Ako ang taya.

Tuesday, January 9, 2018

Dear Diary 2018 chapter

Maligayang bagong taon!

Yung picture diyan 'yung pagsuma ng mga kaganapan sa buhay ko ngayong bagong taon.

1. Natapos na ang sessions ko sa mindful mood balance. May mga ilang technique dun na pinag-usapan na namin gawin ng therapist ko few years ago. Meron ding mga meditation technique na bago.

Di pa ako fully sold out dito kaya binabasa ko ngayon yung libro.

2. Nag-aadik din ako ngayon sa tender juicy hotdog. Impluwensiya ng kaibigan kong parang bata kapag hinahainan ng hotdog sa hapag-kainanan. Childhood food niya kasi yun kaya kapag may handang pritong hotdog, kahit matanda na siya, maligalig na parang bata. Naenjoy ko siya kainin ngayon dahil natutuwa ako sa kaibigan kong yun.

Monday, November 13, 2017

Letting go of another person's throat

This is an excerpt from my currently liked author, William Paul Young of the awesomely written novel, The Shack.
Forgiveness is not about forgetting. It is about letting go of another person's throat... Forgiveness does not create a relationship. Unless people speak the truth about what they have done and change their mind and behavior, a relationship of trust is not possible. When you forgive someone you certainly release them from judgment, but without true change, no real relationship can be established... Forgiveness in no way requires that you trust the one you forgive. But should they finally confess and repent, you will discover a miracle in your own heart that allows you to reach out and begin to build between you a bridge of reconciliation... Forgiveness does not excuse anything... You may have to declare your forgiveness a hundred times the first day and the second day, but the third day will be less and each day after, until one day you will realize that you have forgiven completely. And then one day you will pray for his wholeness...

Friday, June 23, 2017

Dorm 7 (Harry Potter movie marathon)

Ako: Sandali, sandali. Usap nga tayo. 

Ikaw: May pinapanood pako. Mamaya na lang.

Ako: Ayun na nga yung gusto kong pag-usapan. 

Ikaw: Ano?

Ako: Napansin ko simula kahapon na minamarathon mo na naman ang Harry Potter.

Ikaw: Naistorbo ba kita? Sorry. Mag-ear phone na lang ako. 

Ako: Anong nangyari? Di ka okay. 

Ikaw: Ayos lang ako.

Ako: Pang-apat mo yang ulit ng Harry Potter mo. Dalawang beses na nagmarathon ka, may problema ka sa acads. Yung ikatlo, bigla ka bumili ng mga libro at binasa mo ng tatlong araw ng dirediretso. At may problema ka sa pamilya mo. 

Ikaw: Pakialamero ka rin sa buhay ano.

Ako: Tomato Kick tayo mamaya. Magkwekwento ka. 

Pagkatapos ng anim na malamig na red horse sa Tomato Kick, nagkwento ka tungkol sa malaki mong problema sa kalusugan. 

Saturday, February 11, 2017

Para kay J ulit


Hindi ko maalala kung sino ako
kapag kasama ka.
Kahit ang apat na shots ng whiskey
ay hindi kayang kalmahin ang musika

dala ng pagdampi ng braso mo sa balikat ko.

Sunday, September 11, 2016

Para kay M

Binili ko na yung singsing na gusto mo noong isang taon. Sabi ko sayo na pag-iipunan ko. Hintayin mo lang. Nagkaroon ng biglaang mga gastos sa pamilya kaya mas natagalan. Yung dapat na anim na buwan na paghihintay mo, naging isang taon at dalawang buwan.

Nagkataon na nung may pera na ako, wala ka na. Sayang hindi mo nahintay. Binili ko na lang para sa nanay ko. At least siya, hindi ako iniwan.

Monday, September 5, 2016

Seks at serbesa

Sa tig-isang bote ng serbesa, nag-usap tayo tungkol sa kanya-kanya nating nakaraan. Ikaw na hanggang ngayon ay hindi pinapayagan kitain ang unang taong inalayan mo ng puri, at ako na hindi na pinapansin ng huli kong naikama.

Sabi ko, may hang-ups tayo sa seks. Natigil tayo sa mundo ng huling intimacy samantalang ang mga nakasama natin sa kama ay naka-move on na sa buhay.

Hindi ko kaya 'yung ginagawa niya, sabi ko habang nasa ispirito na ng ikatlong bote. Hindi ko kaya na isaisang tabi yung valid na pakiramdam ng nagmahal.

Sira ka. Hindi mo nga sigurado kung pag-ibig yun. Nakasama mo lang sa kama, sabi mo.

E bakit ikaw, naghihintay pa rin ng pagkakataon na hindi na kayo pagbawalan na magkita at mag-usap? hamon ko habang tiningnan ka ng diretso sa mata.

E ayun, mahal ko yun. Kaya nga sa kanya ko lang binigay e.

Seks pa rin yun.

Tahimik na natin inubos ang ikalawang bote mo, habang ako nasa ikaapat ko na ng red horse.

Malaking tama sa akin ang usapang iyon. Hindi natin naresolba ang malinaw na linya na naghahati sa pag-ibig na walang seks o seks na may pag-ibig.

Wednesday, August 31, 2016

Dormitoryo 2 (Tinder)

Tinuloy mo ba yung paggawa mo ng Tinder account? tanong ko sayo kanina habang nanonood tayo ng Episode 8 Season 3 ng Grimm.

Oo, sagot mo.

Kumusta?

Okay naman. Nakaapat na match nako since kaninang umaga. Tapos may dalawang nag message na sa akin.

O, talaga? Kumusta?

Parang in heat lahat ng mga tao. Baka tanggalin ko na rin account ko soon.

Bakit? usisa ko.

Hindi ko masyado type ang synthetic na meet up.

Palagay mo, mag-work ang Tinder sakin? tanong ko.

Palagay ko hindi. Ma-personal ka na tao. Saka hindi ka in heat. Haha.

Gago! Gano ka kasigurado?

Kilala kita. O wag ka na maingay. Ayan na ulit ang Krampus.

Saturday, August 15, 2015

Isang attempt sa student-centered na approach sa klase sa kolehiyo

Matagal na rin ako hindi nakapagkwento ng buhay guro ko kaya ito na.

Iniba ko ang atake sa klase sa taong ito sa mga bagets. Nung nakaraang taon kasi, bago magpasukan, binuo ko na ang silabus. Kompleto na doon kung ano ang mga paksa na tatalakayin, pati na rin ang mga requirements na ipapasa nila, pati mga deadlines. Kasama na rin sa silabus ko kung paano ikakalkula ang kanilang magiging final grade. Noong nakaraang taon, handa na lahat pati mga reading assignments nila. Pakiramdam ko, para akong may digmaan na inihanda ko na lahat ng bala. Pakiramdam ko last year, ready na ready ako bilang responsableng guro.

Pero itong taon na ito, naghanda ako ng silabus pero kasama ko ang mga bagets sa pagbuo ng kung paano tatakbo ang semestre. Binigyan ko sila ng overview ng klase, sinabi ko sa kanila yung objectives namin sa semestreng yun. Pero pinakinggan ko sila sa kung paano namin gusto patakbuhin ang klase. Nag-usap din kami kung paano ang pinakamainam na paraan para makita kung may natutunan sila sa klase namin. Sa taong ito, hindi kami nakakahon lamang sa eksam bilang batayan ng grado. May mga suwestiyon sila na di ko naisip na palagay ko mas magiging mabisa ang pagtatasa ng kanilang bagong kaalaman.

Dahil ganyan ang atake sa klase, ngayon lang din ako nag-aayos ng reading requirements namin. At kasama ko ang mga bagets maghanap ng journal articles na palagay nila ay magagamit namin sa diskusyon.

Sa taong ito, ang pangarap ko ay hindi sila maging magaling sa pagmemorya ng mga konsepto pero maging kritikal sila sa pagsipat ng mga nangyayari sa mga bata, pamilya at lipunan. Gusto ko maging uncomfortable sila sa alam nila. At makita nila na "The more they learn, the less they know." At mas magiging interesado sila mag-aral at magsaliksik. At patuloy sila magtanong at aktibong maghanap ng sagot.