Wednesday, November 14, 2012

Sinisinok ang utak ko

Lumalala na ang pagiging makakalimutin ko. Nung isang araw gumawa ako ng account para internet monitoring ng bank account ko. Matapos ang isang araw, nakalimutan ko ang user name at password. At matapos ang halos sampung pagsusubok makapasok, ito ang lumabas:
Sinubukan kong tawagan yung numero na nakalagay pero hindi ako makapasok. Hanggang sa tuluyan ko na siyang nakalimutan. At tinamad na rin.

Nito ring mga nakaraang linggo, naiiwan ko ang selpon ko sa opisina. At kapag nakita ko na lamang siya sa sumunod na araw, saka ko na lang mapagtatanto na hindi ko nakasama ang gadget magdamag.

Kanina sa laboratory preschool, may dumaan na isang mas matanda sa akin na lalaki. Nginitian ako at nilampasan ko lamang.Medyo nasaliwaan ako kung ngingiti o hindi kaya nilampasan ko na lamang. Hinabol ako ng lalaki at tinawag ako sa una kong pangalan. Matapos madinig ang boses niya, doon ko lamang naisip na isa pala siyang magulang ng batang tangan ko sa klase. Nakakahiya. Buong oras na kausap ko siya, hindi ko maalala ang pangalan niya.

 Nangangamba ako na mabilis na bumababa ang punsyon ng aking utak. Kung sa esperma, nawawalan na siya ng hubog. Kung sa posporo, ayaw na niyang magningas. Pumapaltos na ang makina na siyang pangunahing pundasyon kung bakit ako nagtatrabaho sa akademya. 

Kanina habang nagbibigay ako ng lektyur sa kapangyarihan ng social contruct ng pamilyang Pilipino, biglang nawala ako sa daloy ng diwa ko. Pasimple kong hinanap ang notebook na sinulatan ko ng mga punto na pagtalakay ko. Mahigit isang minuto bago ko napagtanto na hawak ko lang siya.

Kung magtutuloy-tuloy ito, alam kong mawawalan ako ng trabaho matapos ang semestreng ito.

30 comments:

  1. magpakunsulta na kay Dok, ser!

    pero may mga mild na experience din ako nyan, dumadating pa nga sa punto na tatlong araw wala sa akin ang phone ko dahil nakalimutan ko kung saan ko ito nalagay!

    God Bless sayo ser, ingat ingat din!

    ReplyDelete
  2. naku ser inong, nakakatawa kasi parang ang lumalabas e parang ang tanda tanda ko na pero hindi naman talaga. ang pagpapakonsulta sa doktor ay isa sa mga last option :P

    ReplyDelete
  3. parang unti unti na rin akong nakaka experience ng ganyan.. nagtataka nga din ako... may mga bagay na madali kong makalimutan...

    ReplyDelete
  4. ser jondmur, comfort na madinig na hindi lang ako ang nakakaranas nito.

    ReplyDelete
  5. Baka kung ano na po yan... pacheck up u na po sa specialist...

    u need memomy plus...=)

    ReplyDelete
  6. mukhang kailangan mo ng memoplus gold ser

    ReplyDelete
  7. sir bawala ang pork, bawal ang beans... lol naku sir nung nakaraang araw lang din ay nakalimutan ko ang password ko sa online banking internet ko. Buti nalang at naitawag ko na.
    Makakalimutin narin ako sir. Pumapalya narin ang isip ko. Pero ang puso ko hindi parin nakakalimot.

    Boom!

    ReplyDelete
  8. ser marami lang siguro kayong iniisip na mas importante kaya po kayo ganyan ngayon.

    ReplyDelete
  9. miss hash, wala akong pera pang espesyalista :)

    ReplyDelete
  10. ser bino, naku naman. hahaha. wala pa akong trenta para magsupplement ng ganyan :)

    ReplyDelete
  11. ser archieviner, hindi ako nagpopork kahit nung bata ako :)

    ReplyDelete
  12. ser cyron, bakit may po? palagay ko magkaedad lang talaga tayo sa tunay na buhay :)

    ReplyDelete
  13. O kaya baka kailangan niyo lang ng pahinga ser. Tara beerhaws!

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  14. hmmm sign of aging na yan. hehehhee.pero no joke patingin ka sa doctor

    ReplyDelete
  15. haha akala ko ako lang nagiging makakalimutin. minsan very Dory from Finding Nemo pa nga ang lala ng kalimot ko. Ano ba pwede natin gamot?! :)

    ReplyDelete
  16. ser mike, probably. for the past two weeks, i am having erratic sleep pattern. i'm on medication. baka side effect ng gamot yung kakaibang oras ng pagtulog. tapos epekto ng kakulangan sa pagtulog yung pagiging tanga ko :/

    ReplyDelete
  17. ser jay, di ako mahilig sa beer house e :P

    ReplyDelete
  18. miss phioxee, naku bata pa ako. seryoso :)

    ReplyDelete
  19. ser zai, ang sagot ay mag-hire ng personal assistant :)

    ReplyDelete
  20. miss cheenee, sige try ko mag b complex. kaya lang pampagana din yun ng pagkain na hinding hindi ko kelangan :)

    ReplyDelete
  21. i an relate to that. ako naman, naisip ko na nangangamatay na brain cells ko sa kakainom kaya naging malilimutin ako. LOL. ;)

    ReplyDelete
  22. naku ser denggoy mukhang excessive na ang pag-inom. kelangan imoderate.

    ReplyDelete
  23. Baka naparami ang kape mo.. Hehe

    ReplyDelete
  24. relate relate relate ako din napaka lilimutin ko na naun pa lang as in

    ReplyDelete
  25. miss jlapis, mas bawas na nga ang kape at softdrinks.

    ReplyDelete
  26. ser mecoy, kung gayun mas malala ang kalagayan mo. ang laking bata mo pa naman sa akin.

    ReplyDelete
  27. naku mahirap nga yan.. parang ganyan na rin ako minsan.. kain kang mani... food for the brain..

    ReplyDelete
  28. ser potpot, mukhang kelangan ko na ngang magmani ng balde balde.

    ReplyDelete