Monday, December 3, 2012

Boodle fight

Boodle fight is a style of eating where long tables are prepared and food are on top of the banana leaves. Viands and rice ready to eat using your bare hands, jugs of water are prepared on the side to wash hands before the "eating combat". With the signal to start the boodle fight, everyone aims for his/her position.

Eto yung isang therapeautic activity na ginawa namin sa isang youth detention center para solusyonan ang nakikitang espasyo sa pagitan ng mga kawani ng detention center pati na rin ng mga kabataan na pinagsisilbihan ng mga kawani.

Epektibo talaga ang pagkain bilang midyum ng pagsasama-sama at pagkakaintindihan. Instant bonding activity. Mas nakapag-usap ang mga kawani at mga kabataan. Sa maikling panahon, nakita nila na pwede silang may pagkaintindihan.

Siguro, kapag may mga conflict resolution ang gobyerno at mga kaibigan na mamumundok o kaya naman ay MILF, dapat bumabaha ng pagkain. May puwang sa kapayapaan kapag ang mga sikmura ay puno. Mas malawak ang isipan kapag busog.

Eto yung namimiss kong gawin ngayong nasa akademya na ako. Wala na ako sa "fieldwork". Hindi na ako naka-direct practice ng Gawaing Panlipunan. Nagsasalaysay na lamang ako ng karanasan ko sa mga kabataan at pamilya sa mga estudyante sa unibersidad. At umaasa na sana may ilan sa kanila na susunod din sa yapak ko na pumasok sa development work.

Emi-emo shiz na naman ako dahil gusto ko ulit gawin ng kaunti ang pagbababad sa mga kaibigan na nasa mahihirap na sitwasyon. At hindi ko alam kung may sense ang pinagtitipa ko ngayon sa entry nato.

28 comments:

  1. My sense naman ser. True eto ---> Epektibo ang pagkain bilang midyum ng pagsasama-sama at pagkakaintindihan Kaya sa pamilya dapat hindi mawala ang pag-sama-sama sa hapag kainan. Sad kasi kami hindi ganun.

    ReplyDelete
  2. Wuy boodle fight! nung elementary pa yata ako nito naka experience. nung sumama ako sa jamboree ng boy scouts dito sa bayan namin :)

    agree ako sa sinabi nyo sir na kapag busog ang isang tao, matuwid ang pagiisip at kayang bigyan katuwiran ang mga bagay-bagay sa mahinahon na paraan.

    happy Christmas! may Christmas Party ba kayo ng mga students nyo?

    ReplyDelete
  3. ser archieviner: Or kung gagawa ng mabigat na desisyon sa pamilya, dapat busog lahat. :)

    ReplyDelete
  4. ser fiel, may christmas party kami sa preschool sa biyernes. yung mga bagets sa kolehiyo, bahala na. hindi uso yata. madaming gagawin pa e. :)

    ReplyDelete
  5. ang saya neto kaso bata pa ata ko nung naranasan ko yan kasama mga friends ko
    anyways the best to sa beach outing

    ReplyDelete
  6. ser mecoy, sa konsepto natin okay to sa beach. ginawa namin yan sa mga bata na may kaso at nasa detention center.

    ReplyDelete
  7. Sarap niyang boodle fight. Para sa akin, simbolo yan ng equality o pagkapantay-pantay sa lipunan. Rich or poor, walang pipiliin kasi pareho pareho kayong gagamit ng kamay diyan at pareho din ang mga ulam ninyo.

    May sense ka sa sinabi mong baka nga effective ang pamudmuran ng mga pagkain yung mga namumundok na or sumasali na sa rally para makapag isip ng maayos kung busog sila hahahaha..baka pagkain lang ang kakulangan sa mga pinag-ga gawa nila hehehehe.

    ReplyDelete
  8. ambait mo talaga ser.. talagang isa sa mga binibigyan mo ng oras ang mga kabataan tulad nila.. sana minsan makasama ako.

    ReplyDelete
  9. ser JJay, yung sa akin naman wala akong problema sa pinaglalaban ng mga aktibista. Ang nakakatuwa nga sa kanila ay may pantayong pananaw sila. Yung sa mga hidwaan na may armas na ang sitwasyon, yung mga peace agreement meeting, ayun ang pino-propose ko na dapat bumabaha ang pagkain. Hindi lang kasi tiyan ang lumalapad kapag madaming pagkain, pati isipan :)

    ReplyDelete
  10. miss chenee, pwede ka naman mag inquire kung pano ka makakatulong sa kung saan man :)

    ReplyDelete
  11. Boodle fight. Hindi ko alam na may tawag pala sa paraan ng pagkain na yun. So madalas pala kame mag boodle fight kapag may mga outing ng barkada. HAHAH!

    Masmasaya ang usapan at kainan kapag madami! Mukang enjoy na enjoy kayo! ^^ Pasale naman! HAHAH!

    Have a good day ser! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser pao, lahat naman sigurado mag eenjoy sa boodle fight. Haha. Kahit aimplwng pagkain lang, iba yung mood na binubuo ng samasamang kumakain sa may dahon ng saging. Hoho. Sama ka minsan. :-)

      Delete
  12. ay! dapat ikaw yung titser ko nung college pa ako. kasi yung mga prof namin sabi nila mas gumagana yung utak pag gutom. (kasi mahaba yung lecture nila.) ;-) pero like ko yung idea ng pagbaha ng pagkain pag may sumuko ng milf at rebelde.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Miss phioxee, hindi lang kapag may bumababa na MILF dapat. Kahit yung simpleng peace talk dapat maraming pagkain.

      Delete
  13. pwede ako sa ganto. makakarami ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser olivr, mukhang makakadami ka nga sa ganito. Haha.

      Delete
  14. apir sir. totoo lahat ng sinabi mo.

    kaso narealize ko na ang loser ko. never pa ako nakaexperience ng boodle fight.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Miss nyabachoi, hindi pa huli ang lahat. Pwede ka mag sponsor ng boodle fight kasama namin na mga bloggers. Haha.

      Delete
  15. I find this true! Same reasons why dapat sabay sabay ka kumakain ang pamilya di ba..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Miss joanne, samen required kami nun na sabay sabay sa agahan, tanghalian at hapunan nung magkakasama pa kami sa pamilya.

      Delete
  16. Ay parang pareho kami ng sinabi ni Archieviner! Sige, iibahin ko.. Pag gutom kasi malakas maka-init ng ulo kaya lalo nagkakagulo.. kaya dapat lagi tayong busog! Parang mas magulo ata ako, hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Miss joanne, talagang ayaw mong pareho kayo ng sinabi ni miss archieviner. Haha.

      Delete
  17. maganda ngang activity yan.. mas magiging close ang samahan...

    ReplyDelete
  18. Ahahaha.. at kelan pa naging "miss" si archieviner?

    ReplyDelete
  19. agree, iba ang pag ge-get together ng tao pag sabay sabay kumain. okay nga yang idea mag boodle fight ang mga MILF at gobyerno, wag lang maging madupang ang gobyerno sa pagkain ;)

    ReplyDelete
  20. ser potpot, iba talaga pag bituka ang pina-pamper :)

    ReplyDelete
  21. miss joanne, naku oo nga. pasensiya na ser archieviner. bangag nako nung nagreply. pasintabi ng sobra. sorry :S

    ReplyDelete
  22. ser zai, tamang bigayan lang dapat ang lahat ng panig. walang may gusto ng sugapa.

    ReplyDelete