Saturday, November 17, 2012

Kirin beer

Kirin Ichiban. Yan ang kompletong pangalan. Natikman ko nung kumain ako sa Kimono Ken sa Morato nung gabi na nakipagsapalaran ako sa warehouse sale ng National Bookstore sa may Quezon Avenue.

Ayan ang beer na swabe ang lasa, mas magaan pa sa malabnaw na San Miguel Light. Di katulad ng Red Horse natin, ang Kirin Ichiban ay walang sipa. Kung tutuusin, ito ang beer na mala-tubig. Hustong kapareha kung marami ang nakain na sushi na nasawsaw sa sauce na maraming wasabi.

Hindi ko siya irerekomenda sa mga naghahanap ng malalim na karansan ng serbesa. Ito yung tipong gagamitin mong pangbanlaw kapag masyado nang nagkakasiyahan ang mga tao at ayaw mong may mga lasing na nagwawala sa selebrasyon.
Ito din yung ihahain mo sa mga taong ayaw ng amoy ng lager. Lager siya pero hindi sa amoy at sa lasa/ A basta, ganun yun.

Nung nagcheck pala ako ng etiketa, hindi siya gawa sa Japan. BOOOOOO! Gawa siya sa Tsina. Surpresa, surpresa. At lisensyadong distributor ang San Miguel Corp. Oh well.


----------------------------------
Nasa Balanga, Bataan pala ako ngayon dahil nagbigay ako ng formation sa mga dalaga ng isang non-government organization. Bukas ng umaga ang huli kong sesyon sa kanila. At wala akong gagawin ngayong gabi kundi magbasa lamang ng mga journal articles tungkol sa pamilya. Kung sakaling malapit kayo sa Balanga, timbrehan niyo lang ako. Tatambay lang ako sa isang lokal na kapiterya at mag-aastang burgis. Pag-usapan natin ang buhay at pangarap habang humihigop ng kape o tsaa o serbesa. Maalin naman, swak sa akin.

37 comments:

  1. Gusto ko lang pag-usapan ang pangarap. Wag nalang yung buhay. hehe. Di ko pa matikman yang Kirin Ichiban na yan :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sayang wala ka naman dito ser archieviner. Masaya ako kausap. Minsan.

      Delete
  2. sayang bukas pa ko uuwi sa bataan.. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sayang miss cheenee. Di mo nakita ang sama ng loob ko nung hinainan ako ng mediocre na salmon na sushi. Para akong nabasted sa sama ng loob.

      Delete
  3. pwede to ngayong Christmas season, maurokomenda ko nga sa bahay at para hindi na magwala ang mga pinsan ko haha.

    ReplyDelete
  4. May kamahalan lang. P95 siya binibenta sa Kimono Ken. Di ko siya nakikita ser Inong sa mainstream market.

    ReplyDelete
  5. Miss Jla, hihi. Hindi lang pag ibig ang dapat sinusulat :)

    ReplyDelete
  6. tamang inumin sa mga hindi tamang panahon. XD

    ReplyDelete
  7. order pa tayo ng isang case ng kirin beer :D

    *hik*

    ReplyDelete
  8. "Bukas ng umaga ang huli kong sesyon sa kanila."- napagreen minded naman ako don. lol

    hindi ko pa natitikman yang kirin beer na yan pero dahil na post mo rin naman, eto'y aking hahanapin at bibigyan din ng review. pero ayos lang kung gawa sa tsina mostly naman ng drinks nila masarap kaya looking forward to taste this.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser cy, wala naman ako magawa kung berde ang interpretasyon mo. Basta ako busilak ang puso. Okay yang kirin kung gusto mo ng light chill lager taste.

      Delete
  9. haha mahina ako sa beer actually sa lahat naman ng liquor iba lang effect ng beer kasi nakakabusog at nakakasuka

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser mecoy, ok lang na wala hindi mo gusto ang beer. You are not missing anything. To each his own. :)

      Delete
  10. kung saan saan ka n lng pumupunta ..

    -- hmm lasenggoy dapat panglan mo ahaha

    ReplyDelete
  11. I have low alcoholic tolerance. And when I say it's low, it's really loooow. I can manage one or two bottles at the most. I'm going to puke (excuse me) if I take more than that. K, share lang. Hahaha.

    Okay. I'm gonna include that one in my must-taste list. Mehehe~

    Have a safe stay there in Bataan Ser.

    ReplyDelete
  12. ser kulapitot, ayan ang trabaho ko. hindi siya gala lang.

    saka grabe naman ang lasenggoy. hindi naman ako naglalasing. :(

    ReplyDelete
  13. ser hoobert, salamat. Okay naman ako nung nasa bataan. naenjoy din naman ang solitude nung gabi.

    at okay lang na mbaba tolerance mo sa alkohol. hindi naman yan sukatan ng kagalingan. haha.

    salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  14. mahal ba yang kirin ichiban? ;-) maganda yung packaging.

    ReplyDelete
  15. Kahit na sabihin mong iba ang amoy at lasa, basta beer, ayoko! Hehe.. Ano ang formation? Haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Miss Joanne, walang pait o sipa tong beer nato. Watered down talaga.

      Yung formation ay psychosocial sessions na binibigay ko sa mga kabataan na nakaranas ng kahirapan at hindi magagandang pangyayari sa buhay.

      Yun loosely used word ay, para siyang "therapy" sessions.

      Delete
  16. na curious ako sa kirin beer. sana makakita ako nyan :)


    ang galing pala ng formation - in a way nakakatulog ka sa mga kabataan. clap clap sayo ser! :)

    ReplyDelete
  17. ser zai, sa mga jap restaurant meron niya foshu :)

    ReplyDelete
  18. parang Cali lang ganon? hehehe

    gawa pala sa china baka may melamin yan. tnt

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser bagotilyo, hindi ko pwede ikumpara sa cali. Iba kasi siyang uri.

      Haha. Palagay ko naman wala tong melamin. :)

      Delete
  19. Oyy okay yan ah. Pang MASmahabahabang kwentuhan! Ang presyo kuya?

    ReplyDelete
  20. di ako mahilig sa beer ayoko ng lasa at amoy eh haha

    anyway..ano yung formation? di ko nagets.

    ReplyDelete
  21. miss jaid, tingnan mo na lang yung reply ko na nakaaddress kay miss joanne :)

    ReplyDelete
  22. napeke ka ng kirin na yan ah.. ehehehe...

    ReplyDelete
  23. oo nga ser potpot, na-japeke ako ng kirin.

    ReplyDelete