Syempre, kapag ganyan na ang karanasan at pakiramdam ng co-faculti ko, niyayaya ko na yan na samahan gawin ang kung anuman ang gusto niyang gawin. Sabi niya punta daw kami sa National Bookstore sa may Quezon Avenue. Warehouse sale kasi ng mga bagay-bagay. Hanggang 80% ang discount. Shopping ang lunas sa masamang araw ni co-faculti. Ayun, alam kong magiging riot pero napasubo na e.
Ito ang tumambad sa amin sa ikaapat na palapag kung nasan ang warehouse sale ng NBS.
Walang basket na available. Ang tangan ng mga tao ay mga malalaking kahon. Magulo ang pagkakasalpak ng mga libro at office supplies. Palagay ko dahil hindi marunong magsalansan ang mga costumer. Naging para siyang ukay-ukay ng mga brief, panty at bra. Halo-halo.
Naghiwalay na kami ni co-faculti. Siya nawala sa realidad na masama ang araw niya nung nakita niyang nasa 50% off ang mga librong pambata na pwede niyang gamitin sa preschool. Ako naman ay natuliro at nagsubok mag-ayos ng mga librong hinahalughog ng mga costumer. Pinagsamasama ko yung parepareho ang author tapos dinidisplay na parang sa sari-sari store, yung madaling makita at malinis tingnan sa mata. Pinupulot ko rin yung mga nalalaglag na libro. Ganyan. Napagod ako ng dalawang oras na ayun ang ginagawa.
Wala akong nakitang gusto kong mga nobela. Mukhang naransak na ng mga taong nauna sa akin. Basta ako nagsubok mag ayos ng buhay ng mga libro. Masaya na ako doon.
Matapos ang dalawang oras, nagkita ulit kami ni co-faculti at pumili ng isang oras sa linya para magbayad. May mahigit pitong cashier. Pero mabagal. Ganun kasi kadami yung mg taong nakapila para magbayad. At ganun din kadami ang biniling libro ng mga tao. Literal na kahon-kahon.
Naalala ko ang konsepto ng konsumerismo --ito yung paggawa ng ideya at pagkakaton sa mga tao na bilhin ang mga bagay na hindi naman nila kailangan. Ang daming hindi kailangan ng stapler. Pero dahil nagbagsak presyo, marami ang bumili ng kahon-kahong stapler. Ganun.
Habang nasa warehouse sale ako, nagtuteorya ako. Ganun.
Nag-ooverthink na naman ako.

take advantage nalang yung mga consumer, Sir. baka me mga tindahan yung mga yun kaya mobili ng marami. pero grabeh naman yung daming tao. never pa ako nakapnta sa book ng nbs.
ReplyDeleteDid you got paid for working for 2 hours? If I were you, I'll demand for some compensation....or extra discount :)
ReplyDeleteShopping talaga pantanggal ng stress no?hihi
ReplyDeleteNapaka-OC mo naman at nag-ayos ka talaga ng libro, haha! Naku, kung ako andun, back-out ako, hindi ko gusto yun mas masyado madami tao at magulo, natutuliro ako, hehe!
Overthinker ka nga.. kaloka!
Ganun talaga siguro ang ugali nating mga pinoy, basta may sale at may pera naman sa bulsa, sige lng ng sige sa pagbili kahit hindi naman sobrang kailangan. pagdating sa bahay, itatambak lang nila yan sa isang tabi hanggang sa makalimutan na hehe.
ReplyDeletenga pala sir, grab your award at my blog. :)
miss phioxee, hanggang linggo ang sale nila. madaming pwedeng mabili basta matiyaga. ako kasi hindi. haha XD
ReplyDeletesir mike, i organized the book shelves for my own sake. hehe. kaya service free of charge siya :)
ReplyDeletenastress ako sa shopping na ganun. ang gulo. haha. kaya inayos ko siya. pero hindi ako talaga OC. gusto ko lang na maayos ng konti :)
ReplyDeleteparang sobra naman kasing dami ng tao talaga pag ganyang sale..
ReplyDeleteGanyan pala pag warehouse sale sa NBS. Nagteorya talaga sa gitna nang magulong lugar. hehe. Naawa ako kay co-faculti mo. Kailangan sigurong mag-evolve sya :)
ReplyDeleteNever ending buying...
ReplyDeleteshet! daming tao. kung pagpasok ko at iyan agad nakita ko, di nako tutuloy! hehe.
ReplyDelete...at 'di ka naman pala masyadong OC! hehe
miss cheenee, ganun talaga. basta sale akala ng mga tao makakamura :)
ReplyDeleteser archievener, makakarating ang mensahe mong napaka-darwinian :P
ReplyDeleteser denggoy, hindi ako OC talaga. gusto ko lang magandang tingan yung mga bagay bagay.
ReplyDeletewell yun ung magic ng bagsak presyo mapang akit sa mamimili
ReplyDeleteat kung tutuusin may tubo pa sila sa ganung bagsak presyo shiz.
ReplyDeleteconsumerism! oh yeah!
ReplyDeleteser keso, wala akong nakitang Vonnegut sa sale.
ReplyDeleteSayang! Di bale, sir. Mas masarap basahin pag mailap ang kopya. Oyea!
ReplyDeleteagree ako diyan ser keso!
ReplyDeletemay point ka ha.. napapabili tayo ng mga bagay na hindi naman natin kailangan... at kawawa nga ang co-faculti mo.. hindi niya araw...
ReplyDeleteang hirap mabuhay ser potpot sa kapitalistang lipunan.
ReplyDelete