Showing posts with label Nasugbu. Show all posts
Showing posts with label Nasugbu. Show all posts

Monday, November 9, 2020

Toots

Hindi pa rin kita nadalaw, parekoi. Pinagbawal ng gobyerno bumisita ng sementeryo. Pero noong November 1, sayo ko inalay ang mahabahabang padyak ko noon. Inisip ko yung mga overnight natin noong high school, mga early morning jog at ligo sa aplaya. Nabalitaan ko na nagbibiskileta ka na rin kaya palagay ko appropriate na bigay pugay ko sayo ang pagbisikleta ko noong November 1.

Bigla din ang pagkawala mo. Parang lindol na yumanig sa amin ang balita. Guho lahat ng plano nating reunion sa Disyembre pre. Hindi mo kasi pinasabi kahit kanino na may sakit ka. Asawa mo lang kasama mo sa ilang beses mong sugod sa opsital. Nalaman na lang namin na nag-comatose ka na. Parekoi, mabilis kami rumesponde. At nagbigay ng kaya naming tulong at suporta sa asawa at mga anak mo. Kaya lang hanggang doon lang ang kaya namin dahil bawal pa magbyahe. 

Sa pagbagsak ng masamang balita, nalaman ko na dalawang araw lang ang binigay na pahintulot para sa  lamay. Di pa rin ako makapunta dahil sa lockdown. Damnit! Kahit ang pagluluksa ko, ninakaw ng pandemya. Hindi pa ako nakakapagpaalam sayo. 

Sana hindi ka nagtatampo. Tali ang kamay ko dahil sa covid. Dalaw ka minsan sa panaginip ko. Pero easy-han mo lang ha. Wag horror. Kwentuhan lang. Saka tsismisan ng buhay ng mga gusto at di natin gusto na tao. Saka bisikleta din tayo. Habilinan moko sa mga anak mo. Tapos ako naman, may mga ipapatanong ako sayong mga tanong sa Diyos. Baka lang pwede pabulong sa kanya. 

Saturday, June 15, 2019

Dorm 11 (Yung ahas na pinatay ng tatay ko at yung ahas na lumilingkis sa akin)

ONE. 
Lahat kami, hindi na umuuwi sa bahay sa Nasugbu na kinalakihan naming lahat. Ang isa kong kapatid, nasa Cambodia. Dun niya na-meet ang fiance niya. At mukhang dun na siya magse-settle. Yung isa kong kapatid, nasa Los Baños. Nandun na siya nakatira kasama ng asawa at anak niya. Yung mga magulang ko, madalas nasa Los Baños para alagaan ang nag-iisang apo. Ako naman, bagamat hinahanap ang simoy ng malansang dalampasigan ay nakontento at tumigil na sa matrapik na lungsod sa Quezon City.

Dahil multi-sited na ang pamilya namin, laging malaking ganap kapag ang isa sa amin ay uuwi ng Nasugbu.

Noong isang araw, nagmessage sa family group chat ang erpats ko. Sinabi niya na naglinis siya ng bahay namin sa Nasugbu at nakakita ng dalawang metro na sa sawa. Sabi niya, noong nakaraang gabi, tahol ng tahol ang aso ng kapitbahay. Tapos kagabi, mga aso naman namin ang taho ng tahol. Nang sinilip ng erpats ko, ayan na ang ahas. Mukhang nagtrespassing. Mula sa bahay ng kapitbahay namin, sa amin na.

Siyempre, ang erpats ko, sanay pumatay ng mga sawa. True Brown Style OG yata siya. Syempre joke lang, Pero sanay talaga mang murder ang tatay ko ng mga trespassing na ahas.

So ayun ang laman ng maingay na mga Ping! sa group chat namin sa pamilya.


TWO. 
Matatapos ko na ang thesis ko tungkol sa mga batang nakagawa ng pagkakamali at nakalabag ng batas. Eight years in the making, tsong. Daig pa ang dissertation na multi-sited ethnographic study.

Sa trabaho ko, maya't maya sila nangangamusta at nagchi-cheer. Pero sa totoo lang, ikaw sana ang gusto ko kakwentuhan at pasalamatan noon pa sa pagtatapos nito.

Kita mo noong nasa dorm tayo kung paano ako ka-eager beaver na tulungan ang mga children in conflict with the law. Tapos noong bigla kang nawala, syempre halos wala na akong kakwentuhan tungkol sa ginagawa kong data gathering.

Nitong bumalik ka na pero syempre nasa ibang apartment at malayo sa dati nating lugar, at tinanong mo ako kung gusto kita maging roommate. Bigla akong nagpaalam sa landlady at landlord natin. At agad na sinamahan ka sa isang apartment sa Cubao.

Nagsusubok ka magrecover. Mula sa matagal mong pagkawala sa kalakaran ng naghaharing sistema. Madalas mainit ang ulo mo. Pero iniintindi ko. Ang importante buhay ka. At gracefully na bumaba mula sa serbisyo mo upang bumalik sa iniwanan mong mundo.

Unti-unti na rin natin mini-meet ang mga barkada natin at pamilya mo. Habang unti-unti kong tinatapos ang thesis ko. Hindi pa natin napapag-usapan ang pagdedesisyon mo na bumalik sa Quezon City. Pero hindi pa yun ang mahalaga sa akin. Ang importante sa akin ay maalalayan ka sa tengeneng kurap at bulok na sistema na meron tayo sa lipunan.

Friday, May 2, 2014

Sa may dalampasigan

Bukas, ako ay hihiga sa buhanginan at sisikaping halikan ang araw. Masusunog ang balat ko at manunuyo ang labi ko pero mabubuhay ang kaluluwa ko.

Hintayin mo ako, Nasugbu. Bukas, nandiyan na ako.

Sunday, December 23, 2012

Posibleng lokal na pag-aaral

Panel ako ng dalawang undergradwadong tesis. Dalhin ang tinuturo ko sa kolehiyo ay patungkol sa relasyon, pamilya at sekswalidad, malapit dito ang mga paksa ng mga pag-aaral.

Yang larawan na iyan ang una. Isang pag-aaral sa panliligaw ng mga lesbian na nag-aaral sa kolehiyo. Wala pa kasing dokumento patungkol dito. Hindi malinaw sa proposal nila kung eksploratoryo ang pag-aaral pero mukhang ganun ang kakalabasan.

Yung pangalawang tesis ay patungkol sa pananaw, pagtingin at karanasan ng mga kabataang lalaki sa pornograpiya. Medyo maliit ang sakop ng pag-aaral na ito kasi mga kolehiyong mag aaral lamang sa Metro Manila.  Gayunpaman, iba yung ligalig kung sakali mang maaprubahan ang proposal nila.

Thursday, December 6, 2012

Karne ni Barney

Kasama ko ang barkada kong si Baral nung nag-ikot kami sa probinsiya namin sa Batangas. Parehas kasi kaming dayuhan na doon simula ng maging manggagawa kami sa Kamaynilaan. Siya, nakakauwi ng isang beses sa isang buwan pero sa bahay lang siya tumitigil. Ako naman, maswerte na kung makauwi ng isang beses sa tatlong buwan.

Habang naglilibot kami sa bayan, kain kami ng kung anu-ano. Pinatulan namin ang mumurahing pizza na siyang paborito namin nung ihugin pa kami. Tapos yung ihaw na mumurahing hotdog na puro harina, kinana din namin. Pinatos din namin yung masebong buchi-buchi na kulay kahel.

Wednesday, October 31, 2012

Hindi naman lokal na selebrasyon ang haluwin.



Bukas Nobyembre na at ehem, wala pa ring sweldo galing sa gobyernowz. Kapag sa pasukan ng ikalawang semestre, wala pa rin akong sahod, aba, tuluyan na akong magiging j3j3mOn Pho3WhhZz. Peksman.

Uuwi ako ngayon at baka hindi makapag-online ng ilang araw. Baka ha, baka. Probinsya kasi kami na pinaghalong pangingisda at pagtatanim ng tubo ang pangunahing pinagkakakitaan. AT hindi lifetsyle ang pagkakaron ng wifi sa bahay. Para lang yun sa mga may kayang taga-lungsod at ginagawang bakasyunan ang bayan namin. Parang ikaw na nagbabasa nito. Lols.

Saturday, July 21, 2012

Si Anke, ang Nasugbu at ang homesick palaboy

Mabilis magbihis ang bayan na kinalakihan ko sa Nasugbu. Nawala na yung mga small time grocery store at napalitan ng kung anek-anek na  hindi naman taga-samen ang namumuhunan.

Yung mga tao sa amin, masaya at sabik naman sa mga taga-labas na negosyong ipapasok sa amin. Jobe, Andoks, Chowking, Mercury. Kapag bagong bukas, pinipilahan. Nung nagbukas ang Mercury, kahit walang sakit bumili ng gamot ang mga tao. "Isang piraso ng Imodium po." Labo.

Naalala ko nung Grade 6 ako. Kaunaunahang tagalabas na negosyong ipinasok sa amin yung Dunkin Donut. Haha. Hindi kinaya ng aircon nila ang siksikan ng mga tao. At grabe ang pila, umabot sa isang kanto. At ehem, posturang postura ang mga tao. Halimbawa, sa bayan namin, hindi naman uso ang magsapatos. Walangjo, lahat nakasapatos noon para bumili lang ng donut. Ano kaya yun. O sige na nga, kasama ako dun sa mga nagsapatos. Hihi.

Dahil sa bilis ng pagbibihis ng bayan, ako yung tipong naliligaw sa sariling lugar na kinalakhan ko. Bihira lang ako umuwi e. Ayun. Nung nakauwi ako, nagtext kagad ako kay Anke. Sya yung hayskul tropapips ko. Sa larawan na yan, chunky na siya. Nung hayskul payat na payat yan. Haha.

Thursday, July 12, 2012

. Ang naiisip ko lang dito ay trabaho, pera

Kapag gabi nagiging dilaw ang syudad.
Natatawa lang akong tingnan ang mga blog entry ko. Ang bababaw. Hahaha. Lintek. Walang social relevance shiz. Egocentric lahat. Walangjo.

Ganun talaga. Kaya nagshift na rin ako ng linggwahe na ginamit. Nung una, pa-ingles ingles ako. Pero parang hindi ko boses yung mga nasulat ko. Di naman talaga ako ma-ingles. Kapag kelangan lang. (Asus! Kelangan daw o.) Hahaha. Masyadong may distansiya ang Ingles sa akin. Iba talaga ang tagalog. Sana sa susunod, mas makita niyo ang puntong Batangueno ko. Yung hindi lang nahahalata sa ala eh. Yung tipong natural na kahit walang ala e ay randam na may kapeng barako at asukal mula sa pinaggapasan ng tubo ang punto ko. Hihi.

At bigla kong naisip na namimiss ko na talaga ang bayan ng Nasugbu kung saan ako lumaki. Hindi ko makita ang kapahingahan sa Maynila. Ang naiisip ko lang dito ay trabaho, pera at trabaho, pera at syempre trabaho, pera.

Friday, March 30, 2012

Ralph Waldo Emerson said

I like the silent church before the service begins, better than any preaching."


Most of the time, when I try to ponder about life and problem, I go to quiet places. And most of the time, I find solitude best in churches, without mass or services.