Friday, November 23, 2012

Pasintabi

Ito ay isang mabilisang sulat habang nagnanakaw ng pahinga sa pagtuturo sa unibersidad. Kasalukuyang:
  • nawawala ang powerpack ng laptop ko kaya hindi ako nakakapagsulat ng entry
  • haggang adam's apple ang stress bunga ng mga trabaho nitong mga nakaraan kaya hanggang mabilisang pagsilip lang ang nagagawa ko sa mga kapitbahay na blagero
  • may problema ang gamit kong makina sa pagpasok sa aking account sa blogspot. Sa proseso ng pagdiskubre kung paano gagamitin ang makinang ito, may mga nade-delete akong mga komento ng mga kaibigan. Pasintabi.
 Matatapos din naman ang araw na abala ako. At mahahanap ko rin (sana) ang charger ng laftaf.


Buhay pa naman ako. Abala lang. Pero pogi pa rin.

18 comments:

  1. buti na lang at weekend na parekoy. yaka mo yan.

    ReplyDelete
  2. sana maayos na ang dapat na maayos o mahanap...

    Cool lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser jondmor, nakita ko na. Hahs. Nag uulyanin nako. Haha.

      Delete
  3. mukhang may error sa blogspot. naranasan ko din yan ser

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser bino, may hiccup ang system nila from time to time.

      Delete
  4. Bakit may pogi parin sa dulo. lol Syempre ikaw ang aming teacher pogi :P

    Mukhang busyng busy ka nga sir. Sana'y mahanap mo na yang hinahanap mo. Hello sa mga studyante mo :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi alam ng mga bagets na nagsusulat ako. Hihi.

      Delete
  5. Wow ser, kayo pala ay isang propesor. ^^ Maka "oyy" naman ako sa comment ko sa previous entry nyo. HAHAH! Looking forward for your future entries. :)

    ReplyDelete
  6. Ser, ganon talaga, simula ng sem.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga ser olivr. Nung estudyante tayo chill lang ang sem pag simula. Yung mga nagtuturo ang busy dahil ss enrolment shiz at paggawa ng syllabus.

      Delete
  7. Naks! Dedma na kung busy, pinaka-importante naman yung pogi pa rin e

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo miss joanne. Ayun talaga ang pinakaimportante. Haha.

      Delete
  8. wahaha, at least kahit stressed out ka na sir, pogi pa rin :D

    ReplyDelete
  9. anyare sa laptop mo nakita mo na ba?
    pahinga pahinga din kahit ang pagiging pogi ay nakakapagod din nu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser mecoy, okay na. Akala ko nawala. Naitago ko pala kung saan. Naku, makakalimutin na talaga ako.

      Delete