Sunday, December 23, 2012

Posibleng lokal na pag-aaral

Panel ako ng dalawang undergradwadong tesis. Dalhin ang tinuturo ko sa kolehiyo ay patungkol sa relasyon, pamilya at sekswalidad, malapit dito ang mga paksa ng mga pag-aaral.

Yang larawan na iyan ang una. Isang pag-aaral sa panliligaw ng mga lesbian na nag-aaral sa kolehiyo. Wala pa kasing dokumento patungkol dito. Hindi malinaw sa proposal nila kung eksploratoryo ang pag-aaral pero mukhang ganun ang kakalabasan.

Yung pangalawang tesis ay patungkol sa pananaw, pagtingin at karanasan ng mga kabataang lalaki sa pornograpiya. Medyo maliit ang sakop ng pag-aaral na ito kasi mga kolehiyong mag aaral lamang sa Metro Manila.  Gayunpaman, iba yung ligalig kung sakali mang maaprubahan ang proposal nila.


Bilang paghahanda rin sa critiquing, napadownload ako ng mga gender studies at porn studies na nalathala na. Syempre, sa inaasahan, kanluranin na pananaw at karanasan ang mga ito.

At dito muling nabubuhay ang pag-ibig ko sa trabaho ko sa unibersidad bilang instraktor. Yung nakakatulong na maglimbag ng mga pag-aaral tungkol sa mga karanasan, pagtingin, pananaw at pagbasa na sariling atin sa mga nangyayari sa paligid.

At mas nakaka-excite kung paanong ang mga resulta ng mga pag-aaral na ito ay maaring gamitin kapag nasa fieldwork ako sa gawaing panlipunan.

Ayan, walang kinalaman ang entry na ito sa Pasko. Palagay ko, ito yung babalanse ng nangangati kong katawan na hindi sanay sa mahabaang pahinga, ang pagkwekwento tungkol sa trabaho.

May sakit ako ngayon, akalain niyo. Kung kailan ako nasa baryo na sariwa ang hangin at walang ginagawa. Hinahanap ng baga ko ang polusyon ng Maynila.

36 comments:

  1. naku, hassle naman nyan sir. paskong pasko may sakit kayo. pagaling kayo para hapi sa christmas!

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat ser fiel. maligayang pasko din sayo.

      Delete
  2. nice angas naman ng material nu,
    very sensible topic ok na ok
    madame makakrelate
    good luck para dyan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser mecoy, san ka ba diyan sa dalawang paksa na yan nakakarelate?

      Delete
  3. FTW ang topic sa thesis nila. As in?

    Magpagaling ka ser. Paskong pasko pa naman.

    Merry Christmas na din :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ginoong archieviner, may sakit pa rin ako hanggang ngayon. Pero salamat sa pagbati! :)

      Delete
  4. Parang interesado rin ako sa 2 tesis na iyan lalo sa panliligaw ng isang lesbian, tama at wala pang related literature ang paksa po na iyan. Kung mayroon man ay hindi ako pamilyar. Ano kaya ang resulta nila? At sa pananaw ng mga lalake sa pornograpiya, mukhang malawak ang sakop. Ilan kayang respondent nila? Paano nila ginawa ang pag-alam ng datos? ...

    Sir Maligayang Pasko po sa inyo! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser anthony, proposal pa lang ang idedefend nila. Hehe. Relaks lang muna. Saka mukhang hindi ko pwede sagutin ang mga tanong mo for ethical grounds ng research ng mga bagets. :-)

      Delete
    2. Ay na-excite lang po sir, proposal pa lang pala ^^,) na-intriga lang kasi ako sa topic.

      Delete
    3. Sa january 7 malalaman kung iaapprove ang topic pagkatapos ng defense nila. :)

      Delete
  5. Tsk sana bumuti agad ang yong pakiramdam! namiss ang polusyon haha :)

    Maligayang Pasko Overthinker Palaboy! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku, mukhang lalong lumalala ang sakit ko. Medyo bumibigat na ang pag ubo ko. :((((

      Delete
  6. ah so may resource na ko sa ganyang mga paksa. hehe :D

    ReplyDelete
  7. parang gusto ko mag-2nd degree. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. May master's degree ser olivr. Pero mas masaya ang undergrad program :)

      Delete
    2. kelangan ko muna magtrabaho. Andami kong utang sa taongbayan.

      Delete
    3. ser olivr, limang taon ko yan ginawa. pero habang nagsisilbi ako sa taong bayan sa limang taon, nag-aral na ulit ako sa masteral. masyado akong nababad sa field ng social service.

      may ilan akong tranbaho na natali ang bituka ko sa lokal na gobyerno. di ko masikmura (mabituka?) ang bulok na sistema. ayan, napapasok ako sa unibersidad muna para magkalakas ulit ng loob bago sumabak ulit sa madugong pagbabayad utang sa taong bayan.

      pambihirang responsibilidad sa pagiging isko ng bayan. hindi ko malaman kung pribilehiyo siya o sumpa. hahaha

      Delete
    4. tama nga. at hindi ko na nga alam kung ano susunod kong gagawin. naiipit na ko san kung anuanong choo choo. XD

      Delete
    5. ser olivr, ang paniniwala ko, hanggang patuloy mo na pinauunlad ang sarili mo at ginagawa sa pinakamahusay na paraan ang trabaho mo, ayos yun. dangal at talino para sa bayan at daigdig. :)

      Delete
  8. Nangate ang utak ko sa mga proposal nila [lalo na yung pangalawa! haha]. Eniwey, pagaling ka ser! At magrelax ka naman kahit konti. Wala muna dapat school related stuff. Hehe. Enjoy your time with your family! XD

    ReplyDelete
  9. Sana magaling ka na by now, Sir! At sana e naging maligaya din ang Pasko mo..

    ReplyDelete
    Replies
    1. may sakit pa rin miss joanne. pero salamat :) okay naman ang pasko :)

      Delete
  10. your material is very sensible and for sure my mga factors that you need to be careful not to cross the line...mahirap ang subject thou may mga previous studies na. hay na miss ko tuloy doing such thing. after graduating i enrol to masteral then i was helping my college buddies na nag pagiwanan na namin hahaha...prang ako lahat gumawa ng thesis nila..pero nung nakita ko sila sa stage acceptng dr diploma i feel proud for them at sympre skn...biro mo nagawa ko yon...hahahaha:)

    so Sir goodluck! I knw this would eat much of your time:)

    Merry christmas and wishing you a smashing new year!

    ReplyDelete
  11. ang ganda ng mga paksa ng dalawang tesis.... akomay interesado sa pananaw ng mga kabataang lalaki sa pornograpiya...

    ang sarap siguro maging panel...

    ReplyDelete
    Replies
    1. senyor iskwater, welcome sa espasyo ko :)

      sa enero pa lang idedefend ng mga bagets ang mga thesis proposal nila. dun pa lang malalaman kung ayus ba. hehe :)

      Delete
  12. Pasensya na ngayon lang nakadalaw (^/\^) Merry Christmas and Happy newyear Ser! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser pao, hindi naman obligasyon ang bumisita dito kaya walang dahilan para humingi ng pasensiya. Maligayang Pasko ginoo! :)

      Delete
  13. Kaya ayaw ko nang mag-aral o magturo, andaming babasahin. Pipiliting unawain ang mga bagay-bagay na minsan ay hindi ganung kadaling unawain hehe.. Anyway, Dropping by tonight para mag-greet ng Happy New Year! At syempre, pagaling din kayo Sir (kung may sakit pa). Sana'y galing na sa ngayon!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser ric, may sakit pa rin ako pero nakatulong ang pagluwas ko ng maynila para kumuha ang baga ko ng maitim at maduming usok. mas magaan ang pakiramdam ko ngayon kahit may sakit pa rin. maraming salamat at maligayang bagong taon. :)

      Delete
  14. Inaaninag ko ung pangalan ng University. LOL Stalkerish shit. ahahaa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser jepoy, sinadya ko na burahin ang pangalan ng unibersidad. Haha. Naway naging epektibo ako sa pagtatago ng pangalan.

      Delete