Wednesday, October 31, 2012

Hindi naman lokal na selebrasyon ang haluwin.



Bukas Nobyembre na at ehem, wala pa ring sweldo galing sa gobyernowz. Kapag sa pasukan ng ikalawang semestre, wala pa rin akong sahod, aba, tuluyan na akong magiging j3j3mOn Pho3WhhZz. Peksman.

Uuwi ako ngayon at baka hindi makapag-online ng ilang araw. Baka ha, baka. Probinsya kasi kami na pinaghalong pangingisda at pagtatanim ng tubo ang pangunahing pinagkakakitaan. AT hindi lifetsyle ang pagkakaron ng wifi sa bahay. Para lang yun sa mga may kayang taga-lungsod at ginagawang bakasyunan ang bayan namin. Parang ikaw na nagbabasa nito. Lols.

Tuesday, October 30, 2012

Looper, tsubibo night

Dahil tapos na ang semestre, nagkitakita ulit kaming mga magbabarkada na nagtuturo sa unibersidad. Magkakaiba kasi kami ng kolehiyo at malalayo ang gusali sa bawat isa. Matapos ang isang buwan, nakita namin na tumanda ang mga mukha namin ng pitong taon. Hindi kasi madali mag-check ng mga requirements at exam ng mga bagets.

Kain lang sana sa labas. Ako, si Jops, si Andrew. Kaya lang, nagsabi si Jops na gusto manood ng sine. Ayaw ni Andrew kasi pumunta sila ng asawa niya nung isang araw sa sinehan at walang nakitang magandang palabas. Okay lang sana sa akin manood ng sine basta Tiktik ang panonoorin. Si Jops, buo na pala ang utak na manonood kami ng Looper.

Kaya ang kainan na dapat ay gagawin sa Morato Area ay nauwi sa Trinoma. Dadalhin ni Andrew ang asawa niya, na okay lang dahil hindi naman boys-night out. Saka swabe kasama ang asawa niya, parang one of the boys, kaya ayos lang sa amin. Hindi pwede sa ganitong lakaran yung mga nag-i-insist na babae sila at kelangan ng espesyal na atensyon. Atensyon our kilikili. Lols.

Dahil may common friend ako, si Jops at si Andrew na nagtuturo din sa unibersidad na hindi namin masyado nakakahang-out sinama na rin namin si Miss Jay. Babae pero Jay ang pangalan. Tatlong lalaki at dalawang babae, sakto na para ituloy ang spontaneous na labas.

Tiktik pa rin ang gusto ko sana manoorin kaya lang masyadong pihikan tong si Jops. Hindi nanonood ng lokal na pelikula. Si Andrew, hindi mahilig sa horror. Si Jay lang kakampi ko. E dahil si Jops ang pinakamaselan sa mga lakaran, pinagpaubaya ko na sa kanya ang desisyon na panonoorin.

Monday, October 29, 2012

Para kay qUEENIE

Galing sa link sa taas ang larawan.

Sa gabing ito, magluluto ako ng Kung Pao Pasta. Paghahaluin ko ang dugong singkit na nananalaytay sa dugo ko pati na rin ang karanasan kong umibig sayo na manloloko at mahilig kumain ng pasta.

Sa gabing ito, lalagyan ko ng maraming maraming dinikdik na mani ang sauce na ito. Dinikdik at pinino, katulad na lamang ng ginawa mo sa puso ko noong bigla mo akong iniwan ng walang paalam at sumama sa iba.

Aanghangan ko ito ng makalawang beses katulad ng mga pagkain sa Sichuan, bilang pag-alaala sa pag-iwan sa akin at pagsama sa pinakamatalik kong kaibigan. Sa lahat ng aakitin mo, ang pinakamatalik ko pang kaibigan.

At habang hinihintay kong kumulo ang sauce, ihahanda ko na ang pasta. Ang binili ko ay yung penne. Kasi iyon ang paborito mong pasta sa lahat ng uri.

Ilalagay ko siya sa malaking metal na kalderong binili ko. Yung kasing laki ng maliit na batya na kayang pagbabaran ng pitong damit, apat na brief, dalawang pares na medyas at isang panyo na ginamit ko nung isang araw na naglasing ako dahil naalala kita. At iniyakan kita ng sobra-sobra.

Sunday, October 28, 2012

PGSMBA NI PLBY

Matapos ang ilang buwan na hindi makapunta/ pumupunta sa simbahan, excited ako ngayon na magsimba. Huuuwaaaw! Oo, excited ako mag-church ngayon.

Dumaan ako sa 2 buwan na dragging sa akin pumunta sa Sunday service dahil sa sobrang pagod sa trabaho. Mas nanaisin ko na lang matulog o manood ng telebisyon kesa sumimba.

Pero ngayon, TSANAN, sisimba ang Palaboy. Kasama ang kanyang mga kabarkada. Tingnan natin kung paano ang kalalabasan nito.

Friday, October 26, 2012

Briefing sa mga naglulunoy sa espasyong ito

Una sa lahat, pasintabi sa huling post. Kung may naoffend sa paggamit ko ng salitang fuck or fucked up o fucked up life, pasensiya. Sa ganang bokabularyo ko kasi ayun ang pinakamahusay na salitang maglalarawan ng mga nakaraang araw.

Noong una, gusto ko sana sabihin sa ilan na wala akong pakialam. Pero alam ko sa puso ko na meron akong paki. At sa gawain ng pagtulong at sa usapin ng disiplina ng Pagpapaunlad ng Pamilya (Family Development) at ng Gawain Panlipunan (Social Work), hindi maaaring sabihin na wala tayong pakiaalam. Labag sa prinsipyo ko na sabihin (sa soshyeleng Ingles) ang I don't care. Kasi dapat mangialam talaga.

Sa ganitong punto, gusto ko lang sabihin na ako man ay nahihirapan hulmahin ang mga salitang gamit ko. O dili kaya ay ikahon sa mga mabubuting bagay lang ang mga subheto na tinatalakay ko sa personal na espasyong ito.. Gustuhin ko man na happy-happy o fully inspirational ang moda ko, hindi ako ang ganoong uri ng tao.

Thursday, October 25, 2012

Wasted on fixing all the problems that you made in your own head



So you have been working your ass off for the job you think will benefit your country. But your country does not give a damn about what you are going through because really, everyone is busy minding their own petty problems.

Social awareness will only bring you to a point of poverty. And Maslow will laugh out loud because he will prove himself right again that idealism will not fill in your hungry stomach.

Funny that you struggle for  reform that only you believe in.

Wednesday, October 24, 2012

Pressured si Palaboy

Nagpaalam ako sa mga boss sa department namin na dito ko na lang kakanain sa bahay yung anim na narrative reports na deadline ko by the afternoon. Mas nakita kong mas produktibo ako magsulat sa bahay nitong nakaraang araw kesa magtrabaho sa airconditioned na kwarto sa unibersidad. Iwas kwentuhan din kasi kasama ang mga co-faculty kaya mas pokus sa trabaho.

Pero naiiba ang araw nato. Dalawang oras na simula ng magising ako. Nahigop ko na rin ang ginawa kong hot choco mula sa tablea pero mabagal pa rin ang takbo ng diwa ko. Halos dalawang oras nako nakatitig sa screen ng laptop. Bagamat una kong plano ay iwasan ang kape, mukhang kelangan na iboost ng caffeine ang medyo batugan kong utak at katawang lupa.

Monday, October 22, 2012

Fishery geeks storm Oyster Bay

B3 at ang pinakagwapong Palaboy
One thing that prolly made connection between me and B3 is that we had common grounds on formal fishery education. He finished his bachelors degree in Fisheries while I went to a fishery school when I was in high school.

I remember we had a handful talk about jigger (used to catch pusit), pante (a local fishnet) and our share of opinions on the strengths and loopholes of RA 8550. B1, who was just a friend to B3 that time would roll her eyes hearing our enthusiasm on brackish water fish discussion.

We are the fishery geeks.

So when I went to Cebu last week, B3 brought me to Oyster Bay Seafood Restaurant, not because of good food but because of live sharks! Not one but three, swimming on the side of the restaurant "front yard". Imagine my big grin seeing the sharks! Here's a picture from a blog site promoting Cebu City.

Tuesday, October 16, 2012

Meeting B1 at B3

Sojo bottle and puso (rice wrapped in weaved banana leaves).
Delayed ang flight ko ng isang oras. Syempre pa, Cebu Pacific. Kaya ayon gawa na lang ako ng mga narrative report na kelangan sa trabaho.

May nakasabay pala ako na hot chick. Katabi ko sa eroplano. Tapos nginitian ako. Hehe. kilig lang. Parang yung pagnatatapos umihi.

Tapos pag dating ko, nandun sina B1 at B3. Yung mag-asawang kaibigan na hosts ko dito sa Cebu. Isasabay dapat namin yung hot chick. Kaya lang mukhang mataray daw.

Ayun, dinala ako sa kainan na ihaw-ihaw. Ang kanin nila ay nakabalot sa saging. Ang tawag nila ay puso. (Binibigkas na walang impit sa dulo.) At dahil madaming koreano pala dito, may available na sojo. Ayun, ako lang ang lumuglog. Masaya ang unang gabi.

Monday, October 15, 2012

Lahat tumatambling pagpatapos na ang semestre

Ayan ang dining table ko sa bahay. Malaki yan. Kompara sa study/ work table ko. Kung paanong nagsusunog ng kilay ang karamihan ng mga bagets sa mga oras nato sa pagtatapos ng semestre, ganun din naman kaming mga instraktor nila.

Yung sa kaso ko, talagang sinusuyod ko yung mga pinasa nilang mga papel. Gusto ko syempre na timbangin ang mga output nila sa ibibigay kong grado. Katulad nung nasabi ko noon, walang nakauno. Relatively, mataas naman sila. May dalawa lang na naka-dos at isang naka-2.25. Yung iba, okay naman ang standing. Kumpara sa impresyon ng karamihan, wala naman bagsak. Walang mag-uulit. Wala lang naka-uno. ganun. Ibuburo ko muna ang grado nila sa linggong ito bago ko ipasa sa susunod na linggo.

Sunday, October 14, 2012

Bubuwelo ng bahagya

If only I can taste the sunset in Cebu, I know it will taste something like this. I'm just so looking forward to spend the entire week in Cebu with some good friends I have since college days.

I don't think I'll be able to do much like Ser Will's narrative of Cebu experience. (Aba, umi-english ako! Wihi! Balik Filipino. Di kakayanin na panindigan.) Ibang lebel naman kasi ang galing ni Ser Will *luhod, yuko at samba*. Baka nga wala talaga akong makwento sa inyo.

e.e. cumming's wisdom

  To be nobody but yourself in a world which is doing its best day and night to make you everybody else, means to fight the hardest battle which human beings can fight, and never stop fighting.


Thursday, October 11, 2012

Mga notes kanina mula sa diskusyon ng mga babae

Maraming adjustment simula June noong nagwork ako sa departamento sa unibersidad na karamihan ay babae. Dalawa lang kaming lalaki.
  1. Ngayon ko lang napansin na kapag umaga kung walang pabango ang mga babae, kalimitang amoy shampoo sila. Matapang talaga ang amoy ng shampoo sa mga babae.
  2. Amoy pulbo ang common washroom.
  3. May extra shoes ang mga babae sa mga cubicle nila, nakatago.
  4. Hindi lahat ng babae ay malinisin. Madami din sa kanila ang makalat.
  5. Madami ang nababanguhan sa tutti-fruity na scents ng pabango. Naasiwa ako sa ganun. Hindi ko alam kung bakit madaming babae ang adik na adik na maging kaamoy sila ng fruit salad o kaya mansanas at saging.

Thought for the week

Nung Lunes napagdiskitahan ako na mag-thought for the week sa flag ceremony. Oo, may flag ceremony kami sa unibersidad. Tuwing Lunes. Kasama ang mga kawani. Dahil kami ay pampublikong pamantasan.

Heto yung na-share kong thought for the week:
Hindi lahat ng kwento ay totoo. Hindi lahat ng totoo ay dapat ikwento.

Tuesday, October 9, 2012

Bilang instraktor, nalulungkot ako na

Pakiramdam ko ganyan ngayon. Walang mukha.*
mukhang wala akong mabibigyan ng uno na grado sa semestreng ito. Hindi pa naman tapos ang pagche-check ko ng mga requirements ng mga bagets. Meron pa akong binabasa na requirement na 35 porsyento ng kabuuan nilang grado.

Mahaba-haba ang papel na iyon kasi patungkol ito sa pag-analisa nila sa mahirap na taga-lungsod na pamilya. Bawat isa sa kanila ay malayang makapipili ng unit na gusto nilang interbyuhin, pakipamuhayan at alamin ang buhay pamilya.

Ito na yung paglalagum ng mga teorya at konsepto na pinag-aralan namin sa Family Science. Titingnan nila ang dyads sa pamilya, yung interaksyon, pagdaloy ng kapangyarihan, paggawa ng desisyon, paggamit ng mga resources, kahulugan ng espasyo sa tahanan, mga alitan at pagresolba nito. Ganun.

Syempre, dahil akademikong materyal ito, gagamit sila ng teorya sa pamilya sa pag-analisa. At kelangan nila na magbasa ng literatura patungkol sa uri ng pamilya na gagawan nila. Halimbawa, ang napili nilang pamilya ay yaong may apat na henerasyon na naninirahan sa iisa lamang na bahay. Kung istraktura ang pag-uusapan, extended family ang tawag dito. Hahanap sila ng mga scientific journal na may kinalaman sa ganung topic.

Sunday, October 7, 2012

Hopi chichers dey!

Huli man ang post at huli man ang selebrasyon, eto pa rin ang wapak na trip sa selebrasyon ng teacher's day.

Tumalontalon  ako sa inflatable kastilyo nato kasama ang mga co-faculty ko. Haha. Sampung bata kada gamit dapat. Pero dahil matanda kami, lima lang ang pwede sa loob.

Hindi ako nakapag-ganito nung bata ako. Mahal kasi. At para kay ermats, mas ibibili niya ng pagkain tulad ng dates at pistachio nuts kesa magtatalon-talon kami sa ganyan at magbayad.

Friday, October 5, 2012

Palaboy sa Beta way

Napadaan ako sa Beta way ng UP Diliman. Naalala ko ang Elbi sa senaryong ito. Pati na ang curry sa IRRI. At fresh milk. At Bundok Makiling. At murang mga pagkain. At mataas na sense ng community sa mga student organization ng mga estudyante doon.

Bihira lang makapaglakad-lakad para mag-isip at magproseso ng mga pangyayari sa buhay at relasyon. Nakikipag-agawan kasi ngayon ang trabaho sa personal na espasyo. Buti na lang may magandang sikat ng araw kahapon. Kaya hindi na ako nag-atubili na maging palaboy.

Wednesday, October 3, 2012

Sosyal na hapunan

Kagabi, kinindatan ko na lamang ang gabi. Hindi ako nakakain ng anuman para sa hapunan.Pero bumawi ngayon. Rakstar ang dinner ko.

Yung isa ko kasing co-faculty, binigyan ako ng tatlong balot ng kesong puti. Linggwahe ng pag-ibig ko pa naman ang pagkain. Pakiramdam ko, mahal na mahal ako ng mga taong nagbibigay sa akin ng mga pagkain na gustong gusto ko.

Ayan tuloy, sa kabila ng buhay below the poverty line level na na-set ng gobyerno, sosyal ang dinner ko ngayon. Kesong puti, toasted bread at beer. Oo, dapat beer yan. Kaya lang naubusan sa tindahan na malapit sa amin kaya Tanduay Ice na lang.

Monday, October 1, 2012

Rebyu tungkol sa...

...mga estudyante na  naghahanap ng rebyu tungkol sa pelikulang Ang Nawawala.

(Kung isa ka sa mga estudyante na gomogoogle ng film review nito, eto ang listahan ng mga online reference mo. O kaya ito. Nakakahiya naman sa iyo. Para di ka na mahirapan.)

Ilan kaya sa mga faculti ng unibersidad ang nagpagawa ng rebyu sa pelikulang yan?

Habang patapos ang semestre, dumadami ang hits ko sa espasyo ko sa blogospero dahil sa paggoogle ng pelikulang yan. Alam ko naman na hindi maso-Sotto ang sinulat ko dahil malayo ito sa pagiging komprehensibo. Hindi din naman ako film critique. Sa katunayan, mangmang ako pagdating sa film theories. Bobong-bobo.

Natatawa lang ako na kelangan pang maghanap sa internet ng film rebyu ng mga estudyante bago sila gumawa ng sarili nilang pananaw patungkol sa pelikula.

Napaisip tuloy ako. Hindi na ba marunong gumawa ng pantayong pananaw ang mga bagets ngayon? O hindi sapat ang karanasan nila sa panonood ng pelikula at kelangan pa ng supplemental na pagbabasa?