Monday, December 15, 2014

Para sa kaibigang kong desaparecidos,

Patuloy akong aasa na buhay ka
Aasa na magkakaroon ka ng pagkakataon
Na makaranas 
Na magmahal at mahalin.


Umaasa ako na pansamantala
Lamang ang iyong pagkawala
At madidinig ko rin ang tinig mo, 
Bukas, makalawa.

Magiging awkward ang muli
Nating pagkikita pero tandaan mo
Ako ay nananabik
Na muli kang masilayan. 

Pag-uusapan ulit natin
Ang buhay, mga aklat, pag-ibig, musika,
Mga personal na alaala, 
Pati kasaysayan ng bayan, natin. 
Natin.


---------------------------
Hindi madali ang buhay ng pamilya at kaibigan ng desaparacidos.


11 comments:

  1. i dunno why pero this post brings a sudden sadness to me...

    ReplyDelete
  2. ni-google ko pa talaga yung desaparacidos....---disappeared.. baka naman hiatus nga lang naman... pero mas mahirap nga naman yung isipin kung nasan ang mga desaparacidos..puro speculations.. Sana umuwi na sila.. Sana magtext na sila. Char! Anoberrrr..... Hayzzzt

    ReplyDelete
  3. Mahirap talaga sir. Pamilya kami ng desaparasidos </3

    ReplyDelete
  4. may dalawang tao na nagsasagutan sa tula sa parehong ideya
    ganyan ang dating sa akin nung nabasa ko ito :)

    hindi ko rin matiyak kung sa pag-ibig o pangungulila o pareho ang binabanggit sa tula,
    masyado ako naapektuhan ng pagkakahati sa kaliwa at kanan ng mga linya hehehe

    kamusta ka na sir? :)

    ReplyDelete
  5. Bilang isang kaibigan ng ilang mga kasama, ramdam ko ang pait at lungkot at hapdi ng pangungulila mo.

    ReplyDelete