Showing posts with label roundtable topic. Show all posts
Showing posts with label roundtable topic. Show all posts

Saturday, April 22, 2017

Naruto, ang bombilya at ang philosophical discussion natin

Habang pareho tayong nagtatrabaho sa Starbucks sa may Sta Lucia:

Ikaw: Nakita mo na yung Ep 461 Season 17 ng Naruto Shippuden?

Ako: Sandali. Check ko 'yung title ng episode. *after a few clicks* Ah, yung istorya nina Hagoromo at Hamura? Oo. Napanood ko na. 

Ikaw: Naalala ko 'yung tree of life sa Genesis.

Ako: Parang ganun nga 'yung storyline. Pareho lang lalaki instead na si Adan at Eba. 

Ikaw: Saka hindi Diyos pero isang nanay mula sa kalawakan. 

Ako: Oo nga. Naalala ko na. Bakit mo natanong?

Ikaw: Napaisip kasi ako kung 'yung tema ng mga buhay natin e parang recycled tema lang. 'Yung iba lang 'yung detalye pero nangyari na. 

Ako: Di ko gets.

Wednesday, April 5, 2017

Bo's Coffee sa Il Terrazo, April 5

Snippet sa reunion namin ng mga kaibigan ko:

B: Uy, alam mo bang nag-grad studies na si A (*ex ko)?

Ako: Di ko alam. Nag-unfollow na ako sa kanya sa FB siguro a year after namin magbreak. 

R: Si S (*ex ko rin) naman, mukhang nag-eenjoy sa kanyang mga arki gig.

Ako: Nag-unfollow ako kay S siguro 5 years ago.

B: Bakit ka nag-a-unfollow lang. Ako nung binata, nag-unfriend ako ng ex ko.

R: Haha. Ako naman, bina-block ako ng mga ex ko. 

B: Bakit contact mo pa rin sa FB yang mga ex mo?

Ako: Bakit nga natin sila pinag-uusapan?

Monday, June 29, 2015

Graduation day kahapon ng UP Diliman.

Naalala ko nung grumadweyt ako noon, hindi ko kasama ang mga batchmates at blockmates ko. Nadelay kasi ako ng isang semestre. Kaya sa sumunod na taon ako nag-martsa. Kung tutuusin, ayoko na noon umatend ng university rites. Kaya langako kasi ang una sa pamilya namin na nag-aral at nakatapos sa UP. Kaya para sa mga magulang ko talaga yung seremonya.

Noong natapos ako, sabi ko magagawa ko na yung gusto kong gawin --ang fulltime na maglingkod sa bayan. Tangay ang idealismo  at nasyonalistang edukasyon, sabi ko tutulong ako na baguhin ang mundo.

Monday, February 16, 2015

Pebrero 8, sa may Ayala Fairview Terraces

May mga maseselang salita. Huwag nang ituloy kung labag sa kalooban ang makabasa ng mga ganitong shiz. 


Tangna, pare. Umiyak ka rin sa Tadhana? Akala ko ako lang. Patago ko pang pinunasan yung gilid ng mata ko, ikaw din pala.

Thursday, December 18, 2014

Honoring Dad

It has become such time when being meaningfully "fathered" becomes so rare. I am a privileged anak to have a Dad like you. You make sure that my needs are provided for. You crack corny jokes when life gets serious or when I am very tense. You never fail to randomly say that you love me. And you are praying for me.

Monday, December 15, 2014

Para sa kaibigang kong desaparecidos,

Patuloy akong aasa na buhay ka
Aasa na magkakaroon ka ng pagkakataon
Na makaranas 
Na magmahal at mahalin.

Friday, April 18, 2014

Wednesday, May 8, 2013

Para sayo H*

Dadalawin sana kita sa Dubai last month. Kaya lang hindi naman ako pinayagan mag-leave sa trabaho. Pero masaya ako nung nag-skype tayo nung isang araw na nakangiti ka na. Humirit ka pa nga nga ng juvenile joke tungkol sa paligsahan ng Hapon, Amerikano, Pranses, Aleman at Pinoy. Natawa na lang ako dahil benta pa rin sa akin ang korni mo na mga jokes.

Okey ka na nga. Siyam na buwan ka rin na hindi naka-move on sa break up niyo ng syota mong may pamilyang matapobre. Pabackground check ka ba naman at hiningan ka pa ng NBI clearance ng erpats niya nung nalaman niyang kayo na ng syota mo. Ex-syota pala.  Syempre sayo, okey lang yun. Mahal mo e. Pero ako na-offend para sayo. Kelangan talaga NBI clearance. Hayop na mga burgis yan.

Nakatulong nga yang pagdu-Dubai mo. Hindi nga kinaya ng araw-araw kong pagdadala ng limang bote ng yakult yang pag-eemo shiz mo. Okey na nga na binago mo lahat, tinapon ang ayos mong trabaho dito sa Pinas para makapagsimula ulit .Hindi ko alam kung disyerto ba o yung mga camel diyan sa Dubai ang may healing power para sayong basag ang puso.

Monday, April 1, 2013

Coming home

My memories begin with that boat I made for a school project in preschool which was framed and hanged on my bedroom wall in Nasugbu, thanks to dad who's either a sentimental shiz or just a person who labels everything his son does as an obra.  I made that boat during Ramos' turn as president. That old, thin framed man smoking cigar, posing for a photo opt that would gladly be reproduced by national bookstore and sold to those old, dilapidated and overpopulated public elementary school rooms. Those Ramos' days, when he was proudly telling the world how fun it is to out-date martial law and outsmart that gruesome, cunning dictator.

Of the times before Ramos, I remember little: fleeting, ghostly blurred images of news about coup d'etat and blackouts, of being wounded when I tripped from running in a pavement near the public plaza, of those rings that changes colors and tells you how you felt. Just those blurred snap shots. Nothing else. I must have been sleeping all day long before Ramos' time. Before that boat was made. And framed.