Monday, November 26, 2012

Mala-Freire na karanasan sa pagtuturo

Iba talaga yung ligaya kapag kita sa mga bagets na may AHA! moment sila.

Kanina sa klase sa Pagkamamamayan, sinimulan ko ang diskusyon sa pamamagitan ng pagpapasagot sa kanila ng ano ang gusto nila at ayaw nila mangyari sa kasalukuyan, sa susunod na limang taon, sa sampung taon, labing limang taon na lilipas, at matapos ang limampung taon.Ganundin kung ano ang hindi nila gustong mangyari sa timeframe na nabanggit.

Dahil karamihan sa bagets ko ay hindi morning person, medyo mabagal sila magwarm up. Paper and pencil activity muna. Sakto lang kasi medyo labinglimang minuto nila sinagot ang worksheet na binigay ko. Matapos noon, pinapunta ko sila na grupo nila para ibahagi sa iba yung mga sagot nila. Tatlumpu't anim ang bilang ng mga bagets at nahahati sa anim na grupo. Sakto lang para maging intimate sila at maging bukas sa pagbabahagi.

Diyan na nagsimula mag-ingay ang mga bagets. Mukhang maligaya silang magsalaysay ng mga pangarap nila sa buhay. Ang gaganda nga e. Napakasariwa ng idealismo nila. Hindi katulad ng mga kasama ko na nagtatrabaho na na nakalimutan nang mangarap.

Ang maganda sa edad nila, hindi pa nila natitikman ang pangil ng lipunan. Hindi pa sila nabibiktima ng slave driver na mga boss, mga manggagantiyo na korporasyon at institusyon. Hindi pa sinisira ng iba ang paniniwala nila na masaya ang buhay at laging may pag-asa na naghihintay.

Masarap lamang makinig.

Matapos noon, nag-usap kami tungkol sa posibilidad na habang tumatanda e pwede magbago ang mga pangarap. Pwede din tamarin na sila. Pwede din na dahil sa mga boplaks nilang desisyon sa susunod na limang taon, pwede lumabnaw yung mga gusto nilang makamit sa hinaharap.

Binigyan ko lang sila ng babala sa mga posibilidad. Pero sinabi ko sa kanila na dalangin ko na kahit may mga road blocks, lalaban lang sila. Parang mga bida sa teleserye.

Okay lang umiyak. Okay lang magtampo sa Tadhana. Okay lang magkamali. Basta babangon. Basta matututo. Basta mangangarap ulit. Basta matututo ulit magtiwala sa sarili at magpatawad sa sarili sa mga maling nagawa.

Nagkasundo sila na hindi sapat na sagutan at mapagkwentuhan lang nila ang mga pangarap sa ngayon, sa susunod na limang taon, sampung taon, labing lamang taon at sa pagsapit ng ikalimampung taon. Bilang pag-alaala sa mga pangarap nila, gagawa daw sila ng portfolio --isang personal na kwaderno ng mga sagot nila sa worksheet na binigay ko. Kanya-kanyang tirada kung gugupit ng larawan sa magasin, o kaya kukuha ng larawan sa internet o kaya sila mismo ang guguhit. Basta ang importante, meron silang alaala ng diskusyon ngayon sa klase kung ano ang mga pangarap nila.

Pasintabi na at humaba ang entry na ito. Gusto ko lang isama sa malatalaarawan na espasyong ito ang isa mga nakakatuwang karanasan bilang instraktor sa unibersidad. Hindi ako nagtuturo na ang mga bagets ay tinututuruan ko. AT ako ang primaryang batis ng kaalaman. Natututo rin ako sa kanila. At sa totoo lang, hindi talaga pagtuturo ang ginagawa ko pero tagapagpadaloy lang ako ng diskusyon at tagatulong sa kanila magproseso ng mga iniisip at nararamdaman. Matutuwa si Freire sa ginagawa ko.

Basta mamaya, matapos kong magbasa ng libro para sa lektyur ko sa Miyerkules, matutulog ako na nakangiti. Dahil nakangiti si Freire. Dahil may patuloy na mangangarap.

40 comments:

  1. May gantong activity rin kami nun college.. ang naalala ko lang, sinabi ko na in 5 yrs, gusto ko maipagawa yun house namin, in fairness nagawa ko un.. Tas 10 yrs sabi ko dapat nakapag-asawa na ko, may 2 yrs pa ko para matupad yun, haha! Yung ibang kakornihan ko, di ko na maalala..

    Bakit nga kaya pag tumatanda, medyo nalilimutan ng mangarap, haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Miss joanne, dapat mapost mo pati mabababaw na pangarap. Dapat malaman namin :)

      Delete
  2. "Okay lang umiyak. Okay lang magtampo sa Tadhana. Okay lang magkamali. Basta babangon. Basta matututo. Basta mangangarap ulit. Basta matututo ulit magtiwala sa sarili at magpatawad sa sarili sa mga maling nagawa"

    Highlight!

    Dahil sa mga nabasa ko, parang gusto ko nang isulat ang mga pangarap ko incase na makalimutan ko sa darating na panahon. :)

    Nice ser!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser pao, maganda yan para may nababalikan.ka from time to time :)

      Delete
  3. ganitong klase ng class ang gusto ko yung may motivation. hindi yung mga klase na mahirap na nga yung subject tapos mga prof hindi pa nila mapasa ang kanilang knowledge sa mga estudyante nila. =.= ano silbe?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser cyron, isipin mo na kang hindi lang kniwkedge transmission ang pinagdadaanan mo sa klase. Character formation din. Hahaha.

      Delete
  4. Malalim kang mag-isip. Kaya nga siguro ang pamagat ng iyong blog ay Overthinker Palaboy.

    Di ako magaling managalog kasi I came from the Visayas kaya medyo may kaba ako na magsulat ng purong tagalog baka di ko mabigyan ng maayos na paglalarawan ang isusulat ko.

    Oo nga pala, ako ay bagong tagasunod. Let's exchange link parekoy :) God bless

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku ser juicy jay, hindi naman. Kunwari lang malalim. Jologs ako. Masa mag isip. At malabanaw at mbabaw. Hahaha :-P

      Delete
  5. minsan ko lang to na experience... at amainin ko nung time na un.. di ako seryoso s amga pinagsusulat ko hehehe...

    Ang mahalaga wag susuko sa isang pangarap... mataas man mababaw na pangarap dapat may tiwala sa sarili na matutupad...

    nice post!

    ReplyDelete
  6. nung nasa kolehiyo pa, may ganito rin na homework. naaalala ko yung akin ay maraming glitters na nasa black cardboard. hahaha. kunwari creative ako. minsan din akong gumupit ng mga larawan para mabigyang buhay ang mga pangarap ko. habang tumatagal dumadami ang nasa listahan ng pangarap ko. yung iba sobrang babaw lang, yung iba tiwala lang sa Diyos kung matutupad :)

    si freire at ang pedagogy of the oppressed. mas masarap basahin kung hindi requirement sa grad class ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Miss tarajing, okay lang na required sa grad class. Si ko malalaman si freire kung hindi required.

      Delete
  7. very true. nuon ang taas ng pangarap ko sa sarili ko.pero habang tumatanda , me mga factors na dapat iconsider. tapos nagbabago din yung paligid at nawawala yung inspirasyon. hay! parang kelan lang.

    ReplyDelete
  8. yan ang masarap sa pagiging bata. i still remember nagkaroon din kami ng ganyang activity dati. pinasulat kami ng essay about kung ano ang gusto namin maging 10 to 15 years later in our life. yung isinulat ko dun ay mukhang di ko man lang natupad /sad

    anung grade pala ang tinuturuan nyong mga students sir?

    ReplyDelete
  9. this pangarap thing is making my balahibo stand. lol. conyo lang? hahahaha. medyo natupad rin kasi yung sakin. ilang stretch nalang yung iba na naman

    ReplyDelete
  10. Ganto ang gusto kong pinag-uusapan. Mga pangarap. Meron din akong ginawa sa sarili ko. Kung sino ba at kung ano ang gusto ko maging after 1,5,10,20 yrs. Hindi lang kasi basta nangangarap dapat may timebound din. Pag gumagawa ako neto ginagamit ko ang BESMART. hehe

    Begin with an end in mind
    Specific
    Measurable
    Attainable
    Realistic
    Timbebound,

    Haha. Pacnsya na at naglecture nako sir. lol Shinare ko lang. :P

    ReplyDelete
  11. "Dahil may patuloy na nangangarap."

    huhuhu

    ReplyDelete
  12. yun ung magic ng innocence yung kakayahang mangarap ng malaki ung mga glow sa mga mata ng kabataan iba talaga
    pero dadating at dadating din ung panahon na sasabak na sila sa totoong buhay tatajak ng sarisariling landas
    mabuti at habang maaga pa lang ay mahubog na sila para dito

    ReplyDelete
  13. miss esteryaje, madami pang pwedeng pangarapin.

    ReplyDelete
  14. ser archie, naku wala naman rules sa pangangarap. napakacorporate ng besmart. :)

    ReplyDelete
  15. ser keso, madami ka pang papangarapin. at naniniwala ako sayo :)

    ReplyDelete
  16. ser mecoy, gaano man kabarubal ng lipunan, mangangarap pa rin tayo. dahil masarap yung may nilu-look forward :)

    ReplyDelete
  17. Sir, I want to know what do you want for Christmas. You've been tagged!
    http://fiel-kun.blogspot.com/2012/11/all-i-want-for-christmas.html

    ReplyDelete
  18. ser fiel, haha. naku. tingnan natin kung magagawa ko yan ha. medyo madami inaasikaso e. salamat sa pagtag. will try to do an entry na parang ganun. :)

    ReplyDelete
  19. wow! Sana po naging teacher ko kayo. Pero tama kayo, hanbang tumatanda ako nagbabago ang mga pangarap ko sa buhay. Mahirap din dahil minsan nawawalan ng direksyon sa buhay. Pero gaya nga ng sinabi niyo, hindi importante kung magkamali ka man, ang importante babangon ka. Kakainspire nman.

    ReplyDelete
  20. salamat miss mria olivia sa pagbisita :)

    hindi ko sigurado kung gugustuhin moko na teacher. hahahaha XD mas masasaya at hindi masasayang sandali ang mga bagets sa klase ko :)

    ReplyDelete
  21. yan ang maganda sa kabataan,eh
    yun pagiging idealist nila
    pero once napasabak yan sa real world
    magiging jaded nadin sila gaya natin mga adults
    hehe

    ReplyDelete
  22. dapat ganito ang mga tinuturo. yung makakahone ng personality at buhay.

    especially sa mga pangarap. shet. parang napaisip ako dito sa post na to. i lab et!

    ReplyDelete
  23. grabe ser denoy! ahahaha XD ako naman hindi pa jaded. i still have high hopes for myself and for the people im working with :)))))

    ReplyDelete
  24. miss nyabachoi, pag naging congresswoman ka, gawa ng house bill na hopefully maging RA regarding required courses na may sense sa buhay kahit na ano mang kurso ang kinukuha sa kolehiyo :)

    ReplyDelete
  25. sang-ayon ako, habang tumatanda eh nagbabago talaga ang iyong mga pangarap o di kaya eh naglalaho na ito ng tuluyan. napagdaanan ko na yan. may pagsisisi man sa nakaraan eh dapat masaya pa ring harapin ang mangyayari sa hinaharap.

    ReplyDelete
  26. mas gusto ko isipin na nagbabago ng anyo ser asiong at hindi naglalaho :)

    ReplyDelete
  27. Tsalamats sa post na 'to ser! Medyo nagising ang natutulog kong katawang lupa upang abutin ang mga kinalawang kong mga pangarap. :D

    ReplyDelete
  28. ser gord, pwede pang buhayin ang mga pangarap na yan. at pwede din gumawa ng mga bagong pangarap :)

    ReplyDelete
  29. nakakatuwa naman at ang mga bagets ay aktibo sa mga ganyang diskusyon.. napaisip tuloy ako kung yung mga pangarap ko ba ay natupad.. parang hindi ata.. ehehehehe... pero laban pa rin..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maganda yan ser potpot. Laban lang. At pwede pang mangarap ng mga bagong pangarap.

      Delete
  30. napaisip tuloy ako kung ano ulit yong pagangrap ko nung bata ako...at waley! sabaw na ang utak ko:) hahahhaa!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. Wala kang pangarap nun sunntoast? Okay lang siguro na wala kang maisip. Maganda naman disposisyon mo sa buhay.. life is good.

      Delete