Thursday, October 11, 2012

Mga notes kanina mula sa diskusyon ng mga babae

Maraming adjustment simula June noong nagwork ako sa departamento sa unibersidad na karamihan ay babae. Dalawa lang kaming lalaki.
  1. Ngayon ko lang napansin na kapag umaga kung walang pabango ang mga babae, kalimitang amoy shampoo sila. Matapang talaga ang amoy ng shampoo sa mga babae.
  2. Amoy pulbo ang common washroom.
  3. May extra shoes ang mga babae sa mga cubicle nila, nakatago.
  4. Hindi lahat ng babae ay malinisin. Madami din sa kanila ang makalat.
  5. Madami ang nababanguhan sa tutti-fruity na scents ng pabango. Naasiwa ako sa ganun. Hindi ko alam kung bakit madaming babae ang adik na adik na maging kaamoy sila ng fruit salad o kaya mansanas at saging.

At habang ang mga bagay na yan ay aking nadidiskubre, e sadyang adjust kami ng husto ng co-faculty ko na lalaki. Minority kami e. Kami tuloy yung kapag nagkwekwentuhan e pabulong o kaya lumalabas ng kwarto. Hindi pa namin alam ang code of ethics sa faculty room conversations. Nagdedecode pa kami ng rules.

Kanina, nakalimutan ng mga intraktor at propesor na mga babae na dalawa sa faculty room ay lalaki. Nag-uusap sila tungkol sa regla. Ewan ko ba, hindi naman ako nadidiri sa regla. Dugo lang naman siya, at hindi ko naaamoy kaya balewala sa akin. Although sabi sa akin noon ng Grade 5 teacher ko ay malansa daw ang amoy. Pumasok sa utak ko tuloy ang tinanggal na hasang ng isda. Baka ganun ang amoy.

Basta ang konklusyon ko lamang base sa usapan nila kanina ay:
  1. Sumpa ang disminoriya. 
  2. Iba din ang hirap kapag iregular ang buwanang daloy. 
  3. Minsan, hindi sapat ang sanitary napkin, diaper talaga ang gamit.
Dahil regla na rin ang usapan nila kanina, nakiusap din ako na kung pwede ay ibalot ng husto sa mga used papers yung mga nagamit na pasador. Nakikita ko pa kasi yung mga bloody napkins sa walang takip na trashcan kapag gumagamit ako ng common washroom.

Kanina, tinuruan din nila kami kung paano malalaman ang sukat ng suso ng mga babae. Nakakatuwa kasi napaka-intelektwal ng usapan. Walang halong malisya o libog. Eto yung gusto ko sa atmosphere ng trabaho ko. May malayang talakayan sa mga bagay-bagay. Parang Masteral class lang. May mga diskusyon at paliwanagan. Haha.

32 comments:

  1. Ayos yan ah, marami kang matututunan na maaari mong magamit sa susunod mong relasyon, tulad na lamang ng skill na malaman ang sukat ng boobs niya. Helpful yan lalo na Kung bibilhan mo siya ng bra or something

    -jlapis.wordpress.com

    ReplyDelete
  2. ang hirap talagang intindihin ng mga babae. pero sila ang dhilan ng pagkalalaki natin hehehe

    ReplyDelete
  3. hay naku. pamilyar na ko sa usapang babae dahil sa kapatid ko. mga di naman tinatanong na topics ang maligalig siya i-share.

    anyway, ang na share naman sa akin ng friends ko, ang mga babae daw na mababango (dahil sa perfume/cologne) sila daw yung kadalasang may mababahong... Sabi lang nila yun. open mo minsa yun sa diskusyon ninyo sa faculdad.

    ReplyDelete
  4. ser bino, medyo malaman na talakayan ang statements mo.

    gender construct kasi ang core nung statement mo. :)

    ReplyDelete
  5. ser hustin, naku mukhang hindi ako ganun ka-confident para itanong yan sa mga kasama kong faculti.

    ReplyDelete
  6. marami kasing kung ano anong hormones ang babae! hahaha.

    ReplyDelete
  7. Di ko rin maintindihan ang mga babae. Minsan gumagamit din ako ng shampoo nila pero di naman matapang ang amoy sakin. Ayaw ko rin ng tuity fruity na amoy T.T

    ReplyDelete
  8. miss nyabachoi, nung una akala ko urban legend lang yang hormones na excuse shiz na ganyan. ngayon surrounded nako ng mga babae, parang napapaniwala na ako na totoo yan.

    ReplyDelete
  9. ser archieviner, haha XD natatawa ako sa pagsabi mo na gumamit ka ng shampoo na pambabae pero wala naman amoy. hahaha XD

    ReplyDelete
  10. @ser archie & @ser palaboy
    Baka dahil mahahaba lang ang buhok nila kaya mas madaming kakapitan ng amoy. hehe

    sakin oks lang tutti frutti wak lang dadamihan. medyo malakas pang-amoy ko e (bumawi ata sa pagkalabo ng mata ko). nahihilo ako pag may nagpaligo ng pabango na malapit sakin. XO

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  11. oo amoy shampoo nag sa umaga mga babae halos lahat ewan ko ba haha

    about sa menssss issue wa din ako alam as long as maayos at malinis sila oks na yun

    ReplyDelete
  12. Hindi ba pareho lang ang shampoo ng mga babae at lalake? LOL baka conditioner 'yung naaamoy mo hahaha!

    ReplyDelete
  13. pareng jay, ayan din eksplanasyon ngayon-ngayon lang ng co-faculty ko. dahil daw mahaba ang buhok kaya may mas kakapitan ang amoy. :)

    ReplyDelete
  14. ser mecoy, haha. totoo. kapag nagkocommute ako, ganun nga :P

    ReplyDelete
  15. ser gasoline, specialized na ngayon. meron bukod pamlalaki at pambabae na shampoo :) isang karangalan ang madalaw mo. hahaha XD

    ReplyDelete
  16. yung isa kong kakilala, nagkakaron ng mga bugbog sa katawan pag may mensss...

    hintayin mo kapag sa sex napunta ang topic. da best. hahahaha

    ReplyDelete
  17. marami akong kaibigang babae.. kaya wala sa akin ang ganyang usapang babae... actually sanay na ako..

    ang nakakailang lang is kapag ang pinag-uusapan nila is about sa lalaki (not love life but rather yung pang-adult na usapan and yet not necessarily malaswa - parang human anatomy lang).. tapos tatanungin nila ako ng opinyon ko or asked me kung totoo yung pinag-uusapan nila.. Worst is, kung ako lang yung lalaki sa grupo at wala akong kasamang mag-explain :p

    ReplyDelete
  18. ser denggoy, hindi ako mahilig sa usapang sex e.

    ReplyDelete
  19. Feeling ko conditioner yun naamoy mo, lalo na pag cr***silk ang gamit, ang tapang ng amoy, parang hindi nagbanlaw kasi, kaya iba gamit ko e, hehehe..

    Gusto ko yun perfume na medyo citrus-y yun scent pero ayoko ng tutti frutti..

    Haggard naman kasi talaga ang dysmenorrhea, hinimatay na kaya ako ng dahil lang dun, hehe! O nakidagdag pa ko sa usapan, haha..

    ReplyDelete
  20. haha. anlakas maka-awkward. inosente lang.

    ReplyDelete
  21. May natutunan akong konti mula sa post mo, di ako masyadong aware dyan hehe..

    ReplyDelete
  22. miss joanne, paeeho kayo ni ser gas ng sinabi. naku bagay kayo. kelangn ko kayo ipagmeet sometime para magkakilala kayo ng lubusan :))))

    ReplyDelete
  23. ser olivr, san ang awkward, yung umpisa o yung dulo na bahagi? :P

    ReplyDelete
  24. ser ric, alin naman ang natutunan mo?

    ReplyDelete
  25. hmmmp! buti alam mo!

    :D


    just me,
    www.phioxee.com

    ReplyDelete
  26. ang tungkol sa muscle cramps bunga ng buwanang daloy? idea, oo. pero yung karanasan at tunay na pakiramdam, hindi. buti na lang lalaki ako na walang ganyan.

    ReplyDelete
  27. At may matchmaking talagang naganap.. hinanap ko tuloy ang comment si mr. gasoline, ayiii.. chos!

    ReplyDelete
  28. miss joanne, pabalik siya ng pinas. yihi!

    ReplyDelete
  29. Sa department namin sa office dati ako lang ang ginoo, lahat sila ginang. Mejo kakaiba nga. Pero after a while, tinrato na rin nila akong one of the girls. Non-stop girl talk sila sa harap ko. 24/7 ito. Pero okay lang, masaya naman kasi paminsan ang usapan.

    ReplyDelete
  30. ako naman ser visual v ay natutuwa kapag medyo at ease na sila sa amin na lalaki sa faculty room. although paminsan minsan mas gusto ko pa rin na may pormalidad. yung close pero may propesyonal na bawnderi. ganun :)

    ReplyDelete